Chapter Twenty-two

2137 Words
“Putangina, hindi na ako iinom.” Pikit-matang hawak ko ang ulo ko dahil nahihilo pa ako. Hilong-hilo akong tumakbo papunta sa C.R. para sumuka. Nilabas ko lahat hanggang sa wala nang laman ang aking tyan. Naligo rin ako pagkatapos kong sumuka kaya kahit paano ay nabawasan ang sakit ng ulo ko. “Hindi ko maalala paano ako napunta rito sa kwarto.” Napakamot na lang ako sa batok kasi kahit anong gawin ko, wala talaga akong maalala. “Blackout na naman kasabi,” buntong-hiningang saad ko. “Gising na ang Disney Princess,” salubong ni Ivy sa akin nang maabutan ko silang nakatambay sa kitchen. “Lasing pa yata ako,” sabi rin ni Amara na kapapasok lang sa kitchen. “Ilang beses na rin akong pabalik-balik sa C.R. dahil suka ako ng suka,” dagdag din ni Ivy. “Nasa`n si Selene?” tanong ko nang mapansing wala siya rito. “Tulog pa siya?” pangalawang tanong ko. “Nasa kabilang bahay. Doon sila natulog ni Knox,” walang enery na sagot ni Ivy. “Paano mo nalaman na doon siya natulog?” tanong ko pa sa kanya. “Pumunta kanina rito si Knox at kumuha ng pamalit ni Selene. Punta daw sila dito mamaya.” Si Amara na ang sumagot. “Si Shana, tulog pa?” Ang dami kong tanong dahil wala nga akong maalala kagabi. “Tulog pa siya nang katukin ko siya sa kwarto niya,” ani Ivy. “Oh. Hintayin na lang natin silang gumising at sa labas na tayo kakain. Wala na akong energy para magluto,” saad ko. Tumango lang si Ivy at si Amara naman ang sumagot. “Hmm, sige.” “Putangina, wala akong maalala kagabi. Hindi ko nga alam kung paano ako napunta sa kwarto ko,” panimula ko. “Lasing na lasing din ako kagabi pero may konti pa akong naaalala,” ani Ivy. “Ako nga wala ring maalala,” inaantok pa na sambit ni Amara. “Binuhat ka ni Nikolai papunta sa kwarto mo. Si Lieven naman ang naghatid sa `yo, Amara. `Yan lang ang naaalala ko,” kwento ni Ivy sa amin. Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. “Ano?! Bakit niya ako binuhat?! Bakit?!” “You mean, hinatid pa ako ng hinayupak na `yon kagabi?!” gulat din na saad ni Amara. “Correction, madaling-araw na tayo natapos na mag-inuman,” pahayag pa ni Ivy. “Wala naman siguro akong ginawang nakakahiya kagabi, `di ba?” kinakabahang tanong ko. “Gaga, lasing din ako kagabi. Sinabi ko naman sa inyo `yung naaalala ko, `di ba?” ani Ivy. Bigla akong natahimik at pinipilit ang sarili na alalahanin ang mga pangyayari kagabi pero wala talaga. “s**t talaga! Malandi pa naman ako kapag lasing.” What if nilandi ko si Nikolai kagabi? “Pinaghalo ba naman kasi natin `yung Soju at Bourbon. Sinong hindi malalasing do`n ng todo?” frustrated na sabi ni Amara. Naaalala ko pa `yung time na binigay ni Nikolai sa amin ang stock niyang Bourbon. Tuwang-tuwa pa nga kami dahil nakulangan kami sa binili naming Soju. Nagsisisi tuloy akong nakiinom sa Bourbon na `yan. “Paano na lang `yung lakad natin mamayang hapon kapag buong-araw ang hangover natin?” sabi ni Ivy. Magsasalita sana ako nang marinig naming ang malakas na boses ni Shana. “Good morning, Seoul!” sigaw niya mula sa hagdan. Patalon-talon pa siyang bumababa sa hagdan habang nakangiti ng malawak. Taray naman nito, parang walang hangover, ah. “Makasigaw parang walang hangover,” komento ni Ivy nanag makarating si Shana sa kusina. “Ay, sis, wala talaga!” bibong sagot ni Shana saka nag-flip pa ng buhok. “Ang fresh kong tignan, `no?” pagmamayabang niya. Nag-roll eyes na lang ako bago sumagot. “Wala kaming paki!” “Ang aga-aga anyong dragon ka na naman. What`s for breakfast?” pag-iiba ni Shana sa usapan. “Wala kaming ganang magluto kasi may hangover kami,” sagot ni Amara. “Kung sino pa ang walang hangover, siya pa ang hindi marunong magluto,” irap na saad ni Ivy. “I`m sorry guys, beauty and brain lang po ang ambag ko sa lipunan,” ngiting pahayag ni Shana. “Sige, panalo ka na. Tawagan mo na lang si Selene at sabihin sa kanya na sa labas na tayo kakain. Tanong mor in kung gusting sumama nila Knox,” utos ko sa kanya. “Himala, nagka-hangover ka lang bigla ka nang bumait!” malisyosang sabi ni Amara. “Huwag mo na naman akong simulan, Amara. Alalahanin mo, nasa kabilang-bahay din si Lieven na naghatid sa `yo no`ng lasing na lasing ka kaninang madaling-araw,” banat ko naman sa kanya. Inirapan niya ako at humalukipkip. “Ang pangit talaga ng ugali mo.” “Hey, Selene! Let`s eat outside daw sabi nila Cora. They told me to invite the guys too.” Rinig naming sabi ni Shana habang katawag si Selene. Dahil naka-loud speaker ang tawag, rinig naming ang boses ni Selene mula sa kabilang linya. “Nikolai cooked something. You guys should come over here at dito na tayo mag-breakfast.” Nagkatinginan kaming tatlo nila Amara at Ivy habang si Shana naman ay kausap pa si Selene. “Really?! That`s good! We`re heading over there.” Pumayag agad si Shana sa sinabi ni Selene. “Okay. Hihintayin namin kayo rito but sure bang sasama sila Cora and Amara?” hindi siguradong tanong ni Selene. “Oh, they`re absolutely cool with it! Be there later, bye!” Pinatay n ani Shana ang tawag at tinitigan kami. “What?!” patay malisyang tanong pa niya. Sinamaan ko siya ng tingin. “Ang galling mo rin, eh `no?” “Guys, just act natural around them, okay? Makikikain lang naman tayo sa kanila and nothing more. Aren`t you hungry?” tanong niya sa amin. Kanina pa ako gutom actually. Nahihiya lang talaga akong pumunta sa bahay ni Nikolai dahil kagabi. What if may ginawa pala ako sa kanya kagabi? Kahit wala akong maalala pero hindi siya nakiinom kaya alam niya lahat. “Lulunukin ko ang hiya ko para lang makakain dahil kanina pa ako gutom,” ani Amara. “Tara na nga. Wala nang reklamo kasi gutom tayong lahat.” Hinila pa kami patayo ni Ivy kaya sumama na lang kami. Tahimik lang kaming dalawa ni Amara sa likod nila Ivy at Shana. Kinakanahan akong makita si Nikolai. Ang weird kasi feeling ko parang may iba pang nangyari kagabi aside sa pagbuhat niay sa akin papunta sa kwarto ko. “Good morning.” Muntikan nang mahulong ang puso ko nang salubungin kami ni Nikolai sa main door. “Good morning! Pasok kami, ha?” paalam ni Shana. “Feel at home,” nakangiting sabi pa ni Nikolai. Naunang pumasok si Ivy at Shana tapos sumunod naman si Amara. Naiwan tuloy kaming dalawa ni Nikolai sa labas which is awkward. “Good morning, Cora. Did you sleep well?” tanong niya na may malawak na ngiti sa labi. I gulped. “I think I did?” Fuck! Anong klaseng sagot `yan, Cora? Nagmukha tuloy akong tanga. “That`s…. good,” maikling sabi niya. “Do you remember anything from last night?” nakangising tanong niya. Sinasabi ko nga ba! May ginawa akong hindi maganda kagabi. Parang gusto kong tumakbo pabalik ng bahay. “W-wala, e. May g-ginawa ba akong mali?” He shrugged. “Really? I won`t tell you then. It`ll be my secret.” Secret? Bakit ayaw niyang sabihin sa akin? Lalo tuloy akong kinabahan. “Ah, okay. Thatnk you na lang sa pagbuhat sa akin papunta sa kwarto ko,” pasasalamat ko sa kanya. “Nah. Don`t mention it. You`re light as a feather,” aniya. Hindi ko alam kung ma-o-offend ba ako sa sinabi niya o tatawa na lang. “Pwedeng makikain?” pag-iiba ko sa usapan. “Sure. I cooked for you,” casual na sabi niya. “Thank you.” Awkward pa akong tumawa bago pumasok sa loob. “Ang tagal niyo. Anong pinag-usapan niyo?” nakangising tanong ni Lieven nang makitang sabay kaming pumasok ni Nikolai sa kusina. “Shut up, Lieven or else…” sita ni Nikolai habang nakatitig kay Lieven ng masama. “Oops! Oo na, hindi na ako magsasalita!” pagsuko ni Lieven. “Nikolai thought you might need hangover soup when you wake up,” sabi ni Knox habang nilalagyan ng bacon `yung plato ni Selene. “Ginising ako niyan kaninang madaling-araw para lang mag-grocery ng lulutuin ngayong umaga. Akala ko nga matutulog na kami nang umuwi kami pero inutusan ba naman akong maghiwa ng mga ihahalo sa lulutuin niya,” kwento ni Lieven na para bang nagrereklamo dahil wala itong tulog. Nikolai did that? Natulog na lang sana sila saka at na lang gigising ng maaga para mag-grocery. “Hindi `yan natulog buong gabi. Buti na lag natulog ako ng dalawang oras bago ulit niya ako ginising para lang tikman `yung niluluto niya,” dagdag pa ni Lieven. “You talk too much, De Luca.” Masama ang titig ni Nikolai kay Lieven pero hindi ito pinansin ni Lieven. “Totoo naman `yung sinabi ko. First time pa naman naming mag-grocery,” pagbabahaagi ni Lieven. “What? Are you guys serious?” hindi makapaniwalang pahayag ni Shana. “Uh, yeah. I didn`t know it`s so complicated,” bored na sagot ni Nikolai. “What do you mean complicated? All you have to do is put everything you like on your cart and then magbayad ka na lang sa cashier,” paliwanag pa ni Shana. Halatado pa rin sa mukha niya ang gulat sa nalaman kagaya naming. “We got lost while buying some stuffs. Damn, it was a pain in the ass!” saad din ni Lieven. “Grocery lang `yan, paano na lang kapag sa palengke na.” Mabilis kong tinakpan ang bunganga ko na walang preno. Sa isip ko dapat `yon pero nasabi ko pala ng malakas, s**t! “Ganyan talaga kapag rich kid,” sang-ayon ni Amara sa sinabi ko. “That`s not our fault. It`s our parents` fault they raised us like a prince,” nakangising saad ni Nikolai sabay tingin sa akin. “No comment.” Hindi na lang ako magsasalita. Ibang usapan na kasi kapag `yung pamamaraan ng pagpapalaki ng mga magulang ang usapan. Isa pa, magkaiba kami ng buhay na nakasanayan. Mafia boss siya tappos ako, ordinaryon architect lang. “By the way, lalabas kami mamayang hapon at hindi kayo pwedeng sumama.” Iniba na ni Selene ang topic. “It`s girls` day out kaya hindi kayo allowed na sumama. Just stay at home or go on a trip too,” ani Shana. “Nah. I`m too lazy to go out,” bored na sabi ni Lieven. “Tambay na lang kami rito,” saad din ni Knox. “Yeah. We`ll do that.” Nagsalita rin si Nikolai na nakatitig lang sa plato. “Alright! We will go home siguro late at night kaya just eat dinner without us,” ani Shana. Si Shana lang talaga ang nagiging tulay para magkaintindihan kaming lahat. Kung pwede ko lang na halikan sa pisngi si Shana ngayon ay baka ginawa ko na kanina pa. “And don`t worry about Selene, Knox. Aalagaan naman naming siya. No liquor for us muna kaya hindi kami iinom sa labas,” klaro pa niya. “Is that a promise?” tanong ni Nikolai. Pasikreto akong siniko ni Shana at sinenyasan na ako dapat ang sasagot. “May hangover pa kami kaya hindi pwedeng uminom ulit,” ani ko. “We know our limit kasi wala kami sa Pinas but unlike noong college pa kami, we would always get drunk and—” “Okay, stop. Hindi mo na kailangang sabihin `yan sa kanila,” pigil ko kay Shana. Nagiging madaldal ulit, e. “Hit on guys?” Tinapos na ni Nikolai ang hindi nasabi ni Shana kanina. “Yeah? But that was like a long, long time ago,” dipensa ni Shana. Kung kanina ay natutuwa ako kay Shana, ngayon naman parang gusto ko siyang hambalusin. Ang daming sinasabi. “I see. So, you don`t do that thing anymore?” seryosong tanong ni Lieven. “Of course, because we`re older na. Though we do that occasionall.” Bumungisngis pa si Shana. “Kain ka pa at mukhang kulang `yang nasa bibig mo. Nagiging pasmado, e.” Sinubuan na ni Amara si Shana ng madaming bacon hanggang sa mapuno ang bibig nito. “Don`t talk if your mouth is full,” dagdag pa ni Amara. “Shana, behave,” saad ko na may pekeng ngiti sa labi. “Guilty?” cold na tanong ni Nikolai at alam kong para sa akin ang tanong niyang `yan. “Yes,” ngumisi ako sa kanya at tinitigan siya na para bang nanghahamon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD