Chapter Fifteen

1783 Words
It’s Christmas Eve at kanina ko pa hinihintay si Nikolai. Ang huling text niya ay noong four pa ng hapon at seven na ngayon. Sabi niya nandito na siya sa bahay ng 6:30 pero 7:00 PM na at wala pa siya. Busy si mommy na magluto ng mga food dahil excited na daw siyang ma-meet ang boyfriend ko. Si dad naman ay tinutulungan siya sa kusina. Sobrang hands-on talaga si mommy sa pagluluto every Christmas Eve tsaka New Year. Kaya ako natuto na magluto dahil sa kanya. “Bakit wala pa siya?” pabulong na sambit ko. Baka may ginagawa pa siguro siya? Nag-vibrate ang cellphone na hawak ko kaya mabilis kong binuksan ito para tignan kung sino ang nag-text. From: Unknown Number This is Nikolai. We have to talk. Meet me here. Kumunot ang noo ko nang mabasa ko ang kasunod na text. Address ito ng kilalang club. Bakit naroon si Nikolai? Akala ko ba pupunta siya sa bahay? “Uhm, pwede pong lumabas ako saglit? Babalik ako kasama ang boyfriend ko and we’ll have dinner po,” paala ko sa mga magulang ko. Pinuntahan ko pa sila sa kitchen para magpaalam. Saglit tinignan ni dad ang suot niyang relo para siguro i-check ang oras. “It’s still early. Sige pero huwag kayong magtagal sa labas, ah?” ani dad. “Don’t miss dinner or else magagalit talaga ako,” dagdag naman ni mommy. “Yes po. Balik po kami agad,” sagot ko naman. Nag-wave muna ako sa kanila bago umalis ng bahay. Binilisan ko pa ang pagmamaneho para lang makarating sa address na sinend ni Nikolai. “Ang daming tao,” ani ko nang pumasok ako sa loob ng club. Tinawagan ko pa si Nikolai pero ayaw sumagot kaya ‘yung number na lang na ginamit niya kanina ang tinawagan ko. Nagri-ring pero wala rin namang sumasagot kaya nag-text na lang ako. To: Unknown Number Where are you? Nandito na ako. From: Unknown Number VIP room number 7. To: Unknown Number Sige, akyat na ako diyan. Umakyat na ako sa second floor papuntang VIP lounge at hinanap ang room number 7. Kakatok sana ako sa room nang may humawak sa kamay ko upang pigilan ako. “Ma’am Cora? A-ano pong g-ginagawa niyo r-rito?” utal na tanong ng lalaking pumigil sa akin. Kilala ko siya dahil palagi ko itong nakikita na kasama ni Nikolai. Pero bakit para siyang nakakita ng multo? Hindi ba niya alam na darating ako? “Nag-text si Nikolai sa ‘kin. Pinapapunta niya ako rito. Hindi ba niya sinabi sa ‘yo?” naguguluhang tanong ko. “Mas mabuti na sigurong umalis na lang po tayo rito, ma’am. Hintayin niyo na lang po si boss sa labas,” kabadong sabi niya. “Bakit? Hindi ba ako pwedeng pumasok sa loob?” taas-kilay kong tanong. Iba ang kutob ko sa mga galawan niya, e. May mali ba sa loob? Andoon naman si Nikolai, ah. “Sa labas na lang po—“ “AHHH!” Putok ng baril ang narinig ko kaya malakas akong sumigaw. Agad naman akong hinila ng tauhan ni Nikolai palabas sana pero may ligaw na balang tumama sa harap namin. “Putangina!” malakas na mura ng kasama ko saka ako hinila papasok sa loob ng room kung saan naroon si Nikolai. “Boss—“ Magsasalita sana ‘yung kasama ko pero inunahan na siya ni Nikolai. “What is she doing here?” seryosong tanong ni Nikolai. “Kailangan nating umalis. Ngayon na, boss.” Makahulugan ang tingin na binigay niya kay Nikolai na tila nag-uusap sila sa pamamagitan ng titig. Hindi yata nila ako napansin na kanina pa hindi makagalaw sa kinatatayuan ko. Titig na titig ako sa mga bagay na nakalapag sa table. Guns, different kinds of guns. Bakit may mga baril dito? Anong ginagawa ni Nikolai sa kwartong ito? “Cora, hey. Look at me,” tawag ni Nikolai sa ‘kin na ngayon ay hawak ang magkabilang braso ko at nakatitig sa akin. Dahan-dahan akong tumingin sa kanya. “Sino ka ba talaga, Nikolai?” wala sa sariling tanong ko. Kaya ba gano’n ang sinabi ni Doc. Pierce noong kumain kami sa bahay ni Nikolai? Kaya ba siya may tama ng baril dahil may iba pa siyang ginagawa aside sa pagiging businessman? “Please don’t look ate me like that, luv. Magpalaliwanag ako sa ‘yo pero hindi muna ngayon. Kailangan muna nating makalabas dito,” alalang sabi niya baho humarap sa mga kasama niya. “Pack everything. Cancel the negotiation and leave,” utos niya sa mga ito. Nagpahila ako palabas ng VIP room at nadatnan ang mga taong nagkakagulo sa baba dahil yata sa nagpaputok ng baril kanina. Sa fire exit kami dumaan at mabilis ang mga lakad namin. Tahimik lang ako hanggang sa nakalabas na kami. “Bitawan mo ako. Kaya kong umuwi na mag-isa,” malamig na giit ko at hinila ang kamay mula sa kanya. “No, not yet. Sumama ka muna sa ‘kin, please,” pagmamakaawa ni Nikolai pero umiwas ako ng tingin. Mabilis akong naglakad papunta sa kotse ko pero hindi pa ako nakakalapit nang sumabog ito. Kitang-kita ko ang pangyayari kaya takot na takot ako. “s**t!” malutong na mura ni Nikolai saka ako hinila palayo sa kotse ko. Hindi pa kami nakakalayo nang sumabog din ang isa pang kotse na katabi ng sasakyan ko. Kasabay no’n ang pagputok ng mga baril sa paligid at pagsabog pa ng ibang kotse rito sa parking lot. Nanginginig na ako sa takot at pangamba na baka may masamang mangyari. Naglabas ni Nikolai ng baril at hinila ulit ako para magtago sa side ng mga nakaparadang sasakyan. “f**k. What happened?!” tanong ni Pierce na kararating lang. May hawak din siyang baril. Lahat sila may hawak na baril. “Someone used Cora as a bait to get even with me, damn it!” pagalit na sagot ni Nikolai. “Ako na ang bahala sa kanya. Magkita tayo sa labas mamaya,” ani Pierce. “Go with him, Cora. I will meet you after this.” Humarap si Nikolai sa ‘kin at hinawakan ang pisngi ko pero iniwas ko ang mukha ko. Kita ko ang sakit na dumaan sa mga mata niya pero nasasaktan din ako. Wala pa akong alam sa mga nangyayari ngayon. “Go,” sabi ni Nikolai kay Pierce kaya umalis na kami. Maingat si Pierce sa bawat galaw niya habang palabas kami. Alam na alam niya ang gagawin para makaiwas sa mga nagbabarilan. Nang makalabas kami ay agad niya akong pinasakay sa itim na sasakyan at pinaharurot ito paalis sa club. “You have to trust him,” basag ni Pierce sa katahimikan nang hininto niya ang sasakyan sa may madilim na intersection. Mapakla akong tumawa. “Dapat pa ba akong magtiwala sa kanya? Hindi ko nga siya kilala, e,” “Wala ako sa posisyon para sabihin kung ano ba talaga siya. Hintayin natin na siya mismo ang kusang magsabi sa ‘yo,” seryosong saad ni Pierce. “Papakinggan ko ang sasabihin niya pero hindi ako sigurado kung maayos pa ba ang lahat,” walang emosyon na saad ko. “Kung ano man ang ginawa ni Nikolai, ginawa niya ‘yon para sa kaligtasan mo.” Bumuntong-hininga si Pierce at binuksan ang window sa driver seat. Mas pinili ko na huwag na lang magsalita. Takot pa rin ako hanggang ngayon dahil sa mga nasaksihan ko. Galit din ako kay Nikolai pero mas nangingibabaw ang kagustuhan ko na pupuntahan niya kami rito. Kanina pa gustong bumuhos ng mga luha ko pero pinipigilan ko lang. Hindi ako pwedeng umiyak. “Labas muna ako pero hindi kita iiwan dito,” saad pa ni Pierce saka lumabas sa sasakyan. Naiwan ako sa loob at hindi ko na napigilan ang pagbuhos ng mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Binuhos ko sa pag-iyak ang sakit na nararamdaman ko. Umiyak na lang ako ng umiyak hanggang sa bumukas ang pinto ng driver seat at pumasok si Nikolai. “You’ve been crying,” bungad niya. Mabilis kong pinunasan ang mga luha sa mata ko at matapang siyang hinarap. “Ano naman ngayon?” “Ask everyting you want to know. Sasagutin ko lahat huwag mo lang akong iwan,” aniya na may halong pagmamakaawa. “Natatawa ako. Hindi ko alam kung totoo nga bang Nikolai ang pangalan mo,” sarkastikong sambit ko. “That’s my real name. I never lied to you abiut my name though I often go by different persona everytime,” he answered with a hint of pain in his tone. “Ilang kasinungalingan ang sinabi mo sa ‘kin, Nikolai? Baka pati ‘yung pagmamahal mo ay kasinungalingan lang din?” tanong ko pa. “You can doubt everything about me but don’t ever question my love for you, Cora. Mahal kita at mamahalin pa rin kita kahit hindi mo ako kayang tignan ulit tulad ng dati,” aniya gamit ang mababang tono. “Kung mahal mo ako, bakit mo ka naglihim sa ‘kin? Alam ko na ngayon na madami kang hindi sinasabi sa akin,” pagalit na saad ko. “I’m sorry. I did it to protect you,” paos na sambit niya. “Sino ka ba talaga?” matapang na tanong ko. “I’m a mafia boss and—“ “Stop,” pikit-matang pigil ko sa kanya. Hindi ako bobo para hindi malaman kung ano ang ginagawa ng mga katulad niya. Hindi ordinaryong tao si Nikolai. He’s a mafia boss. “Bumaba ka sa sasakyan. Ngayon na,” utos ko sa kanya. “Please hear me out, luv,” pagmamakaawa niya. “Bumaba ka na kung gusto mo pa akong makita,” pag-uulit ko pero mas diniinan ko pa ang pagsalita. “Where are you going?” tanong niya. “Uuwi ako. Malapit na akong sumabog sa mga nalaman ko ngayong gabi,” matigas na tonong giit ko. “Hindi ako nagbibiro. Bumaba ka na, Nikolai.” Nag-attempt siyang hawakan ang kamay ko pero iniwas ko ito. Matagal niya akong tinitigan pero sa labas lang ako nakatingin. Maya-maya pa akly nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga at lumabas. Agad akong lumipat sa driver seat at pinaandar ang kotse. Hindi pa ako nakakalayo sa intersection nang maaninag ko ang ilaw ng sasakyang mabilis ang takbo paparating sa lane ko. Sinubukan ko pang iwasan ito pero naging mabilis ang mga pangyayari. Naramdaman ko ang pagbangga ng sasakyan sa akin at ang pagbaliktad ng kotse ko. Ang huli kong narinig ay ang nakakabinging pagtawag ni Nikolai sa pangalan ko habang tumatakbo papalapit sa sakin. “N-nikolai….” nanghihinang baggit ko sa pangalan niya bago naging itim lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD