Chapter 9

2250 Words
By Michael Juha getmybox@hotmail.com fb: Michael Juha Full ---------------------------- Isinara ko kaagad ang pinto noong makapasok na at agad kong hinarap si Kuya Rom na nakaupo lang sa sofa habang nakikinig sa tugtog. Nakahubad siya ng pang-itaas na damit at hawak-hawak pa ng isang kamay ang isang bote ng beer. “Ba’t ka nandito?” ang mataray kong bulyaw habang nakatayo sa harap niya at nakapamaywang pa. “Ba’t ka ginabi? At sinong kasama mo?” sagot naman niya kaagad, hindi sinagot ang tanong ko, ang magagandang pares ng mga mata na tila malalaglag na sa pagkalasing ay nakatutok sa akin. “Abaaaa, isang tanong lang ang sa akin nakadalawa na siya!” sigaw ng utak ko. “Wala kang paki kung gagabihin ako no? At ang kasama ko naman ay isang matinong tao na di kagaya mo! Ba’t ka nandito?” ang pag ulit ko sa tanong ko. Hindi pa rin niya sinagot ang tanong ko. “Wow… matinong tao, huh!” ang sarcastic niyang tugon. “Bakit sino ba ang ipinagmamalaki mong m-a-t-i-n-o na taong yan?” pag-emphasize niya sa katagang “matino” “Si Kuya Paul Jake” pagmamayabang ko. “Siya lang naman ang nakakaintindi sa akin eh.” Dugtong ko pa sabay pang-ismid. “Paul Jake pala ha…?” at tumango-tango siya. Alam ko ang ibig ipahiwatig ng pagtango-tango niyang iyon. Malaswa. “Opo! Siya nga.” ang sarcastic ko ring tugon. “Alangan namang iyong sa Pinoy Big Brother Doubleup. Hindi pa kami ganyan ka-close noon at busy na iyon ngayon dahil marami na siyang fans! Iyong Paul Jake na kasama ko ay kasama rin natin sa team na spiker pero di hamak na mas guwapo, mas matalino, at mas mabait kaysa sa iyo!” pagpapasaring ko, inaasahang masaktan ang pride at magrereact. “Ganoon?” ang sagot lang niya na dedma na sa sinabi ko, sabay tungga sa hawak-hawak na bote ng beer. Feeling nainsulto naman ako sa sagot niya. Hindi ba naman nagreact ang hunghang o kaya ay magselos na may kasama akong iba? “Wala! Wala talagang pakialam sa akin ang hinayupak na to!” Ang sigaw ko sa sarili. At ang nasagot ko na lang ay, “Oo. Ganoon nga!” “Alam ba nina tita na hindi ako ang kasama mo?” Ang kalmanteng singit niya habang kinuha ang remote, pinatay ang sounds at pinaandar ang TV na parang normal lang ba siyang nagtatanong, hindi hindi ako tiningnan. Natameme ako, syempre. Ang ipinaalam ko kasi sa mga magulang ko ay siya ang kasama ko. “Hoy! Sinumbong ba ako?” ang bulyaw ko. “Hindi pa naman… Bakit, gusto mong isumbong kita?” ang tanong niyang tumingin na sa akin. “Tange! Bakit ko gugustuhin iyon? E, di grounded ako nyan? Paano ka pumasok dito na hindi nila nalaman na hindi mo ako kasama?” ang tanong ko, panigurong hindi ako isinumbong. “Simple lang. Noong binuksan ng papa mo ang pinto at nakitang ako lang ang nandoon sa labas, ang sabi ko na lang sa kanya, kahit nagulat din ako na hindi ka pa pala dimating, ay ‘umihi ka pa sa may kanto.’ Kaya hayon, balik tulog uli ang papa mo sa kwarto nila… See? Nagsinungaling ako para sa iyo? Di ka man lang nag-thank you sa akin.” Syempre, touched ako. Kahit ganyan kasi si Kuya Rom sa akin, ipinagtatanggol ako niyan kahit kailan. Mga babae lang naman ang kinaiinisan ko kasi sa kanya. Iyon bang kung sinu-sino na lang ang pinapatulan, at lalo na kapag maganda, i-etsapwera na lang ako. “Mag-thank you ka your face! Wahhh! Likas ka naman talagang sinungaling ah! Tagos sa buto!” ang sigaw ko pang-iinis. Ngunit hindi niya nagustuhan ito. Sa pagkarinig niya sa sinabi ko ay bigla na lang itong tumayo, inilatag sa sahig ang hawak-hawak na bote ng beer at hinablot na ang kwelyo ng aking damit. Syempre, nabigla ako at hindi kaagad nakakilos. Sa tangkad ba naman niya at hawak-hawak pa ang kuwelyo ng damit ko, para akong isinabit sa poste ng meralco. Hinatak niya ako patungo sa kama, pinatihaya at inilock sa posisyon na iyon, hawak-hawak pa rin ng isang kamay niya ang kuwelyo ng damit ko. “Ano ang sabi mo? Likas akong sinungaling?” ang sabi niya ang mga mapupungay na mata gawa ng kalasingan ay nakatitig sa akin. “A… eh, hehe! Kuya naman eh, bitiwan mo ang kuwelyo ko, mapupunit yan…” ang biglang pagbaba ko ng boses. Ngunit hindi niya pinansin ang tila pagmamakaawa ko. “Sagutin mo ako, bakit mo nasabing sinungaling ako?” ang tanong niya uli. E, ano pa ba ang magagawa ko kungdi ang panindigan na lang ang sinabi. “E, di ba sinungaling ka naman talaga?” ang sagot ko pa rin kahit kinabahan na ako sa ipinakita niyang galit. “Bakit mo nga nasabi iyan? Ha?!” ang lalo pang pagtaas ng boses niya. “Eh… e…” “Ano????!” ang pag-giit niya. “E, iyong sinabi mong ihatid mo ako kanina… bakit may nagtext sa iyong babae at may date daw kayo? Di ba nagsisinungaling ka sa akin? Bakit mo ako ihahatid kung may ka date ka naman pala?” ang sagot ko. “Ah ganoon. Magkaliwanagan nga tayo… nagseselos ka ano?” Ewan ko ba, parang gusto ko nang bumigay at sabihin sa kanyang “Oo! Nagseselos ako! May nararamdaman ako! Ngayon... may reklamo ka?” Ngunit hindi ko nagustuhan ang tono ng pagtatanong niya kaya hindi ko magawang pumorma. Malay ko ba kung sapakin niya akong bigla kapag inamin ko, o pagtawanan o magbago ang tingin niya sa akin. Kaya nanatili na lang akong nakatitig sa mukha niya. Syeeet! Naramdaman ko na naman ang pagdaloy ng kung anong kilig o kiliti habang pinagmasdan ko ang kabuuan ng kaniyang mala-adonis na mukha, ang hubad na pang-itaas na katawan ay halos ididikit na niya sa katawan ko at ang bukol ng harapan niya ay dumidiin-diin sa mga hita ko. Ramdam na ramdam ko ang pag-uudyok ng utak ko na yapusin na ang hubad niyang katawan. Ngunit may isang bahagi rin ng utak ko ang tumutol na tila sumisigaw ng, “Woi, magpaka-demure ka naman, talipandas!” Marahil ay may napuna siya sa hindi ko pagsagot na iyon at pagtitig ko sa mukha niya kaya ang naitanong niya naman ay, “Sabihin mo nga sa akin ang totoo? Bakla ka ba?! Bakla ka ‘no??” ang may pagka-sarcastic niyang tanong. Pakiramdam ko ay biglang naubusan ng dugo ang mukha ko at nawalan ng lakas upang tumingin pa sa kanya. “Bakla ka ano?” ang pag-giit niya. “Ah… e… hindi ah! Sino ba ang nagsabi sa iyo na bakla ako? Meron ka bang pruweba? Atsaka bakit ako magsiselos, aber? Haller! Ano ba ang meron sa iyo na dapat kong pagselosan? Kapallll?” sabay tulak sa kanya sa tiyan, malapit sa umbok ng kanyang harapan. Napaliyad naman siya. “Nananantsing ka e.” ang sambit niya. “Kapal! E, bakit ikaw? Sa kadami-daming babae d’yan na naghahabol sa iyo. Ang dami mo pang girlfriend, bakit pinapalaro mo sa akin iyang ari mo? Sino ang bakla sa atin ngayon, ha?” ang pag-buwelta ko naman sa kanya sabay kalas sa pagkaka-lock niya sa akin upang tumbukin ko sana ang music corner ng kwarto ko, feeling panalo sa aking binitiwang salita. Ngunit mabilis din niyang nahawakan ang aking kamay at kasabay sa pagbagsak ng katawan niya sa kama, nakatihaya siya at ako naman ay nasa ibabaw niya, inilingkis ang mga braso at hita niya sa katawan ko. “Ansarap-sarap mo talagang asarin no? Nangigigil ako sa iyo. Palaban! Tangina, titigasan na naman ako nito!” ang sambit niya. Amoy na amoy ko pa ang beer sa kanyang hininga na lalo namang nagpatindi sa kiliti na gumagapang sa aking katawan. Sa posisyon naming iyon ay para akong isang paslit na nakadapa sa ibabaw ng malaking katawan ng tatay o kuya. Nag-init pareho ang aking tainga at puson sa narinig na sinabi niya. Nakakainis, nakakainsulto na nakakakilig. Pride ba ang tawag doon? Iyong feeling na gusto mo, may naramdaman ka ngunit ayaw mong aminin sa sarili dahil ayaw mong baka ma-insulto o masaktan dahil feeling mo pinaglalaruan ka lang o wala naman siyang intensyong seryoso para sa iyo. “Argggghhhhhhh!” sigaw ko habang itinulak-tulak ang mukha niyang halos ikiskis na rin sa mukha ko. Ngunit hanggang sa pagtutulak-tulak na lang ako dahil sa baywang ko nalakingkis ang malalaki at mahahabang hita niya, sa itaas kong katawan naman ay nakalingkis ang mga malalakas niyang bisig. At sa gitna ng kanyang malalaking hita, ramdam ko ang tila gustong kumawala na bukol sa ilalim noon. “Ano ang nangyari sa inyo ni Paul Jake kanina, ha? Ha?” ang tanong niyang ewan kung nang-aasar, o nagsususpetsa. “Hindi manyak si Kuya Paul Jake na kagaya mo!” ang bulyaw ko. “Ah, oo nga naman pala. Mas mabait pala iyon no? Mas guwapo, mas… ano pa nga ba iyong isa, tarantado ba?” sabay tawa. “Ikaw ang tarantado!” ang sagot ko. “Hahaha!” Ang tawa niya. “Ipinagtanggol pa talaga. Sige na bunso, hindi ako magagalit. Aminin mo na, may nangyari sa inyo ano?” “Wala! Wala! Wala! wala! Kuliiiittttttt!” “Mas malaki ba kaysa akin ang kay Kuya Paul Jake?” Feeling nainsulto na talaga ako sa sinabi niya. “Wala ngang nangyari sa amin! Pakawalan mo nga ako! Nakakainis ka naman eh!” At ewan kung ano na namang kabulastugan ang pumasok sa isip niya, hindi na siya nagsalita pa. Tinitigan na lang niya ako na tila ay lalamunin nang buo ang aking mukha sa tindi ng kanyang pagtitig. Para rin akong ibinayaw sa langit sa mga titig niyang iyon. Napakaganda ng mga mata niya, napakaguwapo ng mukha. Mapupula ang mga labi, makinis ang balat, matangos ang ilong… Nakakabighani. “Pakawalan mo ako kuya… hindi ako makahinga!” ang sigaw ng bibig ko bagamat ang sigaw naman ng utak ko ay, “Huwag! Huwag! Higpitan mo pa ang pagyakap mo!” Hindi kumibo si Kuya Rom. Patuloy pa rin niya akong tinitigan. “Pakawalan mo ako sabiiiii! Hindi ako makahinga kuya!” At aba… talagang binitiwan ako! At ang naalimpungatan ko na lang ay ang malakas na, “KA-BLAGGGG!” Nalaglag ako sa sahig. Pero ambilis ko ring tumayo ha. Iniisip ko na lang na walang nakakita. “Salbahe ka!” Ang bulyaw ko. Hindi naman siya natawa, in fairness. Sabagay, baka pinigilan lang din niya. Ngunit siya pa itong nagalit sa akin. “Akala ko ba ay bibitiwan kita! Hindi ka makahinga” ang pagbulyaw din niya sabay pag-abot din ng kamay niya upang makatayo ako. “Aba! Siya pa itong galit!” sigaw ng utak ko. “Bitiwan nga ngunit di ko sinabing ilaglag mo ako sa sahig!” ang sagot ko. Hindi ko nga tinanggap ang kamay niya. Bagkus kusa na akong sumampa sa kama at nahiga, nakatihaya, ang isang braso ay ipinatong sa aking noo. “Matulog na nga tayo! At umusog ka nga roon!” sambit ko sa sobrang pagkainis at pagkapahiya. “Bakit ka nga pala dito umuwi? May boarding house naman!” Umusog din naman siya sabay sabing, “Sasabihin ko sa iyo kung bakit, basta aminin mong nagseselos ka.” “Kapal mo talaga! Grabeh!” ang sarcastic kong sigaw. Ewan kong na-challenge siya sa sinabi ko. At ang nasambit na lang niya ay, “Kapal pala ha. E, di lubus-lubusin ko na.” Sabay sampa ng katawan niya sa ibabaw ng katawan ko at inilock ako sa posisiyon ko upang hindi makakilos. “Arrrgggghhh! Anong bang ginaga—“ ang pagbulyaw ko dahil sa pagkagulat. Ngunit hindi ko na naituloy pa ang sasabihin gawa ng pwersahang paglapat ng mga labi niya sa mga labi ko. Sa pagkakataon iyon, wala na akong magawa. Naghalikan kami. Matagal at punong-puno ng pag-aalab. At noong alam niyang naalipin na ako sa sobrang pagnanasa, isa-isa niyang hinubad ang saplot ng aking katawan at pagkatapos ay tuluyan na rin niyang hinubad ang saplot sa kanyang katawan. At muli… sabay naming narating ang r******************n. Nang humupa na ang lahat. Ramdam ko pa rin ang inis sa kanya. Syempre, dahil maraming issues pa rin ang hindi nabigyang kaliwanagan samantalang siya ay tila walang pakialam at tila ay pinaglalaruan lang ang aking damdamin. Sasaktan ako at pagkatapos ay tutuksuin hanggang sa may mangyari. Parang unfair yata. Ano ako, pusa? Aawayin at pagkatapos ay iyon na, parausan? Kaya hindi ko kayang pigiling hindi magtanim ng galit at hinala sa kanyang tunay na hangarin. “Pagkatapos niyan… sasaktan mo na naman ako, paiiyakin, asarin…” ang pagmamaktol ko sabay tagilid, patalikod sa kanya, ipinahalatang masama ang aking loob. Tumagilid din siya paharap sa akin at niyakap ako, parehong hubo’t-hubad pa rin ang aming mga katawan. “Bakit mo naman nasabing sasaktan kita. Ha? “Bulong niya sa tenga ko. “Kanina, sabi mo, ihahatid mo ako. Tapos, may ka-date ka pala kaya sumama na lang ako kay Kuya Paul Jake…” “Anong date ba ang pinagsasabi mo? Iyon bang nagtitext sa akin?” “Oo!” sagot kong padabog. “Ano ka ba? Wala iyon. Nangungulit sa akin ang babaeng iyon. Sobrang nakukulitan ako kaya tinanong ko siya kung ano ba ang gusto niya para matapos na ang pangungulit niya sa akin. At sinabi niyang gusto niyang makipagkita sa akin. E, di upang matapos na, sinabi kong oo. Pero wala akong intensyong siputin iyon…” Tila nahimasmasan naman ako sa kanyang paliwanag. “E, bakit “5” iyong nakalagay na name niya sa phonebook mo? May pa code-code pa kayo…” “Code nga iyon, dahil hindi ko kilala ang babaeng iyon, at ayaw kong patulan, at wala akong pakialam sa pangalan niya. At hindi lang iyan, may #1 pa d’yan, may #2, may #3, may #4, may #6, #7, #8… puro nangungulit lang. Mga fans daw sila. At hindi ako nagsisinungaling sa iyo. Kailan man, hindi ako nagsisinungaling sa iyo, tandaan mo iyan...” “Ibig sabihin, ihahatid mo talaga ako dapat kanina?” “Oo naman! Ikaw pa! Ang lakas mo sa akin…” Tahimik. Pakiramdam ko ay lululutang ako sa ikapitong alapaap sa sinabi niyang iyon. “So, nagseselos ka?” ibinalik uli niya ang tanong niya na hindi ko sinagot. E, ano pa nga ba ang magagawa ko kundi ang umamin. “Oo…” “Ikaw bakit dito ka pa rin umuwi samantalang kasama ko naman si kuya Paul Jake na siyang maghatid sa akin?” ang pagbalik ko naman sa tanong ko sa kanya na hindi niya sinagot. Hinaplos niya ang aking mukha at pagkatapos ay hinalikan ito. “Hindi kita matiis ‘tol eh… Atsaka, may ibibigay din ako sa iyo...” ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD