Chapter Sixteen

1389 Words
Puti. Iyan ang unang bumungad pagdilat ng mga mata ko. Sinubukan kong bumangon pero agad akong napahiga dahil masakit ang katawan ko. “A-aray.” Napahawak pa ako sa ulo dahil umiikot ang paningin ko. “Omg! You’re awake! Wait, I should go and call the doctor!” Kahit hilong-hilo ako, kilala ko pa rin kung kaninong boses ‘yon. “Shana…” pabulong na sambit ko sa pangalan niya pero nakalabas na siya. Pumikit na lang ulit ako para mawala ang hilong nararamdaman ko. Pagkalipas ng ilang segundo, naramdaman kong may mga pumasok kaya dumilat ulit ako. “She’s awake so she’s fine, right? Tell me she’s okay now,” nag-aalalang tanong ni Shana sa doktor na kasama. Wait lang, bakit may doktor? Nasa hospital ba ako? Wala pa akong maalala bakit ako narito. “I have to run some tests before concluding whether she’s fine or not,” sagot naman ng doktor. Sinagot ko ang mga tanong ni doc. hanggang sa tinanong niya kung may naaalala ba ako sa aksidente. “Wala pa po, doc. Is that even possible?” tanong ko sa kanya. “You may recall it after a while since your awake now. You’ve been sleeping for a month, Ms. Park,” dagdag pa niya. Natigilan ako sa narinig. “Meaning na-comatose po ako, doc?” “Yes, Ms. Park.” Hindi na ako nakasagot ng nagpaalam si doc. dahil tulala ako. Saka na lang ako bumalik sa reyalidad nang umupo si Shana sa kama at hinawakan ang kamay ko. “Cora…” mahinang tawag niya sa akin. “Anong nangyari, Shana? Bakit wala akong maalala?” naguguluhang tanong ko. “The doctor said you were lucky to survive the accident. I thought….. I thought we were going to lose y-you,” naiiyak na pahayag ni Shana. “Aksidente? Bakit ako naaksidente?” Wala pa rin talaga akong clue sa sinasabi nilang aksidente. “Don’t force yourself, Cora. Maaalala mo rin someday but not now. You have to focus on your recovery, okay?” Hawak pa rin ni Shana ang kamay ko at mahina itong pinipisil. Nakasanayan niya ‘yan kapag nag-aalala siya. “Si Nikolai… Nasaan siya, Shana? Alam niya bang gising na ako?” Gusto ko siyang makita. Agad na nag-iwas ng tingin si Shana na para bang ayaw niya akong sagutin. Bakit? May problema ba? “Busy ba si Nikolai?” tanong ko. “A-ano kasi. Nikolai is gone,” ani Shana. “Anong gone?” tanong ko. “I think he left you, Cora. He never visited you since the accident. We tried looking for him pero wala siya,” nakayukong sambit ni Shana. “Iniwan niya ako?” tulalang saad ko. “I’m sorry, Cora. We will try reaching out to him again.” Mahigpit akong niyakap ni Shana at doon na bumuhos ang mga luha ko. Wala pa ako sa tamang pag-iisip dahil kagigising ko lang. Hindi ko alam kung paano mag-react sa nalaman ko dahil mahina pa ang katawan ko. Ang kaya ko lang sigurong gawin ngayon ay umiyak. “Bakit niya ako iniwan, Shana?” May mali ba sa akin? Ayaw na ba niya sa akin? Nababaliw ba ako kaiisip. Wala akong maalala sa nangyaring aksidente at wala rin akong maisip na dahilan bakit ako iniwan ni Nikolai. Gusto kong i-untog ang ulo ko dahil feeling ko wala na akong kwenta. Ano na lang ang mangyayari sa akin ngayon? “Walang mali sa ‘yo, Cora. Please take good care of yourself hanggang tuluyan ka ng gumaling. Nandito naman kami.” Pinunasan ni Shana ang luha ko at hinalikan sa noo. “The girls will be here later. Nag-chat na ako sa kanila,” dagdag pa niya. Tumango na lang ako at tumahimik hanggang sa dumating ‘yung tatlong nurse para i-assist ako sa mga tests na gagawin. Naiwan muna si Shana sa room ko dahil hihintayin daw niya sila Amara at Ivy. After three weeks, nakalabas na ako sa hospital pero kailangan ko pang magpahinga sa bahay para tuluyan na akong gumaling. Simula noong nalaman kong umalis si Nikolai, hindi na ulit nila binanggit pa ‘yon. Alam kong ayaw nila Amara sa ipaalala pa sa akin nangyari dahil alam nilang masakit pa sa ‘kin ‘yon. “Anong sabi ni doc. sa ‘yo? Pwede ka na raw pumasok next week?” excited na tanong ni Ivy. “Oo. Mabuti na lang at nakiusap si dad sa admin para pwede pa rin akong pumasok kagit behind na ako.” Ayoko pa namang maiwan lalo na at last semester na namin ‘to. “You know I was going to nag our school director kapag hindi ka pinayagan,” ani Shana. “Inaway pa nga ni Shana si Jessica nang marinig niya ‘yung sinabi ni Jessica na buntis ka raw kaya hindi ka na pumapasok,” natatawang sabi ni Amara. “Well, duh! I was so mad and she deserves it.” Umirap pa si Shana. Araw-araw nila akong binibisita after ng dismissal kaya kahit paano ay nagiging okay na ulit ako. Kahit hindi ko sabihin sa kanila na umiiyak pa rin ako gabi-gabi, alam kong alam na nila ‘yon dahil kilala nila ako. “So, are you excited na pumasok ulit?” tanong ni Amara. “Syempre naman! Pagod na akong makipagtitigan sa kisame kaya gusto ko nang bumalik sa school.” Araw-araw pa nga akong naglilibot dito sa bahay pero bored pa rin ako. “Ang bilis mo naman kasing tinapos ‘yung mga activities mo,” kumento ni Ivy habang sumasagot ng activity. Sila ang sumasagot sa mga activities ko noong na-coma ako kaya konti na lang ang natira nang ma-discharge ako. Dahil bored nga ako rito sa bahay, sinagutan ko na lahat ang activities ko kaya wala nang natira. Napakamot na lang ako sa ulo at ngumiti. “Ang boring kasi. Ayaw ko rin namang lumabas.” “Inuman kaya tayo, gusto mo?” pilyang suhestyon ni Amara. Malakas siyang sinabunutan ni Shana. “Gaga ka talaga! Hindi pa siya pwede kasi may mga gamot pa siya!” “Adik,” kumento naman ni Ivy. “Na-miss ko ring uminom, guys,” pag-aamin ko. “Isa ka rin. You can’t drink muna, Cora.” Inirapan pa ako ni Shana. “Kapag magaling ka na, pwede na tayong pumunta sa Coron kapag may loong weekend. Libre ko kayo,” seryosong sabi ni Ivy. Agad kaming nag-ingay dahil sa tuwa. Mahigpit pa nang niyakap ni Amara si Ivy at hinalikan sa pisnge. “Ganyan ang mayaman naming friend, handang magwaldas ng pera!” pasigaw na sambit ni Amara. “Omg, really?! Wait, let me check kung kailan may long weekend.” Agad namang nag-scroll si Shana sa phone niya para i-check kung kailan may long weekend. “Pwede na ulit mag-inom at maghanap ng pogi!” tumatawang saad ko na siyang ikinatigil nilang lahat. “Bakit? May ayaw niyo na bang maglandi?” tanong ko. “Talaga ba?” pagtataray ni Amara. “Are you really thinking of flirting again?” taas-kilay na tanong ni Amara. “Baka mamaya kapag nalasing ka iiyak ka na lang at—“ Hindi ko na pinatapos si Ivy. “Shhh! I’m ready to move on, guys! I’m fine, I’m fine. Thank you!” biro ko pa. “Baliw. Sige support na lang kami sa paglalandi mo para makalimutan mo si Nikolai,” ani Ivy. “Hindi naman ako pwedeng magmukmok na lang dito sa kwarto ko dahil iniwan niya ako, ‘di ba?” pagtataray ko. “Excellent mindset, my friend! Ang galing mo talaga!” pumapalakpak na sabi ni Amara. “That’s nice. You’re tough,” nakangiting pahayag ni Shana. “Syempre naman. Ako pa!” ani ko sabay kindat. Hindi pwedeng ganito na lang ako. Kailangan kong tapusin ang pag-aaral ko at gawin ang mga bagay na gusto ko. Si Nikolai ang naging parte ng buhay ko na gusto kong kalimutan. Iniwan niya ako. Iyan ang paulit-ulit kong pinapaalala sa sarili ko para kalimutan siya. Masakit pa rin pero sinusubukan kong maging malakas para sa mga kaibigan ko at sa mga magulang ko. Ayaw kong makita nila ako na halos mabaliw dahil kay Nikolai. Nikolai… Sana ikaw na lang ang nakalimutan ko at hindi ang aksidenteng nangyari sa gabing ‘yon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD