Chapter Five

2875 Words
“Cora! Tapos mo na ba `yung plates mo?” tanong ni Shana sa `kin habang nagluluto sa kitchen. “Oo, kagabi ko `yon tinapos. Bakit?” balik tanong ko naman sa kanya. “Iba talaga `pag inspired!” panunukso sa `kin ni Ivy sabay kurot sa tagiliran ko. Nakatambay lang kami rito sa condo ko after naming magpasa ng homework kay Ma`am Perez. Half day lang kami ngayon dahil may meeting ang university staff. Kahit Friday ngayon, wala na kaming balak na uminom or lumabas. Manonood na lang kami at kakain sa condo ko. “Syempre! Ilang araw na kaming nag-uusap ni Nikolai sa phone,” kilig na sabi ko sa kanila. Tawag at text lang ang communication namin ni Nikolai pero kuntento na sa ro`n dahil alam ko namang busy siya. Palagi niya akong tinatawagan sa gabi para kumustahin ang araw ko tapos pinapa-remind niya rin na kumain ako sa tamang oras. Very inspired ako lately kasi may taga-eat well na ako. “Sa una lang `yan masaya. Sinasabi ko na sa `yo,” bitter na giit ni Amara na siya namang ikinatawa namin ni Ivy. “Ay, hindi na ba siya nagparamdam?” singit naman ni Shana na galing sa kusina at may hawak na malaking bowl. “Tumahimik ka riyan, Shana. Wala na ako sa mood na pag-usapan `yung taong `yon. Imagine, hindi na lang siya nagparamdam sa `kin after kong ibigay sa kanya `yung design ng bahay na ipapagawa niya sa Tagaytay?! I feel so taken for granted! Nakakainis talaga!” pagalit na saad ni Amara bago kumain sa fries na niluto ni Shana. “The design is very Nikolai, magkaibigan nga sila,” kumento naman ni Ivy. Naningkit ang mga mata ko sa sinabi niya. “May rason naman si Nikolai kung bakit hindi niya ako nirereplyan ng one week. Pumunta siya sa Sicily no`n kaya hindi siya maka-text sa `kin tsaka guilty na rin ako ginawa ko. Wala namang namamagitan sa `min no`n tapos bigla na lang akong umakto na parang may ginawa siyang kasalanan sa `kin. Minsan nahihiya na lang talaga ako sa mga ginagawa ko after kong ma-realize na mali pala `yon,” mahabang paliwanag ko. Sobra akong guilty na tinawag kong ghoster si Nikolai when in fact, wala naman talagang something sa amin no`ng time na `yon. Gosh, I was so immature to the point na nahihiya na lang talaga ako para sa sarili ko. Gusto ko ngang magpa-sorry kay Nikolai dahil sumobra ang kakapalan ng mukha ko. “O, `di ba? Hindi nauuna ang pagsisisi,” sabi naman ni Shana. “And then guilty na rin ako dahil ako ang puno`t dulo kung bakit ganyan si Amara ngayon. I`m sorry, Amara,” nanghihinayang na saad ko. “It`s not your fault, okay? Kasalanan ko kasi nahulog agad ako sa kanya kahit alam ko namang hindi niya ako gusto,” mangiyak-ngiyak na giit ni Amara. “Hey, don`t blame yourself. Hindi mo rin naman kasalanan kasi nagmahal ka lang naman. Hayaan mo, madami ka rin namang lalaki na pwedeng landiin diyan sa tabi-tabi. Hindi lang si Lieven ang lalaki, okay?” paglalambing ni Shana habang inaayos `yung magulong buhok ni Amara. “And for that, group hug!” anunsyo ni Ivy bago kami nagyakapan. Palagi talaga akong nagpapasalamat kay Lord na binigyan niya ako ng mga kaibigan na hindi lang ako sasamahan sa pagsasaya kundi pati sa mga pagsubok na hinaharap ko. Minsan nga napapaisip ako kung nakaya ko pa bang umabot ng 4th year sa course ko kung wala sila? My friends are one of the best things I have and I intend to keep them for life. “Busy kaya siya ngayon?” tanong ko habang nakahiga at nakatitig sa screen ng phone ko. Hindi kasi nag-text or tumawag si Nikolai sa `kin since no`ng isang araw pa. Okay lang naman sa akin pero hindi ko lang maiwasang isipin kung ano ang pinagkakaabalahan niya ngayon. Busy din kasi ako no`ng isang araw pati na rin kahapon kaya hindi ko masyadong inisip na i-text siya. “Baka nga may ginagawa pa siya,” bulong ko bago binuksan ang email para i-check kung na-send na ni Meliza `yung report namin sa Monday. Nagulat na lang ako nang makitang may natanggap akong email galing kay Nikolai. Chineck ko rin kung kailan niya sinend at nakita na kami nang umaga lang pala. Excited kong binuksan `yung email niya at ang bumungad sa `kin ay invitation. From: nikolaidimitri@gmail.com Ms. Park, With one purpose in mind, I have sent this email to let you know that I, Nikolai Dimitri Disraeli, is inviting you for a dinner this Saturday night at seven in the evening. If by chance you are busy at the given time, you have the right to decline. But, it would be great if you let me feel your presence after weeks of not seeing you. Please let me know if you agree and I shall send a chauffeur to pick you up. By the way, wear something comfortable. This is the first date between you and me. Please expect more invitations flooding your inbox. Nikolai “Ano ba naman `yan! Mag-i-invite na nga lang ng date, sa email pa talaga?!” kilig na giit ko at paulit-ulit na binasa `yung email niya. Syet! Ganito ba mag-invite ng date ang isang Nikolai Disraeli? Nakakataas ng standard! Maayos kong kinuhanan ng picture `yung email ni Nikolai at sinend sa GC namin nila Ivy. Cora: Syet! Masyado ba talaga akong maganda? Ivy: Ay, ganyan na pala magyaya ng date ngayon? Hindi ako informed. Shana: Pahingi ng ginagamit mong shampoo, gusto ko rin ng mahabang buhok. Amara: Sa una lang `yan masaya. Kilig now, iyak later. Natatawa akong nireplyan si Amara dahil bitter pa rin siya hanggang ngayon. Cora: Bigyan lang lang din kita ng shampoo para humaba `yang buhok mo gaya `nung akin, HAHAHAHA. Shana: Magtanim ka na lang ng madaming ampalaya diyan sa terrace mo, Amara. Amara: Tumahimik ka diyan, Shana kung ayaw mong i-send ko kay Kuya Pierce `yung mga sinabi mo sa `kin through chat. May resibo na ako kaya `wag ka nang mag-unsent! Shana: Ito naman, parang hindi kaibigan! Secret lang natin `yon! Huwag mo naman akong ilaglag! Taga-react lang kami ni Ivy ng "haha" sa mga chats ni Amara at Shana. May gusto kasi si Shana sa kapatid ni Amara pero hindi niya masabi dahil baka raw ma-reject siya. Mas matanda sa amin si Kuya Pierce at ka-age lang din nila Nikolai. Parang tadhana yata naming magkakaibigan na magkagusto sa mga lalaking mas matanda sa amin. Ivy: Tama na `yan. Matulog na lang tayo at tutulungan pa natin si Cora bukas para sa date nila ni Mr. Disraeli. Shana: Yeah. G'night guys! Amara: Hoy, Cora! Matulog ka na rin! Tama na `yang kilig-kilig na `yan at naiinis na ako! Bye! Cora: Matutulog na nga `yung tao `di ba?! Good night! Nag-reply na lang ako kay Nikolai sa text at sinabing available ako bukas ng gabi para sa date namin. Syet talaga! Hanggang ngayon kinikilig ako paano na lang kapag `yung date na? Malaki ang ngiti kong in-off `yung lampshade bago ako natulog ng mahimbing. Kailangan kong mag-rest para blooming ako bukas! “Bakit tayo pupunta sa rooftop?” curious na tanong ko sa lalaking sumundo sa `kin kanina sa parking lot ng Disraeli Empire. “Mr. Disraeli is waiting for you there,” sagot naman niya. “Okay.” Baka sa rooftop kami mag-di-dinner? Hindi kasi sinabi ni Nikolai kung saan kami pupunta. “We`re here, madam,” magalang na saad `nung lalaki at nag-bow pa sa `kin. “Thank you po!” pasasalamat ko. Medyo nailang ako sa treatment niya sa `kin dahil hindi ako sanay sa gano`n. Pinauna niya akong lumabas sa elevator nang bumukas ito. Nang makalabas na ako, nakita ko si Nikolai na nakatayo sa tabi ng chopper at halatang hinihintay ako. Teka.... chopper? “Bakit may chopper?!” malakas na tanong ko kay Nikolai nang lumapit ako sa kanya. Kailangan ko kasing lakasan `yung boses ko para marinig niya dahil maingay `yung chopper. Hindi muna siya sumagot at lumapit sa `kin ng bahagya. Natuod ako sa posisyon ko nang hinalikan niya ako sa noo at niyakap ng mahigpit. “Let`s go somewhere, luv,” bulong niya sa akin bago ako inalalayan papasok sa chopper. Hindi pa rin ako makapagsalita kasi kinikilig ako sa paghalik niya sa noo ko. Napatitig pa ako sa kamay ko na hawak niya at palihim na kinurot ang sarili. Feeling ko namumula na `yung mukha ko ngayon at sana hindi `yon mapansin ni Nikolai. “Saan tayo pupunta?” tanong ko sa kanya nang maramdaman kong nasa himpapawid na kami. “You`ll know it when we get there. You can look outside the window and enjoy the view for now,” sagot niya sabay turo sa mga ilaw sa ibaba. “Ang ganda!” manghang sigaw ko nang makita ang mga ilaw sa ibaba. Ang ganda ng city lights kapag tinitigan ito mula sa himpapawid. Kinuha ko na lang ang phone ko sa dala kong pouch at kumuha ng madaming pictures at videos. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na sumakay ako sa chopper kaya sulitin ko nang kumuha ng mga pictures para may memories. Si Nikolai ang unang nagparamdam sa `kin kung ano `yung na-feel ni Anastasia no`ng yinaya siya ng date ni Grey tapos chopper din ang ginamit nila. Ano `to, Fifty Shades of Grey? Shit! Ang dumi na naman ng isip ko, jusko! Pasikreto akong tumingin kay Nikolai at nakitang nakatitig din siya sa ibaba. Malalim yata ang iniisip kaya hindi niya namalayan na kinuhanan ko siya ng pictures. Kinakabahan nga ako baka mahuli niya ako pero mabuti na lang at hindi niya napansin. Hindi ko napigilang mapangiti habang tinitignan ko `yung mga stolen shots niya. “Ang gwapo talaga,” pabulong na sambit ko bago in-off ang cellphone. “Batangas?” tanong ko nang iwan kami ng chopper. “Yeah. We can go back and find another place if you don`t like it here,” sabi naman ni Nikolai at kinuha ang kanyang cellphone. “No need. Gusto ko rito para malayo sa city,” sagot ko at pinigilan siyang tumawag. “You sure?” paninigurado pa niya. “Oo nga. Dito na lang tayo and relax, you look so tense. Ako lang `to, Nikolai!” biro ko sa kanya. Kanina ko pa kasi napapansin na parang nag-pa-panic siya. “Was it too obvious? Sorry, this is my first time asking a woman for a date,” seryosong sambit niya sabay kamot sa batok na parang nahihiya. “Ay, totoo? Scammer ka yata, e. Hindi ako naniniwala na first time mo `to like, legit ba?! You`re Nikolai Disraeli but you never get to experience going out on a date before?!” gulat at hindi mapaniwalang giit ko. “I don`t do dates because I was always busy dealing with things. Dating wasn`t my priority,” he replied. “Then why did you change your mind?” Gusto kong malaman bakit bigla siyang nag-invite ng date kung hindi naman pala niya `yon priority. “You. It`s because of you, Cora,” pag-aamin niya bago ako hinarap at hinawakan sa magkabilang balikat. “You corrupted my mind,” dagdag pa niya. Teka lang! Masyadong nakakalaglag ng puso `yung mga sinabi niya! Nahihirapan tuloy akong huminga dahil sa bilis ng t***k ng puso ko. Hindi na normal `yung ganitong feeling, sinasabi ko na. “Huwag kang mag-alala dahil same lang naman tayo. Ikaw pa rin naman `yung gusto ko,” nahihiyang sambit ko at umiwas ng tingin. Ilang beses ko nang inamin sa kanya na crush ko siya pero bakit ngayon parang nahihiya ako? Dahil ba sa sinabi niya? “That`s good. Stop liking other men aside from me, alright? I was mad when I saw you dancing with lots of men,” seryosong saad niya na para bang inaalala `yung nakita niya no`ng gabing `yon sa club. “Lasing ako nung gabing `yon, okay?” palusot ko pa. “Ganyan ka ba malasing?” mapanuring tanong pa niya. Awkward ko siyang nginitian bago sumagot. “Oo.” “Tell me, how many of them should I kill everytime you get drunk?” may halong galit na sambit niya at tumingin sa `kin ng masama. “Kill agad? Don`t worry, hindi ko na uulitin `yon.” Hindi ko talaga uulitin kapag kami na or baka wala siyang balak na ligawan ako? “I don`t believe you. You`re always out for a drink with your friends and end up wasted. I`m a busy person, Cora so I`m not always around to look out for you,” he muttered using his calm voice but I can sense something in his tone like.... pagtatampo? Nagtatampo ba siya? Or baka concern lang sa akin? Ano ba talaga? Hindi ko siya mabasa. “Trust me. I won`t do it again, promise ko `yan.” Hindi naman kami pero bakit parang usapan ng magjowa `yung topic namin? Ano `to? Parang kami na hindi? “Yeah, I`ll trust you.” “Can we take pictures together?” pag-iiba ko sa usapan. Kanina pa ako nag-iipon ng lakas ng loob para sabihin `yon sa kanya. “Sure. Come here.” Huminto siya sa paglalakad at hinila ako para magdikit ang katawan naming dalawa. Nag-selfie kaming dalawa tapos nag-insist siyang picturan ako. Hinawakan muna niya `yung kanang kamay ko bago niya ako pinicturan kasama `yung kamay niyang nakahawak sa kamay ko. Naka-ilang shots din kami sa gano`ng concept kaya hindi ko na-realize na phone pala niya ang ginagamit niyang mag-picture. May mga solo pictures din siya sa phone ko dahil sinabihan ko siyang magpicture din na mag-isa. “Ano pala... Pwede ko bang i-post `yung pictures natin sa IG? Okay lang din kapag ayaw mo,” paalam ko sa kanya. “IG? What`s that?” takang tanong niya. “i********:. Hindi mo alam `yon? Ito, oh!” Pinakita ko pa sa kanya `yung account ko sa IG dahil hindi ako makapaniwalang hindi niya `yon alam. Gaano ba siya kaseryoso sa buhay at hindi niya alam ang IG? “Oh. I don`t have time to have one,” sagot naman niya habang nakatitig sa phone ko. “Ay, oo nga pala. So, ano? Pwede ko bang i-post `yung pictures natin?” tanong ko ulit. “Of course. Tell them you`re with me,” he said, smirking. “Sige. Post ko na lang mamaya `pag nakauwi na tayo,” sagot ko naman. “Will your post include the ones you took on the chopper? You were taking shots, right?” ngiting aso na sabi niya. “Alam mong kinukuhanan kita ng picture? Bakit hindi ka nag-react?!” nahihiyang sambit ko. Akala ko pa naman hindi niya napansin! “I was aware but I didn't react because you were enjoying yourself taking stolen shots of me. Don`t worry, I did the same while you were looking at the city lights,” he casually said. Nakakahiya pa rin sa kanya! Kung anu-ano kasi `yung ginagawa ko nang hindi nag-iisip ng mabuti! “Ah, gano`n ba? Sige, isasama ko sa post ko `yung stolen pictures mo kanina,” ani ko sa mababang tono. Pigil-ngiti siyang umakbay sa `kin bago nagsalita. “You don`t have to be shy, Cora. You can always do that anytime.” “O-okay. Saan pala tayo kakain?” pag-iiba ko ulit sa usapan. “Knox`s beach house. I figured out you might want to unwind,” giit niya. Mabuti na lang talaga at naka-flats lang ako dahil kanina pa kami naglalakad dito sa dalampasigan. Simple lang ang suot ko ngayon, mid-length na white dress tapos flats. Beach pala ang pupuntahan namin kaya sinabi ni Nikolai sa email niya na wear something comfortable. “Sino si Knox, kaibigan mo?” tanong ko sa kanya. “A relative,” maikling tugon niya. “Ang yaman naman pala ng angkan niyo `no?” Bigatin ang mga kakilala ni Nikolai, napapaisip tuloy ako kung gaano siya kayaman. “Because our family does a lot of business. We deal with lots of things,” he said and shrugged right after. “Kaya naman pala lagi kang busy,” komento ko na lang. “Stargazing after dinner? Although it`s fine if you want to go home. What can you say?” he suddenly asked. “Gusto kong mag-stargazing! Tignan mo ang daming stars tapos full moon pa! Walang ganito sa city!” masayang sambit ko sabay turo sa kalangitan na puno ng bituin. “Stargazing it is then. I want you to know that this... All of these things are new to me, I`ve never done these before but I can do more for you.” Mahina ang pagkasabi niya pero narinig ko lahat. Kalmado siyang tumingin sa `kin bago hinaplos ang mukha ko. “And you alone, Cora,” paos na saad niya. Nakatitig lang kami sa isa`t isa hanggang naramdaman ko ang paglapat ng labi niya sa labi ko. Pumikit na lang ako at hinalikan siya pabalik. Sa puntong ito, wala na akong ibang hihilingin pa. Masaya na ako dahil alam kong kahit paano, may ako sa buhay ni Nikolai. Sana... Sana hindi lang saglitan ang sayang nararamdaman ko ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD