Chapter Twelve

2279 Words
“Ang ganda ‘no?” bulong ko kay Nikolai. Umusog pa ako sa kanya para magkalapit kami saka ko tinuro ‘yung mga fireworks. Nakarating kami ng medyo maaga kaya nakahanap kami ng magandang pwesto bago nagsimula ang fireworks display. “Yeah,” maikling tugon niya pero sa ‘kin naman siya nakatingin. “Sa paputok ka tumingin, huwag sa ‘kin.” Baka mamula na naman ako dahil sa kakatitig mo. Napailing na lang siya at tumingin sa mga paputok. Kanina pa ako nagpi-picture dahil aliw na aliw ako pero itong si Nikolai, parang wala yatang interest sa fireworks. Ang hirap talaga niyang pasayahin. “Hindi ka ba nag-e-enjoy, Nikolai?” tanong ko sa kanya. “I’m sorry. This is my first time and I don’t know what to feel. But, I feel contented because I’m with you,” sincere na sambit niya saka inakbayan ako. Ngumiti ako at umusog palapit pa sa kanya. “Huwag kang mag-alala dahil madami pa akong balak na puntahan ngayong pasko kasama ka pero kung busy ka sa trabaho, okay lang naman kung hindi ka sasama. May next time pa naman ‘di ba?” Maiintindihan ko naman kung hindi ako masasamahan ni Nikolai dahil alam kong busy siyang tao. Hindi rin pwede ang mga kaibigan ko dahil family time muna. Si Shana, pupunta siya sa Paris kasama ang family niya. Si Amara naman ay lilipad din sa Australia habang si Ivy ay may outreach program din kasama ang pamilya niya. Stay at home na lang daw muna kami nila mommy ngayong pasko dahil kailangan ni dad na magpa-regular check up sa doktor niya. “I can always make time for you, Cora. Nandito lang ako at sasamahan kita sa mga lugar na gusto mong puntahan,” sagot ni Nikolai. “Talaga? What if madami kang dapat tapusin na paperworks?” Hindi naman pwedeng ako ang palagi niyang uunahin, ‘di ba? May trabaho rin siyang dapat asikasuhin. “I can do something about that, luv. Don’t worry.” His tone was very assuring hence I believed him. Pwede namang maging selfish minsan ‘di ba? “Sige.” Tumango at nginitian siya. Paano ko kaya sasabihin sa kanya na gusto ko nang maging kami? Paano ko sisimulang sabihin ‘yon? Naduduwag ako dahil parang ang awkward pero hindi naman pwedeng sa tawag or text ko siya sasagutin. “Uhm… Nikolai?” tawag ko sa kanya. Tumingin siya sa ‘kin. “Yeah?” “What if sabihin kong sinasagot na kita?” Agad akong nag-iwas ng tingin. Tama ba ang pagkasabi ko? Baka hindi na-gets ni Nikolai? “Ha?” naguguluhang tanong niya. Sabi na, e. Hindi talaga niya na-gets. “Ang sabi ko, boyfriend na kita simula ngayon.” Sana naman makuha na niya ang gusto kong sabihin dahil pulang-pula na ako. Ramdam kong natigilan siya habang nakatitig sa ‘kin. Wala siyang sinabi dahil tahimik lang siya kaya kinabahan ako. Ayaw na ba niya sa akin? “Magsalita ka naman, Nikolai. Nag-iba na ba ang isip mo at ayaw mo na sa ‘kin?” kinakabahang tanong ko. “What? How can you say that, Cora? You caught me off guard and I didn’t know what to say because I was happy,” he answered and carefully touched my cheeks. “Sorry. Akala ko kasi—“ “Stop overthinking, Cora. Hindi ‘yan maganda sa relasyon,” sita niya sa ‘kin. Totoo ang sinabi niya. “I’m sorry. Iiwasan ko nang mag-overthink.” “So, it’s official then?” seryosong tanong niya. “Oo. Ayaw mo ba?” biro ko. “Hindi mo alam kung ilang beses ko nang ginustong mangyari ‘to,” pag-aamin pa niya. “Kahapon pa sana kaso may sakit ka, e.” Mas maganda ngayon para naman memorable na ang MOA sa ‘kin. Siya na ang maaalala ko kapag pumunta ako rito. “At least you’re mine now,” he said and grinned. “Pwede mo nang palitan ang pangalan ko sa contacts mo,” biro ko ulit. “I can’t,” maikling sagot niya. “Bakit naman?” Magjowa naman na kami ‘di ba? “Hindi ko pwedeng palitan,” dagdag pa niya. “Bakit nga?” pangungulit ko. Kinuha niya ang kanyang cellphone at pinakita sa akin ang naka-save na pangalan ko sa contacts niya. “Wife,” basa ko sa nilagay niyang contact name ko. “See? I won’t change that. That’s permanent,” aniya saka binalik sa bulsa ang kanyang cellphone. Kinagat ko na lang ang pang ibabang labi ko. s**t, kinikilig ako! “I love you,” mahinang sambit niya. Iyan ang pinakaunang I love you niya sa ‘kin. Ang sarap pakinggan. “I love you too.” Shit! May boyfriend na talaga ako! Thank you Lord, ang ganda po ng regalo mo sa ‘kin ngayong pasko. “How about dinner?” he asked. “Sige pero gusto ko sa Jollibee. Okay lang ba?” Mamaya baka ayaw pala ni Nikolai. “Pwede namang maghanap ng ibang pagkakainan kung ayaw mo doon.” “Jollibee? Where’s that?” clueless na tanong niya. “Hindi mo alam kung sa’n ‘yon?” takang tanong ko. Nagkibit-balikat siya. “I don’t even know Jollibee.” “Ano?! Totoo ba? Hindi mo talaga alam ang Jollibee?” hindi makapaniwalang tanong ko. “Oo nga,” seryosong sagot niya. “Halika nga at ililibre kita do’n.” Hinila ko na siya paalis ng MOA dahil tapos na ang fireworks display. Tahimik siyang sumunod sa ‘kin tapos habang nasa daan kami, ako ang nagtuturo kung saan kami pupunta. Mukha ngang first time talaga niyang mag-Jollibee kasi palinga-linga pa siya sa paligid. “There’s a lot of people here. The kids are just running around, where are their parents? Did they let them roam around like this?” sunod-sunod na tanong niya. “Ano ka ba, Nikolai. Ganyan talaga rito lalo na at pasko ngayon.” Tinawanan ko pa siya sa reaction niya. Halatang ngayon lang nakapasok sa ganitong lugar, e. “Bakit dito tayo pumunta?” tanong ulit niya. “Para biba ang saya,” biro ko pero hindi na naman yata niya na-gets. “Ha?” confused na tanong niya. “Wala. Joke lang ‘yon pero hindi mo pala gets.” Hinila ko na lang ulit siya nang may nakita ako na bakanteng table sa pinaka dulo. “Doon tayo.” Turo ko sa table namin. “Dito ka muna, ha? Order lang ako ng food natin,” ani ko. “I’ll wait here.” He gave me a nod. Iniwan ko muna siya para mag-order ng pagkain. Mabuti na lang at hindi mahaba ang pila kaya hindi ako naghintay ng matagal bago dumting ang pagkain namin. Ako na ang pumili ng pagkain para kay Nikolai dahil wala naman siyang alam sa mga food dito. “Magugustuhan niya kaya ‘tong mga ito?” Ang dami ko pa namang in-order na pagkain para sa kanya. Tumabi muna ako sa gilid saka tinext si Nikolai para tulungan akong buhatin ‘tong mga tray ng pagkain. Wala pang dalawang minuto ay dumating na siya. “Self-service?” tanong niya nang umupo kami sa table. “Oo, ganyan talaga rito. Kailangan mo rin na pumila para maka-order ng pagkain.” Nililinisan din namin ang table bago umalis kapag kakain kami rito ng mga kaibigan ko. Nakasanayan kasi namin na gawin ‘yon kapag kakain kami sa labas. “No comment,” sagot niya. Isa-isa kong pinaliwanag kay Nikolai ang mga pagkain na in-order ko at tahimik naman siyang nakikinig na parang bata. Ang cute niya tuloy. “This is good. I feel like a kid again,” masayang sambit niya habang hawak ang fried chicken. Ang genuine ng ngiti niya kaya napaisip tuloy ako kung masaya ang buhay niya noong bata siya. Para kasing madami ang mga masasayang bagay na hindi niya naranasan. “Kaya favorite ko ang Jollibee kasi palagi kong naaalala ang mga panahon na bata pa ako. Ang sayang tignan ng mga bata habang kumakain sila kasama ang parents nila.” Ganyan din ako noong bata pa ako. Palagi kong kasama sila mommy na mag-Jollibee tuwing birthday ko or kapag family day namin. Nakaka-miss tuloy na maging bata. “You must have been so happy,” aniya. “Yup.” Kwinento ko na sa kanya ang mga childhood memories ko pati na rin ang mga nakakahiyang ginawa ko. “How about you? Kwento ka naman tungkol sa buhay mo noong bata ka pa.” Hindi naman kasi pwedeng tungkol lang sa akin ang topic. “My childhood was boring unlike yours,” casual na sagot niya. “Paanong boring? Baka naman kasi wala kang friends noon kasi snob ka?” Ang suplado pa niya kaya siguro walang nakikipaglaro sa kanya noon. “Hey, I have my friends,” he defended himself. “Sino? Si Lieven?” tanong ko. “Yes and Knox too. You already met Lieven, right? Knox is in Sicily at the moment,” he said. “Ang expensive namang pakinggan ng mga pangalan niyo. Halatang pang mayaman,” ani ko na may ngiti sa labi. “Silly.” Napailing siya at tumawa. Nagkwentuhan pa kami ng ibang bagay tulad ng kung paano kami nagkakilala nila Amara. Tinanong ko rin siya tungkol sa buhay niya at nalaman ko na sobra pala talaga siyang seryoso sa mga bagay-bagay. “Sa’n tayo next?” tanong ko nang makaalis kami sa Jollibee after naming kumain. “I don’t know. Saan mo gustong pumunta?” tanong din niya sa akin. Tumingin ako sa suot kong relo para i-check muna ang oras. “Amusement park, gusto mo?” May time pa naman kaming sumakay sa mga rides bago sila mag-close. Tumango si Nikolai at pinaandar ang kotse. “Sige. Ituro mo na lang ulit ang daan.” Ang dali naman pala nitong kausap, e. Hindi na siya suplado gaya noon. Busy ako sa pagturo ng daan kaya nagulat ako nang marinig ko ang malakas na mura ni Nikolai. Mabilis niyang kinuha ang cellphone niya at may tinawagan. “Someone’s tailing us. Deal with them.” Rinig kong sabi niya sa katawag niya. Hindi ko marinig ang sinasabi ng katawag niya kaya tahimik lang akong nakatitig kay Nikolai na parang galit. Walang masyadong tao sa dinadaanan namin dahil pinili ko ang short cut. “Madami sila. f**k, hindi sila pwedeng makalapit sa amin dahil kasama ko si Cora,” galit na sabi pa niya. Lumingon ako sa likod para tignan kung may sumusunod nga sa amin at nakita ko na may limang big bike. Mabilis na nag-overtake ang isa sa mga big bike na may angkas at pumunta ito sa harap namin. “Nikolai….” takot na sambit ko sa pangalan niya nang makita kong may hawak na baril ang mga naka sakay sa motor. “Damn it!” mura ulit ni Nikolai nang makitang nakatutok na sa amin ang baril ng naka motor sa harap ng kotse sinasakyan namin. Malakas akong napasigaw dahil sa takot no’ng pinagbabaril na nila ang sasakyan. Agad namang hinawakan ni Nikolai ang kamay ko at hinalikan ito. “It’s bulletproof but I don’t know how long it can last. Do you trust me?” nag-aalalang giit niya. Naiiyak akong tumango. “Magiging ayos din ang lahat ‘di ba?” “We can make it out safely. All you have to do is trust me, alright? Ako na ang bahala,” sabi niya at tango lang ang sagot ko. Tinakpan ko na lang ang tainga at pumikit. May kausap si Nikolai sa cellphone niya pero hindi ko marinig. Mabilis din ang takbo ng sasakyan pero hindi ko makita ang mga pangyayari dahil takot ako. Lord, tulungan niyo po kami. Kayo na po ang bahala sa amin. Pagkalipas ng ilang minuto, naramdaman kong huminto ang sasakyan kaya dumilat ako. Wala na ang mga sumusunod sa amin pero may isa pang sasakyan sa harap. May mga lalaki rin na nakatayo sa labas na para bang hinihintay kami. “We’re safe now. Come here,” kalmadong giit niya saka ako niyakap ng mahigpit. Hindi ko na napigilang umiyak dahil sa takot. Akala ko mamamatay na kami kanina. Nanginginig pa ako hanggang ngayon. “I’m sorry,” he whispered. Niyakap niya ako ng mahigpit hanggang sa kumalma na ako. Binuhat pa niya ako papunta sa bagong sasakyan na kinuha daw ng personal assistant niya para sa amin. “Nasa’n na ‘yung mga sumusunod sa ‘tin kanina?” tanong ko kay Nikolai. Inayos muna niya ang kanyang seatbelt bago sumagot. “Wala na sila.” “Ha? Paanong na—“ “Shhh, magpahinga ka na. Sa akin ka muna uuwi ngayon. Hindi ka pa pwedeng umuwi, bukas na kita ihahatid. Would that be fine?” paalam niya. “Sige.” Hindi rin lang ako pwedeng umuwi sa condo ngayon dahil hindi pa na-process ng utak ko ang nangyari kanina. Ayokong umuwi na tuliro. “Let’s go home then.” Hinalikan muna ako ni Nikolai sa noo bago kami umalis. Sino ang mga ‘yon? Bakit nila kami hinahabol? At higit sa lahat, bakit may baril sila? Ang dami kong iniisip. Ang dami ko ring tanong pero hindi muna ngayon ang tamang oras para tangungin si Nikolai. Bukas, kakausapin ko siya. “Matulog ka muna kung gusto mo. Malayo pa tayo sa bahay,” ani Nikolai. “Hmm…” Dahil na rin sa pagod, unti-unting pumikit ang aking mga mata para matulog. Sana hindi totoo ang iniisip ko. Sana rin sagutin ni Nikolai ang mga tanong ko bukas. Sana hindi siya magsisinungaling sa ‘kin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD