Chapter Eighteen

2139 Words
“I don't know him,” sabi ko habang nakatitig ng masama sa lalaking kaharap ko. “I know her. Leave us for a moment,” sagot naman ng gago tsaka ako tinapunan ng tingin. Nanggigigil ako sa inis at galit kanina pa nang malaman kong siya pala ang nag-utos sa mga armadong lalaki na kidnapin ako. Bakit bigla siyang nagpakita pagkatapos niya akong gaguhin? Dalawang taon na ang lumipas pero `yung galit ko, buhay na buhay pa rin kahit binaon ko na sa limot ang pagmamahal ko sa kanya noon. Nang iwan kami ng mga goons niya, umismid ako at inikutan siya ng mata. “Anong plano mo sa buhay? Bakit ako nandito? Hello? May trabaho akong dapat tapusin,” pigil inis kong sambit. “You`re here because I said so,” he replied with a cold tone as his eyes met mine. Umiwas ako ng tingin dahil hindi ko gusto ang pagtitig niya sa akin. Ang lamig ng mga mata niya pero may kakaibang emosyon doon na pilit niyang itinatago sa mga malalamig niyang tingin. “Ah, gano`n ba? Hindi naman pala valid ang rason kung bakit mo ako pinakidnap sa mga tauhan mo. Excuse me, uuwi na ako.” Tumayo na ako mula sa couch at handang umalis ngunit hinawakan niya ako sa braso. “Why? I don`t have other business here, Mr. Disraeli,” pormal na giit ko. Tumingin siya sa `kin at hinigpitan ang paghawak sa braso ko. “You can't leave, Cora...” paos na sambit niya sa mababang boses. “It`s Architect Park for you, Mr. Disraeli. Let`s not be too casual,” ani ko na may diin sa bawat salitang binitawan. Rinig ko ang pagbuntong-hininga niya bago ako tinitigan ng matagal. “I need you here... with me.” He sounded desperate and his eyes were pleading but no, I can't let him fool me again. I met his gaze with a stoic expression on my face. He looked like he forgot what he did to me and sounded like everything was fine... Like he didn't break every part of me. As if he didn't fool me. “Let me go,” I said with my coldest tone and moved away from him. Kung alam ko lang kung sino talaga siya at kung ano siya, hindi sana ako nagpakatanga at nasaktan ng sobra. I won`t let him fool me, never again... “Uulitin ko, Nikolai. Bakit ako narito? Anong rason bakit mo ako pinadakip sa mga tauhan mo?” pag-uulit na tanong ko. Masama pa rin ang titig ko sa kanya pero mukhang wala itong epekto sa kanya. Nag-iwas siya ng tingin. “Hindi ko alam.” Marahan akong pumikit para kalmahin ang sarili. “Uuwi ako. Alam kong hindi ka masisindak kahit sabihin kong idedemanda kita kasi kayang-kaya mong laruin ang batas, ‘di ba?” “I don’t know what to say, Cora,” paos na sambit niya. Hindi pa rin siya makatingin sa akin ng diretso. “Bakit hindi mo ako kayang tignan? Kinakain ka na ba ng konsensya mo?” puno ng hinanakit na pahayag ko. “I just…” “Ano? Pati ba naman pagsasalita hindi mo na rin kaya?” matapang na hamon ko. Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong-hinga at lumapit sa ‘kin pero lumayo agad ako. “Lumayo ka sa ‘kin,” banta ko pa. Huminto siya sa pagkalakad at napasabunot sa buhok. “I’m afraid to see the hatred in your eyes everytime you see me,” he mumbled under his breath. I hissed and laughed sarcastically. “Don’t you think you deserve it?” “And do you think I didn’t think that way? Alam kong galit ka sa akin pero ayokong tignan kung paano mo ako pinapatay sa mga titig mo,” paos na sambit niya. “Hindi lang sa mga titig ko, Nikolai. Gabi-gabi rin kitang pinapatay sa utak ko,” puno ng hinanakit na pahayag ko. Mapait siyang ngumiti at nagbaba ng tingin. “I see. You must have loathe me that much.” Naging mabigat ang hangin sa paligid. Hindi rin ako makahinga ng mabuti dahil sa sama ng loob. Ang hirap pigilan ang mga emosyon na gustong lumabas. “But I won’t make excuses to justify what I did back then,” he said, almost a whisper. “Then don’t. Hindi ko rin lang kailangan ang paliwanag mo,” matigas na pahayag ko. “I’m sorry…” His voice cracked but still, hindi pa rin siya makatingin ng diretso sa akin. “Are you even sincere?” nakangising tanong ko. “I told you even before. Don’t doubt my sincerity, Cora,” he replied as if he was pleading me to believe him. Mapakla akong tumawa. “Naniwala na ako sa ‘yo noon at ‘yon ang pinakamalaking pagkakamali ko.” Napansin ko ang pagdaan ng sakit sa mukha niya pero agad din itong napalitan ng pagkaseryoso. Nasaktan ba siya sa sinabi ko? “Please just…” Hindi ulit niya tinapos ang kanyang sasabihin dahil nag-iwas na naman siya ng tingin. “Uuwi ako. Kung balak mo akong pigilan, mas mabuti na lang na patayin mo rin ako gaya nang ginawa mo kay Mr. Muñoz at sa iba pang biktima mo. Mas pipiliin ko pang mamatay na lang kaysa sa makasama ka pa rito!” Hindi ko na napigilan ang pagtaas ng boses ko dahil kanina pa ako nagtitimpi. Tahimik akong tinalikuran ni Nikolai at humakbang palayo sa akin. “I’ll call someone to take you home.” Mabilis kong pinunasan ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Hindi niya pwedeng makita na umiiyak ako. Kailangan kong maging malakas para sa sarili ko gaya ng dati. Paalis sana ako nang marinig ko siyang magsalita. “And Cora, I would rather shoot myself to death than see you in cold blood.” Nakatayo lamang ako hanggang sa hindi ko na marinig ang mga yapak niya. Ayokong lumingon dahil makikita niyang umiiyak ako. Minabuti ko na lang na umalis sa bahay ni Nikolai bago ako tuluyang maupo sa sahig dahil sa kakaiyak. “Where have you— Oh my…” Laking gulat na lang ni Shana nang pagbuksan ako ng pinto at nakitang umiiyak ako. Narito silang tatlo sa condo ko at alam ko na hinihintay nila ako. Tiyak na sinabihan sila ni Yael nang hindi ako sumipot sa dinner date namin kagabi. “Y-you’re crying. Anong nangyari?” alalang tanong ni Ivy. “Upo muna tayo,” ani Amara at inalalayan ako paupo sa couch. “Yael said hindi ka raw pumunta sa dinner date niyo with gis parents kagabi. Where were you, Cora? Did something bad happen? Bakit ka umiiyak?” sunod-sunod na tanong ni Shana. Lalo pang lumakas ang paghagulhol ko nang maalala ang nangyari kanina. Bakit nga ba ako umiiyak? Bakit ang sakit ng pakiramdam ko? “Iiyak mo lang ‘yan. Mamaya na tayo mag-usap kapag kumalma ka na,” ani Amara. “Kailangan mo ba ng tubig?” Si Ivy naman ngayon. “No, I’m fine. It’s just that…” Sasabihin ko ba sa kanila? “We’re not forcing you to talk, Cora. It’s fine, you can tell us when you’re at your best,” sabi ni Shana sabay pisil sa kamay ko. No. I’m ready. Kaya ko namang sabihin sa kanila ngayon. Kinalma ko muna ang aking sarili at pinunasan ang mga luha bago umayos ng upo. “Nagkita kami ni Nikolai kagabi,” panimula ko sa usapan. “Omg! And?” atat na tanong ni Shana. “He kidnapped me. Umaga na nang magising ako sa bahay niya. Tinanong ko siya kung bakit niya ginawa ‘yon pero wala akong nakuha na matinong sagot. Galit ako sa kanya, ‘di ba? Pero bakit gano’n? Bakit ako umiiyak ngayon?” Muling bumagsak ang mga luha ko kahit pinipilit kong pigilan. “Nag-usap kayo?” tanong ni Amara. Tumango ako. “Oo pero nauwi lang din ‘yon sa hindi magandang pag-uusap. Naungkat ang nakaraan at may mga sinabi akong hindi maganda. Bakit gano’n? Kahit anong pilit kong ipaunawa sa sarili ko na deserve niya ‘yung mga sinabi ko pero may pagsisisi pa rin akong nararamdaman?” May parte sa akin na gustong mag-sorry sa mga sinabi ko kanina. “Ano ba ang sinabi mo sa kanya?” seryosong tanong naman ni Ivy. Yumuko ako at kinagat ng pang-ibabang labi. “S-sinabi ko na mas mabuti na lang na patayin niya ako kaysa sa m-makasama siya,” utal na sumbat ko. “Cora, kahit saang anggulo tignan, sumobra ka sa mga sinabi mo. Naiintindihan namin na galit ka kay Nikolai pero hindi mo naman kailangan na ipamukha ‘yon sa kanya sa gano’ng paraan,” sita ni Ivy sa akin. Tama naman siya. Sumobra ako at agad ko namang pinagsisihan ang mga sinabi ko. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit nasasaktan pa rin ako. “I’m sorry. Gulong-gulo na ako, guys. Hindi ko alam bakit ako umiiyak. Hindi ko rin alam bakit ang sakit pa rin.” Bumalik ang lahat ng sakit nang makita ko si Nikolai. “Mahirap kalimutan ang taong minahal mo ng totoo. Kahit masakit ang mga memories na naiwan ng taong ‘yon, hindi mo pa rin maiiwasang makaramdam ng konting pangungulila kahit paano. Baka ganyan ang nararamdaman mo ngayon, Cora,” paliwanag ni Amara. “Siguro. Ewan. Hindi ko alam. Mukha na ba akong tanga?” Akala ko ba galit lang ang natira sa akin? Lumapit pa sa akin si Shana hanggang sa magkadikit na kaming dalawa. “You loved him, we saw how your eyes twinkled whenever you talked about him. Kahit anong deny mo pa na naka-move on ka na sa kanya, kilala ka namin more than you know. It’s alright to be transparent, Cora. Hindi mo kailangan na itago sa amin.” “Okay na ako ‘di ba? I was doing great hanggang sa bumalik siya. Ayokong magpakatanga ulit. Hindi ako pwedeng bumalik sa dating ako lalo na ngayong alam ko na kung ano talaga siya.” Gusto kong lumayo bago ulit ako mapaso sa apoy. “Kung ano man ang magiging desisyon mo, alam mo namang nandito lang kami ‘di ba? Tutulungan ka namin hanggang okay ka na ulit,” nakangiting sabi ni Amara. Malungkot akong ngumiti. “Iiwasan ko siya hanggang sa tuluyan na siyang mahura sa buhay ko. Gusto ko ng maayos na buhay at nagawa ko na ‘yon ng limang taon.” Binigyan muna ako ng malamig na tunig ni Ivy bago siya nagsalita. “See? You’re strong. Kung kinaya mo noon, alam naming kakayanin mo rin ngayon. Hindi natin alam ang takbo ng buhay kaya ang masasabi ko lang ay gawin mo ang alam mong nararapat.” “Paano kung mali pala ang magiging desisyon ko kagaya noon?” dudang tanong ko. “That’s why you have to be wiser now,” Shana adviced. “Tama si Shana, ganyan ang gawin mo para hindi maulit ang nangyari noon. Isa pa, may mga responsibilidad ka na ngayon na dapat unahin. Prioritize your work and focus on the things that benifit you,” Amara suggested too. “Ganito na lang, kung gusto mo talagang burahin si Nikolai then mag-focus ka na lang sa trabaho mo at tuparin ang pangarap mong makapagpatayo ng bahay sa Batangas. If you want the otherwise then you don’t have other choice but forgive him slowly until you’re whole again,” dagdag din ni Ivy. Maluha-luha ko silang niyakap ng mahigpit. Ang swerte ko dahil sila ang binigay ni God na gagabay sa akin. Hindi ko ma-imagine ang buhay ko kapag wala sila. “Thank you! Hindi ko talaga alam ang gagawin kapag wala kayo,” umiiyak na pasasalamat ko sa kanila. Mahina akong tinapik ni Ivy sa balikat. “Hindi ka talaga mabubuhay kapag wala kami kaya tigil na sa pag-iyak dahil hindi ka namin iiwan.” “Baliw. Hindi rin lang kayo makakahanap ng ipapalit sa akin,” natatawang sabi ko. Si Amara ang unang humiwalay mula sa group hug namin. “Oh, talaga? Kung hindi ka lang sana maganda matagal ka na naming itinakwil,” ngising sambit niya. Mahina akong tumawa at nag-flip ng buhok. “Well, what can I say? My beauty is very rare.” “Oo kasi nasobrahan ka sa kaputian,” pang-aasar ni Ivy. “Asset ‘to, asset!” dipensa ko naman. “Look at you, your laughing now. You look prettier this way,” sincere na sambit ni Shana. “Seryoso na ‘to, salamat at palagi kayong nandiyan para sa akin. Sa susunod na buhay, gusto kong kayo pa rin ang makakasama ko ng ganito.” Malawak na ang ngiti ko, hindi kagaya kanina. “Gano’n din naman kami,” ani Ivy. Lord, thank you for this gift.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD