Chapter Twenty

2167 Words
“Final na `to, hindi na tayo lalabs. Bukas na lang,” ani Selene habang nililinisan ang lettuce na binili namin kanina sa grocery store. “Yeah. Barbeque night na lang muna,” sang-ayon naman ni Amara. Natulog ako after naming kumain tapos noong gumising ako, nag-iba na ang plano. Instead of going out, sa bahay na lang daw kami mag-barbeque. Natuwa pa nga ako sa change of plan kasi tinatamad akong lumabas. “Guys, how should I chop the tomatoes?” Si Shana ang inutusan naming maghiwa ng kamatis dahil `yon lang pinakamadaling gawin. Lumapit si Ivy sa kanya at pinakita kung paano ang slice ng kamatis. “Ganito para maganda sa picture mamaya.” “Oh, it`s easy pala. Leave this to me,” confident na sabi ni Shana at kinuha ang kutsilyo kay Ivy. “Dapat lang para naman may ambag ka rin,” singit ko. Gumagawa ako ng sauce habang si Amara ang in-charge sa pag-set up ng barbeque grill at mga table sa labas. Si Ivy naman ang naghahanda sa mga meat at kay Selene naman ang mga side dish. “I`ve been wondering, may bagong owner na ba ng house sa kabila? Napansin ko kasi `yung mga ilaw so I assumed na may nakabili na sa bahay ni Mr. Choi,” ani Shana na focus lang sa paghihiwa ng pipino. Nagkibit-balikat lang ako. “Siguro. Sayang din lang kasi ang bahay ni Mr. Choi kung walang bibili.” “Puntahan kaya natin mamaya?” suhestyon ni Shana. ‘Hindi talaga matino ang mga desisyon mo sa buhay,” sabat ni Amara na kapapasok lang dito sa kusina. “Curious lang naman ako. Kilala naman natin si Mr. Choi so I think okay lang na silipin natin kung sino ang bagong may-ari ng bahay,” sabi pa ni Shana. “Paano kung masama pala ang ugali ng bagong may-ari?” Hindi naman kasi pwedeng basta na lang kaming kakatok sa pinto ng kapit-bahay. “Prank natin gusto niyo?” pilyang sambit naman ni Selene. “Hindi `to Pinas, Mrs. De Rossi,” sit ani Ivy. “Ah, basta! Titignan lang naman natin tapos uwi na tayo,” persistent pang sabi ni Shana. “Sige na nga. Curious din ako per konti lang,” pag-aamin ni Amara. “Oo na pero mamaya na `yan. Ilabas muna natin `tong mga iluluto sa labas.” Sinenyasan ko silang tulungan ako na buhatin ang mga kailangan sa labas. “Tapos ka na?” baling ni Selene kay Shana. “Uh, yeah. Ako na ang hahawak sa mga hiniwa ko,” sagot naman ni Shana. Malawak ang flower garden ni mommy sa harap ng bahay kaya dito na kami palaging nakatambay kapag barbeque night. Ako ang nagpa-renovate ng bahay two years ago kaya pinasadya kong nagpalagay ng barbeque spot. “Nasa`n `yung alak? Importante `yon,” tanong ni Selene nang mapansin na wala `yung mga binili naming alak. “Wait, I`ll get it.” Tumakbo si Shana papasok ng bahay para kunin ang Soju. “Tignan mo sa freezer. Do`n ko nilagay!” pahabol sa sigaw ko. “Gaga, bakit mo nilagay sa freezer?” kunot-noong sambit ni Amara. “Para mabilis na lumamig. Kanina ko lang nilagay,” sagot ko naman. “Ilan pala ang binili natin?” tanong naman ni Ivy. “Fifteen, I think?” Si Selene na ang sumagot kasi siya ang naglagay sa cart noong nasa grocery store kami. “Uubusin natin lahat `yon?” pangalawang tanong ni Ivy. “Flavored naman lahat kaya okay lang,” ngising sagot ni Amara. “Sabagay. Maaga pa naman,” kibit-balikat na ani Ivy. “Fifteen, really?” Si Shana na kararating lang at buhat ang walong Soju. “Magiging zombie na naman tayo bukas nito,” umiiling sa ani ko. “Okay lang `yan. Hapon naman tayo lalabas bukas,” sabi pa ni Ivy. “Oo na, tama na kayo,” pagsuko ko. Buti na lang talaga at puro flavored ang nabili naming para kahit paano hindi agad nakakalasing. Ang pangit naman kapag mamayang eight pa lang lasing na kami. Okay lang din naman kapag inabot kami ng madaling-araw dito, atleast nasa bahay lang kami. Diretso na lang sa kwarto para matulog. “So, should we knock sa kabilang bahay?” tipsy na sabi ni Shana. “Malapit na yata akong malasing,” ani ko. It`s ten in the evening at lahat kami ay malapit nang malasing. Akala ko nga nakalimutan na ni Shana `yung sinabi niyang pupuntahan naming `yung kapit-bahay pero hindi pa pala. “Walang lasing-lasing, puntahan na natin,” dagdag din ni Ivy. “Sige nan ga,” pagsuko ni Selene. Tumayo kaming lahat mula sa table at nag-unat. Nagsimula pang kumanta si Amara na sinabayan naman nila Selene at Ivy. Hindi ko na rin napigilang sumabay sa kanila kaya nagmukha tuloy kaming mga lasing. “Knock! Knock!” Paulit-ulit na pinindot ni Shana `yung doorbell simula nang makarating kami rito sa front door ng kapit-bahay. “Namamasko po!” sigaw naman ni Ivy. “Gaga, hindi pa pasko!” Pinalo pa ni Amara ang balikat ni Ivy. “Last Christmas I gave you my heart but the very next day you gave it away this—” Malakas kong hinampas si Selene sa braso nang kumanta siya. “Ouch! Mamamasko nga tayo `di ba?! Bakit bigla ka na lang nanghahampas?!” bulyaw ni Selene sa akin. “Bakit `yan ang kinanta mo?! Nananadya ka, e!” sigaw ko rin pabalik. “I`ll go back to December all the time,” kantar in ni Amara kaya pati siya nahampas ko na rin. “Pababalikin ko kayo sa Pinas, makikita niyo!” Nanlilisik ang mga mata kong tumingin sa kanila. “Para naman kaming others, huy! Kumakanta lang naman kami!” palusot pa ni Selene. “Hindi, e! Sinadya niyo `yon. May araw din kayo sa akin,” irap ko sa kanila. Alam kasi nilang may bad history ako sa December dahil sa nangyari sa relasyon naming ni Nikolai. Kung ako lang din ang tatanungin, naging hindi na masaya ang pasko ko dahil may hindi magandang memories. Kapag December, nagiging intimate celebration na lang ang nangyayari. Simple dinner with my parents and kapag nasa Pinas pa sila Ivy, yayayain ko sila ng barbeque night tapo `yon na. That`s how I would always spend my Christmas for the past five years. “Hoy! Buksan niyo `yung pinto. Ang lamig, putangina!” reklamo ni Amara. “Makiki-coffee po kami!” sigaw din ni Shana. “Baka walang tao? Pero bukas naman `yung mga ilaw.” Tinuro pa ni Amara `yung mga ilaw na nakabukas pa. “Tanga ba kayo? Baka akala nila kulto tayo. Hindi sila nakakaintindi ng Tagalog, mga gaga!” Si Ivy na ang sumita sa amin. “Kausapin mo nga `yung bagong may-ari, Cora. Ikaw lang ang fluent sa atin,” sambit ni Selene. Magsasalita sana ako pero biglang bumukas ang pinto at niluwa si Lieven na mukhang kagigising lang. Magulo kasi ang buhok niya tapos nakapikit pa ang isang mata. “Guys, hindi ako namamalik-mata `di ba?” mahinang bulong ni Amara sa amin. “Be, same yata tayo ng nakikita,” sagot ko sa kanya. “s**t! Bakit ang gwapo? Ay, mali! Bakit nandito `yang malign na `yan?!” Muntikan na akong matawa sa sinabi ni Amara pero pinigilan ko na lang. Putangina, lasing na yata si Amara. Maasar nga siya bukas. Biglang nawawalan sa katinuan kapag kaharap ang ex. "Are you drunk, Amara? Umidlip lang ako saglit, lasing ka na,” ani Lieven na nakatitig lamang kay Amara. “Ano naman sa `yo ngayon?” taas-kilay na sabi ni Amara. “Is my wife drunk too?” Napunta ang lahat ng atensyon kay Knox na kararating lang sa main door at halatang nag-aalala kay Selene. “Bakit ka nandito? Paano si Phoenix?! Mapapatay na talga kita, Knox!” galit na sigaw ni Selene kay Knox. Mukhang may mag-aaway ngayong gabi. Shocking, bakit nandito si Knox at Lieven? Sino sa kanila ang nakabili ng bahay ni Mr. Choi? “I`m sorry, wife. Hindi ko kasi kayang malayo sa `yo,” nakayukong sagot ni Knox. “Paano si Phoenix?! Iniwan mo siya sa bahay?!” Basta na lang pumasok sa loob ng bahay si Selene saka sinipa si Knox. “I`m sorry but can I talk to my wife for a moment?” paalam ni Knox sa amin. “Go. Better talk to her or baka gusto mo agad ng annulment?” Alam na alam talaga ni Shana kung paano i-handle ang ganitong sitwasyon. Nahihiyang napakamot ng batok si Knox. “I`d rather talk to her. Please excuse us,” paalam ni Knox saka mahinang hinatak si Selene. Nang makaalis na `yung mga-asawa, naiwan na lang kaming apat nila Lieven. “Gusto niyo munang pumasok?” alok niya sa main. “Nevermind,” seryosong sambit ni Amara. “Right. Bakit nga pala kayo kumatok? I mean, no offense, nagtatanong lang.” Ngumiti pa si Lieven na tila walang alam sa nangyayari. “We just wanted to see kung sino ang bagong may-ari ng bahay ni Mr. Choi.” Mabuti na lang at si Shana ang sumagot para sa amin. “Gano`n ba? Sige, tatawagin ko ang may-ari ng bahay,” ani Lieven. “Akala ko ba—” Magsasalita pa sana ako nang magsalita si Lieven. “Nikolai! May mga bisita ka!” malakas na sigaw ni Lieven. “f**k you!” Mura agad ang narinig ko mula kay Nikolai na naglalakas pababa sa hagdan. Shit! What the f**k! Natuod ako sa posisyon ko dahil `yung focus ko ay nakatuon kay Nikolai. Putangina talaga, bakit pati siya ay nadito rin?! “Ladies, siya talaga ang may-ari nitong bahay,” awkward na pagpapakilala ni Lieven kay Nikolai. “You mean, siya ang may-ari ng bahay na ``to?” gulat na tanong ni Ivy. “Oo. Binili niya `tong bahay two years ago. Bakit?” clueless na pahayag ni Lieven. “What the f**k, Lieven?! Hindi ba alam ng kaibigan niyong `yan na bahay ni Cora `yung nasa kabila?” Galit na galit na tanong ni Amara kay Lieven. “I didn`t know the plan at first. Sumama lang naman ako kasi wala lang, boring ang buhay ko,” ani Lieven. “At bakit kayo nandito?” pagtataray ko kay Nikolai. “Because this is my house?” pilosopong sagot ni Nikolai. “Alis na lang tayo rito. Walang kwenta `tong mga kausap natin,” anyaya ko sa kanila. “Sure ka? Ayaw mo siyang kausapin?” paniniguradong tanong pa ni Ivy sa akin. “You want to talk to her?” biglang tanong ni Shana kay Nikolai. “Would you guys let me?” pakiusap ni Nikolai sa mga kaibigan ko? Palihim kong siniko si Shana para tumigil siya pero pinisil niya lang `yung kamay ko. “Sure, pwede naman. Basta alagaan mo siya, ha?” “Uhh, I changed my mind. Sasamahan na lang naming kayo. Hayaan na lang nating `yung mag-asawa na mag-usap,” ani Nikolai. “Sa wakas! May tama ka ring naisip!” sarkastikong sabi ni Ivy. “Si Nikolai lang ang invited, `di ba?” kinakabahang tanong ni Amara. “Ay, hindi. Kasama rin ni Lieven. Sasama ka naman `di ba?” anyaya ni Amara. Ngumisi si Lieven. “Of course. Ikaw na nag nagyaya, e.” “Shut up! Napipilitan lang akong pakisamahan ka,” pagalit na sabi ni Amara. “Can you guys stop aleady? Sasama sa atin sila Lieven at Nikolai. Sunod na lang `yung mag-asawa kapag okay na sila.” Hinila pa ako si Shana para bumalik sa bahay. “Bakit mo sila inimbitahan?” bulong na tanong ko sa kanya habang naglalakad pabalik sa bahay namin. “Bakit? Gusto naming, e. Mattulog ka na lang kapag ayaw mo,” irap ni Ivy pa sa akin. “May araw ka rin sa akin, Ivy.” Bulong na lang ang huli kong sinabi kay Ivy dahil malapit na sa amin sila Nikolai at Lieven. “Just this night, please luv.” Nanginig ang buong pagkatao ko dahil sa pagbulong ni Nikolai. Anong ibig-sabihin ng sinabi niya? Nagulat pa ako nang hilain niya ako palapit sa kanya. “Bitawan mo ako,” banta niya sa akin. “Mag-usap muna tayo,” aniya. “Fine. Mag-usap tayo,” seryosong sagot ko. “Sure,” maikling sagot ni Nikolai. “Sunod ka,” cold na sabi ko kay Nikolai. “Guys, hindi ko alam kung bakit naging ganito ang bonding natin. Usap tayo after nito.” Malaki ang konsensya ko dahil dapat mas pinagtutuunan ko ng pansin ang mga bagay na mas nakakatulong sa amin bilang kabataan. “Okay lang kami. Kasama naman naming si Lieven.” Ngumisi pa si Amara sa akin kaya sinimangutan ko siya “Putangina. Hintayin mong magbalik ako,” bulong ko kay Amara. “Stop nagging, luv. Let`s go,” mahina rin akong hinila ni Nikolai palayo sa mga kaibigan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD