Chapter Seventeen

2146 Words
Five years later… “Shot!” malakas na sigaw ni Amara habang sumasayaw. “Para sa bagong kasal!” masayang sambit ko saka nag-straight shot sa hawak kong Margarita. “Cheers!” nakangising sambit naman ni Selene, ang kaibigan namin na bagong kasal. “Omg, am I late?” ani Shana na kararating lang. “Obvious ba?” pagtataray ni Ivy. “I’m sorry, okay? Dumaan pa kasi ako sa office,” dipensa naman ni Shana. Inikutan lang siya ng mga mata ni Amara at binigyan agad ng alak. “Habol ka,” aniya kay Shana. “Ugh! Fine!” Nag-shot na lang si Shana saka umupo sa tabi ko. “I saw Lieven at the wedding,” panimula ni Shana. Hindi nakatakas sa amin ang pag-ikot ng mga mata ni Amara. “And? Wala akong pakialam do’n. Past is past nga ‘di ba?” “Talaga ba? Pansin ko ‘yung mga pagtitig mo sa kanya, e!” pang-aasar ko pa. Tinaasan ako ng kilay ni Amara. “Sus! Alam ko namang pasikreto mong hinahanap si Nikolai!” Ha? Ano raw? “Gaga, bakit ko naman hahanapin ‘yon? Sino ba siya?” painosenteng tanong ko. “Nikolai was invited too. Hindi ko lang alam kung um-attend ba or hindi. I didn’t see him,”ani Selene. Oo nga pala, magpinsan si Knox at Nikolai kaya invited din siya sa kasal. Mabuti na lang at hindi nagkrus ang landas namin. Sana, hindi ko na siya makita hanggang mamatay ako. “Isn’t that a good thing? Ayoko namang maging bitter sa kasal niyo pero masaya ako dahil hindi ko nakita ang pagmumukha ng lalaking ‘yon,” saad ko sa galit na tono. Oo, galit ako. Hindi ko tuloy maisip kung bakit ako nagpakatanga sa kanya. Bakit nga ba ako naniwala sa mga kasinungalingan niya noon? “Chill. Tumataas na naman ang lipad mo,” singit ni Amara saka ulit ako binigyan ng alak. “Enough with Nikolai. Let’s talk about our upcoming trip to Seoul,” pag-iiba ni Selene sa usapan. “Cora will be the host, right?” tanong naman ni Shana. “Malamang. Sino ba ang may bahay sa Korea sa atin?” pambabara ni Ivy kay Shana. “Whatever!” ani Shana. Nilapag muna ni Ivy ang hawak na baso sa table at tinignan si Selene. “Paano si Phoenix? Sinong magbabantay sa kanya?” Bumuntong-hininga si Selene. “Maiiwan muna siya kay Knox. Gagala muna ako after ng honeymoon namin.” “Taray. Honeymoon daw pero parang araw-araw naman ‘yang honeymoon niyo,” ngising pahayag ni Amara. Malakas siyang hinampas ni Selene sa braso saka ito tumawa. “Paano nabuo si Phoenix kung hindi namin inaraw-araw?” “Made in Greece ang inaanak namin.” Mahina kong sinabunutan si Selene bago tumawa. “Girl, ilang weeks lang kayong nagsama ni Knox sa Greece nabuntis ka agad. Baka naman kasi ginawa niyong three times a day?” Sinundot-sundot pa ni Shana ang beywang ni Selene para kilitiin ito. “Ginawang maintenance,” dagdag din ni Ivy. “You guys… Shut up!” pikit-matang saway ni Selene sa amin. Malakas kaming nagtawanan sa table namin dahil sa reaction ni Selene. Namumula ito habang takip ang mukha gamit ang kamay. “Hey, I have to take my wife home. Kanina pa kasi umiiyak si Phoenix. He’s looking for his mom,” paliwanag ni Knox sa amin nang puntahan niya kami para sunduin ang asawa niya. “Sige, iuwi mo na lang dahil tipsy na rin siya. Maaga pa flight niyo bukas ‘di ba?” Ako na ang sumagot dahil inaayos na nila Amara ang bag ni Selene. “Yeah, six in the morning that’s why she shouldn’t get drunk. Baka ma-hangover,” sagot naman ni Knox at tinanupan ng tingin si Selene na natutulog. Lumapit sa amin si Shana at binigay ang bag ni Selene kay Knox. “Drive safely.” “Thanks. Don’t get wasted and go home later. This place isn’t safe for you,” bilin pa ni Knox sa amin. “Okay lang kami. Tsaka na lang kami uuwi ng maaga kapag may susundo sa amin,” ngising sambit ni Amara. Tumingin muna saglit si Knox sa VIP lounge at ngumiwi. “Should I call my friends? I’ll tell them to fetch you guys,” Knox offered. “Stop! No! Never! I mean, huwag na. Kaya naman naming umuwi,” pigil ko sa kanya saka awkward na tumawa. What the hell! I sounded defensive. “Kahit huwag mo na silang tawagan. Wala rin naman silang ambag sa buhay namin, e!” pabalang na sagot ni Amara. Ngumisi si Knox at napailing. “So clueless. Anyway, I have to take my wife home.” “Sige lang. Sayo na ‘yang asawa mo. Hihiramin na lang namin siya next week!” ani Amara. Binuhat na ni Knox si Selene mula sa couch dahil tulog na tulog ito. Hindi naman siya lasing pero dahil na rin siguro sa pagod niya sa wedding preparation kaya nakatulog agad. “Are you sure you’ll be fine here?” tanong ulit ni Knox. Tumayo si Shana at inayos ang skirt ni Selene na medyo umangat hanggang sa kanyang hita. “We can manage ourselves, Knox. Iuwi mo na si Selene, Phoenix must be looking for you two.” “Alright. We have to go,” paalam ni Knox sa amin. Nag-wave lang kami nang naglakad na siya paalis habang buhat si Selene. “Happy honeymoon!” pahabol pa na sigaw ni Ivy. “Ganyan kayo siguro ni Lieven kapag hindi ka niya ghinost,” pang-aasar ko kay Amara. Matalim niya akong tinitigan habang nakapameywang. “Ganyan din sana kayo kung hindi ka iniwan ni Nikolai, ‘no?” Nawala ang ngisi sa labi ko at inirapan siya. “Shut up. Hindi ko ‘yon kilala.” “You guys should stop. Inom na lang tayo and then let’s hit the dance floor later,” awat ni Shana sa amin. “Pakshet! Ang sakit ng ulo ko!” inis na sambit ko habang hawak ang ulo. Hindi ko alam paano ako nakauwi sa condo. Wala akong maalala sa mga nangyari kagabi. Paano kami nakauwi? “s**t talaga. Putangina,” mura ko pa. Para akong zombie na naglalakad papunta sa kusina para maghanap ng Advil. Nasagi ko pa nga ‘yung vase sa tabi ng counter buti na lang hindi nahulog sa sahig. Pinilit ko na lang na nag-ready para pumasok sa trabaho kahit hilong-hilo pa ako. Nag-taxi lang din ako dahil wala ako sa mood na magmaneho. “Huwag mo akong kausapin. Sabog ako,” masungit na sabi ko kay Yael nang salubungin niya ako sa harap ng opisina ko. “Hangover?” tanong pa niya. “Oo kaya umalis ka na dahil wala ako sa mood,” pagtataboy ko pa sa kanya. “Chill. Ipapaalala ko lang naman sa ‘yo ‘yung dinner with my parents mamayang gabi. Baka nakalimutan mo na naman,” paalala niya sa ‘kin. Shit! Oo nga pala. Nakalimutan ko na may dinner kami mamayang gabi kasama ang parents ni Yael. “Hindi ko nakalimutan, okay?” pagsisinungaling ko. “Fine. I’ll pick you up at six. Would that be fine?” aniya. Tumango ako bilang sagot bago pumasok sa opisina ko. Gusto kong matulog na lang sa condo pero madami pa akong kailan na tapusin ngayon. “Ma’am, nag-order po ako ng Iced Americano para sa inyo. Pasok po ako, ah?” paalam ni Lyka, ang secretary ko na ngayon ay nakatayo sa pinto. “Life saver! Iyan ang kailangan ko ngayon dahil feeling ko mabibiyak na ‘tong ulo ko. Thank you, Lyka!” Magpapabili pa lang sana ako sa kanya pero may nabili na siya. “Kailangan niyo po ba ng gamot, Ms. Cora?” tanong pa niya pagkatapos ilapag sa table ko ‘yung nabili niya. “Hindi na. Nag-take na ako ng Advil sa condo. Ito lang ang kailangan ko baka sakaling guminhawa ang pakiramdam ko,” pikit-matang sabi ko. Konting tulog sana. Inaantok pa talaga ako. “Sige po, Ms. Cora. Wala po kayong meeting ngayon pero may mga kailangan kayong pirmahan. Nilagay ko na po rito sa table niyo kanina.” Turo niya sa mga papers na nakalapag sa table ko. “Hindi ko pa tapos ‘yung proposal.” Hindi ko tinapos ‘yon dahil um-attend ako sa kasal ni Selene noong isang araw at maaga rin akong umalis kahapon dahil nagkayayaan ang barkada na lumabas. “Tinapos ko na po, Ms. Cora. Paki-check na lang po kung may correction,” magalang na sagot ni Lyka. Nanlaki ang mga mata kong tumingin sa kanya. “Tinapos mo lahat?! Hindi ka sana nag-abala pa, Lyka. Sinabihan na kita na bawal kang mag-overtime palagi.” Ilang beses ko na siyang pinagalitan dahil napapasobra siya ng overtime. Kapag may trabaho akong hindi tinapos, siya na ang tatapos at ipapa-check na lang sa ‘kin. “Ayos lang po sa ‘kin na gawin ‘yon, Ms. Cora. Mas natututo pa po ako kaya hayaan niyo na lang po ako,” ngiting sagot niya. Fresh graduate si Lyka noong ni-recommend siya sa akin ni dad na maging secretary ko two years ago. Simula kasi nang magkasakit si dad, ako muna ang pumalit sa kanya bilang CEO ng kompanya. Hopefully, pwede na siyang bumalik sa trabaho by the end of the year. “Fine. Check ko na lang mamaya,” pagsuko ko. “Thank you po, Ms. Cora. Balik na po ako sa desk ko,” paalam ni Lyka. Dahil sinabi ni Yael na six ng gabi niya ako susunduin, maaga ulit akong umuwi ng condo para mag-ready. Since casual lang ang dinner namin, sinuot ko ‘yung binili ko sa Greece last month. It’s a French style niche dress which I liked the moment na nakita ko. Bumili ako ng dalawa in the shade of Beige and Pink pero pinili ko ‘tong Beige na suotin ngayon. Lumabas na ako ng condo at tinext si Yael na hihintayin ko siya sa lobby ng Lux. Nakatayo lang ako sa tapat ng elevator habang ka-chat si Ivy tungkol sa project niya sa Palawan. “You look like a princess.” Nabitawan ko ang hawak kong cellphone nang marinig ko ang boses na ‘yon. Mas lalo pa akong natuod sa kinatatayuan ko nang nag-angat ako ng tingin. “So, this is how it feels like to finally see you up-close after five years…” dagdag pa niya. Hindi ako makasalita. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Nanginginig na rin ang tuhod ko. Bakit? Bakit nagpakita pa siya? Biglang bumalik lahat ng sakit at galit ko sa kanya dahil sa pag-iwan niya sa akin at sa mga nalaman ko tungkol sa kanya. After kong nag-recover noon dahil sa aksidente, doon ko lang nalaman ang totoong katauhan ni Nikolai. He’s a mafia boss at ang pinakamasakit doon ay nalaman ko na siya pala ang nasa likod ng mga pagpatay sa mga businessman noon. Halos ikamatay ko nang malaman ko ang mga ginawa ni Nikolai noon habang paniwalang-paniwala ako sa mga sinasabi at pinapakita niya sa akin. Hanggang ngayon, wala pa rin akong maalala sa aksidenteng nangyari kaya isa rin ‘yon sa mga ikinagagalit ko sa mundo. “Lumayo ka sa akin,” ani ko na may halong pagbabanta. “Nope. I won’t.” Naglakad siya palapit sa akin kaya umatras ako. Walang ibang tao rito maliban sa aming dalawa kaya kinakabahan ako. Takot din ako sa kung ano ang pwede niyang gawin dahil hindi siya kagaya ko na tao lang. “I still have a business to attend to so would you excuse me, Mr. Disraeli?” pormal na pahayag ko. Tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa at ngumisi. “Ah. All dolled-up for a date?” “Yes. So, please do me a favor and get the f**k out of my way,” galit na sabi ko. Lalong lumawak ang ngisi niya at lumapit sa akin hanggang sa isang metro na lang ang pagitan namin. Bumukas ulit ang elevator at lumabas ang tatlong lalaki na nakasuot ng kulay itim. Lumapit sila kay Nikolai pero tumigil sila sa likuran nito. “You’re really going out for a date?” tanong ulit niya. Tinaasan ko siya ng kilay. “Yeah. May problema ka ba do’n?” Biglang nabura ang ngiti niya at naging seryoso ang kanyang mukha. “Take her.” Lumapit sa akin ang mga lalaking nakaitim at hinawakan ako sa magkabilang braso kaya nag-panic ako. “What the… Bitawan niyo ako! Nikolai ano bang—“ Hindi ko na tinuloy ang sasabihin ko dahil unti-unti akong nawawalan ng malay dahil sa chloroform na pinaamoy sa akin. “Don’t make me mad again, luv.” Iyan ang huli kong narinig bago ako tuluyang nawalan ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD