Chapter Six

2754 Words
“Cora! Gumising ka, dali! Hoy!” Boses na naman ni Shana ang gumising sa `kin. Sinabayan pa niya ng paghila sa kumot ko kaya bumangon na lang ako kahit inaantok pa. “Ano?! Inaantok pa ako!” inis na sigaw ko at sinamaan siya ng tingin. Si Amara na ang lumapit sa `kin at ipinakita ang phone niya. “Ano `to?!” tanong niya habang pinapakita ang post ko sa IG kagabi. “Had a great time walking on the beach and stargazing with you,” basa pa ni Ivy sa caption ko. Malawak ang ngiti akong tumingin sa kanila. “Inggit kayo, `no?” pang-aasar ko sa kanila. “May pa-chopper pa talaga. Ano ka, si Anastasia Steel? Sumosobra na `yung blessing ni Lord sa `yo. Hindi ba pwedeng hati-hati na lang tayo?” sabi naman ni Shana habang tinitignan `yung iba ko pang post. “Ay, girl walang mangyayari kapag hindi mo ginalaw ang baso,” sagot ko naman sa kanya. “Ang taray naman ng kaibigan natin. Magkwento ka, dali!” usisa ni Amara bago umupo sa kama ko. Hindi nagsalita si Ivy at Shana pero alam kong naghihintay din sila ng chika tungkol sa date namin ni Nikolai kagabi. Nag-blush ako nang maalala `yung nangyari kagabi, hinalikan niya ako! “Hindi ka pa nagsasalita pero namumula ka na. Sabihin mo nga, may nangyari bang kakaiba kagabi?” mapanuring tanong ni Shana. “Madumi na naman `yang isip niyo! Walang nangyari kagabi, nag-kiss lang kami tapos—ARAY!” Agad akong napahawak sa ulo nang hampasin ako ni Amara ng unan. Naalog yata `yung utak ko dahil sa paghampas niya! “Bakit mo ako hinampas?!” inis na bulyaw ko kay Amara. “Kinikilig ako! Dapat sinampolan mo siya ng skills mo sa paghalik para ulitin pa niyang halikan ka!” parang tanga na payo ni Amara. “Halik lang? Walang touch?” singit naman ni Ivy na nakangisi. “Gaga, wala! Ang dumi talaga ng isip niyo! Kiss lang `yung nangyari but we did it thrice,” namumulang giit ko. Si Nikolai kasi, ayaw paawat! Bigla-bigla na lang nanghahalik kapag nagsasalita ako at sasabihan pa ako na ang ganda ko. Feeling ko tuloy napaka-special ko kagabi dahil sa pagtrato niya sa `kin. He treated me like his queen and I love every part of it. “Kung alam lang naming sa beach pala kayo pupunta edi sana two piece na lang ang pinasuot namin sa `yo!” ngiting aso na sabi ni Shana na sinang-ayunan naman nu`ng dalawa. “Malamig do`n, sira!” Pinasuot pa nga sa `kin ni Nikolai yung coat niya dahil mahangin sa beach house ng pinsan niya. “Wala kaming pakialam! Kung two piece lang ang suot mo kagabi, tingin mo kiss lang ang nangyari sa inyo?” walang prenong sambit ni Amara kaya siya naman ang hinampas ko ng unan. “Tigilan niyo ako! Ang aga-aga kulay berde agad `yang mga utak niyo!” sita ko na lang sa kanila. “Ito naman, parang ayaw mong makita ang naked body ni Mr. Disraeli. Umamin ka na lang kasi, Cora. `Wag mo nang itago kasi naiintindihan ka namin, sis!” Sumali na rin si Ivy sa pang-aasar sa `kin. “Pasmado talaga `yang mga bibig niyo, hoy! Lumabas na lang kayo sa kwarto ko dahil matutulog pa ako!” pagtataboy ko sa kanila. Pinagtawanan pa nila ako bago sila umalis sa condo ko. Nawala na ang antok ko kaya kinuha ko na lang `yung cellphone ko sa ilalim ng unan para mag-check ng messages. Unang bumungad sa `kin ang text ni Nikolai na good morning kaya mabilis ko siyang nireplyan. Cora: Good morning! I woke up minutes ago but my friends were here kaya hindi ako naka-reply agad. Anong ginagawa mo ngayon? Sunday ngayon pero baka busy na naman siya. Hindi ko na lang siya kukulitin kapag sinabi niyang may aasikasuhin siya. Ayoko namang unahin niya ako knowing that he is the CEO of Disraeli Empire. Nikolai: Eating. What will you have for breakfast? Cora: Makikikain na lang ako sa mga kaibigan ko. Tinatamad akong magluto. Nikolai: Lazy. Natawa ako sa text niya. Hindi ako tamad na magluto, sadyang gusto ko lang talaga na makikain kila Shana ngayon. Since wala rin lang kaming gagawin, manonood na lang kami after breakfast. Monday na rin kasi bukas kaya panibagong stress na naman ang aabangan lalo na at finals na namin two weeks from now. Cora: I`m not! Btw, may gagawin ka ba ngayon? Nikolai: Had to meet with a client but I can cancel it if you want to meet up. Cora: Hoy, `wag! Tinanong ko lang naman kung may gagawin ka ngayon. Nikolai: You sure? I can make time for you. Cora: Asikasuhin mo na lang `yung kliyente niyo. Movie marathon din kami ng friends ko ngayon. Nikolai: Alright. I miss you. “I miss you raw! Miss daw niya ako!” tili ko habang pagulong-gulong sa kama. Umagang-umaga kinikilig na naman ako, syet! Iba talaga ang atake ni Nikolai, napaka-straight forward. Nasa`n na ang cold at masungit na Nikolai? Tinamaan yata siya sa ganda ko, s**t talaga! Cora: Miss mo agad ako, mahal? Magkasama lang tayo kagabi, ah? Tinamaan ka na ba sa `kin? Nilalandi ko na naman siya pero alam ko namang tuwang-tuwa `yon sa paglalandi ko sa kanya. Inamin niya sa `kin kagabi na palihim daw siyang napapangiti kapag nilalandi ko siya noon. Oh, `di ba ang ganda ko talaga! Nikolai: Oo, matagal na. “Kaya gustong-gusto kita dahil honest ka!” tumatawang giit ko habang nag-iisip ng i-re-reply. Cora: Ang honest mo naman, babe! Nikolai: Silly. I have to get ready. The meeting`s at eight. Cora: Sige. Ingat ka, ha? Magiging ama ka pa ng mga anak natin! Malakas akong tumawa nang ma-send ko `yung reply ko. Bumangon na rin ako at dumiretso sa cr para maghilamos pero bago `yon, nag-text ulit ako kay Nikolai. Cora: `Wag ka nang mag-reply sa text ko! Mamaya na lang ulit kita landiin after ng work mo. Good luck, Mr. Disraeli! Mwahhhh! Syet! Masyado na akong malandi sa lagay na `yon. Ang sinabi ko pa naman sa kanya noon, malandi ako pero hindi everytime kaso bakit parang napapadalas na `yung paglalandi ko lately? Baka isipin ni Nikolai na sinungaling ako. “Gutom na `ko,” reklamo ko at binilisang tapusin ang morning routine ko bago lumabas ng condo papunta sa condo ni Amara. “OMG! Check niyo `yung link na sinend ko sa GC, dali! This is a very bad news, you guys!” gulat na sigaw ni Ivy habang hawak ang phone niya. Kanya-kanya kaming naglabas ng cellphone at binuksan `yung link na sinend ni Ivy. Gano`n na lang ang gulat naming lahat nang mabasa ang headline ng article. 'Businessman Mr. Chen Wang is Dead. His Body was Delivered to Chen Masion Earlier Today' Naka-attach pa sa baba ng article ang picture ng kabaong na dineliver nila sa bahay nila Mr. Wang. Mas ikinagulat ko pa nang malaman kong siya pala ang tatay ng distant friend naming si Jenny. Hindi ko ma-imagine kung gaano kasakit para kay Jenny ang nangyari sa daddy niya. “Daddy ni Jenny si Mr. Wang, `di ba?!” gulat din na tanong ni Amara. “Oo. Kawawa naman si Jenny,” naaawang sambit naman ni Shana. Tahimik muna kaming nagbabasa ng iba pang information about sa nangyari. Ayon sa nabasa ko na statement ng mga pulis, kaninang umaga lang pinatay si Mr. Wang at kaninang 10 AM lang din dineliver `yung kabaong sa bahay ng mga Wang. Sinabi rin sa isa pang article na posibleng konektado ang case nila Mr. Muñoz at Mr. Roxas sa case ni Mr. Wang. Puro businessman ang biktima at galing sila sa mayayamang pamilya pero hanggang ngayon ay wala pang lead sa kaso nila. Nakaka-frustrate talaga ang justice system ngayon. “Wala pang lead sa kaso nila Mr. Roxas kahit mayaman sila. Siguradong mayaman din ang nagpapatay sa kanila kaya hindi pa nahuhuli hanggang ngayon,” seryosong giit ni Ivy. “Tama. May bagong biktima na naman ngayon at siguradong tatagal ang kaso kapag wala na namang lead,” dagdag naman ni Amara na halatang naiinis na rin. “Hindi ba kayo kinakabahan dahil puro businessman ang pinapatay?” sabat ko. Sana maintindihan nila ang ibig kong sabihin para hindi ko na kailangang magsalita. Hindi ko kasi masabi ng diretso. “Hindi pwede. Not our dads, please lang. Though kinakabahan din talaga ako,” pag-aamin ni Shana. “Uubusin ko ang yaman namin kapag ginalaw nila si dad,” pagalit namang saad ni Amara. “Should we check on Jenny?” singit ni Ivy sa usapan namin tapos pinakita `yung my day ni Jenny sa IG. “Puntahan na lang natin mamaya. Tanungin mo kung saan `yung lamay para alam natin kung saan pupunta,” sagot ni Shana. “Okay. Chat ko na lang muna siya,” ani Ivy. Kanina ay nagtatawanan kami dahil sa pinapanood namin pero bigla na lang kaming natahimik nang mabasa namin `yung balita. Malaki talaga ang possibility na iisa lang ang may pakana sa pagpatay kila Mr. Wang pero anong rason bakit kailangan silang ipapatay? Dahil ba sa negosyo? Napakademonyo talaga ng mundo ngayon. “Guys, nag-reply na si Jenny sa `kin. Sinabi na rin niya kung sa`n `yung lamay,” pambabasag ni Ivy sa katahimikan. “Sige. Mag-ready na lang tayo tapos gamitin natin `yung kotse ko,” ani Amara. “Should we eat first before tayo pumunta ro`n? Snacks lang ang kinain natin nu`ng lunch. Hindi pa kayo nagugutom? Baka kasi magtagal tayo ro`n,” sabi naman ni Shana. “Jollibee muna tayo before dumiretso do`n, okay lang? Gutom na rin kasi ako.” Kailangan naming kumain ng matino dahil nag-binge eating lang kami buong araw. “Adik talaga sa Jollibee. Oo, do`n na lang tayo tutal malapit lang naman dito,” sang-ayon ni Ivy at tumango na rin `yung dalawa. “Condolence sa inyo ng family, Jenny,” ani ko sabay yakap ng mahigpit kay Jenny. “Thank you. Salamat at dumating kayo, Cora,” umiiyak na sagot ni Jenny. Kinakausap na nila Shana si Jenny habang ako naman ay lumapit kay Tita Melody na nakaupo at umiiyak sa tabi ng kabaong. She looked broken and lost while staring at her husband`s coffin. Naaawa ako sa kanila dahil biglaan `yung nangyari like no one expected it. “Condolence po, Tita Melody,” mahinang sambit ko sa kanya at hinawakan siya sa balikat. Malungkot siyang ngumiti sa `kin at hinaplos ang kamay kong nakapatong sa balikat niya. “Salamat at dumating kayo para kay Jenny, hija. Your mom called kanina at sinabing pupunta raw sila rito ng dad mo mamaya,” ani Tita Melody. Kakilala rin kasi ng parents ko ang mga Wang at ilang beses din na nag-out of the country sila mommy at Tita Melody. Mabuti na rin at pupunta sila mommy dahil isang buwan na akong hindi umuwi sa amin. Kakausapin ko na lang sila mamaya. “Hintayin ko na lang po sila rito, Mrs. Wang. Pupuntahan ko na po sila Jenny,” magalang na paalam ko sa kanya bago siya iniwan dahil may mga dumating na ibang bisita para kausapin din siya. Naabutan ko sila Shana na kinakausap si Jenny sa lobby. Tahimik ko silang nilapitan para marinig ang pinag-uusapan nila. “Last week, someone sent a bouquet of black roses to my mom and then four days ago, nawalan ng preno ang sasakyan ni dad. Takot na takot na kami dahil sa mga nangyayari kaya hindi ako pinapalabas nila mommy kapag walang bodyguards. Kapag papasok naman ako, kailangan may nakabantay sa `kin sa labas ng room. Tapos no`ng umaga, umalis si dad kasi may meeting daw sila nu`ng bagong business partner niya pero kabaong na ang umuwi sa amin,” mahabang kwento ni Jenny habang humahagulhol ng iyak. “Iiyak mo lang `yan, Jenny. Nandito lang kami,” ani Ivy at hinahagod ang likod ni Jenny. “Don`t get me wrong, ha? I just want to ask kung wala bang kaaway si dad mo sa negosyo?” tanong ni Amara. “Hindi ko alam. I was so busy studying that I don`t know `yung mga nangyayari sa parents ko. Napaka-ungrateful kong anak!” pasigaw na saad ulit ni Jenny. “Be, lahat naman tayo busy sa pag-aaral at hindi na natin masyadong pinapansin `yung parents natin pero wala kang kasalanan. Please don`t blame yourself, okay?” singit na giit ko at nakiupo na rin sa kanila. “Sana mahuli na talaga nila `yung pumatay sa dad mo at pati na rin kila Mr. Roxas. Kung hindi lang kasi nadadaan sa pera ang pagtakip sa mga mayayamang kriminal!” galit namang saad ni Shana. “Balik na lang tayo sa loob para makapagpahinga ka muna, Jenny. Tulog ka na lang sa balikat namin kahit saglit lang. Namamaga na `yang mga mata mo, oh!” ani Ivy sabay turo sa mata ni Jenny na namamaga. “Sige,” matamlay na sagot ni Jenny at pumasok na nga kami sa loob. “How are you, Cora? Isang buwan ka nang hindi umuwi sa bahay,” ani mommy bago ako niyakap. “I`m fine, mommy. Kumusta na kayo si dad?” balik-tanong ko naman sa kanya. Agad akong nilapitan ng parents ko after nilang kausapin si Tita Melody. Gusto ko silang kausapin ng seryoso baka mamaya may problema rin sila na hindi ko pala alam. Natakot ako sa kwento ni Jenny at naisip na pwede rin na mangyari `yon sa parents ko. “We`re fine, hija. Bisitahin mo naman kami sa bahay tuwing weekend,” nagtatampong sabi ni mommy. “I will, promise. Kumusta ka po, dad?” pag-iiba ko ng usapan. Ngumiti muna si dad sa `kin bago lumapit at yumakap. “Ayos lang naman ako, darling.” “Wala po bang weird na nangyayari sa inyo lately? Like feeling mo may nagbabanta sa inyo?” kinakabahang tanong ko. “Wala naman, hija. Kung `yung tungkol sa nangyari kay Chen ang sinasabi mo, sinisigurado kong hindi mangyayari sa akin. Inaamin kong medyo nakakatakot ang pagpatay sa mga kapwa ko businessman pero malinis ang konsensya ko na wala akong tinatapakang tao sa paglago ng kompanya natin, hija. Ang masasabi ko lang ay mag-ingat na lang tayo dahil hindi natin alam ang mga susunod na mangyayari,” mahabang saad ni dad. Nabawasan ang takot ko dahil sa sinabi ni dad pero nag-aalala pa rin ako sa kanila. What if wala palang pinipiling tao `yung pumapatay tapos madamay ang pamilya ko? Kahit iniisip ko pa lang, nababaliw na ako. Hindi ko yata kaya na mawalan ng magulang. “Basta mag-ingat pa rin po kayo, ha?” paalala ko sa kanila. “Yes, darling. How`s school?” pag-iiba rin ni dad sa usapan. “Finals na po namin two weeks from now kaya medyo hecting ang schedule. Ang dami rin pong pinapagawa sa `min kaya kahit weekend, busy kami na gumawa ng plates,” sagot ko. “Bear with the pressure for now. Malapit nang matapos, magiging architect ka na,” nakangiting sabi ni dad na halatang proud sa `kin. Wala akong kapatid kaya sa akin napupunta ang lahat ng atensyon ng parents ko. Architect din si dad at no`ng sinabi kong gusto ko rin na maging kagaya niya, pumayag agad sila. Ako lang din ang inaasahan nilang magmamana sa kompanya kaya ngayon pa lang ay nagseseryoso na ako sa pag-aaral para matulungan ko agad sila. Gusto ko kasing maaga si dad na mag-rest bilang CEO at mag-enjoy na lang kasama si mommy, ako na ang bahala sa kompanya. “Yes, dad. Konting tiis lang po, malapit nang magtapos ang Architect niyo,” proud na saad ko. Nag-usap pa kami ng parents ko bago ako nagpaalam sa kanila na bumalik sa pwesto namin nila Jenny. Iniwan ko kasi sila do`n no`ng dumating sila mommy. Malapit na ako sa inuupuan namin nang may mahagip akong nakaupo sa pinakalikod. Tinitigan ko siya ng mabuti dahil familiar siya sa `kin. Parang nakita ko siya minsan pero pilit kong inaalala kung saan. No`ng nahuli niya akong nakatingin sa kanya ay parang nagulat pa siya kaya mabilis siyang tumayo at umalis. Parang.... Parang siya `yung sumundo sa `kin sa parking lot ng Disraeli Empire kagabi pero hindi ako sure kung siya nga `yon or baka kamukha niya lang. “Imposible namang ipapapunta ni Nikolai `yung tauhan niya rito.” Tsaka hindi nga talaga ako sigurado kung `yon ba talaga `yung tauhan ni Nikolai o hindi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD