Chapter Eleven

2624 Words
“I really want to ravish you tonight but we have to stop here. At least for now,” he muttered and distanced himself from me. Inayos muna niya ang suot ko at kinumutan. Hinawakan din niya ako sa magkabilang balikat at hinalikan sa noo. “Please don’t overthink again, luv. Kailangan ko munang pigilan ang sarili ko dahil nanliligaw pa lang ako,” bulong niya habang nakatitig sa ‘kin ng maigi. Naiintindihan ko ang gusto niyang sabihin at may punto rin naman siya. Masaya nga ako dahil alam kong may respeto siya sa ‘kin bilang babae. “I respect you so much,” dagdag pa niya. Niyakap ko na lang siya dahil masaya ako sa mga nabitawan niyang salita. “Thank you, Nikolai.” “Just don’t leave me, please,” he begged and tightened his arms around me. “Hindi kita iiwan, Nikolai. Alam mo ba kung ilang gabi akong nag-manifest na pansinin mo ako? Syempre sinabayan ko rin ng dasal para effective.” Totoo ‘yon dahil malakas ang tama ni Nikolai sa ‘kin. Mukha namang effective ‘yung ritual na ginawa ko. “I hope you didn’t brew some weird herbs and had me drink it in secret,” sambit niya saka ngumisi ng malawak. Wew! Gayuma ba ang tinutukoy niya? “Excuse me! Hindi kita ginayuma! Ganda lang ang panangga ko,” sagot ko bago siya kinindatan. Rinig kong tumawa si Nikolai at napailing. “You’re being silly again, Cora. But I like it, you look cute.” Ha? Cute? Cute daw ako? Umismid ako at sumiksik sa dibdib niya. “Cute lang? Hindi ako maganda?” “Of course you are! Ikaw lang ang maganda sa paningin ko,” masuyong sambit niya. Feeling ko namumula ako ngayon dahil sa kilig. Maliit na bagay lang naman ‘yung sinabi ni Nikolai pero kilig na kilig na ako. “Ang gwapo mo rin, sobra.” Ang perfect ng mukha niya para sa ‘kin. “Really?” he innocently asked. “Ay, hindi mo ba alam? Kaya kita naging crush dahil gwapo ka,” pag-aamin ko. “Just because I’m handsome?” Nanliit ang mga mata niya nang tignan ako. Mahina akong natawa. “Matangkad din.” “And?” “Masungit at snob,” biro ko. “What? Were you still thinking about how treated you back then?” seryosong tanong niya. “Oo. Pakipot ka pa kasi. Crush mo rin pala ako.” Suplado pa ‘tong si Nikolai sa ‘kin noon, e. “What’s pakipot?” curious na tanong niya. Nakalimutan ko na laking Sicily pala si Nikolai kaya may mga hindi siya alam na salitang Filipino. Mukhang magiging tutor pa pala ako. “Pakipot as in pa-hard-to-get gano’n. Ganyan ka naman noon, ‘di ba?” Hindi pa nga niya ako pinapansin noon, e. “I’m sorry, alright? I thought you were just messing around that’s why,” he defended himself. Tinaasan ko siya ng kilay. “Anong messing around? Grabe nga ‘yung paglalandi ko sa ‘yo pero ang suplado mo.” “I find you cute back then but you’re still few years younger than me. I chose to ignore you or I’ll be damned,” pag-aamin niya. “Ano nga pala ‘yon, Nikolai? I don’t don’t do kids pala, ah?” pang-aasar ko sa kanya. “That was a lie.” He chuckled. “Sabi ne, e! Crush mo talaga ako noon pa!” asar ko ulit. “Stop teasing me, Cora,” sita naman niya. “Oo na. Hindi na,” sabi ko na lang habang tumatawa. “Sleep now, Cora.” Inayos ni Nikolai ang unan ko pati ang kumot namin. “Hindi ka pa matutulog?” tanong ko. “Later. Mauna ka na,” sagot naman niya. “Sige. Good night, Nikolai.” Pumikit ako habang yakap siya. Inaantok na rin kasi ako. “Good night, luv.” Hinalikan niya ako sa noo. I love you. Gusto kong sabihin ‘yon sa kanya pero parang masyado yatang maaga. Iniisip ko pa nga kung paano ko siya sasagutin. Bahala na, saka na lang kapag lumabas kaming dalawa. Pagdilat ng mga mata ko, mukha agad ni Nikolai ang una kong nakita. Tahimik siyang nakatitig sa ‘kin at para bang malalim ang nasa isip. Bigla tuloy akong nahiya. “Bakit ka nakatitig sa ‘kin ng ganyan?” nahihiyang saad ko. “Good morning, gorgeous. You look beautiful,” nakangiting pahayag niya. Agad akong nagtaklubong gamit ang kumot. “Huwag mo akong titigan, Nikolai. Baka may laway at muta pa sa mukha ko!” Hinila niya ang kumot at pumaibabaw sa ‘kin. “Maganda ka pa rin sa umaga kahit bagong gising.” “Talaga?” Baka binibiro lang niya ako. “I told you, you’re the most beautiful woman in my eyes,” he marveled with a smile. “Ang honest mo naman, mahal!” tukso ko. “Hmm…” Mabilis niya akong hinalikan sa labi at inayos ang strap ng nightie kong nahulog sa balikat ko. “We better get up. Baka ano pang magawa ko,” aniya saka bumangon. Umalis din ako sa higaan at inayos ang aking sarili. Sinunod kong tinupi ang kumot at inayos ang kama ni Nikolai habang siya ay tahimik lang sa gilid na nakatitig sa ‘kin. “Ano? May sasabihin ka?” Kanina pa siya nakatingin, e. “Nothing. I was enjoying the view,” sabi niya at pilyong ngumiti. Nilapitan ko siya at mabilis na hinalikan sa labi. “Ganda ko ‘no? Swerte mo naman sa ‘kin, Mr. Disraeli.” “Yeah. So damn lucky,” bulong niya bago ako binuhat na pang bridal style. Pumasok kami sa walk-in closet niya saka lang niya ako binaba. “Bakit tayo nandito?” tanong ko sa kanya. “We have to do something with your clothes. Hindi ka pwedeng lumabas na ganyan ang suot,” aniya habang busy sa mga damit niya. “Wala namang kasya sa ‘kin dito, Nikolai.” Ang tangkad kaya niya kumpara sa ‘kin. Bigla niyang hinubad ang suot niyang t-shirt kaya napatingin ako sa katawan niya. Maryosep! Ang perfect din ng abs niya! Gusto ko tuloy hawakan. “Eyes up here, Cora. Stop drooling,” ani Nikolai. Nahiya ako at nag-iwas ng tingin dahil alam kong pulang-pula na ang mukha ko ngayon. Mabilis na nagpalit si Nikolai ng bagong t-shirt saka lumapit sa ‘kin. “Wait here. I’ll be back.” Hinalikan pa niya ako bago iwan sa walk-in closet niya. Nagiging manyak na ako, jusko! Hinatid ako ni Nikolai pauwi sa Lux kaya naiwan ‘yung sasakyan ko sa bahay niya. Sinabihan na lang niya ‘yung driver niya para ibalik sa Lux ‘yung kotse ko. Pumayag na lang ako dahil tinatamad akong magmaneho. “May gagawin ka ba ngayon?” tanong ko sa kanya nang bumaba ako sa kotse niya. Nasa parking lot kami ngayon. “Yeah. I have two meetings today,” sagot niya. Papayag kaya siya kapag inaya ko siya na lumabas mamayang gabi? May fireworks display daw sa MOA mamayang gabi kaya gusto kong puntahan kasama si Nikolai. “How about you?” tanong niya sa ‘kin. “Wala naman. Maglilinis lang siguro sa condo para makauwi na sa bahay bukas.” Pinapauwi na kasi ako nila mommy. “Do you want to go out tonight?” anyaya niya. “Oo sana kung hindi ka pagod sa work pero may dalawa ka namang meeting ngayon. Next time na lang siguro.” Kailangan din kasi niyang magpahinga. Madami pa naman kaming time para lumabas. Hinawakan ni Nikolai ang kamay ko tsaka ito mahinang pinisil. “It’s fine. We can still go out. Anong oras tayo lalabas?” “Sure ka?” Baka kasi pumayag lang siya dahil gusto ko. Ayoko naman ng gano’n na set-up. “Dead serious,” he muttered. “Okay lang mamayang 6 PM? May fireworks display kasi sa MOA kaya gusto kong puntahan,” ani ko. “Then I’ll be here at six. I’ll call you,” sabi pa niya. Ngumiti ako ng malapad at hinalikan siya sa cheeks. “Sige. Pasok ka na sa work at baka ma-late ka pa.” “Nah. I’m the boss anyway,” he mumbled and shrugged. “Unfair. Ayaw mo ng pa naman ng late, ‘di ba? Pinagalitan mo pa ako noon dahil late ako ng dalawang oras,” saad ko habang naniningkit ang mga mata. Tumawa siya at tinaas ang mga kamay. “I’m sorry. I was a jerk back then.” “Oo na. Alis ka na po, Mr. Disraeli.” Bumaba na ako sa korse niya. “Fine.” Dumungaw muna siya sa window at tumingin sa ‘kin na para bang may sasabihin. “I will miss you,” aniya. “Magkikita naman tayo mamayang gabi. Alis na!” pagtataboy ko sa kanya. “Yes, ma’am!” Sumaludo pa siya sa ‘kin. “Ingat!” pahabol na sigaw ko nang paalis na siya. Bumusina naman siya bago tuluyang umalis. Malawak ang ngiti kong sumakay sa elevator hanggang sa floor namin. Nabura lamang ito nang makita ko sila Shana na nakatayo sa labas ng condo ko. Nakita ko rin si Ivy na kalalabas lang mula sa loon tsaka sinara ang pinto. Uhh… Lagot! Hindi ako nagsabi sa kanila na lumabas ako kagabi! “Mukhang inumaga tayo sa lakad natin, ah?” panimula ni Amara. “Ay, blooming! Nag-enjoy ka siguro sa lakad mo ‘no?” Si Shana naman ngayon. “Sa’n ka galing? Bumalik ako sa room mo kagabi dahil naiwan ‘yung phone ko pero wala ka,” dagdag din ni Ivy. Unti-unting sumilay ang malawak na ngiti sa labi ko hanggang hindi ko na napigilang sumigaw. Mukhang na-gets naman nila bakit ganyan ang reaction ko kaya ngumisi sila. “Kwento mo naman sa amin dali!” Mabilis akong hinila ni Amara papasok sa condo ko. Umupo muna kami sa couch pero aligaga silang pakinggan ang sasabihin ko. Ang awkward tuloy na magkwento. “What? Wala ka bang sasabihin? Like, you know…” ngising saad ni Shana. “Wait lang, kinikilig pa ako!” sita ko sa kanila. “Ano ba naman ‘yan, Cora! Tapusin mo na ‘hang kilig mo at magkwento ka na. Siguradong kagabi ka pa kinikilig, inumaga ka nga ng uwi, e!” ani Amara na ngayon ay nakapameywang sa harap namin. Ngumiwi na lang ako. “Atat naman kayo masyado. We slept together last night.” Ayan, sinabi ko na. Malakas akong hinampas ni Shana sa balikat. “Omg! You slept so you mean…” “Hindi ‘yan! Iba na naman ang iniisip niyo!” Ang dumi talaga mag-isip ng mga ‘to. “E, ano? Sabi mo natulog kayong dalawa,” singit din ni Ivy. “Oo nga pero walang nangyari tulad ng iniisip niyo! Natulog lang kami pero syempre nag-kiss kami. Mainggit na kayo!” pagmamayabang ko. Hindi ko sasabihin sa kanila ang nangyari aside sa halik dahil personal na ‘yon tsaka nakakahiya kapag pati ‘yan ay sabihin ko pa. “Hindi mo pa sinagot?” tanong ni Amara. “Hindi pa kasi may fever siya kagabi. Lalabas kami mamayang gabi, pupuntahan namin ‘yung fireworks display nila sa MOA, doon ko na lang siya sagutin. What do you think?” Kinakabahan pa ako kung paano ko sasabihin kay Nikolai. Humagikgik si Shana at umakbay sa ‘kin. “That would be romantic, omg! I’m so happy for you, Cora!” “Basta support lang kami sa mga desisyon mo. Nandito lang kami kapag may problema ka,” ngiting sambit naman ni Amara. “Uwi ka sa ‘min kapag sinaktan ka niya,” ani Ivy. “Thank you! Kayo pa rin ang priority ko kasi mas nauna kayong dumating sa buhay ko.” Mahigpit kaming nagyakapan habang tumatawa. Masaya ako dahil meron akong sila at alam kong palagi sila nandiyan para sa ‘kin. Kapatid na ang tingin ko sa kanila dahil kasama ko silang lumaki. Kilalang-kilala rin nila ako gaya ng pagkakakilala ko sa kanila. “s**t! Ang ganda mo, girl!” puri sa ‘kin ni Amara nang matapos nila akong ayusan. “For sure na matutulala si Nikolai kapag nakita ka niya. You’re so pretty!” dagdag din ni Shana. Tinignan ko ang sarili ko sa vanity mirror at hindi napigilang mapangiti. Sinabi ko na hindi na nila ako kailangang ayusin dahil kaya ko naman pero nag-insist pa sila kaya pumayag na lang ako. “Nasisilaw talaga ako sa kaputian mo, Cora,” pabirong sambit ni Ivy. “It’s all natural, walang halong chemical,” biro ko pabalik. “Enjoy mo lang ang date niyo pero huwag mong kalimutan na sagutin si Nikolai,” paalala ni Amara. “Yes, ma’am.” Kanina ko pa talaga iniisip kung paano ko gagawin ‘yon. Agad kong kinuha ang cellphone ko nang mag-ring ito. Nag-text si Nikolai na nando’n na daw siya sa parking lot kaya mabilis akong nag-reply na pababa na ako. “Alis na ako. Bye, girls!” paalam ko sa kanila saka tumakbo palabas ng condo. “Bye! Ingat!” pahabol na giit ni Ivy. Bumuntong-hininga muna ako bago pumasok sa kotse ni Nikolai. Naabutan ko siyang busy sa kanyang cellphone pero agad naman niya itong tinabi nang makita ako. “Damn. You’re breathtaking to look at,” puri at lumapit para halikan ako. “Thank you. Ang gwapo mo rin,” nahihiyang saad ko. Nakasuot ako ng kulay beige na coordinates para casual lang. Cropped na tweed long sleeves coat at A-line skirt na pinares ko sa one-inch heels kong nabili namin last summer. Siya naman ay nakaputing long sleeves na tinupi niya hanggang siko at black slacks. Nakabukas pa ang tatlong butones ng suot niyang polo kaya casual lang din siyang tignan. “You’re blushing,” he teased with a smirk. Napahawak ako sa mukha ko at nag-iwas ng tingin. “Huwag mo kasi akong titigan ng ganyan. Naiilang tuloy ako.” He chuckled. “Can’t help it, sorry.” “Tara na at baka hindi na natin maabutan ‘yung fireworks display.” Sigurado kasing traffic din. Umalis na kami sa Lux at kasabay no’n ang pagtunog ng cellphone ko. Nang binuksan ko ito ay tumambad sa ‘kin ang mga chats nila Shana sa GC namin. Shana: Just say yes and then kiss him! Ivy: That would be so romantic. Amara: Basta tandaan mo ang sinabi ko sa ‘yo kanina. Perform well, mwah! Mahina akong natawa habang binabasa ang chats nila. Magre-reply sana ako nang magsalita si Nikolai. “Who’s that?” tanong niya. “My friends. Ang ingay nila sa GC namin,” sagot ko. “I haven’t met them yet,” aniya. Oo nga ‘no? Tsaka na lang kapag sinagot ko na siya. “Ipapakilala kita soon kapag may time. Okay lang?” Kapag hindi na busy si Nikolai para yayain ko siyang lumabas kasama sila Amara. “That would be nice,” ngiting pahayag niya. Natahimik ulit kaming dalawa kaya naalala ko na naman ang binuling sa ‘kin ni Amara kanina bago ako umalis. Galingan mong mag-perform, ha? Gawin mo ‘yung mga tinuro ko sa ‘yo. Ayan ang sinabi niya sa ‘kin. “Is it hot? Your face is red,” concern na tanong ni Nikolai. Nanlaki ang mga mata ko at tinakpan ang mukha. “Wala! Huwag mo na akong pansinin!” Bakit ba kasi iba ang iniisip ko dahil sa mga sinabi ni Amara sa ‘kin? Bad influence talaga ‘yon kahit kailan. Kung anu-ano na ang tinuturo sa ‘kin, jusko!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD