Chapter Three

2648 Words
Inis akong bumangon dahil hinila ni Shana ang kumot ko. Nasa loob siya ng kwarto ko kasama si Ivy at Amara. Kanina pa siya sumisigaw habang ginigising ako. Nagsisisi tuloy akong binigay sa kanila ang password ng condo ko. “Ano ba?! Ang aga-aga sumisigaw ka na naman, Shana!” inis na sambit ko. “Gaga ka talaga! Hindi mo ba nabasa `yung news na kumakalat sa social media?!” gulat na tanong niya. Sinamaan ko siya ng tingin. “Kita mong kagigising ko lang `di ba?” “Here, take your phone and open the link na sinend ko kanina sa GC. Bilisan mo!” ani Amara at binigay ang phone ko sa `kin. Tahimik kong binuksan ang link na sinend ni Amara sa GC at nagulat sa headline ng balita. Hindi ko alam na may krimen palang nangyari no`ng gabing `yon sa club na pinuntahan namin. Someone died there and it was a very influential person! 'Bussiness Partners, Diego Muñoz and Baltazar Roxas were Killed. Police Claimed the Two Cases are Connected' Binasa ko pa ang content ng balita at lalo akong nagulat sa mga nalaman. Namatay si Mr. Muñoz sa club, he was dead on the spot habang si Mr. Roxas naman ay inuwing bangkay sa mismong bahay nila. “How can someone do that? Imagine someone sending a coffin to your house with a dead body in it. Nakakatakot na ang mga tao ngayon,” komento ni Ivy habang binabasa rin ang article sa phone niya. “Tapos sabi sa article, hindi namatay si Mr. Muñoz dahil sa pagsabog doon sa club. He was killed on purpose pati na rin si Mr. Roxas dahil magkasama raw sila no`ng gabing `yon sa club. Ang pagkakaiba lang, nakita agad ang katawan ni Mr. Muñoz sa club `nung gabi ng pagsabog samantalang si Mr. Roxas naman ay kahapon ng umaga lang dineliver `yung katawan niya sa mismong bahay nila. Then the police also claimed that Mr. Roxas was killed few hours ago before the killer delivered his coffin to his house. Things like that are so scary, you know?” saad ko at seryosong naghahanap ng iba pang article tungkol sa pangyayari. “So, are we suspects now? Like, really?” maarteng sambit ni Amara na siyang kumuha sa atensyon namin. “Oo nga `no? Lahat ng tao sa club no`ng gabing `yon ay considered na suspect pero chill lang dahil malinis naman ang konsensya natin. Biktima rin tayo ng gumawa no`n kila Mr. Muñoz. Grabe `yung takot ko no`ng gabing `yon,” ani ko. “Yes, wala tayong kinalaman sa nangyari kaya kalimutan na lang natin `yun. Lagot tayo sa parents natin kapag nalaman nilang nando`n tayo sa club `nung gabing `yon,” dagdag naman ni Ivy. “Anyway, Saturday ngayon kaya baka gusto niyong mag-BGC tayo?” anyaya ni Amara. “I can`t dahil kailangan naming mag-attend sa company dinner ng Disraeli Empire. Inimbita kami ng secretary ni Mr. Disraeli dahil last day na namin doon kahapon,” saad ko. “Ang sosyal naman ng crush mo, may pa-farewell dinner,” nakangising giit ni Shana. “It`s my chance na rin para landiin siya.” Pilya akong ngumiti at kinindatan pa sila. “Bahala ka diyan sa paglalandi mo, Cora. Dito na lang tayo sa condo mo mag-inuman kapag nakauwi ka na. Ikaw naman ang gagastos ngayon dahil ako `nung last weekend,” paalala ni Shana sa `kin. “Sure. Bili na lang ako sa 7/11 before umuwi mamayang gabi. Baka around 9:30 nakauwi na ako.” Ang nakalagay kasi sa invitation, magsisimula ang dinner ng 6 PM hanggang 9 PM. “Hintayin ka na lang namin mamayang gabi,” saad ni Ivy habang naka-focus sa phone na hawak niya. “Sige. Balik kayo rito mamayang 3 PM, ha? Tulungan niyo akong mag-ayos para mamayang gabi, please?” pakiusap ko sa kanila. “Oo na. Aayusan ka namin para maging kanais-nais ka sa paningin ng isang Nikolai Disraeli,” ngiting-aso na sambit ni Shana bago sila umalis sa condo ko. “Ang ganda mo talaga, Cora! Payagan mo na kasi akong ligawan ka,” salubong ni Troy sa `kin nang lapitan niya ako sa entrance ng venue. “Tumigil ka sa kabaliwan mo, Troy. Gusto mo bang ihampas ko sa `yo tong pouch ko?” inis sa sagot ko sabay irap. Since freshmen pa akong kinukulit ni Troy na payagan siyang manligaw sa `kin pero ayaw ko. Kaibigan lang talaga ang tingin ko sa kanya at hanggang doon na lang `yon. Naiinis lang talaga ako sa pagmumukha niya lalo na kapag lapit siya ng lapit sa akin. “Ang ganda mo talaga,” pag-uulit pa niya. “Oo. Alam ko,” confident na sagot ko. Nakasuot ako ng gold na cowl neck bodycon dress tapos `yung light brown kong kulot na buhok ay naka-messy bun. Nagmukha akong matured sa itsura ko ngayon which is good para hindi ulit ako sabihan ni Nikolai na bata. Nag-effort pa talaga ako para lang mapansin niya. “Nahiya ako bigla sa kaputian mo, Cora. Nasisilaw ako. May dugo ka pa ba?” sambit ni Troy habang nakatingin sa `kin. “Asset `to, asset! Kung wala kang matinong sasabihin, umalis ka na lang!” inis na bulyaw ko kay Troy. Madami nang nagsabi sa `kin na lumalaklak ako ng Glutathione ko pero natural talaga na ganito ang kutis ko. Namana ko kasi kay dad, he`s korean and then si mommy naman, may lahing Australian. Pati `yung buhok kong light brown at kulot ay nakuha ko kay mommy. May mga naririnig pa akong fake news na retokada raw ako pero sanhi lang `yon ng inggit nila. Kasalanan ko bang ganda at talino ang ambag ko sa lipunan? “Sige na nga tatahimik na ako pero pumayag ka munang samahan kita papasok sa VIP lounge. Nando`n na ang iba, tayo lang yata ang late. Lagot tayo kay Mr. Disraeli, ang sungit pa naman ng isang `yon,” aniya at napakamot sa batok. “Fine let`s go. Sabay na tayo para atleast hindi lang ako ang papagalitan ng boss natin.” Hinila ko na si Troy papasok ng restaurant at sabay kaming pumasok sa VIP lounge kung saan gaganapin ang dinner. “Cora, una na ako sa loob. Ayokong bumagsak sa evaluation kaya iiwan muna kita rito,” pabulong na sabi ni Troy bago binaba ang braso niyang naka akbay sa `kin at nauna nang pumasok sa loob. “You`re late.” Boses pa lang kilala ko na kung sino `yon. Nakatayo si Nikolai sa harap ng pinto at masamang nakatingin sa `kin na para bang may ginawa akong kasalanan. Na-late lang naman ako ng ten minutes pero alam kong papagalitan na naman niya ako. “Sorry, ha? Busy kasi akong magpaganda para maging kaaya-aya sa piningin mo kaya late ako,” pag-aamin ko bago siya inikutan ng mata. “You know it`s easier to say you were busy flirting,” he countered and folded both of his arms in front of his chest. I can`t believe him! How can he accuse me like that? “Excuse me, malandi ako pero hindi every time. Tsaka, sinabi ko sa `yo na busy akong magpaganda kaya ako late. Hindi mo ba alam kung ilang oras akong nag-ready para lang maging presentable sa paningin mo tapos ganyan lang pala ang sasabihin mo? Nakakainis ka!” Malakas kong pinalo ang hawak kong pouch sa braso niya bago siya iniwang nakatayo. Padabog akong umupo sa bakanteng table at nilabas ang phone ko para mag-rant sa mga kaibigan ko. Nag-send muna ako ng picture ng venue bago ko sinend ang long message tungkol sa hinanaing ko. “Can I seat here?” rinig kong paalam ng isang baritonong boses pero hindi ko siya tinignan dahil busy akong magbasa ng mga reply nila Ivy. “Sure. Wala namang ibang nakaupo rito,” sagot ko habang nakatuon sa phone ang atensyon. “Thanks,” he replied. “Yeah,” bored kong sambit. “You know it`s rude to talk to someone that way,” aniya kaya napatingin ako sa kanya ng wala sa oras. “Sorry. I was talking to my friends,” paumanhin ko. Ngumiti lang siya at umiling. “It`s fine. Atleast you`re talking to me now.” Chineck ko ulit ang cellphone ko nang mag-pop out ang message ni Amara sa GC namin. Naghihintay sila ng update or more like nagtatanong kung may gwapo ba rito and speaking of, gwapo naman `tong kasama ko sa table. “Uh, my friends are asking if I`m doing fine. I had some trouble a while ago and they wanted me to be with someone para maging safe ako. So, uhm... Can we take a selfie? I will send it to them para hindi na sila magtanong-tanong pa,” pagsisinungaling ko. Kasalanan `to ng mga kaibigan kong malalandi, kaya ako nagkakasala, e. “Oh, sure!” Mabuti na lang at pumayag siyang maki-picture. Siya pa ang umusog palapit sa `kin para magkasya kami sa screen. “Okay. One... Two... Three!” Parehas kaming ngumiti sa camera nang pinindot ko ang click button. Agad ko namang sinend ang picture sa GC namin bago nagtimpla ng message. Cora: Found a hottie here but auto pass ako. Kay boss pa rin ako lalandi. Amara: Hoy! Siya `yung tumulong sa amin noon sa club! He was the man I was talking about! OMG! Ivy: Yes, he was the man that night. Shana: Bakit kasama mo? Kakilala ba ng boss mo? Malaki ang mga mata kong tinignan ang lalaking nakaupo sa tabi ko. Hindi ko tuloy alam kung paano siya kakausapin. Siya ang may-ari ng building na tinutuluyan namin tsaka siya rin ang tumulong sa mga kaibigan ko noon sa club. “Bakit? May problema ba?” tanong niya sa `kin. Napansin siguro niyang nakatitig ako sa kanya. “Ikaw ba `yung kaibigan ni Nikolai na tumulong sa mga kaibigan ko noong Wednesday sa club?” tanong ko sa kanya. Alam ko namang siya pero gusto ko lang na i-confirm. “Uh, yeah. I guess so,” he replied as he took a sip from his champagne. Uminom na rin ako ng wine dahil kanina ko pa `to gustong tikman. “Ikaw din pala ang may-ari ng Lux? Me and my friends are staying there, by the way.” “That`s great! Hope you`re enjoying your stay there. Sabihan niyo na lang ako kapag may problema,” aniya at binigay sa `kin ang kanyang business card. Tinanggap ko ang card niya at mabilis na binasa ang pangalan niyang nakasulat sa bold letters, LIEVEN DE LUCA. Ang ganda rin ng pangalan niya, pang mayaman. Required ba na maging sobrang yaman para maging kaibigan si Nikolai? Halata kasing mayaman din itong si Lieven. “Do you have Nikolai`s personal phone number?” diretsahang tanong ko sa kanya. Napapa-English tuloy ako dahil nakaka-intimidate ang aura ni Lieven tulad ni Nikolai. The same feathers flock together nga naman. Parehas silang cold at palaging naka-poker face pero itong si Lieven, nagagawa niyang ngumiti at hindi gaya ni Nikolai na palaging nakasimangot. “You love him?” ngising tanong ni Lieven. He looked amused when he questioned me. “Crush lang! Grabe ka naman, mahal agad? Hindi ba pwedeng nilalandi ko lang siya?” dipensa ko naman. Love? Mahala ko ba siya? I think no. “So, may number ba siya sa `yo? Share mo naman,” pangungulit ko sa kanya. “What should I get in return?” he asked as if he was expecting something in return. I forgot that he`s a businessman and people in his circle likes to bargain all the time. If they give something, they expect something in return. Ano kaya ang ibibigay ko sa kanya? Saglit akong nag-isip hanggang sa may pumasok na ideya sa utak ko. Sigurado naman akong magugustuhan ni Amara ang gagawin ko. “She`s my friend, Amara and she can design a house for you,” sabi ko sa kanya tsaka pinakita ang picture ni Amara na naka-two piece. Matagal niyang tinitigan ang picture ni Amara na para bang may inaalala. “She was also there that night, right? She looked familiar.” “Ah, yes. So, ano na?” Sana pumayag siya. I`m doing this for myself and Amara. Susuportahan ko ang kalandian niya bilang kaibigan. “Sure.” Nilabas niya ang kanyang cellphone at pinakita sa `kin ang number ni Nikolai. Mabilis ko namang kinopya ito at pangiti-ngiting sinave sa contact list ko. “Thanks,” pasasalamat ko. “Tell your friend to meet me tomorrow at 9 AM infront of Lux. Isasama ko siya sa Tagaytay para makita niya `yung site. I don`t waste time,” seryosong saad niya. “Expect her to be there,” I assured him. Alam kong hindi tatanggi si Amara sa blessing lalo na kapag may gwapong involved. “May gagawin ka bukas, Amara?” tanong ko sa kanya nang matapos kaming magligpit ng mga kalat. “Wala. Matutulog lang siguro,” sagot naman niya habang kumakain ng fries. Tapos na kaming mag-inuman at lasing na si Shana at Ivy. Hinatid na lang namin sila sa condo nila bago kami bumalik ni Amara sa condo ko para maglinis. “Samahan mo si Lieven bukas ng umaga sa Tagaytay,” ani ko. “Sinong Lieven?” nagtatakang tanong niya. “Siya `yung kasama ko kanina sa dinner!” Nakalimutan ko palang ikwento sa kanya `yung pinag-usapan namin ni Lieven. “Totoo?! Anong gagawin namin sa Tagaytay? Mag-d-date?!” hysterical na sigaw ni Amara na halatang tuwang-tuwa. “Gaga, hindi!” Kwinento ko na sa kanya ang nangyari sa dinner pati ang deal namin ni Lieven at talaga namang nagsasaya pa si Amara dahil magkakaroon siya ng chance na lumapit sa Lieven. Binigay ko na rin kay Amara `yung business card ni Lieven bago siya umalis sa condo ko. Matutulog na raw siya para fresh bukas. Ako naman ay nakahiga lang sa kama ko at nag-iisip ng text na isesend kay Nikolai. Nagtampo ako sa kanya kanina kaya hindi ko siya pinansin hanggang natapos ang dinner pero okay na ako ngayon. Cora: Tulog ka na ba, mahal? Nikolai: Who the f**k are you?! “Pasmado talaga ang bibig nito. Palamura, e!” mahinang sambit ko bago nag-reply. Cora: Soon-to-be Architect Cora Disraeli. Malakas akong tumawa nang mapindot ko ang send button. Alam ko na kung ano ang magiging itsura ni Nikolai kapag nabasa niya `yung reply ko. Maiinis na naman `yon sa `kin pero okay lang atleast nakakausap ko siya. Nikolai: Silly. Cora: Ang hirap mo namang landiin. Nikolai: I told you, I don`t do kids. “Tsk. Ayaw mo talagang magpalandi, ha?” inis na giit ko bago ulit nag-reply. Cora: Bata pala, ha? Hintayin mo ang glow up ko after graduation. Baka hindi na kita crush kapag gumanda pa ako lalo. Ilang minuto na ang lumipas pero wala pang reply si Nikolai. Inis akong bumangon sa higaan ko at pumunta sa terrace para magpahangin. Tipsy pa rin ako at sobrang inaantok pero nagagawa ko pang maghihintay sa reply ni Nikolai. Hindi naman ako ganito kalandi sa mga crush ko noon or pati na rin `yung mga ex ko. Gaano ko ba kagusto ang lalaking `yon? “Ano? Tulog ka na ba?” tanong ko habang nakatingin sa screen ng cellphone ko. Babalik sana ako sa loob para matulog nang tumunog ang phone ko. Agad kong binuksang ang message nang makitang galing `yon kay Nikolai. Nikolai: Then I`ll wait. Malakas akong napasigaw dahil sa tuwa. Nalaglag yata `yung puso ko dahil sa kilig. Hindi ko in-expect na ganyan ang reply niya! Lasing ba siya? Bakit nag-iba ang ihip ng hangin? “s**t! He will wait daw!” parang baliw na basa ko sa text niya. May progress na ba ang paglalandi ko sa kanya? Kapag meron, gagalingan ko pa! Masyado na akong inspired na lumandi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD