Chapter Nineteen

2326 Words
Naging payapa ulit ang buhay ko dahil hindi ko na Nakita si Nikolai. Pumapasok ako sa trabaho at lumalabas kasama ang barkada. Bukas na rin ang alis naming papuntang Seoul kaya noong umaga pa ako kinukulit ni Shana dahil excited na raw siya. “Hindi ako makatulog. I keep thinking about tomorrow,” ani Shana habang nakatitig sa kisame. Gusto niyang maki-sleep over sa akin ngayong gabi para hindi raw siya ma-late bukas. Parang baliw, tinatamad lang siyang mag-commute papunta rito bukas ng umaga. Ako tuloy ang inabala niya sa buong-araw na pag-aayos niya ng mga gamit. “Matulog ka na. Hindi ka pa ba pagod? Buong araw kang nag-impake. Dito mo pa talaga `yan ginawa,” reklamo ko pero hindi ako tumingin sa kanya. Busy ako sa hinahabol kong proposal kasi dapat matapos na para wala na akong inaalala kapag aalis ako ng bansa. Hindi naman kasi pwedeng si Lyka ulit ang tatapos nito. Nakaka-guilty na kasi parang pinapasa ko sa kanya ang mga trabaho ko which is true kasi tinatamad talaga ako minsan. “Wait lang, I`m thinking muna if may naiwan pa akong gamit sa bahay.” Bumangon si Shana mula sa kama ko at binuksan ang isa niyang maleta. Inirapan ko na lang siya at hinayaang ungkatin na naman niya ang mga gamit na inayos niya kanina lang. “Sige, magpagod ka pa. Ilang maleta ba ang dadalhin mo?” “Just four, okay? Nagbawas pa nga ako kasi parang masyadong madami kapag limang maleta ang dala ko,” aniya habang chine-check ang mga gamit. Umiling ako at mahinang tumawa. “Tatlo nga lang `yung amin, e. Ang arte mo talaga.” Biglang tumayo si Shana at binato sa akin ang hawak niya. “I want to take many pictures there, okay?” “Ano ba?! Ba`t ka nambabato ng bra?!” Binato ko rin `yon pabalik sa kanya. “Huwag ka kasing epal. Mag-work ka na lang diyan.” Sinalo niya ang bra at tinupi ito saka binalik sa maleta niya. “Dinala mo na lang sana ang buong closet mo,” bulong ko pero narinig pala niya. “Tumigil ka nga. You`re disturbing me!” aniya habang nakapameywang sa tabi ng kama. “Ako pa talaga ang sinabihan mo niyan? Ikaw nga itong maingay kaya hindi ako maka-concentrate sa ginagawa ko, e!” resbak ko naman sa kanya. “Pwede ka naman kasing mag-work sa living room `di ba?” sabi pa niya. Tumaas ang kilay ko sa kanya. “Wow! Nahiya naman ako, condo mo `to?” “Just go there sa sala at doon ka na mag-trabaho. Iwan mo na ako rito,” pagtataboy pa niya sa akin. “Ang kapal talaga ng mukha mo.” Kinuha ko na lang ang folder at `yung laptop ko bago umalis ng kwarto. “Thanks!” pahabol sa sigaw ni Shana nang maisara ko ang pinto. Hindi ko na lang siya pinansin at dumiretso sa kusina para magtimpla ng kape. Mas maganda na rin na dito ako magtrabaho kasi inaantok ako sa kwarto lalo na kapag nakikita ko `yung kama. Inaantok ako pero hindi pa pwedeng matulog. “Mukha kang zombie. Ilang oras ba ang tulog mo?” salubong ni Ivy sa akin nang makita-kita kami sa airport. “She worked all night yata.” Si Shana na ang sumagot. “Natulog ako noong madaling-araw pero nagising agada ko kaninang four dahil sa ingay ng blower mo!” inis na bulyaw ko kay Shana na tumawa lang at nag-peace sign. “Kaya ko tinaboy `yan noong nag-chat sa GC at naghahanap ng pakikitulugan,” ani Amara. “Hindi nga rin ako um-oo pero nagulat na lang ako noong naabutan ko siyang nag-aayos ng mga gamit sa condo ko. Nahiya tuloy akong paalisin siya,” sabi ko sabay irap. Nagsuot na lang ako ng shades para matakpan ang eyebags ko. Matutulog na lang ako mamaya sa flight namin. “Malapit na raw si Selene. Buti pa `yon hinatid pa ng asawa,” bitter na sambit ni Amara. “I think I have to find myself a husband too,” casual na pahayag ni Shana. “Itlog pa nga lang hindi mo kayang lutuin tapos maghahanap ka na ng asawa? Anong ipapakain mo sa kanya, Jollibee?” pambabara ko sa kanya. “Alam mo, tumigil ka na lang kung wala kang magandang sasabihin.” Kinurot pa ako ni Shana sa beywang. “Isa pa, masasabunutan na talga kita,” banta ko sa kanya. “Alam mo, puyat lang `yan. Itulog mo na lang,” ani Shana. “Tumigil nga kayo. Ang aga-aga ang iingay niyo,” saway ni Ivy sa amin. ‘Anjan na pala si Selene,” anunsyo ni Amara kaya napatingin kaming lahat sa direksyon na tinuro niya. “Oh, wait… They`re with someone. Is that Lieven?” Tinuro pa ni Shana si Lieven na nakaputing polo sa likuran nila Selene. Nalukot agad ang mukha ni Amara sa nakita. “Ba`t nandito `yan?” “Mangangamusta raw kasi,” pang-aasar ko. “Ex mo, kasama rin, oh.” Siniko pa ako ni Ivy para lang tignan si Nikolai na kakapasok lang ng airport. “Anong ginagawa niyan dito?” inis na tanong ko. Si Amara naman ang ngumisi ngayon. “Makikipagbalikan daw kasi,” ganti naman niya sa akin. Mabilis kong hinila si Selene nang makalapit sila sa amin. “Bakit niyo kasama `yang mga `yan?” bulong ko sa kanya. “Akala ko si Knox lang ang kasama mo?” Nakisama rin si Amara sa usapan. Para tuloy kaming mga tanga na nagbubulungan dito sa tabi. Hindi kasi nagsabi si Selene na kasama niya `yung dalawa eh `di sana hindi nagulantang ang buong pagkatao naming ni Amara. Gusto ko tuloy sabunutan itong si Selene. “Guys, don`t be rude please. May mga kasama tayo, oh. Harapin niyo naman sila. Para naman kayong others,” tawag ni Shana sa amin. Nang-aasar na naman ang isang `to. Mamaya ka sa `kin. Humarap na lang kami sa kanila at sinalubong sila ng oekeng ngiti. “Today is a great day. Kumusta kayo?” “I`m doing good. Tanungin mo rin si Nikolai, may sakit yata `yan.” Si Lieven ang unang sumagot sabay turo kay Nikolai na tahimik lang sa tabi. Nakasuot din siya ng black na polo at brown na slacks. Kapag pinagtabi kami, baka isipin nilang magjowa kami dahil itim na blouse at brown na mini-skirt. Pwede bang magpalit muna? “Terno kayo ni ex mo. Tabi kayo, dali. Pipicturan ko kayo,” bulong ni Ivy sa akin kaya palihim ko siyang kinurot sa tagiliran. “Tumahimik ka, nagdidilim na ang paningin ko,” sita ko sa kanya. “Ay, reunion pala `to?” Umakto pang gulat si Shana. Hindi talaga nakaktulong itong si Shana. Ang awkward na nga lalo pang pinapalala ang sitwasyon. “I`m sorry, they wanted to help with Selene`s luggage.” Tinuro pa ni Knox ang hawak nila Nikolai at Lieven na tig-isang maleta. “Aalis rin kami,” dagdag pa niya. Hindi ko na napigilan ang pagtaas ng kilay ko. “Alis na kayo. Aalagaan naman naming ang asawa mo.” “Don`t worry, kami lang ang lalandi doon. Hindi naming isasama si Selene,” sabi ni Shana kay Knox. Kita ko ang pagkunot ng noo ni Nikolai ngunit agad din itong nabura. Tahimik niyang binigay kay Knox ang maleta ni Selene. “Let`s see about that,” ngising saad ni Knox. “Okay, that`s enough. Uwi na kayo, kaya na namin `to!” pagtataboy ni Selene sa asawa. “Are you sure?” alalang tanong ni Knox. “Oo nga. `Yung anak na lang natin ang alagaan mo. Kapag may nangyari sa kanya na masama, makikita mo talaga, Knox!” pagbabanta pa ni Selene sa asawa. “He`ll be fine. Don`t worry, wife.” Naging maamong tuta tuloy si Knox. “Sige, sabi mo, e. Alis na kasi, papakainin mo pa si Phoenix ng breakfast!” utos ni Selene. “Yes, ma`am!” Sumaludo pa si Knox sa asawa. “Come on. Quit stealing glances, hindi kasi kayo makapaghintay, e.” Tinawag na niya sila Nikolai para umuwi kaya naiwan kami. Nagkasalubong pa ang mga mata namin ni Nikolai pero ako ang unang umiwas. Bakit kasi siya nakatingin sa akin noong tinignan ko siya? Nakakhiya tuloy. “So, bakit sila kasama?” tanong agad ni Amara nang makitang lumabas ang tatlo sa airport. “Nag-inuman sila sa bahay kagabi. Ewan ko ba kung bakit sila sinama ni Knox,” sagot ni Selene at nagkibit-balikat. “Ayaw niyo `yon? Mini-reunion?” singit ni Ivy. “May araw din kayo sa amin,” pagbabanta ko kila Ivy at Shana na kanina pa nang-aasar. “Sunod na lang kayo bukas, ha? Mauuna na kami,” putol ni Selene sa usapan. “Ugh! Let`s go na nga. Ang hirap makipag-argue sa mga hindi pa naka-move on sa ex,” ngisi ni Shana at nauna nang naglakad paalis. Babatuhin ko sana siya ng cellphone pero hindi na pala. Gagantihan ko na lang siya kapag nakahanap ako ng pagkakataon. “Bababa ka ba o babalik ka na sa Pinas?” Naalimpungatan ako sa mahinang pagsipa ni Ivy sap aa ko. Pagdilat ko, nakatayo na silangblahat sa harap ako at naka-cross arms pa. “Anon a naman?” “Hindi mob a narinig `yung sinabi ko kanina?” ani Ivy. “Kagigising ko lang `di ba?” nakasimangot na sagot ko. Ang pangit na naman ng gising ko. Siguradong wala na naman akong matinong tulog dahil sila ang makakasama ko ng one week. “Baka gusto mong bumalik ng Pinas kako,” pag-uulit ni Ivy. “Incheon Airport na tayo?” Luminga-linga pa ako sa paligid at napagtantong kami lang pala ang tao rito. “Bakit hindi niyo ako ginising agad?” pagmamaktol ko. “Ito na nga, oh. Ginigising ka namin kaya bilisan mo na,” ani Amara. Nag-unat muna ako saka tumayo bago sumunod sa kanila. Guminhawa na `yung pakiramdam ko, atleast hindi gaya noong umaga na para talaga akong zombie. “Ang gwapo ng pilot. Did you see him?” puno ng energy na sabi ni Shana. “Hindi ko Nakita,” sagot ko naman. “Malamang. Tulog ka, e.” Tinabihan ako ni Amara at inakbayan. “I want to see him again. Stalk ko nga sa IG, nag-effort pa akong nagtanong sa mga F.A. kung ano ang username niya.” Kanina pa nag-s-scroll si Shana sa phone niya. Hinahanap yata `yung pilot na tinutukoy niya. “Kararating lang natin, lumalandi ka na,” komento ni Selene na nag-pi-picture, pang my day niya raw sa IG. “Need ko ng bagong inspiration,” ani Shana sabay flip ng buhok. Hinila ni Ivy ang buhok ni Shana. “Nakalimutan mo na si Humphrey?” Tumigil si Shana sa paglalakd at tinitigan ng masama si Ivy. “Shut up, Ivy Rose.” Malaki ang ngisi kong tumingin kay Ivy dahil sa wakas, pwede na akong gumanti sa kanya. “Ikaw `yon `di ba? Ikaw `yung muntikan ng maging Mrs. Ross?” “Stop!” Malakas akong hinampas ni Shana sa braso. “Ikaw `yon, e. Asan pala `yung singsing mo?” banat din ni Amara. “Tignan niyo, kinikilig pa si Mrs. Ross,” dagdag pa ni Selene. “Please stop, you guys!” pigil ni Shana sa amin. Malakas ang boses namin kaya tumitingin na ang mga dumadaan sa harap. Tumatawa pa si Amara para lang asarin lalo si Shana. “Namumula ka pa. Mahal mo pa siya, `no?” Sumabay din si Ivy sa pang-aasar kay Shana. “Ano ka ngayon, Mrs. Ross? Lakas mong mang-asar noong umaga `di ba?” Siya naman ngayon ang na-hotseat. “I`m sorry na. Tigilan niyo ako, please,” hinging paumanhin ni Shana. “Okay, stop na. Naaawa na kami sa pamumula mo, Mrs. Ross.” Inakbayan pa ni Selene si Shana. Dumiretso kami sa bahay dahil ang plano namin, mamayang gabi kami lalabas. Magpapahinga muna kami at mag-aayos ng mga gamit para ready lahat. Palagi kaming nagbabakasyon dito sa Seoul kapag may semestral break noong college kaya pamilyar din sila Amara rito. “Gusto ko ng ramen. Kain tayo pag-uwi sa bahay nila Cora,” suhestyon ni Selene na agad naming sinang-ayunan ni Ivy. “Mag-grocery muna tayo mga baliw. Wala tayong kakainin doon,” ani ko. Wala na kasing nakatira sa bahay. Pinapalinis lang ni mommy every week para hindi naman kawawa ang bahay. “Then we have to go na. I`m craving for Kimchi fried rice.” Hawak pa ni Shana ang kanyang tiyan na tila gutom ito. “Sige ba basta ikaw ang magluto,” sagot ni Amara. “Why me?” naguguluhang tanong ni Shana. “Cravings mo `yan `di ba? Ikaw na ang bahalang magluto,” Si Ivy na ang sumagot ngayon. “But I can`t cook, right?” Tinuro pa ni Shana ang sarili. Napailing na lang ako sa usapan nila. Hindi kasi kami nag-breakfast noong umaga dahil six ng umaga `yung flight namin. Muntikan pa nga kaming ma-late dahil natagalan kami sa pag-re-ready. “Ako na ang magluto dahi; gutom din ako.” Sumabat na ako sa usapan nila para matapos na. “Solved! Tara na sa grocery!” excited na sabi ni Shana at hinila si Selene palabas ng airport. Paalis na kami nang may mapansin ako kaya huminto muna ako sa paglalakad. Sinubukan kong tumingin ulit para i-confirm kung tama ang hinala ko pero wala na akong makita dahil ang dami ng tao. Kunot-noo kong kinagat ang pang-ibabang labi ko. “Ba`t ka huminto?” tanong ni Ivy sa akin. Umiling lang ako at naglakad ulit. “Wala,” sagot ko nang maabutan ko siya. Imposible. Hindi naman siguro si Nikolai `yung nakita ko kanina `di ba? Pinaglalaruan na ako ng imahinasyon ko, jusko. Hindi ko naman siya iniisip pero bakit nag-ha-hallucinate ako? “Weird,” bulong ko na lang sa sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD