Chapter Thirteen

2522 Words
Nagising ako kinabukasan na wala si Nikolai sa tabi ko. Mag-isa na lang ako rito sa kwarto niya pero may notes siyang iniwan sa bedside table kaya kinuha ko ito upang basahin. Good morning, luv! I’m sorry for leaving you early in the morning but I have to do something important. I will call you when I’m done. Your breakfast is ready and after that, my driver will take you home. I love you. Nikolai Bumuntong-hininga na lang ako at tinupi ang papel bago nilagay sa bag ko. Bumangon na rin ako at inayos ang kama. “Sakto, gutom na ako.” Nagising ba naman akong gutom. Bumaba ako at dumiretso sa kitchen ng mansyon ni Nikolai. Totoo nga ang sinabi niya na handa na ang breakfast ko. Nakakahiya tuloy sa mga maids niya. “Magandang umaga po. Pinahanda na po ni sir ang pagkain niyo bago umalis,” magalang sa sabi ng isang maid. “Salamat po,” nakangiting sagot ko. Tahimik akong kumain dahil iniisip ko pa rin ‘yung nangyari kagabi. Hindi ko tuloy makakausap si Nikolai dahil maaga siyang umalis. Sa ibang araw na lang siguro. Binilisan ko na lang na kumain at nang makabalik na ako sa condo. Alam kong kagabi pa ako hinihintay ng mga kaibigan ko. Tiyak na madami na naman silang itatanong lalo na’t hindi na naman ako nakauwi. “Maraming salamat po sa paghatid!” masiglang sabi ko sa driver na naghatid sa ‘kin pauwi. “Ingat po kayo, ma’am!” aniya at ngumiti. “Kayo rin po!” Nagpaalam na ‘yung driver at ako naman ay umalis na rin sa parking lot. “Ano na? Inumaga ka na naman ng uwi!” Iyan agad ang una kong narinig nang madatnan ko sila Ivy sa living room ng condo ko. “Wow! Condo niyo ‘to?” Nanonood pa sila ng Netflix habang kumakain ng salad. “Wala kaming paki! Halika na rito at magkwento, dali!” aligagang giit ni Amara. Inikutan ko na lang sila ng mata at nakiupo sa kanila. “Ano na naman ang gusto niyong malaman?” “What happened last night? Kayo na ba?” tanong agad ni Shana. Bumungisngis muna ako bago siya sinagot. “Oo. Boyfriend ko na siya!” Sabay-sabay silang tumili at pinaghahampas ako. Mahina pa akong sinabunutan ni Amara kaya hinampas ko siya sa braso. “Omg! So like, you guys are official na?” ngiting tanong ni Shana. “Oo nga! Kami na ni Nikolai!” pag-uulit ko pa. “May jowa na siya!” pang-aasar ni Ivy dabay sundot sa tagiliran ko. Hinampas ko na lang din ang kamay ni Ivy dahil nakiliti ako sa ginawa niya. “Mainggit na kayo sa ‘kin, please!” biro ko pa. “Tara, labas tayo mamayang gabi. Parang gusto ko rin na lumandi at makajowa,” anyaya ni Amara. “But you have Lieven right? Ay, ghinost ka nga pala,” pang-aasar ni Shana kay Amara saka malakas na tumawa. Nakitawa na rin kami ni Ivy dahil sa hindi maipintang expression ni Amara. “Ha? Sino ‘yon? Animal ba ‘yon?” painosenteng banat naman ni Amara. “Sus! Crush na crush mo na siya no’n eh ‘di ba? Kilig na kilig ka pa nung—“ Hindi na pinatapos ni Amara si Ivy dahil binato niya si Ivy ng tissue roll. “Mga traydor! E, ano naman kung ghinost niya ako? Makaka-move on din ako!” malditang saad ni Amara. “Ay naging kayo ba?” nakangising tanong ko. Inikutan lang ako ng mata ni Amara. “Naging kami sa imagination ko kaya shut up ka na.” “Delulu,” natatawang bulong ni Shana. “Narinig ko ‘yon, Shayla Nadia Imperial!” Pinandilatan pa ni Amara si Shana ng mata pero hindi na ‘yon pinansin ni Shana. Tawang-tawan pa rin kami habang inaasar si Amara dahil ayaw na ayaw niya kapag nababanggit namin si Lieven. Grabe yata ang galit niya kay Lieven dahil ghinost siya nito. “Yes and?” pagtataray din ni Shana. “Ugh! Alam niyo naman ‘yung ginawa niya sa ‘kin ‘di ba?” inis na saad ni Amara. Kwinento sa amin ni Amara ang pag-ghost ni Lieven sa kanya. Galit na galit pa siya noon dahil feeling niya daw ay ginamit lang siya ni Lieven. Hindi rin naman namin masisisi si Amara kung gano’n na lang siya kagalit kay Lieven dahil kahit saang anggulo tignan, maling-mali pa rin ang ginawa ni Lieven. “Just be wiser next time, Amara,” seryosong advice ni Shana. “Hayss! First time na nga lang mabaliw sa lalaki, sa maling tao pa! Nakakainis talaga!” reklamo pa ni Amara. “Kaya nga hindi dapat maulit ‘yon,” ani Ivy. “Oo na. Ayokong masaktan ulit,” sagot naman ni Amara. “At ikaw, akala ko tapos na kami sa ‘yo? Bakit hindi ka na naman umuwi kagabi?” pag-iiba ni Ivy sa usapan. Shit! Akala ko nakalusot na ako. “Natulog ako sa bahay ni Nikolai,” awkward na sabi ko. “Natulog ako sa bahay ni Nikolai,” awkward na sabi ko. “Ayan. Tama ‘yung sinabi ko kagabi,” ani Amara. “Where else could she be aside sa bahay ni Nokolai?” giit pa ni Shana. “Hindi ‘yan tama, Cora. Magjowa nga kayo pero hindi ba masyadong maaga para makitulog ka sa bahay niya?” mahinahong sabi ni Ivy. Naiintindihan ko si Ivy dahil kahit noong bata pa kami, siya na talaga ang pinaka-matured na mag-isip sa amin. Tama rin naman ang sinabi niya kasi dapat kilalanin ko muna ng husto si Nikolai bago kami humantong sa kanyang level. “Sorry. May emergency kasi kagabi kaya hindi agad ako nakauwi,” sagot ko naman. Hindi ko pwedeng sabihin sa kanila ang nangyari kagabi dahil hindi pa nasagot ang mga katanungan ko. Sasabihin ko na lang sa kanila kapag nasagot na ni Nikolai ang lahat ng tanong ko. “Just be careful, ha? We trust you naman. We’re just worried, okay?” Si Shana naman ang nagsalita ngayon. “I know kaya nga ako nagpapasalamat kay God na nandiyan kayo para gabayan ako,” giit ko saka sila niyakap ng mahigpit. Nagwentuhan muna kami ng matagal tungkol sa mga plano naming gawin ngayong pasko. Hapon na no’ng nagpaalam kami sa isa’t isa dahil uuwi na kami sa mga bahay namin. Busy akong magbuhat ng mga gamit kaya hindi ko naisip na i-check ang phone ko para tignan kung may text si Nikolai. “Sa wakas! Mabuti naman at naisipan mong umuwi!” ani mommy na may halong pagtatampo. Sinalubong nila ako ng mahigpit na yakap at sabi pa ni dad na kanina pa daw sila naghihintay sa labas. Hindi naman halatang masyado nila akong na-miss. “Na-miss din kita, mommy.” Hinalikan ko siya sa pisngi at nginitian. “Ang tagal mong hindi umuwi. May jowa ka na siguro, ‘no?” ani mommy sabay kurot sa tagiliran ko. Tawa lang ang sinagot ko na siyang ikinalaki naman ng mga mata ng nanay kong malisyosa. “Mayro’n ka ng boyfriend?!” gulat na tanong ni mommy. Hindi ko alam ang isasagot ko kaya ngumiti na lang ako. “Hon, ‘yung anak mo mag-aasawa na raw,” pagdadrama ni mommy at sumandal pa sa balikat ni dad. “Boyfriend pa lang ‘yon, hon. Hindi naman sinabi ni Cora na mag-aasawa na siya,” sita naman ni dad sa kanya. Lumayo si mommy kay dad saka siya umismid. “Para saan pa at ‘yan din ang ending!” “Mommy, kakasagot ko lang po sa kanya kahapon. Kalma,” singit ko sa usapan. “Really?! What’s his name?!” excited na tanong ni mommy. “Pwede bang pumasok muna tayo sa loob bago kayo magchikahan? Nilalamig na ako, oh!” sabi ni daddy at niyakap ang sarili dahil nilalamig daw siya. “Ang epal mo talaga. Hindi na muna kita kailangan dahil umuwi ang prinsesa ko kaya, shoo!” pagtataboy ni mommy kay dad. Bumuntong-hininga na lang si dad at nagpahila na lang din ako kay mommy papunta sa living room. Ang kulit ng nanay ko, mabuti na lang at mahaba ang pasensya ni dad. “So, what’s his name?” ulit na tanong ni mommy. “Hindi ko muna sasabahin para hindi mawala ang element of surprise,” ngising sagot ko. Bigla akong hinampas ni mommy sa balikat kaya malakas akong um-aray. “Ano ba naman ‘yan, mommy! Ang lakas ng paghampas mo sa ‘kin!” “Sabihin mo na kasi!” pangungulit pa niya. “Hindi ko muna sasabihin ngayon. Soon na lang kapag handa akong ipakilala siya sa inyo,” ani ko. “Fine! Pero gusto kong yayain mo siyang mag-dinner dito sa bahay sa Christmas Eve,” pagtataray pa ni mommy. “Oo na. Ang kulit mo talaga, ma.” Pumayag na lang ako sa gusto niya dahil alam kong pipilitin ako ni mommy hanggang sa pumayag ako. Um-oo na lang ako habang maaga pa. Tatlong araw na akong walang gana dahil tatlong araw na rin na hindi nagpaparamdam si Nikolai. Ang sabi niya sa note, tatawagan niya ako pero bakit tatlong araw na ang lumipas pero wala pa? “Paano kung hindi talaga niya ako mahal?” naiiyak na sambit ko habang na-video call sila Ivy. “Shh! Ano ka ba, Cora?!” sita ni Ivy sa ‘kin. “Alam mo, overthinker ka talaga ‘no? Paano kung may rason bakit hindi siya nagparamdam ng tatlong araw?” sabi naman ni Amara. “What if puntahan mo siya sa house niya and then talk to him,” suggestion ni Shana. Nagtaas ng kamay si Amara. “Alam mo, bitter ako dahil ghinost ako ng kaibigan ni Nikolai pero very positive ako na hindi naman ganyan ‘yung jowa mo.” What if ghinost din ako ni Nikolai tulad ng ginawa ni Lieven kay Amara? “Tama ang sinabi ni Shana. Puntahan mo na lang si Nikolai sa bahay niya at nang maayos na ang problema mo,” advice din ni Ivy. Nag-promise pa ako kay Nikolai na iiwasan kong mag-overthink pero hindi ko talaga maiwasan. Ang dami kong iniisip nitong nakaraan. “Kinakabahan ako,” ani ko. Napa-face palm na lang si Amara at nag-roll eyes pa. “Ang hirap talaga kapag vc lang, hindi tuloy kita makutusan!” “Cora, you have to be brave if you want to get through this one. A lot will come kapag lalong tumagal ang relationship niyo. This one would be your first step. You can do it, okay?” mahabang linya ni Shana. “Gusto mong samahan ka namin?” tanong ni Ivy. “Yeah. We can come with you if you want,” dagdag din ni Shana. Mabilis akong umiling. “Hindi na. Kaya ko na ‘to.” Mamayang gabi na ang flight ni Shana papuntang Paris kaya ayaw kong abalahin pa siya. Nasa Australia na rin si Amara, umalis sila kahapon. Alam kong busy si Ivy sa pag-sort ng mga donations na ibibigay sa outreach program nila. “Are you sure?” paninigurado ni Shana. “Oo nga. Pupuntahan ko siya sa bahay niya mamaya,” sagot ko naman. “Mabuti naman at tuwid na ‘yang pag-iisip mo,” ani Amara. “Sorry na. Ang dami ko kasing iniisip,” paumanhin ko. “Guys, I have to go na kasi tinatawag ako ni mommy. Call us na lang kapag kailangan mo ng help, Cora. Omg! I really have to go kasi kanina pa pala ako tinatawag ni mommy. Love you, girls! Bye!” nagmamadaling paalam ni Shana saka nag-out sa call. Nag-out na rin kaming tatlo dahil may kanya-kanya kaming gagawin. Kailangan kong mag-ready para puntahan si Nikolai. Hapon na kasi at baka maabutan pa ako ng traffic. “Bakit nga hindi ako pwedeng pumasok?!” inis na tanong ko sa guard ng gate ng bahay ni Nikolai. Kanina ko pa sila kinukulit na papasukin ako sa loob pero hindi daw pwede. Ayaw pang sabihin kung bakit ayaw akong papasukin. Nainis tuloy ako! “Ano nga?!” pasigaw na tanong ko. “Ma’am, pasensya na po. Wala po kasi si boss sa loob,” sagot ng isa sa mga guard. “Saan siya pumunta? Pakitawagan siya kung pwede kasi hindi niya sinasagot ang mga tawag ko.” Baka lang naman sagutin ni Nikolai kapag sila ang tumawag sa kanya. “Hindi po pwede dahil ayaw ni boss na—“ “Bakit parang feeling ko nagsisinungaling kayo sa ‘kin? Kanina pa kasi kayo nagkakatinginan bago sumagot. Sabihin niyo nga sa ‘kin ang totoo bago pa ako magalit,” nakapameywang na sambit ko. “Ah, ma’am. Wala po talaga si boss sa loob,” sagot nung guard. Tinaasan ko na lang sila ng kilay. Magsasalita pa sana ako pero bumukas ang gate at niluwa nito ang isang itim na sasakyan. Dahil bukas ang window nito, nakita ko tuloy ang nasa loob. Lalaking nakasuot ng puti ang lulan ng kotse. Mabagal din ang pagtakbo niya dahil may katawag siya. “Pinalitan ko na ang bandage ng sugat ni Nikolai. Binigyan ko na rin ng painkiller.” Rinig kong sabi ng lalaki kaya natuod ako sa kinatatayuan ko. “Tangina mo. Wala pa akong tulog dahil diretso ang thirty-eight hours na duty ko sa ER,” dagdag pa niya. Doctor. May doktor dito at sinabi niyang pinalitan niya ang bandage ni Nikolai. Si Nikolai. Anong nangyari sa kanya? Mabilis akong tumakbo papasok sa loob dahil bukas pa ang gate. Rinig ko pa ang pagtawag ng mga guard sa akin pero hindi na ako lumingon at diretso ang takbo papasok sa loob ng bahay. “Huwag niyo akong pigilan!” sigaw ko sa mga kasambahay dahil nakatingin silang lahat sa akin. Tinakbo ko na rin ang second floor hanggang sa nakarating ako sa kwarto ni Nikolai. Basta ko na lang binuksan ang pinto at hinanap agad ng mga mata ko si Nikolai. “Nikolai…” mahinang banggit ko sa pangalan niya. Nakita ko siyang nakaupo sa kama niya at may mga puting bandage sa kanyang katawan. Namumutla na rin ang mukha niya at halatang nanghihina. Agad siyang lumingon sa kinatatayuan ko at nagulat. Halatang hindi niya in-expect na pupuntahan ko siya rito. “C-cora,” utal na tawag niya sa akin. Hindi pa rin ako makagalaw sa pwesto ko. Tatlong araw akong naghintay at nag-alala sa kanya tapos ganito ang makikita ko? Isang Nikolai na sugatan at nanghihina? Bakit? Bakit hindi siya nagsabi sa ‘kin? “I’m sorry,” bulong niya pero sapat na ‘yon para marinig ko ang paos na boses niya. Nanginginig akong lumapit sa kanya. “Bakit? Bakit hindi mo sinabi sa akin?” Hindi ko na napigilan ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Naghihirap siya tapos wala akong kaalam-alam sa sitwasyon niya. Kung hindi pa ako pumunta rito e ‘di hindi ko malalaman ‘to? “I was shot.” Tuluyan na akong nanghina dahil sa sinabi niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD