Chapter Eight

2842 Words
Nang gumising ako kinabukasan ay wala si Nikolai pero nag-iwan siya ng note sa bedside table ko. Umupo muna ako sa kama bago ito kinuha para basahin. Good morning, luv. I badly wanted to stay a little longer but have to leave early and get ready for work. You can come to the company today, I want to see you. Nikolai Umagang-umaga nakangiti na naman ako. Wala yatang pangit kay Nikolai dahil pati `yung sulat-kamay niya ang ganda rin. Kapag babasahin ng ibang tao ito, baka akalain nilang babae ang nagsulat. “Pwede ko naman siyang puntaha pero tatapusin ko muna `yung reviewer ko.” Bibisitahin ko siya mamayang lunch siguro. Ipagluluto ko ulit siya ng lunch para may ambag naman ako sa buhay niya. Bumangon ako at dumiretso sa study table ko upang tapusin `yung reviewer. Bibilisan ko na lang para may time pa akong magluto ng lunch ni Nikolai. Nang umupo ako, napansin kong nakapatong `yung notebook ko sa table kahit tinabi ko naman kagabi. “What? Bakit...” naguguluhang sambit ko habang tinitignan ang iba pang page ng notebook. Ang dami nang nakasulat! Hindi kaya... “Si Nikolai!” gulat pang saad ko at binasa ang mga sinulat niya. “He summarized all of it?” dagdag ko pa. Patuloy kong tinitignan `yung mga sinulat niya hanggang sa natapos na ang mga pages na may sulat. Napansin ko na may sinulat pa siyang note sa blankong page kaya tahimik ko itong binasa. I summarized all your lessons. Hope it will help. Go get the highest score on your finals. “Tinapos niya lahat in less than one night?” Ano pa ba ang hindi kayang gawin ni Nikolai? Pagod na siya`t lahat-lahat pero nagawa pa niyang tulungan ako. Bumalik na lang ako sa kama at kinuha ang cellphone ko para i-text si Nikolai. Baka hindi na `yon nakatulog kagabi dahil sa ginawa niya. Akala ko ba magpapahinga siya? Cora: Good morning. Bakit tinapos mo naman na `yung reviewer ko? Akala ko ba magpapahinga ka kagabi? Wala pang isang minuto ang nakalipas nang makatanggap ako ng reply mula sa kanya. Nikolai: I can`t sleep last night. Cora: Kahit na pero `di ba pagod ka sa trabaho? Hindi ka na nakapagpahinga. Grateful ako sa kanya pero syempre nag-aalala na ako sa kalusugan niya. Mamaya baka magkasakit pa siya sa ginagawa niya. Nikolai: I`m fine. I can endure things for you, Cora. Please keep that in mind. “Ayan na naman `yang mga salita mong nakakahulog ng loob. Hulog na hulog na nga ako sa `yo, oh!” mahinang sambit ko. Kagat-labi akong nagtimpla ng reply ko sa kanya. Gusto kong suklian `yung effort niya na tulungan ako sa academics ko. Cora: Since wala na akong gagawin ngayon dahil tinapos mo na, pupuntahan na lang kita mamaya. Ipagluluto kita ng lunch, anong gusto mong ulam? Nikolai: Can you cook adobo? Cora: Sige. Hintayin mo ako diyan, ha? Nikolai: I`ll always wait for you, Cora. Cora: Oo na. Mag-focus ka muna sa trabaho mo. `Wag ka nang mag-reply. Iniwan ko muna `yung phone ko sa kwarto para mag-charge bago ako pumasok sa cr para maghilamos. Lalabas pa ako para bumili ng gagamitin ko sa adobo. Hindi kasi ako bumili no`ng last na nag-grocery ako. “Sa`n punta mo?” tanong ni Shana sa `kin nang makasalubong ko sila ni Ivy sa labas ng condo ko. “Pupunta ako sa grocery store. Sasama ba kayo?” tanong ko rin sa kanila. “Sama ako. Ubos na stocks ko dahil kay Amara,” ani Ivy. “Sasama rin ako. Wait lang tatawagin ko si Amara kung sasama siya,” saad ni Shana bago pumasok sa condo ni Amara. Si Ivy naman ay bumalik muna sa condo niya para kunin ang kanyang wallet. Nagpaiwan muna ako rito sa labas habang hinihintay `yung tatlo. “Tara na?” anyaya ni Amara nang lumabas siya sa kanyang condo. “Ang dami naman ng binili mo, Cora. Magluluto ka ba ng adobo?” tanong si Ivy nang lapitan niya ako. “Oo. Ipagluluto ko si Nikolai ng lunch,” sagot ko habang busy na maghanap ng dahon ng laurel. “Ha? Ano `yon? Tama ba `yung narinig ko?” sabat naman ni Amara na biglang sumulpot galing sa likod. Lumapit naman sa `min si Shana na tulak-tulak ang cart. “Para kanino nga ulit `yung adobo?” “Para kay Nikolai! Bingi na ba kayo o sadyang nang-aasar lang ulit kayo?” mataray na giit ko. Sabay-sabay silang ngumisi pero itong si Amara, kinurot pa ako sa braso. “Ano, may label na ba kayo?” “Wala pa! Hindi ko nga alam kung may balak siyang ligawan ako,” tampong saad ko. “Ay, nagtatampo ka? Baka ikaw na ang manliligaw sa lagay na `yan?” tukso pa ni Shana. “Excuse me, hindi ko siya nililigawan!” Hindi pa naman ako nababaliw para gawin `yon. Kahit anong mangyari, dapat si Nikolai ang manligaw at hindi ako! “Hindi yata alam no`n na manligaw. Sobrang seryoso sa buhay, e,” dagdag din ni Ivy. “I know, right? Alam niyo bang tinapos niya kagabi `yung reviewer ko?” ani ko. Gulat silang tumingin sa `kin nang malaman ang ginawa ni Nikolai. Hindi ko naman sila masisisi kung nagulat sila dahil ganyan din ang reaction ko kanina. “Totoo?! As in lahat-lahat?” gulat pa rin na tanong ni Ivy. “He did all of it sa isang gabi lang?” manghang saad ni Amara. “Oo. Akala ko nga magpapahinga siya pero hindi pala,” sagot ko na lang. “Wait... So nakitulog si Nikolai sa condo mo kagabi?!” pasigaw na tanong ni Shana. Sinita ko na lang siya dahil tumingin `yung ibang tao sa direksyon namin. Nakakahiya tuloy! “Pumunta siya kagabi at nakitulog sa `kin pero walang nangyari! Baka kung ano-ano na naman ang iisipin niyo!” Aasarin na naman nila ako kapag hindi ko sila inunahang magsabi na walang ibang nangyari. “Natulog lang kami, okay?” dagdag ko pa. “Sabihan mo kami kapag bumisita ulit siya, ha? May itatanong lang ako sa kanya,” ani Amara. “Kung si Lieven ang hahanapin mo, `wag na. Ang rupok mo talaga!” sabat ni Shana. “Ang itatanong ko lang naman ay kung buhay pa ba `yung kaibigan niyang nang-iiwan bigla sa ere!” inis na dipensa naman ni Amara. “Hoy! Mahiya nga kayo dahil kanina pa tayo pinagtitinginan dito. `Wag niyong hintayin na sitain tayo ng manager!” sita ni Ivy sa kanilang dalawa. Binilisan na lang naming bumili at bumalik sa sa condo. Ako naman ang nagsimula nang magluto ng kanin habang hinahanda ang mga sangkap para sa iluluto kong adobo. “Hello, Mrs. Rosario!” masayang bati ko sa kanya nang maabutan ko siya sa kanyang desk. Nag-angat siya ng tingin at nginitian ako. “Ikaw pala `yan, hija. Sinabihan ako ni Mr. Disraeli na bibisita ka pero may ka-meeting pa kasi siya sa loob,” aniya. “Gano`n po ba? Okay lang po. Hintayin ko na lang na matapos ang meeting nila,” nakangiting saad ko. Umupo na lang muna ako sa lounge at nagbasa ng mga magazines na nakalagay sa table. Hindi ko na napansin kung ilang minuto ang lumipas dahil naka-focus ako sa pagbabasa hanggang sa may umupo sa harap ko. Nag-angat ako ng tingin at nakita si Lieven na kumportableng nakaupo sa couch. “Nice to see you again,” bati sa `kin ni Lieven na nakangisi. “Hindi ako natutuwang makita ka ulit,” sabi ko sabay irap. Naalala ko `yung ginawa niya kay Amara kaya nainis ako. Hindi ko naman alam na nang-iiwan pala ang isang `to sa ere. Ghinost ba naman si Amara. “Nikolai is busy,” aniya. “Alam ko. Sinabi na ni Mrs. Rosario,” sagot ko naman. “He`s with someone and I doubt they would only talk. You know what I mean?” he muttered while smirking as if he knew something I don`t. “Anong gusto mong sabihin?” mapanuring tanong ko. Kinakabahan na ako sa susunod niyang sasabihin. Para kasing may pinapahiwatig siyang iba at nararamdaman kong hindi `yon maganda. “Bakit hindi mo puntahan para malaman mo?” aniya na para bang hinahamon ako. “Huwag na. Sabihin mo na lang,” ani ko. Naduduwag akong puntahan si Nikolai sa opisina niya. Natatakot ako na baka may makita ako na hindi ko magugustuhan. Ano ba kasi ang gustong ipahiwatig ni Lieven? “He`s with Shari, his former girlfriend. You don`t know the woman, she`s tenacious and sly. They spent some time together and she`s still lusting over your man,” giit ni Lieven habang nakangiti. Hindi na ako makagalaw sa inuupuan ko. Iniisip ko pa `yung sinabi ni Lieven at nasasaktan ako. Ang daming pumapasok sa utak ko tungkol sa mga bagay na pwedeng mangyari sa loob ng opisina ni Nikolai. “Alam ni Nikolai na pupuntahan ko siya ngayong lunch,” ani ko na pilit tinatago ang sakit. “It`s 1 PM already. Puntahan mo na lang siya,” sambit pa ni Lieven na may mapang-asar na ngiti. Umirap ako dahil sa inis. “Kahit `wag na. Uuwi na lang ako at sasabihin kay Amara na nakita kita rito!” “Bakit nadamay ako?” takang tanong niya. “Dahil parehas lang kayo ng kaibigan mo! Meeting pala, ha?! Ano `yon, closure with ex?! Uuwi na lang ako!” malakas na giit ko bago tumayo para umalis. “What? Paano kami naging parehas ni Nikolai?” nagtataka pa rin na tanong ni Lieven. Galit ko siyang nilingon at sinamaan ng tingin. “Ay, hindi mo alam na paasa kayong dalawa?! Tapos ikaw, alam mo bang hindi na masaya `yung kaibigan ko dahil ghinost mo?!” “I was—” “Ayoko nang makarinig pa ng explanation! Aalis na ako!” Hindi ko na siya nilingon at diretsong naglakad paalis. Pasakay na ako sa elevator nang mapansin kong hawak ko pa pala `yung lunch box. Hindi ko naman `to pwedeng iuwi dahil walang kakain. Bumuntong-hininga na lang ako at mabilis na naglakad pabalik sa lounge. “Bakit ka bumalik?” tanong ni Lieven na busy sa hawak na cellphone. Nilapag ko sa table ang hawak ko at tumingin sa kanya ng mabuti. “Kainin mo `yan para hindi sayang ang effort ko!” Tinago muna niya ang kanyang cellphone at binuksan ang lunch box na may lamang ulam. “You didn't put something in here, right?” “Nagsisisi nga akong hindi ko nilagyan ng lason, e!” inis na sambit ko. “Really?” taas kilay na saad niya. “Uuwi na ako. Pakisabi sa kaibigan mo na salamat na lang sa lahat!” Tuluyan ko na siyang iniwan sa lounge. Isang oras na akong nagkulong sa kwarto ko hanggang sa gambalain na naman ako ni Shana. Hindi ko sana siya papansinin pero hinila na naman niya ang kumot ko. “May bisita ka!” aniya habang hinihila ang kamay ko para bumangon. “Sabihin mong bumalik na lang siya bukas. Wala ako sa mood ngayon,” walang ganang sagot ko. “Sure ka? Nasa sala si Nokolai, hinihintay ka raw na lumabas!” pasigaw na sabi ni Shana. Mabilis akong bumangon sa higaan at malakas siyang hinampas sa braso. “Bakit mo pinapasok?!” “Aray ko! Wala kang sinabi na hindi ko dapat siya papasukin! Nakita ko siya kanina sa labas kaya pinapasok ko na!” sigaw ulit ni Shana na hawak ang brasong hinampas ko. “Ayoko siyang makita. Pauwiin mo muna. Sabihin mong may sakit ako, dali!” Tinulak ko pa si Shana palabas ng kwarto. “At talagang gusto mo pang magsinungaling ako sa kanya?! Ayoko! Kausapin mo na lang at aalis na ako!” aniya bago tumakbo palabas ng kwarto. Punyemas talagang buhay `to! Ano na lang ang sasabihin ko kay Nikolai? Siguradong sinabi ni Lieven sa kanya `yung nangyari kanina. Ayaw ko muna siyang kausapin pero nakakabastos naman kapag pinaalis ko siya. “Bakit ka pumunta rito? Akala ko ba may meeting ka pa?” seryosong tanong ko. Tumayo siya mula sa couch at nilapitan ako. Hinawakan pa niya ako sa magkabilang braso at tinitigan ng mabuti. Umiwas na lang ako ng tingin. “Lieven told me what happened earlier,” panimula niya sa usapan. “O, tapos? Pumunta ako sa kompanya mo pero umuwi agad ako,” sagot ko nang hindi nakatingin sa kanya. “He told you things, right?” “Wala siyang sinabi,” pagsisinungaling ko. Bumuntong hininga siya at niyakap ako. “Please don`t misunderstood it. Shari and I were talking about the new project and nothing more.” “Bakit ka nagpapaliwanag?” mataray na saad ko. Sinubukan kong itulak siya pero mas hinigpitan pa niya ang pagyakap sa `kin. Hinayaan ko na lang siya dahil kahit paano, gusto kong marinig kung ano ang sasabihin niya. “Because I don`t want you to assume things, Cora. Walang namamagitan sa amin ni Shari at hindi ko siya naging girlfriend. Lieven was just teasing you,” paliwanag niya. “So nagsinungaling si Lieven?” taas kilay na tanong ko. “I don`t want to hurt you but I can`t lie to you, Cora. Yes, we did that thing and I won`t tell excuses to make you feel better. I did lot of things before I met you but trust me, I haven`t been seeing other women when I met you,” he added. Pumikit ako nang maramdaman kong tumulo ang mga luha mula sa mata ko. Ang sakit na marinig `yon mula sa kanya. Nasasaktan ako pero wala naman siyang kasalanan dahil ginawa niya `yon bago niya ako makilala. Masakit lang kasing isipin dahil nagseselos ako. “Please don`t cry, Cora. I`m sorry for making you feel that way,” paumanhin niya habang pinupunasan ang luha ko. “I`m fine, Nikolai. Wala kang kasalanan.” Ako ang may problema dahil nagseselos ako. “I don`t feel anything for her, please believe me.” Sobrang sincere ang boses niya kaya hindi ko tuloy maiwasang ma-guilty. “You don`t have to beg, Nikolai. Nagselos kasi ako nu`ng sinabi ni Lieven na kasama mo si Shari sa loob ng opisina mo,” ani ko. “You`re jealous?” gulat na giit niya. “Bakit pa ako nag-walkout kung hindi?” Hindi pa ba halatang nagseselos ako kaya umalis na lang ako? “I thought...” “Ano na naman ang sinabi ni Lieven sa `yo?” Nanggigigil na ako kay Lieven, ah. Ang dami niyang alam na kalokohan. “He told me you don`t want to see me again. I believed him so I rushed here,” aniya. “Pakisabi sa kaibigan mo na ayusin niya ang desisyon sa buhay. Ghoster na nga, gagawa-gawa pa ng sariling kwento,” ani ko naman. “He likes to mess around with people,” he replied shortly. “Wow! Pati kaibigan ko nabiktima na rin dahil sa hobby niya,” inis na saad ko. “I`m sorry for making you wait for too long. Hindi ko napansin `yung oras dahil pinag-uusapan namin ni Shari ang project pati na rin ang partnership ng Gomez Inc. sa Disraeli Empire. Hindi na `yon mauulit,” paumanhin ulit niya. “Okay lang, Nikolai.” Naiintindihan ko naman siya at ayaw ko rin namang abalahin siya sa trabaho niya. “Pero nagseselos ka kay Shari. I can cancel the project including the partnership with their company,” dagdag pa niya na siyang ikinagulat ko. Dumistansya na ako sa kanya para tignan siya ng mabuti. “Baliw ka ba?! Hindi mo pwedeng gawin `yon dahil nagselos ako kay Shari!” “But I don`t want you to overthink,” sumbat naman niya. “Trabaho na ang pinag-uusapan, Nikolai. Hindi naman makitid ang utak ko para pumayag sa gusto mo. Naku, Nikolai Dimitri Disraeli, ayusin mo rin ang mga desisyon mo sa buhay!” Na-i-stress na ako sa mga pinagsasabi ng Nikolai na `to. “But if I sign the project, I won`t have enough time to court you.” “Ay, nanliligaw ka pala? Bakit hindi ako informed. Hindi ko alam na nagliligaw ka na pala sa `kin,” hindi makapaniwalang sambit ko. Nahihiya siyang nag-iwas ng tingin bago kinagat ang pang-ibabang labi. “I was courting you since I asked you out.” “Wala ka namang sinabi na aakyat ka ng ligaw, e! Akala ko tuloy wala kang balak na manligaw sa `kin!” Ilang gabi na rin akong nag-overthink sa bagay na `yon tapos nililigawan na pala niya ako? “I`m sorry. I j-just d-don`t know how to s-say it,” utal na sagot niya. Natawa ako sa itsura niya kaya nilapitan ko na lang siya at niyakap. “Kakaiba ka rin `no? Akala ko ba confident ka sa lahat ng bagay? Bakit panliligaw lang hindi mo pa masabi?” pang-aasar ko sa kanya. “Pagdating sa `yo, naduduwag ako,” pabulong na giit niya at unti-unting naglapat ang mga labi namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD