Chapter Fourteen

1677 Words
“Anong nangyari? Bakit sugatan ka? Bakit hindi mo sinabi sa ‘kin? Sinong bumaril sa ‘yo?” sunod-sunod na tanong ko kay Nikolai. “I’m fine, Cora. Hindi naman malala ang sugat ko,” mahinang sambit niya. “Pero bakit hindi mo sinabi sa akin?” inis na giit ko. Wala ba akong karapatang malaman ang mga nangyayari sa kanya? Bakit kailangan niyang itago ang nangyari? “I’m sorry. I didn’t want you to worry that’s why,” paumanhin niya. Umupo ako sa tabi niya at hinawakan ang kanyang kamay. “Kahit anong mangyari sa ‘yo, pwede bang sabihin mo sa ‘kin? May karapatan naman siguro ako ‘di ba?” “Hindi na mauulit ang nangyari. Please forgive me,” aniya sabay halik sa kamay ko. Ano ‘to? Isang sorry niya lang nawala na lahat ang sama ng loob ko at okay na ulit. Ganyan ko na ba siya kamahal? “Okay na. Huwag mong uulitin ‘yon, ah?” nanliliit ang mga matang sambit ko. “Yes, promise. Come here because I miss you so freaking much.” Niyakap niya ako pagkatapos halikan sa noo. Pwede bang sa labi naman, Nikolai? “Na-miss din kita, sobra. Akala ko nga ghinost mo rin ako gaya ng ginawa nung kaibigan mo kay Amara,” ani ko sabay irap. “Overthinking again. I told you not to,” paalala niya sa ‘kin. “Sorry po. Ikaw ba naman ang hindi tinawagan ng tatlong araw,” nagtatampong giit ko. Mahina siyang tumawa at ginulo ang buhok ko. “I was sick, I’m sorry. Ngayon lang bumuti ang pakiramdam ko.” “Teka lang ‘di ba sabi mo nabaril ka? Paano nangyari ‘yon?” Hindi naman siya basta-bastang mababaril kung wala siyang ginawa. “It was an accident,” casual na sagot niya. “Paano nga nangyari ‘yon? Kailangan ko ng details,” seryosong sambit ko. “I was caught up in a fight but everything is fine now. Don’t worry too much,” aniya. “Paano ‘yung mga humabol sa atin na naka-big bike? Anong nangyari sa kanila?” Ngayon lang ako nagkaroon ng chance na kausapin siya tungkol doon sa nangyari. “We were lucky because the police happened to be patroling at the area. Sila ang tumulong sa atin,” diretsong giit niya. “Mabuti naman at naroon sila nu’ng mga oras na ‘yon.” Paano na lang kami kapag wala ang mga Pulis? “Yup,” maikling sabi ni Nikolai. “Baka ‘yung mga humabol sa atin ang pumatay sa mga negosyante? Paano kung ikaw ang isusunod nila?” Iyan talaga ang iniisip ko nitong nakaraan na baka si Nikolai ang target nila ngayon. Sumeryoso ang mukha niya. “Hindi ‘yan mangyayari. Huwag kang mag-alala.” “Sige, sabi mo, e. Basta nag-promise ka sa ‘kin na hindi na mauulit ‘to,” ani ko gamit ang mababang boses. “Yes, ma’am.” Sumaludo pa siya. “Kumusta ‘yang sugat mo?” pag-iiba ko sa usapan. “Hindi na masakit. My doctor is doing good,” he replied. “Nakita ko ‘yung doctor mo sa gate. Ayaw pa akong papasukin ng mga guard kaya tumakbo na lang ako. Sinabihan mo ba silang magsinungaling sa ‘kin na wala ka rito kapag pinuntahan kita?” taas-kilay kong tanong. Ngumiti lang siya at nag-iwas ng tingin. “Yeah, I did. I’m sorry about that.” “Nakakatampo ka, alam mo na ‘yon?” Sabunutan ko pa siya, e. “I’m really sorry.” Ilang ulit na siyang humingi ng tawad. “Oo na.” Sobra na ang sorry niya. Nag-stay pa ako sa bahay ni Nikolai ng matagal kaya 11:30 PM na ako hinatid ng driver niya sa bahay. Mabuti na lang at tulog na sila mommy no’ng makauwi ako kaya dumiretso na ako sa kwarto at nag-shower. Bibisitahin ko ulit si Nikolai bukas dahil may check-up siya sa doktor niya. Home-based ang pagpapagamot niya dahil hassle daw kapag pupunta pa siya sa hospital. “I love you too, sent!” Nag-reply muna ako sa text ni Nikolai at nag-good night na rin bago tinabi ang cellphone ko. Matutulog na ako para maaga akong magising bukas. Dahil naiwan ko ang sasakyan ko sa bahay ni Nikolai kagabi. Nagpahatid na lang ako sa driver ni dad dahil pumayag naman sila na bisitahin ko ‘yung boyfriend ko. “Manong Jose, kahit dito na lang po ako.” Pinahinto ko ang sasakyan sa tapat ng gate ng bahay ni Nikolai. Malapit na rin kasing mag-eight kaya kailangan na bumalik si Manong Jose para ihatid si dad sa kompanya. “Sige, hija. Mag-ingat ka sa lakad mo ngayon,” aniya. Bumaba muna ako sa kotse bago siya sinagot. “Opo, Manong Jose. Ingat din po kayo sa daan pabalik.” Nang umalis si Manong Jose, lumapit naman ako sa guard na kausap ko kahapon. “Good morning po! Pasensya po sa inasta ko kahapon. Hindi na po mauulit ‘yon.” “Ayos lang po, ma’am. Pasensya na rin po dahil kinailangan naming magsinungaling dahil sa utos ni boss,” magalang na sagot niya. “Okay lang po. Pasensya po talaga. Pakisabi na rin po sa kasama niyo kahapon, hindi ko siya makita ngayon, e.” Kanina ko pa siya hinahanap pero wala. “Day off po niya ngayon, ma’am. Sasabihin ko na lang po sa kanya kapag pumasok siya bukas,” aniya. “Thank you, po. Pasok na po ako sa loob, ah?” Turo ko sa loob. “Sige po ma’am.” Mabilis ulit akong naglakad papunta sa kwarto ni Nikolai at naabutan siyang nagpupunas ng towel sa katawan. Halatang katatapos lang niyang maligo dahil basang-basa pa ang buhok niya. Half naked lang siya kaya kitang-kita ko ang matipuno niyang tawan. Wala ang bandage niya ngayon kaya libre kong pinagnanasaan ang katawan niya. “You’re drooling, luv,” aniya na nakangisi. Pinunasan ko pa ang lips ko pata i-check kung naglalaway nga ako pero wala pala. “Inis ka naman. e! Nag-e-enjoy pa ako sa view!” “Gusto mong hawakan?” aniya. “Sig— I mean, huwag na! Magpalit ka nga. Ang aga-aga nakaborles ka!” awkward na sabi ko. Hindi ko siya matignan ng diretso kasi nahihiya ako. “Yes, ma’am.” Tumatawa pa siyang naglakad papasok sa walk-in closet niya. “Sa’n na ‘yung doktor mo? Anong oras daw punta niya rito?” tanong ko nang lumabas siya at nakapalit na. He’s wearing a plain white v-nexk shirt and beige pajama. Simple lang naman ang ayos niya ngayon pero ang gwapo pa rin niyang tignan. Kahit saang anggulo ko siya tignan, napakagwapo pa rin niya. “On the way. Na-traffic daw,” sagot ni Nikolai at tumabi sa akin. Nakaupo kaming dalawa sa couch at dahil wala pa kaming kasama, naging awkward tuloy. “Ano… Gusto kang i-meet nila mommy kaya iniimbitahan ka niya ng dinner sa Christmas Eve. Gusto mo bang pumunta or okay lang kung may gagawin ka,” basag ko sa katahimikan. “That would be on the 24th, right?” he asked. “Oo. Around 7:30 PM. Pupunta ka ba?” Inaalala ko kasi ‘yung sugat niya. Baka hindi pa siya okay. “Sure. I’ll be there,” aniya. Sumilay ang ngiti sa labi ko. “Talaga? Paano ang sugat mo? Baka hindi pa pwedeng gumalaw-galaw?” Inakbayan niya ako. “I’ll be fine.” “Sige. Thank you at pumayag ka.” Ilang araw din akong nag-isip kung paano ‘yon sasabihin sa kanya. Saktong eight nang pumunta ang doktor ni Nikolai kaya lumabas muna ako at pumunta sa kitchen pata bigyan sila ng privacy. Ihahanda ko na rin ang pagkain ni Nikolai para kumain siya after ng check-up niya. Nagluto ako ng tinola at saktong paalis ang doktor ni Nikolai nang natapos kong ihanda ang mga pagkain. Hinabol ko pa si doc. para lang sabihan siya na mag-stay muna para dito na kumain ng breakfast. “Good morning, doc! You can stay here for breakfast kung hindi ka pa nag-agahan. Nagluto ako ng tinola, baka gusto mo?” anyaya ko. Saglit siyang nag-isip. “Sige. Kape lang ang agahan ko kanina.” “Una ka muna sa kitchen, doc. Tatawagin ko lang si Nikolai sa taas. Okay lang ba na bumaba si Nikolai or hindi pa niya kaya?” tanong ko kay doc. Ngumisi siya at napailing. “Sa balikat siya tinamaan. Walking would be just fine, miss.” “Oh, okay. Wait lang, tawagin ko muna siya. Una ka po muna sa kitchen, doc!” pasigaw na sambit ko saka tumakbo sa second floor. “Kain na tayo ng breakfast. Tinawag ko na si doc. para makikain din. Kawawa naman, kape lang daw ang umagahan niya,” tawag ko lay Nikolai. “Sure.” Bumangon si Nikolai at sinabayan ako sa paglakad pababa. Inakbayan pa niya ako kaya magkadikit kaming dalawa habang naglalakad. “Oh, please! Not in front of me,” ani doc. nang mqkita kaming pumasok sa kusina. “Oh, shut the f**k up, Beaufort!” Nikolai hissed and pulled a chair for me. “Uh-huh. Whatever!” supladong giit ni doc. “This is Pierce Beaufort, my doctor,” pakilala ni Nikolai kay doc. “Listen up, fucker, this is Cora Chalisa Park, my wife,” dagdag pa ni Nikolai. Kinagat ko ang labi ko at nag-iwas ng tingin dahil kinikilig ako. Ano nga ulit ‘yon, “my wife” daw? “Oh. Does she know what you do for living?” makaguluhang tanong ni Pierce habang nakatitig sa ‘kin. “He’s a businessman, right?” ‘Yan naman ang trabaho ni Nikolai, ‘di ba? “That’s what he said?” nakangising sambit pa ni Pierce. “Stop. Let’s eat,” singit ni Nikolai sa usapan. Bakit parang may ibang pinapahiwatig si Pierce? Kinabahan ako do’n. Na-realize kong hindi ko pa pala gano’n kakilala si Nikolai. What if hindi ko pala siya kilala?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD