Chapter Nine

2528 Words
“Ugh! Ayoko nang mag-review!” reklamo ni Amara at binato ang Pigma Micron Pen niya sa floor. “Eto, oh, ibato mo rin baka sakaling magkaroon ka ng ganang mag-review.” Inabot ko pa sa kanya ‘yung reviewer niya. Hinablot niya mula sa ‘kin ‘yung reviewer at at inis na binagsak sa table. “Nakakainis kasi! Wala akong inspiration na mag-review. Walang gwapo rito sa library.” “Bakit? Kapag ba may gwapo perfect ka na sa exam?” pamimilosopo ni Ivy. “Lalandi muna ako bago mag-review, gano’n kasi ‘yon!” depensa naman ni Amara. “Gayahin natin si Cora na tahimik lang habang nagre-review kasi inspired masyado,” pang-aasar ni Shana sabay sundot sa tagiliran ko. Malakas akong tumawa dahil nakiliti ako. “Ano ba! Ang haba kasi ng hair ko!” “Halika nga rito, bakit ang dami naman yata ng blessings mo? Nakakairita ka na, ah.” Hinila pa ni Amara yung naka-ponytail na buhok ko. “Nag-manifest kasi ako, girl! Baka kulang kasi ‘yung paglalandi mo kay Lieven kaya ka ghinost,” banat ko naman. “Huwag mo na ulit banggitin ang pangalan ng hayop na ‘yon. Nakakasira ng beauty!” masungit na pahayag ni Amara. “Halla siya! Parang hindi kinilig kay Lieven,” pang-aasar ni Ivy kaya tumawa kaming lahat maliban kay Amara na nakasimangot. “Okay, next topic!” malakas na sambit ni Amara. Tumingin pa sa table namin ang ibang studyante na nagre-review din kaya lumapit sa amin ‘yung masungit na librarian na si Ms. Ruiz. “Lagot!” bulong ni Ivy. Nagkunwari pa kaming nagbabasa nang lapitan kami ni Ms. Ruiz. Si Amara naman ay pinipigilan ang tawa kaya sinipa ko ‘yung paa niya sa ilalim ng table at pinandilatan siya ng mata. “Fourth years kayo ‘di ba?” mataray na tanong ni Ms. Ruiz. Awkward siyang nginitian ni Shana. “Ah, yes po.” “Ilang oras ang bakante niyo?” seryosong tanong pa niya. Nagtaas ng kamay si Shana. “Uhm… Four hours and thirty minutes, right? Parehas tayo ng vacant time kapag Monday.” We just gave a nod, confirming what she just said. Umarko pa ‘yung isang kilay ni Ms. Ruiz habang tinitignan kami. “Aware kayo sa rules and regulations ng library, ‘di ba? Or should we go over them again para maalala niyo?” “Ay, hindi na po, ma’am. Memoryadong-memoryado po namin. Matalas po ang utak namin.” Ako na ang sumagot dahil nagpipigil pa rin ng tawa si Amara. Si Ivy naman ay tahimik lang habang kagat ang kuko at nakatingin sa ceiling. “Then recite the entire Library Rules and Regulations,” pambabara pa niya sa ‘kin. Shit, lagot! Nakalimutan ko na mabilan lang sa “keep quiet” tapos ‘yon lang. Limot ko na ‘yung iba kasi first year pa kami no’ng pina-memorize ‘yon sa amin! Hindi ko naman alam na ipapa-recite talaga niya sa akin ‘yung buong rules and regulations. “Pwede po bang mag-call a friend?” Kinakabahan pa akong ngumiti sa kanya baka sakaling pumayag siya. “Pfft…. Aray!” Inapakan ko na ‘yung paa ni Amara dahil muntikan na talaga siyang matawa. “Aray. Ouch! May lamok po ba rito kahit may aircon?” painosenteng tanong pa ni Amara pero hindi yata nakalusot. Lalo namang nagalit si Ms. Ruiz dahil halos magkasalubong na ang kilay niya. Hinampas pa niya ang hawak niyang stick sa table kaya lahat kami ay nagulat. “All of you, get out! Maglinis kayo sa old library, ngayon na!” galit na utos niya sa amin. “What?” gulat na tanong ni Shana. “I mean, are you serious?” “Huwag mo akong daanin sa English mo. Maglinis na kayo kung gusto niyong maka-exam ng finals!” masungit na sagot pa ni Ms. Ruiz. Bagsak-balikat kaming tumayo at niligpit ang mga gamit namin. Binubulong pa ni Shana ‘yung rants niya pero siniko agad siya ni Ivy dahil baka marinig na naman ni Ms. Ruiz. Nasa unahan kasi siya, sinusundan lang namin siya. Kinausap pa niya ‘yung janitor para pinahiram kami ng mga cleaning equipments bago hinatid sa lilinisan namin. “Oh my… this is ancient!” hindi napigilang komento ni Shana nang makita ang itsura ng old library. Ang daming spider webs tapos ‘yung mga alikabok, umabot na yata ng three inches sa kapal. Halatang matagal na itong hindi nagagamit. “Clean it. I’ll be back after four hours,” striktong saad ni Ms. Ruiz saka kami iniwang nakatulala. Natauhan na lang kami nang umubo si Ivy habang pinapaypayan ang sarili. “Masyadong maalikabok,” aniya. “That witch! No wonder she’s matandang dalaga!” inis na sabi ni Shana at sinipa ang book na nakahilata sa floor. “Noong panahon pa yata ng lolo ng lolo ko itong library na ‘to,” komento ko habang tinitignan ang buong paligid. “Wala na tayong choice kundi maglinis,” ani Ivy. “Sorry na dahil tumawa ako kanina. Hindi ko na kasi mapigilan dahil sa mukha ni Ms. Ruiz. Girl, hindi pantay ‘yung puti ng mukha niya sa leeg. Iniisip ko tuloy na gumagamit siya ng Mena!” Tawang-tawa pa si Amara habang nagsasalita. Tumawa na lang din kami dahil totoo naman ang sinabi ni Amara, mukha talagang gumagamit ng Mena ‘yung si Ms. Ruiz. “And then her kilay, omg! It’s like one line lang tapos kaya ko pang bilangin kung ilan ang natitirang eyebrows niya!” dagdag pa ni Shana kaya lalo pa kaming tumawa. Tinapik ako ni Ivy sa balikat. “May asim pa kaya ‘yon? Cora, ipakilala mo nga ‘yung driver niyo sa kanya at nang magka-love life na ‘yon!” Malakas akong tumawa saka mahinang tinulak si Ivy. “Gaga, nasa menopausal stage na yata si Ms. Ruiz kaya laging galit!” Nagmukha tuloy kaming mga baliw. Nag-e-echo pa ‘yung tawa namin sa buong room. Si Ivy, hinahampas na ‘yung table dahil sa tawa habang ako naman, napaupo na sa sahig. Sila Amara at Shana naman ay hawak ang tyan habang tumatawa ng malakas. “Maglinis na tayo para matapos na. Ang tagal kaya ng apat na oras,” sita ni Ivy sa ‘min no’ng medyo kumalma na kami. Kanya-kanya na kaming naglinis pero si Shana, kanina pa bumabahing kahit nakasuot siya ng mask. Sensitive kasi siya sa alikabok kaya palagi siyang may dalang mask. Nag-focus na lang kami sa paglilinis at hindi na namalayan ang paglipas ng oras. “Tapos na ang apat na oras. Pwede na kayong bumalik sa klase niyo.” Para kaming nabuhayan ng loob noong pumasok si Ms. Ruiz at sinabing pwede na kaming umalis. “Omg, kanina ko pa gustong umalis dito!” Si Shana ang unang nagsalita. Tumalim ang tingin ni Ms. Ruiz sa amin kaya hindi na kami nagsalita. May hawak siya apat na papel at ballpen. “Cora Chalisa Park, Amara Chantrea Fernandez, Shayla Nadia Imperial at Ivy Rose Ocampo. Kayo ‘yon ‘di ba?” tanong niya pagkatapos tawagin ang mga pangalan namin. “Kami nga po, Ms. Ruiz,” magalang na sagot ni Ivy. “Oh, kunin niyo itong papel at ipapirma niyo sa Head Librarian. Kailangan niyo ‘to para ma-clear ang record niyo sa library,” masungit pa rin na sambit ni Ms. Ruiz. “Dragona,” bulong ni Amara sa tabi ko kaya mabilis ko siyang siniko. Kukunin sana si Shana ‘yung papel kay Ms. Ruiz pero hinigpitan nito ang paghawak kaya hindi tuloy makuha ni Shana. Sinubukan pang hilain ni Shana pero lalo pang hinigpitan ni Ms. Ruiz ang paghawak. “Why po?” takang tanong ni Shana. Naningkit ang mga mata ni Ms. Ruiz at isa-isa kaming tinignan. “Memoryado ko na ang mga pangalan pati mukha niyo kaya huwag niyong subukan na mag-ingay ulit sa library. Hindi lang ito ang ipapagawa ko sa inyo sa susunod. Maliwanag ba?” “Never again,” sagot ni Shana na may pekeng ngiti sa labi. Ngumiti rin kami ng peke at sumang-ayon sa sinabi ni Shana. “Nakita mo ba ‘yon, Ivy? Ganyan ang magiging future mo kapag hindi ka pa lumandi,” pang-aasar ni Amara kay Ivy nang lumabas na si Ms. Ruiz. “Girl, tsaka na ako lalandi kapag feel ko na. Mauna ka na, gusto ko munang maging ninang ng magiging anak mo,” sagot naman ni Ivy. Sa aming apat, si Ivy lang ang hindi lumalandi. Minsan nga sinisita niya kami kapag sumosobra na kami sa kalandian namin. Mabuti na lang at naroon siya palagi para safe kaming nakakauwi. “Hindi naman kasi siya gaya mo na uhaw sa gwapo,” nakangising saad ko kay Amara. “Shana, si Cora, oh! Nagkaroon lang ng manliligaw hindi na raw siya uhaw sa gwapo. Parang hindi nakipag-agawan sa atin noon kapag may nakikita tayong pogi,” sumbong pa ni Amara kay Shana. “Hayaan na natin. Maghahanap din ‘yan ng gwapo kapag nag-break na sila ni ano,” pilyang giit ni Shana. “Masyadong pasmado ‘yang mga bibig niyo, ah! Wala pang kami pero tinatapos niyo na!” Pabiro ko na lang silang sinabunutan dahil tumatawa pa silang dalawa. “Omg, guys! Alis na tayo rito. I have to take my meds kasi kanina pa talaga nangangati ‘yung ilong ko,” nababahing na pahayag ni Shana saka tinakpan ang ilong. Ngumisi ako at nag-flip ng buhok bago naglakad palabas. “Karma.” Mabuti na lang talaga at cancelled ang klase ng buong university dahil may emergency meeting ang mga instructor. Para kasing nakakahiyang pumasok sa klase na pawisan at haggard. Pagod na rin kami dahil sa paglilinis. “Hindi mo ba sasagutin ‘yang cellphone mo, Cora? Kanina pa ‘yan umiilaw, may tumatawag yata.” Lumapit sa ‘kin si Ivy at tinuro ang phone ko na kanina ko pa hawak. “s**t! Baka si Nikolai! Naka-silent mode kasi.” Sasagutin ko sana ‘yung tawag niya pero nag-end ito. May kasunod agad na text galing sa kanya. Nikolai: Hey, I’m worried. Where are you? Kagat-labi akong nag-type ng reply sa kanya. Ang dami pala kasi niyang messages at missed calls. Busy rin ako kanina kaya hindi na ako nag-cellphone. Cora: School. Busy kasi ako kanina kaya hindi ko na napansin ‘yung mga text mo. Pauwi na kami. Nikolai: I’m waiting for you at the gate. Are you with your friends? Cora: Yes. Nikolai: Hatid ko na kayo. “Halla, guys! Ihahatid daw tayo ni Nikolai sabi niya sa text niya kay Cora!” tsismosang pahayag ni Amara. Lumingon ako at nakita siyang nakikibasa pala sa text namin ni Nikolai. Hinila ko ‘yung buhok niya para sitain. “Bakit ka nakikibasa?!” “Aray! Curious lang naman ako, eh!” depensa pa niya. “Talaga?! Tanong mo nga kung may kapatid o pinsan ‘yang manliligaw mo, Cora. Pabalato naman ako ng isa,” malanding sambit naman ni Shana. “Ay, sige! Maya tanungin ko siya,” tumatawang sagot ko. “What if hayaan natin sila Cora at ‘yung manliligaw niya. Huwag na tayong sumabay para may bebe time naman sila,” nakangising giit ni Ivy. “Ay, gusto ko ‘yan. Ang talino talaga ng friend natin na ‘to!” Lumapit si Amara kay Ivy at mahinang pinisil ‘yung pisngi niya. “What if ayusan muna natin ang friend natin na si Cora. She looks so haggard, look, oh!” Tinuro pa ako ni Shana mula ulo hanggang paa. “Hoy, hindi ako pwedeng magpakita kay Nikolai na ganito ang itsura! Baka ipagpalit pa niya ako doon sa ex-fling niya!” natatarantang sabi ko. Naghanap muna si Ivy ng bakanteng bench sa ilalim ng puno at doon na kami umupo. “We got you, girl! Ako na sa makeup and Amara will do your hair,” ani Shana na naghahalungkat sa bag niya. Nakiupo rin si Ivy sa tabi at nag-stretch ng kamay. “Go, taga bantay lang ako rito.” “Galingan mong mag-perform, ha?!” pahabol na sigaw ni Amara sa ‘kin nang makalayo ako sa kanila. Tumawa ako at umiling-iling sa kapilyuhan nila. “Sige, kwento ko sa inyo mamaya para mainggit naman kayo!” Binilisan ko ang paglalakad hanggang sa nakalabas na ako ng gata at nakita ang sasakyan ni Nikolai na nakaparada. Sakto namang lumabas siya sa sasakyan at umikot sa passenger seat. “Ang gwapo! Is he going to fetch someone here? Omg, I want him to be my boyfriend!” Rinig kong sabi ni Jessica kaya tumigil ako sa harap nila ng mga friends niya. “Ay gusto mo ba siya, be? Sorry, ah? Nililigawan na kasi ako niyan. Haba ng hair ko ‘no?” mapang-asar na giit ko habang nakangisi. “Well, duh! I don’t believe you!” Sinungitan pa niya ako. Halatang hindi siya naniniwala sa ‘kin, ah! “Oh, talaga? Watch me.” Nag-flip pa ako ng hair bago sila iniwan at lumapit kay Nikolai. At dahil alam kong nakatingin pa rin sila Jessica sa ‘kin, niyakap ko si Nikolai at dinikit ‘yung ulo ko sa dibdib niya. Syet! Ang bago talaga ng manliligaw ko na ‘to! Gusto ko tuloy siyang halikan. “Kiss mo ‘ko, dali. Miss na kita, eh.” Nakatingala pa ako sa kanya para ready na kapag hinalikan niya ako. Tumawa lang si Nikolai. “I know what you’re trying to do but I’ll play along.” Mabilis akong hinalikan ni Nikolai sa lips tsaka sa noo. “Ha? Wala akong alam sa pinagsasabi mo,” pagtatanggi ko. “Silly. Get in, it’s hot and you didn’t even bring your umbrella.” Pinagbuksan pa niya ako ng pinto kaya lalong lumapad ang ngiti ko. Bago ako pumasok sa loob ng sasakyan ay lumingon muna ako sa pwesto nila Jessica. Ngumisi pa ako at nag-wave. Mainggit ka pa sa ‘kin dahil deserve mo ‘yan, Jessica. “I kept calling you but you weren’t picking up. Busy?” tanong sa ‘kin ni Nikolai nang makaalis kami sa university. “Oo. Pinaglinis kasi kami ni Ms. Ruiz sa old library kaya hindi ko nasagot ‘yung tawag mo,” sagot ko saka nag-stretch ng paa. “Why would you clean? Did they fire the janitor?” kunot-noong tanong niya. “Nag-part time muna kami. Matindi ang pangangailangan namin ng pera, eh,” biro ko naman. “What? You didn’t tell me you needed cash. I can give you some so you won’t have to—“ Pinigilan ko na siyang magsalita pa dahil hindi yata niya na-gets na biro lang ‘yung sinabi ko kanina. “Joke lang ‘yon, Nikolai! Na-punish kasi kami dahil maingay kami sa library kaya pinaglinis kami ng apat na oras,” sabi ko habang tumatawa. “Oh, I thought your company got bankrupt,” he said and shrugged. Malakas na akong tumawa dahil sa sinabi niya. “Oh my god, Nikolai. Ang hirap mo namang pasayahin!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD