Chapter Seven

3287 Words
Kauuwi lang namin galing sa bahay nila Jenny dahil doon kami dumiretso after ng libing ng dad niya. Nitong mga nakaraang araw, naging abala na rin kami sa lamay para samahan si Jenny. Naaawa na nga ako sa kanya dahil namamayat na siya dahil sa puyat at stress. “Matulog na lang tayo. Inaantok na ako,” saad ni Shana nang nasa tapat na kami ng condo ni Ivy. “Same here. Next week na ang finals natin kaya magseryoso na rin tayong mag-review,” sabi rin ni Amara. “Kaya wala munang magyaya ng inuman, ha? Baka masabunutan ko kayo kapag malalaman kong nag-set ulit kayo ng inuman sa labas kahit may pasok kinabukasan,” seryosong sambit ko at sinamaan pa sila ng tingin. “Pass muna ang atay ko sa alak. Tsaka na lang after ng finals dahil Christmas break na!” nakangiting paalala ni Ivy na ikinatuwa naman namin lahat. December na bukas, ang bilis ng araw pero si Nikolai, ang bagal niyang kumilos. Hindi pa rin niya ako nililigawan kahit mag-iisang buwan na kaming naglalandian. Hindi ko naman siya minamadali pero baka wala talaga siyang balak na manligaw? “Gumawa na rin kayo ng mga reviewer niyo dahil hindi na ako mag-sha-share ng reviewer! Umayos-ayos kayo, sinasabi ko na. Huwag kayong tatamad-tamad!” Hindi na talaga ako natutuwa sa katamaran nilang gumawa ng sariling reviewer kapag malapit na ang exam o `di kaya ay `pag may quiz. “Oo na! Bukas na ako gagawa. Matutulog na lang ako ngayon dahil hindi na kaya ng brain cells kong mag-summarize!” reklamo agad ni Shana sabay hawak sa ulo. “Ako rin! May bukas pa naman or saka na lang `pag sinipag ako,” dagdag pa ni Ivy. “Ikaw? Ano rin ang palusot mo?” tanong ko kay Amara na naka-focus sa phone niya. Nag-angat siya ng tingin at ngumiti ng malawak. “May deadline ba? Sa deadline ko na lang gagawin,” aniya sabay tawa. “Bahala kayo sa buhay niyo. Basta `yung pinag-usapan natin kanina, `wag kalimutan. Tulungan natin si Jenny na tapusin `yung mgq na-miss niyang activities,” paalala ko sa kanila. “Maaga naman ang dismissal natin every Tuesday tapos Thursday. Diretso na lang tayo sa bahay nila after class,” giit ni Amara. “Kaya tapusin nang maaga `yung mga requirements natin para `yung kay Jenny na lang ang asikasuhin after,” suggestion naman ni Ivy. “Sure. Hati-hati na lang tayo sa mga na-miss niya pero syempre turuan pa rin natin siya para may maisagot siya sa exam,” ani Shana. “Okay. Good night na! Gusto ko na talagang matulog dahil kulang-kulang sa tulog lately,” ani Amara. Sumang-ayon kaming lahat sa suggestion ni Shana bago kami naghiwa-hiwalay para makapag-rest pero ako, napagpasyahan kong gumawa na lang ng reviewer bago matulog. Chineck ko ang phone ko pero wala pang text si Nikolai since no`ng umaga. Naiintindihan ko naman dahil baka busy na naman niya pero hindi ko maiwasan na mag-alala para sa kanya. Sabi niya sa `kin na palagi siyang walang tulog dahil may tinatapos na trabaho. “Kumakain naman siguro `yon ng matino kahit sobra siyang busy `no?” pabulong na tanong ko habang nakatitig sa cellphone ko. Kanina ko pa pinag-iisipan kung mag-te-text ba ako sa kanya o hindi na lang. Isang linggo ko na siyang hindi nakikita at oo, miss ko na siya pero ayoko namang mag-demand na puntahan niya ako. Ang dami kong gustong sabihin sa kanya tungkol sa mga nangyari nitong nakaraan. Ayaw ko rin namang sabihin sa kanya sa text dahil hassle. “Mag-aral ka na lang ng mabuti, Cora. Kailangan mong makakuha ng mataas na score sa exam,” paalala ko sa `king sarili at tinabi ang cellphone para mag-focus sa ginagawa. Hindi pa ako nakakalahati nang dalawin ako ng antok. Tatayo sana ako para mag-unat-unat nang tumunog ang cellphone ko. May tumatawag at si Nikolai `yon kaya agad ko itong sinagot. “Hello?” bati ko sa kanya. “What are you doing right now?” tanong niya mula sa kabilang linya. “Gumagawa ng reviewer pero inaantok na ako kaya bukas ko na lang ulit itutuloy,” ani ko. “So you`re not busy anymore?” tanong niya ulit. “Oo. Pwede nang magbebe time,” sabi ko sabay tawa. Rinig ko ang mahinang pagtawa niya kaya malawak akong ngumiti. Syet! Ang sarap pakinggan ng tawa siya! Gusto ko tuloy siyang makita ngayon pero gabing-gabi na. “Silly. Can I see you now?” “Talaga?! Pwede naman pero ang oras na kasi baka inaantok ka na tapos kailangan mo pang mag-drive papunta rito,” ani ko. Masyado ba akong malakas kay Lord? Bakit pinagbigyan niya agad ang gusto ko? Ang saya ko tuloy! Thank you, Lord! Favorite mo po yata ako, ang dami niyo pong blessings sa `kin lately. “Open the door,” aniya. “Ha? Bakit?” naguguluhang tanong ko pa. “Nasa labas ako ng condo mo, Cora.” Gulat akong tumayo nang sinabi niya `yon. Nasa labas na siya! “O-okay. Wait lang.” Pinatay ko na `yung tawag at tumakbo para buksan ang pinto. “Hey. I miss you,” bungad niya sa `kin nang buksan ko ang pinto. Niyakap pa niya ako ng mahigpit at hinalikan sa noo. Nagtagal kami sa gano`ng posisyon bago siya dumistansya sa `kin. “I miss you,” pag-uulit pa niya. “Na-miss din kita,” pag-aamin ko. “I wanted to see you so bad but I was so busy. I didn't sleep for two days because I had to get things done,” pagod na saad niya. Pinaupo ko muna siya sa couch at masuyong hinaplos ang mukha niya. “You look tired. Kumain ka na ba? Galing ka sa work?” sunod-sunod na tanong ko sa kanya. Napansin ko kasi na naka-suit pa siya at hindi pa nagpalit. Sigurado akong galing siya sa work at dumiretso dito. Tinanong ko na rin kung kumain na ba siya dahil mukha talaga siyang walang oras para kumain. “I didn't,” iwas-tingin niyang sambit. “Let me cook something for you,” ani ko. “Don`t bother. I can eat tomorrow,” sumbat naman niya na ikinataas ng kilay ko. “Ah, bukas ka kakain? Kahit hindi ka na lang din kumain bukas! Mag-fasting ka na lang ng isang buwan!” mataray na saad ko dahil sa inis. Nag-aalala na nga ako sa `kanya tapos nagmamatigas pa siya ng ulo. Hindi ko talaga maintindihan ang tumatakbo sa isip ni Nikolai. Kuhang-kuha niya `yung inis ko ngayon. “You said you were sleepy, right? I just don't want to bother you, that`s all,” giit naman niya bago ako sinundan sa kusina. “Tumigil ka diyan, Nikolai. Ipagluluto kita at kakain ka ng madami. Naiintindihan mo ba `yung sinabi ko o baka naman gusto mo pang i-translate ko sa English?” taas kilay na sambit ko. “Fine. Cook for me then, my future architect,” nakangising sabi niya at umupo sa stool sa side ko. “Ano ba? Kinikilig ako pero mamaya na kita landiin,” ani ko sabay hampas sa matigas niyang braso. Na-conscious ako nang tinanggal niya ang kanyang coat at tinupi hanggang siko ang sleeves ng suot niyang white polo. Lumapit pa siya sa `kin at niyakap ako patalikod habang naghihiwa ako ng sibuyas. Ang bilis na naman nang pintig ng puso ko at siya lang ang nakakagawa no`n sa `kin. “Umupo ka muna baka sabay tayong maiyak dahil sa hinihiwa kong sibuyas,” pabirong sambit ko. Ang totoo niyan, gusto ko munang lumayo siya bago ako mangisay sa sobrang kilig. Narinig ko pa ang pagtawa niya pero hindi niya ako nilayuan at mas hinigpitan pa ang pagyakap sa `kin. “I can cry with you,” makahulugang sagot niya. Para kasing may double meaning `yung pagbigkas niya, e. “Gusto mo ng pork sinigang? Or baka hindi mo rin `yon alam dahil sobrang yaman mo?” may halong panunukso na saad ko. Ang alam ko kasi ay hindi siya laking Pinas. Napansin ko `yon noong dinner namin tapos kapag kausap ko siya dahil madami siyang hindi alam na salita rito sa Pilipinas. As a caring future jowa, tinuturo ko na lang sa kanya ang ibig-sabihin ng mga ginagamit kong words para naman matutunan din niya. “I never had one. I`m sorry,” mahinang sabi niya at pinatong ang kanyang panga sa kanang balikat ko. “The maids only cook Italian food. The only Filipino food I tasted was adobo,” dagdag pa niya. Hindi talaga ako nagulat sa sinabi niya dahil in-expect ko na `yon. Baka nga pati `yung mga fastfood chains ay hindi niya alam na nag-e-exist pala. Dalhin ko na lang siya sa Jollibee kapag hindi na siya busy. “But that was a long time ago. I forgot how it tastes,” giit pa niya. “Gusto mong ipagluto kita ng iba pang Filipino dishes? Baka masanay ka na at hahanap-hanapin mo,” sabi ko sabay kindat. “But are you willing to cook for me everytime?” balik tanong ni Nikolai. “Oo naman. Para saan pa`t magiging Mrs. Disraeli rin ako,” walang hiya-hiyang giit ko. Ramdam ko ang ngisi ni Nikolai sa balikat ko. “You`re always hitting on me, Cora.” “Gusto mo rin naman, `di ba? Umamin ka na nga, e!” “Yeah, I like it. You`re a breath of fresh air, Cora,” he murmured under his breath and kissed my hair. “Umupo ka na do`n! Magluluto na ako at nang makakain ka na,” sabi ko na lang at tinuro ang upuan sa table. “Yes, boss!” he replied with a salute before sitting on the chair like a good boy. “Oh, kumain ka na. Mukha ka nang patay gustom diyan, e.” Kanina pa kasi niya ako kinukulit bakit daw ang tagal maluto ng niluluto ko. “Finally! I wanted to taste it so bad the moment I smelled it,” sabi niya habang kumukuha ng rice. “Kumain ka ng marami para hindi sayang ang effort kong nagluto.” Biro ko lang `yon dahil baka hindi niya magustuhan ang lasa ng sinigang. “Damn, this one tastes freaking good! I think I can eat all of it,” puri niya nang matikman ang sabaw ng sinigang. “May bukas pa naman, Nikolai. Hinay-hinay lang,” sita ko sa kanya. Para siyang bata na binigyan ng candy sa itsura niya. Halatang tuwang-tuwa sa kinakain, ang cute niya tuloy. Napaisip ako kung hindi ba siya pinakain ng nanay niya ng mga pagkaing Pinoy? Taga Pinas naman `yung mommy niya pero never pa siyang nagkwento tungkol sa pamilya nila. “Kain ka lang diyan. Kukunin ko muna `yung phone ko sa kwarto,” paalam ko sa kanya. Tumango lang siya bilang sagot dahil busy siyang kumain. Hinayaan ko na lang siya sa kusina at pumasok na lang muna sa kwarto para ayusin `yung mga nagkalat na notes ko. “Tapos ka na?” tanong ko kay Nikolai nang maabutan siyang naghuhugas ng pinagkainan niya sa sink. “Uh, yeah. Inubos ko na `yung ulam na niluto mo,” parang nahihiyang sambit niya. Nakangiti ko siyang nilapitan at sumandal sa tabi ng sink. “Ang takaw mo pala `no? Hindi naman halatang gustong-gusto mo `yung luto ko,” biro ko ulit sa kanya. “I like you more,” banat niya pero seryoso lang siyang naghuhugas ng mga pinggan. Mahina ko siyang kinurot sa bewang bago tumawa. “Like lang? Baka may balak kang i-upgrade `yan?” “Let`s see about that,” he said, smirking. “Bilisan mo, baka balang araw ay magising ka na lang na may gusto na pala akong iba.” Joke ko lang ulit `yon pero sineryoso niya yata. Tumigil siya sa kanyang ginagawa at tumingin sa `kin ng maigi. “Was that supposed to be a joke? It`s not funny, Cora.” “Ito naman, sineryoso mo agad `yung sinabi mo. Ang KJ mo talaga, Nikolai!” Hindi ko pa siya narinig na nag-joke kahit minsan. He`s taking life way too serious hindi ba siya pwedeng mag-enjoy muna? “I`m sorry, I don`t have the humor like yours. Mine`s very different,” he replied. “Alam ko. Hindi kasi talaga tayo parehas ng sense of humor.” Pero bagay naman tayo... Nang matapos na maghugas ng mga pinggan si Nikolai ay pumunta kami rito sa living room para mag-rest muna siya. Alam kong sobra siyang busog dahil pati `yung kanin ay inubos niya rin. “So, how`s work?” paninimula ko sa usapan. “It`s giving me headache. I had to deal with things from time to time,” stress na giit niya. “Kaya mo `yan, ikaw pa!” Nakita ko na kung paano magtrabaho si Nikolai at masasabi kong magaling talaga siya. He`s a perfectionist at syempre, strict. “May napapansin ka bang weird sa paligid mo lately?” tanong ko sa kanya nang maalala ko `yung nangyari kila Mr. Wang. Kumunot ang noo niya. “What do you mean?” “Like someone`s trying to harm you? Wala naman siguro `no?” Masungit pa naman `tong si Nikolai at madaming kakumpitensya sa negosyo. Siya pa mismo ang nagsabi sa `kin nu`n sa Batangas. “I don`t understand what you`re trying to say,” naguguluhang saad niya. Bumuntong-hininga na lang ako at lumapit sa kanya. “Narinig or nabasa mo ba `yung case na Mr. Muñoz at Mr. Roxas pati na rin `yung kay Mr. Wang?” “I did. Why?” “Nag-aalala lang naman ako sa `yo baka pati ikaw ay madamay. Tignan mo, mga negosyante `yung biktima kaya kinakabahan talaga ako,” seryosong sabi ko. Kalmado pa rin siya kahit sinabi ko na `yung tungkol kila Mr. Roxas. Hindi ba siya natatakot na madamay? “Alam mo naman siguro `yung tungkol sa kabaong `di ba? Paano nila nakakayang gawin `yung bagay na `yon? Hindi ba sila naaawang pumatay?” sunod-sunod na tanong ko. “Just think maybe those businessmen got skeletons in their closet and that they had to die to pay their sins,” he casually said and shrugged. “Pero hindi naman kailangan na patayin sila. Kahit saang anggulo tignan, mali pa rin `yon,” ani ko. Tinignan ko ulit si Nikolai pero blanko na ang ekspresyon sa mukha niya. Hindi ko mabasa kung ano ang iniisip niya tungkol sa mga sinabi ko. “Tsaka kawawa pa `yung pamilyang iniwan nila. Kaibigan ko `yung anak ni Mr. Wang na si Jenny at awang-awa ako sa kanya. Nasabi ko sa `yo na sinasamahan namin siya `di ba? Bakit hindi manlang naisip nu`ng killer na may pamilya rin `yung pinatay nila?” dagdag ko pa. “Maybe the killer has his reason to kill them or maybe they really deserve death,” he marveled and smiled at me. “At talagang nagawa mo pang ngumiti?! Kakaiba ka talaga mag-isip, Nikolai!” Hinampas ko pa siya sa braso nang paulit-ulit dahil hindi ako makapaniwalang ngumiti pa siya sa gano`ng usapan. “Stop hitting me, Cora. It won`t change my belief anyway,” he added with a teasing smirk. Lumayo na lang ako sa kanya at humalukipkip. “Just be careful, okay?” paalala ko sa kanya. “Sure, I will. No one will dare to harm me, keep that in mind, alright?” masuyong sambit niya. “Oo na. Uuwi ka ba or anong balak mo?” pag-iiba ko sa topic. Saglit siyang nag-isip bago ngumiti ng malawak. “Can I sleep here? I`m too tired to dirve home,” he asked. Sleep here? Matutulog daw siya dito! May guest room naman pero ginawa ko munang bodega at hindi pa nalilinisan! Kung matutuloh siya rito edi magtatabi kami sa kwarto ko. “Pwede naman p-pero hindi p-pa kasi n-nalilinisan `yung g-guest r-room,” nauutal na sagot ko sa kanya. “Who said I`m going to sleep there?” kunot-noong saad niya. “Ha? E, sa`n ka matutulog?” tanong ko naman. He smirked. “Beside you.” “Ano?! Seryoso ka ba?!” gulat na giit ko. Wala kaming label pero matutulog agad kami sa iisang kama? “Don`t worry, luv. I won`t bite. Atleast not for now,” he muttered with his devilish grin. Binato ko siya ng throw pillow pero nasalo naman niya `yon. “Shut up, Nikolai!” sita ko sa kanya. “Fine, you can sleep here tonight. Naaawa lang ako sa `yo dahil pagod ka na sa trabaho,” sabi ko. Nauna akong pumasok sa kwarto at sumunod naman niya. Naabutan niya akong nag-aayos ng higaan kaya sumandal muna siya sa pinto. Nakatitig lang siya sa `kin at pinagmamadan ang ginagawa ko kaya hindi ko maiwasang mailang. “Ano? Tatayo ka lang ba diyan?” Kanina pa kasi siya titig na titig sa `kin. “I just thought of something,” sagot niya bago umupo sa kama at nag-stretch. “Matulog na lang tayo. May tatapusin pa ako bukas,” sabi ko nang maalala `yung hindi ko natapos na reviewer. “What is it?” Humiga rin siya sa kama at humarap sa `kin. “Reviwer ko. Finals na namin next week,” sagot ko. Alam kaya ni Nikolai na halos atakihin ako sa puso ngayon? Pinipilit ko lang na gawing normal `yung tono ko para hindi niya mapansin na ninenerbyos ako. “Do you want me to help you?” he offered but I have to decline. “I can do it, Nikolai. Ang dami mo pang work na dapat tapusin,” mahinang sabi ko. Muntik na talaga akong mawalan ng hininga no`ng lumapit siya sa `kin at hapitin ako sa bewang. Magkadikit na ang katawan namin at nahihiya ako baka maramdaman niya `yung puso kong nagwawala. “Hmm... Then let`s sleep for now,” pabulong na saad ni Nikolai habang sinusuklay ang buhok ko gamit `yung kamay niya. “Sige,” maikling tugon ko. “I like your hair. It smells good,” he commented and I smiled secretly. “Thank you,” I whispered still smiling. “You look like a doll,” sabi niya ulit habang patuloy sa pagsuklay ng buhok ko. “So perfect for someone like me,” dagdag pa niya. “I`m not perfect, Nikolai,” inaantok na sagot ko. “But for me, you are.” Kagat-labi akong nag-isip ng isusumbat sa kanya. May mga pagkukulang din ako bilang tao, hindi ako perpekto. Feeling ko ang special ko na naman dahil sa mga sinabi ni Nikolai. “You`ll see my flaws soon,” I replied and hugged him. “I don`t care about those. You`re still perfect for me,” he insisted before kissing my forehead. Speechless na talaga ako sa puntong ito. Hindi ko ma-process `yung mga sinabi niya dahil ang dami. Bakit ganito ang epekto ni Nikolai sa `kin? “That`s so sweet of you, Nikolai.” Siniksik ko na lang ang ulo ko sa dibdib niya at pumikit. “Sa `yo lang ako nagkakaganito, Cora,” sambit niya. “I know. Ikaw lang din naman ang nilalandi ko,” sabi ko naman. “Just keep your promise and I`ll be fine. Good night, Cora,” he mumbled and kissed my forehead again. “G`night, Nikolai.” Hindi ako bobo para hindi malaman kung ano `tong nararamdaman ko. Akala ko crush lang pero habang tumatagal, lalong lumalalim ang nararamdaman ko para kay Nikolai. I was falling in love with him but I kept denying it. Ngayon, hulog na hulog na talaga ako sa kanya. Sana totoo ang mga sinasabi at pinapakita niya sa akin dahil mahal ko na siya. I love him.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD