Chapter Twenty-one

2246 Words
“I didn`t know. Sumama lang ako sa kanila ni Knox,” ani Lieven na halata naming nagpapalusot lang. “Hinayupak ka talaga. Bistado ka nga, nagpapalusot ka pa. Diyan ka magaling, e `no?” Seryosong pa rin si Amara hanggang ngayon. “I`m sorry. Sabi kasi ni Nikolai—” “Cut it out, Lieven. Huwag ka nang magsalita,” pagbabanta ni Nikolai kay Lieven. “Look at her. She`s mad at me, man.” Tinuro pa ni Lieven si Amara. “Alis na lang tayo rito. Pakisabi na lang kay Selene na sumunod sa bahay kapag tapos na silang mag-usap ni Knox,” walang emosyong sambit ko. “Let`s go?” anyaya ni Shana na kanina pa tahimik. Nagulat rin yata gaya naming. Sino bang hindi magugulat sa ganitong sitwasyon? “Wait…” pigil ni Lieven sa amin. “You need something?” tanong ni Shana. Nahihiyang nag-iwas ng tingin si Lieven. “We didn`t eat yet. Wala pa kaming stocks na pagkain.” “E `di, magutom ka! Kasalanan pa naming na wala kayong makain?” Tinarayan na naman ni Amara si Lieven. “That`s not nice, Amara. We have lots of food sa bahay. You can come, madami kaming food doon,” alok ni Shana at pinagalitan pa si Shana. “Ang yayaman tapos hindi manlang bumili ng sariling pagkain,” parinig pa ni Amara. “Tara na. Sa kabila na kayo kumain,” dagdag din ni Ivy. Hindi na ako umangal pa. Nakakahiya namang magdamot ng pagkain tsaka hindi rin lang naming kayang ubusin `yung mga pagkaing nilabas naming. “I mean, we just left them sa Pinas `di ba? Paanong nandito rin sila?” bulong ni Shana sa akin habang naglalakad kami pabalik sa bahay. “Huwag kang magtanong sa akin dahil hindi ko rin alam,” bulong ko pabalik. “But isn`t it a good thing?” positibong sabi ni Shana. Kumunot ang noo ko at binalingan siya ng tingin. “Anong good thing? Gaga, hindi na maganda ang pakiramdam ko sa mga nangyayari.” “Ayaw niyo ng closure?” ngising tanong pa niya. “Tumigil ka, Shana. Masasabunutan na talaga kita, makikita mo.” Masama ang titig ko kay Shana pero bumungisngis lang siya. “Sorry na.” Nag-peace sign pa siya. “Huwag na naman kung anu-ano ang sasabihin mo mamaya. Papapuntahin ko rito si Humphrey, sinasabi ko na sa `yo," babala ko sa kanya. "Ito naman parang hindi tayo best of friends. Hindi ako magsasalita, promise!” Tinaas pa niya ang kanang kamay na para bang nanunumpa. “Seryoso ako, Shana.” Hanggang maaari, ayokong maungkat na naman ang nakaraan. “Self service tayo, guys. Just get kung ano ang gusto niyong kainin or gusto niyo ng drinks?” As usual, si Shana na naman ang nag-intertain sa kanila. Ang saya talagang magkaroon ng kaibigan na mabait. “Right. Kain muna kami, ha?” paalam ni Lieven. “Feel at home. Kami lang `to,” ani Ivy. Tahimik lang kaming tumatagay ni Amara habang kinakausap nila Ivy at Shana `yung dalawa. “How do you usually eat this?” tanong ni Nikolai kay Shana. “Get the lettuce and put anything you like in there tapos kainin mo. Pwede rin naming meat lang ang kainin niyo, kayo na ang bahala.” Tinuro pa ni Shana kung ano ang gagawin sa lettuce. Muntikan na akong matawa. Oo nga pala, sobrang yaman nila kaya hindi nila alam kung paano kumain ng ganito. Nakakahiya tuloy baka hindi nila magustuhan dahil nasanay silang kumain ng mga mamahaling dish. “Kung hindi kayo sanay diyan, magluto na lang kayo ng pagkain sa loob. Maghanap na lang kayo ng gusto niyo doon.” Ako na ang nagsalita. Susubo sana si Nikolai ng pagkain pero natigilan ito. “But I want to try this one,” aniya. “Ah, okay,” maikling tugon ko. Nag-iwas ako ng tingin hanggang sa mapatingin ulit ako kay Nikolai. Naalala ko na hindi pala siya mahilig sa maanghang! Naglagay pa naman siya ng madaming kimchi. “This is… f**k!” malakas na mura niya. “It`s freaking spicy!” sabi pa niya. Namula ang mukha niya habang takip ang kanyang labi. Agad ko naming kinagat ang labi ko para pigilan ang sariling matawa sa itsura niya. “Oh, tubig.” Binigay ko sa kanya ang tubig na may halong ice. “Alam mo naming maanghang `yan `di ba? Bakit kinain mo pa rin?” umiiling na sabi ko. “I didn`t know why I even put that thing.” Inubos ni Nikolai ang laman ng baso pero namumula pa rin ang kanyang mukha. “You always eat that thing back then, right?” dagdag pa niya. “Kimchi ang tawag diyan. Sinabihan naman kita noon na maanghang `yan.” Hindi sanay si Nikolai sa mga spicy food. “I`m sorry, alright?” hingi iya ng paumanhin. Teka lang… “Bakit ka nag-so-sorry?” At higit sa lahat, bakit kami nag-uusap? Umubo si Ivy sa tabi ko saka ko lang napansin na nakatingin pala silang lahat sa amin. Iba rin ang ngiti ni Shana kaya pinandilatan ko siya ng mata. Shit! Ang awkward! “Nandiyan na pala `yung mag-asawa!” Turo ko kila Selene at Knox na paparating. “Galing mong mag-change topi, ah,” nang-aasar na bulong ni Shana sa akin. “Tigilan moa ko,” sita ko sabay siko sa kanya. “Ang tagal niyo,” bungad ni Ivy sa kanila. “Sorry. Tinawagan pa kasi naming sila mommy sa Pinas para pakumustahin si Phoenix. Iniwan ba naman kasi ng tatay,” nanliliit ang mga matang sabi ni Selene habang nakatingin sa asawa. “Sorry na, mahal. SI Nikolai kasi,” akusa ni Knox. “Huwag mong isisi kay Nikolai kung bakit ka nandito, Knox. Hindi ka naman hinila ni Nikolai papunta rito `di ba?” nakapameywang na saad ni Selene. “Nikolai wanted to stalk Cora and I didn`t want to be apart from you that`s why I came here too,” pag-aamin pa ni Knox. Nagulat ako sa narinig at tumingin agad kay Nikolai na ngayon ay masamang nakatitig kay Knox. Ano `yon? Gusto raw niya akong makita kaya siya pumunta rito? “And Lieven here wanted to see Amara. Huwag ka ng magalit sa akin, please?” ani Knox na tila nagmamakaawa. “Nilaglag mo na kami, De Rossi. Walang hiya ka talaga,” singit ni Lieven sa usapan. Tinutok pa niya ang hawak na tinidor kay Knox. “You f*****g traitor,” dagdag din ni Nikolai. Nagtaas ng dalawang kamay sa ere si Knox. “Sorry, my man. Galit na sa akin ang asawa ko.” “Awayin mo pa `yang asawa mo, Selene. Siya ang nagsabi sa amin tungkol sa balak niyong magbakasyon dito,” sumbong ni Lieven kay Selene. “Yeah, he gave us the tip. You should cut him into pieces.” Si Nikolai naman ngayon. “Hold on. Bakit naging kasalanan ko na?” Palipat-lipat ang tingin ni Knox sa dalawang kaibigan na ngayon ay casual lang na kumakain. “Mag-uusap pa tayo mamaya, Knox. Ikaw naman pala ang may pakana nito, e!” inis na bulyaw ni Selene. Tahimik lang kaming apat nila Shana, Ivy at Amara. Makikinig na lang kami sa kung paano maglaglagan ang tatlong uninvited guests namin. “Cora, hindi mor in ba pagsasabihan si Nikolai? Sa kanya ang private jet na ginamit naming papunta rito,” tawag ni Knox sa akin. “Ha? Bakit ako nasama sa usapan?” naguguluhang tanong ko. Ang galling din nitong mag-change ng topic `no? “He intentionally bought the house next to your house para lang may matuluyan kami habang nandito,” dagdag pa ni Knox. “What the f**k? He did that?” hindi makapaniwalang tanong ko. “Of course. He`s good at stalking and—” Naputol ang huling sasabihin ni Knox nang batuhin siya ni Nikolai ng bread knife. Mabilis naming umilag si Knox at tumawa. “What now?” Nikolai stopped eating and crossed his arms in front of his chest. “I`m sorry Selene but I might kill your husband any time now.” “Sige lang. Hindi ko pa `yan pinatawad dahil sa pag-iwan niya kay Phoenix,” sang-ayon naman ni Selene. “Okay, stop it for now. Pakainin mo muna `yang asawa mo, Selene. Nikolai and Lieven, you should eat more too.” Sumingit na si Shana sa usapan nila. Mabuti talaga at naisipan niyang patigilin sila. Nakaka-stress silang pakinggan dahil mukha silang mga bata na hindi nag-iisip ng mabuti bago gumawa ng bagay-bagay. “Omg. I`m so stressed dahil sa inyo,” saad pa ni Shana habang minamasahe ang batok. “Huwag `yan kasi maanghang,” pigil ni Selene kay Knox nang kukuha sana ito ng kimchi para kainin. “Damn. That was close,” ani Knox at kumuha na lang ng pipino. “Makikiinom ba kayo?” tanong ni Ivy sa kanila. “Nope, I`m good.” Umayaw si Nikolai which is good. “Pass,” ani Lieven. “Si Selene muna ang iinom ngayon. Babantayan ko pa siya mamaya,” sambit naman ni Knox. “Oh, okay. Kain na lang kayo diyan, iinom pa kami.” Sa wakas nagsalita na rin si Amara na kanina pa tahimik. “Don`t get drunk,” sita ni Lieven kay Amara nang makitang madami ang tagay nito. Tinaasan siya ng kilay Amara. “Ano naman kung maglalasing ako?” “Sinasabi ko lang para hindi ka na naman magrereklamo bukas paggising mo.” Seryoso ang mukha ni Lieven at parang alam na alam kung paano magreklamo si Amara sa umaga kapag nagising ito na may hangover. “I can handle myself,” matigas na sagot ni Amara. Bumuntong hininga na lang si Lieven. “Fine.” “This is good! I think I`m drunk!” malakas na sigaw ni Shana habang hawak ang bote ng bourbon. “Ako rin. Lasing din yata ako,” sabi rin ni Amara bago tumawa. “Tsk. Kanina ka pa lasing,” rinig kong bulong ni Lieven. “May sinabi si Lieven tungkol sa `yo, Amara,” sumbong ko kay Amara. Tinuro ko pa si Lieven saka ngumisi. “Sabi niya, I love you daw!” “What?! I didn`t—” “Ano?! Mahal niya ako?!” Tinuro rin ni Amara si Lieven na hindi maipaliwanag ang reaksyon. Mabilis akong tumango. “Oo. Yes na yes!” “You`re drunk. Matulog ka na.” Lumapit si Nikolai sa akin at binawi ang basong hawak ko. Babawiin ko sana `yung baso mula sa kanya pero tinaas niya `yon kaya hindi ko maabot. “Hindi pa ako lasing. I`m strong! Halla, bakit nagiging apat ka na Nikolai?” Sinubukan ko pang huliin ang iba pang Nikolai pero hindi ko maabot. “Tumatagos `yung kamay ko. Kaluluwa mo ba `yang mga `yan?” Turo ko pa sa mga nakikita kong kamukha ni Nikolai. “Nababaliw ka na naman,” ani Nikolai saka bumuntong-hininga. “I think you should sleep,” dagdag pa niya. “Hindi pwede! Tatagay pa kami!” pagmamatigas ko. “Walang matutulog ngayon!” pasigaw na saad ni Ivy na agad naman naming sinang-ayunan. “Just like the old time?” ani Shana. “Oo pero sayang, wala tayo sa club.” Nag-straight shot si Amara bago pinasa sa akin ang bote. “I just remembered something! Do you guys remember Justine? The guy who wanted to marry Cora just because she flirted with him for like five minutes?” panimula ni Shana. “What about him?” curious na tanong ni Ivy. “He sent me a message asking about Cora. Tinanong niya kung single pa si Cora.” Pinakita pa ni Shana `yung message ni Justine sa IG. Malakas na tumawa si Amara. “Patay na patay pa rin `yon sa `yo, Cora. Nilandi mo kasi.” “Konting landi lang,” sagot ko saka bumungisngis. “Sabihin mo sa kanya na single ako dali!” “He`s hot!” manghang sabi ni Amara habang tinitignan namin ang mga photod niya sa IG. “Look at that. Ang gwapo!” Turo ko sa picture ni Justine na topless. “Mmm, yummy!” Malanding hinaplos ni Shana ang screen ng phone niya. Tinignan pa namin ang ibang pictures ni Justine at kung ano-ano ang mga sinasabi kapag may hot posts siya. Pati si Selene ay nakiki-stalk din pero tahimik lang. “He looks fine,” komento niya. “What the hell, wife?” masungit sa sabi ni Knox nang marinig ang sinabi ng asawa. “Kanina pa nagdidilim ang paningin ko,” inis na sambit ni Lieven. “Naiirita ako,” dagdag pa niya. “Inaano ba naming kayo?” pagtataray ni Amara. “Wala, sige na. Kulang na lang lumuwa `yang mata mo kakatitig sa Justine na `yan,” masungit din na sagot ni Lieven. “Kasi nga gwapo at mukhang yummy!” Ako na ang sumagot instead na si Amara. “I`ll get the job done for the three of us,” ani Nikolai na madilim ang mukha. “Anong bang problema mo?” tanong ko sa kanya. “You will never get to flirt or see that bastard again,” galit na sagot ni Nikolai at walang pasabing umalis. “Anong gagawin mo sa kanya?!” pasigaw na tanong ko dahil medyo malayo na siya sa amin. Hindi manlang siya lumingon. “I will kill him, Cora,” he answered.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD