Chapter Four

2809 Words
“Ang aga-aga bakit nakasimangot ka na naman?” tanong si Shana sa `kin nang pumasok siya sa condo ko. “Hindi na ako nirereplyan ni Nikolai,” walang ganang sagot ko. One week ko na siyang kinukulit pero never pa akong naka-receive ng reply mula sa kanya since no`ng company dinner. Tuwang-tuwa pa naman ako sa reply niya no`ng gabing `yun tapos `yon na pala `yung last text niya. Hindi ko naman siya pwedeng puntahan sa Disraeli Empire dahil wala rin lang akong gagawin doon. “Ay, na-ghost? Akala ko ba may pag-asa ka na?” pang-aasar pa ni Shana. “BGC tayo mamayang gabi. Maghahanap na ako ng bagong crush. Mag-mo-move on na ako kay Nikolai,” ani ko. “Naging kayo ba?” sumbat naman niya. Inis kong hinila `yung buhok niya. “Bibig mo pasmado. Ano nga? Sasabihan ko rin `yung dalawa na sumama.” “Sige. Libre mo?” Basta talaga libre walang pinapalampas `tong babae na `to. “Oo na! Sabihan ko na lang si Amara na mag-reserve ng table para sa `tin.” Siya kasi `yung palaging nauuna sa `min kapag lalabas kami kaya siya na rin ang palaging nag-re-reserve ng table. “Chat mo na lang dahil lumabas siya kanina pero babalik daw siya mamayang hapon,” ani Shana. “Saan pumunta `yon?” nagtatakang tanong ko. Usually kapag Saturday kasi ay nakahiga lang si Amara hanggang lalabas kami sa gabi. “Saan pa ba edi sasamahan ulit si Lieven na pumunta sa Tagaytay. Napapadalas nga `yung trip to Tagaytay nila, e. Iba tuloy ang naiisip ko,” ngiting-aso na sambit ni Shana. Ngumisi rin ako sa sinabi niya. “Edi ang saya-saya na naman ni Amara. Ang malanding `yon, buti pa siya tuloy ang paglalandi.” “Gumawa ka na lang ng plates mo. Puro kayo landi, e!” sita naman ni Shana. “Oo na! Alis ka na at wala akong matatapos `pag nandito ka!” pagtataboy ko kay Shana. Umalis agad siya at ako naman ay tinuloy ang plates na ginagawa ko kanina. Deadline na kasi sa Monday kaya habang maaga pa, tapusin ko na para free ako mamayang gabi at bukas. “Late ka na naman!” sambit ni Ivy sa `kin nang umupo ako sa table namin. Late ako dahil nag-grocery muna ako bago dumiretso dito. Pinauna ko kasi sila before ako bumili ng stocks dahil naubusan ako. “Nag-grocery pa ako,” sagot ko na lang. “Oh, shot!” ani Shana at binigay sakin ang baso na may lamang alak. Tinanggap ko na lang `yon at nakiinom na rin. Libre ko ang inumin ngayon kaya dapat sulitin ko. Tsaka, deserve ko ulit na magpakalasing dahil sa sama ng loob kay Nikolai. He ghosted me at hindi ako okay! Nag-inuman na kami hanggang sa nalasing kami maliban kay Ivy, siya raw ang maghahatid sa amin mamaya kaya kaunti lang ang ininom niya. “Sayaw tayo! Ang daming gwapo do`n!” pasigaw na saad ni Amara sabay turo sa dance floor. Sinundan ko `yung tinuturo niya at madami ngang gwapo sa dance floor. Hinila ko na lang din si Ivy at Shana para samahan kaming sumayaw. Lasing na ako pero matalas pa rin ang paningin ko na maghanap ng gwapo. Dahil sa tama ng alak sa sistema ko, kung kani-kanino na lang ako nakikisayaw hanggang sa naramdaman kong nasusuka na ako. Agad akong tumakbo sa cr at nilabas lahat ng kinain ko kanina. “s**t!” Napahawak ako sa ulo nang maramdaman kong hilong-hilo na ako. Sinubukan kong maglakad pero napahawak ako sa sink dahil muntik akong matumba. Maingat akong lumabas sa cr pero hindi ko napansin `yung mga taong dumadaan kaya nabunggo ko sila. Akala ko nga babagsak ako sa sahig pero may sumalo sa `kin. Tinignan ko kung sino `yon at napangiti nang makita ko si Nikolai na nakasimangot. “Why do you always have to bump into someone when you`re drunk?” halatang inis na saad niya. “Hi? Buhay ka pa pala?” pabulong sa sambit ko. He hissed and tried to help me up. “Can you stand?” he asked. Palihim akong ngumiti sa naisip ko. “I can`t. I`m too drunk.” Totoo naman na lasing talaga ako at nahihirapan akong maglakad ng tuwid. “But you can dance with tons of men, yeah?” seryosong sabi ni Nikolai na ngayon ay nakatitig sa `kin. “Wala akong alam sa sinasabi mo,” pagsisinungaling ko. Bigla kong naalala na ghinost pala niya ako kaya lumayo sa kanya. “What the hell? What`s wrong with you? Inaalalayan kita dahil lasing na lasing ka,” pagalit na giit niya pero inirapan ko lang siya. “Babalik na ako sa table namin.” Sinubukan ko ulit na maglakad ng tuwid pero natapilok ako. Mabuti na lang at mabilis akong sinalo ni Nikolai. Masama ang titig niya sa `kin kaya sinamaan ko na rin siya ng tingin. Hindi na ako matitinag sa sama ng tingin niya dahil masama ang loob ko sa kanya. Nakakainis, bakit ba kasi siya nagpakita ulit? “Bitawan mo ako. Kaya ko ang sarili ko,” pagmamatigas ko pa. Nagpupumilit akong lumayo sa kanya kaya kinarga na lang niya ako ng pa-bridal style. “Stop being a brat, Cora. Hindi na ako natutuwa sa mga ginagawa mo,” aniya na may halong pagbabanta. “Bakit ka kasi nagpakita ulit?! I was planning to find a new crush to replace you, ghoster!” singhal ko sa kanya. Pinilit kong bumaba sa bisig niya pero hinigpitan pa niya ang paghawak sa `kin. “Shut up and be a good girl. I`ve been trying to hold my temper since I came here.” “Bakit galit ka? Wala naman akong ginawa sa `yo, ah?” Anong problema niya? Magpapakita na lang siya biglaan tapos magagalit? “That`s the thing, you don`t know what you`re doing so stop talking. I`m running out of patience,” he said using his flat tone. “Wala namang akong sinabi na pansinin mo ako `di ba? You should`ve acted like you don`t know me.” Doon naman siya magaling `di ba? He sighed. “I can`t do that. Iuuwi na kita.” “Bakit hindi mo sinabi sa `kin na may bagyo pala ngayon?!” bulyaw ko kay Nikolai nang makita kong malakas ang ulan at hangin sa labas. Gumising ako kanina tsaka ko lang na-realize na wala ako sa condo ko. Magwawala sana ako pero nakita ko si Nikolai sa couch na nakaupo at may ginagawa sa kanyang laptop. Patago ko ring sinilip ang damit ko at nakitang suot ko pa ang dress ko kagabi. Medyo assumera lang ako sa part na baka may ginawa sa `kin si Nikolai kagabi habang tulog ako. “I told you last night but you were too drunk to remember,” sumbat naman niya. “Bakit hindi mo na lang ako hinatid sa Lux?” tanong ko ulit. “How can I when you couldn't even remember your password?” masungit na sambit niya. “Kailang nag landfall `yung bagyo? Don`t judge me, ha? Hindi kasi ako palabasa ng news,” pag-iiba ko sa usapan. “One in the morning,” tipid na sagot niya. “Nakauwi na kaya `yung mga kaibigan ko before bumagyo?” Nag-aalala ako sa kanila naka na-stuck na sila sa BGC. “Lieven brought them home. They were drunk except for the blonde one.” He was talking about Ivy, mabuti na lang talaga at hindi siya nalasing kagabi. “Kailan aalis ang bagyo sa PAR?” Ang awkward kasi kapag nagtagal pa ako sa condo ni Nikolai. “Probably 8 PM. That`s what I read.” “So mamayang 8 pa ako makakauwi?” Gusto ko nang umuwi at doon na lang magpahinga. “Go home if you can,” masungit na giit ni Nikolai. “Talagang uuwi ako kung wala lang bagyo ngayon! Akala mo gusto kong makitira rito?!” inis na sabi ko bago lumayo pinto ng terrace dahil nilalamig ako. “Go and clean yourself first. I`m going to cook breakfast.” Hindi manlang niya ako tinignan at diretsong lumabas ng silid. “Uhm... I b-borrowed your ano... hoodie tapos b-boxer s-shorts,” nauutal sa sabi ko sa kanya nang maabutan ko siya sa kitchen na nagluluto. Nilingon niya ako at tinitigan mula ulo hanggang paa. “It suits you,” komento niya pero nakatitig pa rin siya sa `kin. Nagtitigan lang kami hanggang sa may naamoy akong sunog. “`Yung ano... `yung niluluto mo, sunog na yata,” ani ko bago umiwas ng tingin. “f**k!” malakas na mura niya bago pinatay ang stove. Bakit kasi siya nakatingin sa `kin ng gano`n? Na-conscious tuloy ako sa itsura ko baka mukha akong manang. Ang laki kasi ng hoodie niya sa `kin kaya abot hanggang sa itaas ng tuhod ko. Mahaba rin ang sleeves ng jacket kaya tinupi ko na lang hanggang sa siko. `Yung buhok ko naman, basta ko na lang tinali dahil wala akong makitang suklay sa kwarto ni Nikolai. Nahihiya tuloy ako sa itsura ko pero wala naman akong choice dahil wala akong dalang damit. “Damn it! I have to cook another one. Gutom ka na ba?” tanong niya habang punupunasan ang palayok na hawak. “I can wait naman,” maikling tugon ko. Tahimik ko lang siyang pinagmamasdan habang nagluluto siya. Kahit white shirt at grey jogging pants lang ang suot niya ay litaw na litaw pa rin ang kagwapuhan niya. Ang sarap siguro sa pakiramdam na ganitong view ang makikita ko araw-araw tapos magigising ako sa umaga na mukha niya ang bubungad sa `kin. Kaya ko rin namang magluto kaya pwedeng salitan kami sa pagluluto para sa amin at sa mga magiging anak namin. “Stop that. You look like an idiot.” Bumalik ako sa reyalidad nang marinig ko ang masungit na boses ni Nikolai. “What?” nakabusangot na tanong ko. Nag-i-imagine lang naman ako. Bawal bang mag-assume ng future ko kasama siya? “You were smirking like crazy,” saad naman niya. “May iniisip kasi ako,” nakangising sabi ko. “What is it that you were grinning too much?” “Nag-i-imagine kasi ako na pinagluluto mo ako like what you`re doing right now tapos gigising ako every morning na mukha mo ang bubungad sa `kin tapos—” Hindi ko na tinapos ang sasabihin ko sana nang marinig ko siyang nagmura. “f**k!” “Okay ka lang?” nag-aalalang tanong ko sa kanya. Napaso yata siya sa kape niya, hindi kasi nag-iingat, e. “Yeah, I`m fine.” “So as I was saying, pwede ko rin naman kayong ipagluto ng mga anak natin and—” “Stop,” he cut me off with a glare. “Nagtanong ka `di ba? Sinasabi ko lang naman `yung na-imagine ko kanina na future nating dalawa—” “I said stop, Cora,” he cut me off again but this time his voice is sharp. “Fine. Kahit sa umaga masungit ka pa rin ano? Wala palang pinipiling oras `yang kasungitan mo,” naiinis na saad ko. “Just eat.” Nilapag niya sa hapag ang mga pagkain na niluto niya. Natakam ako dahil mukhang masarap `yung mga niluto niya. Egg, bacon tapos pancakes lang naman `yung niluto niya pero sapat na `yon sa `kin. Uubusin ko basta galing kay Nikolai. Sinamahan pa niya ng black coffee kaya talaga namang mapapadami ako ng kain ngayong umaga. Lord, sana everyday po na ganito ang future ko, Amen. “So, kumusta naman ang pang-gho-ghost mo sa `kin? Masaya ba?” basag ko sa katahimikang namamayani sa `ming dalawa. Hanggang ngayon bitter pa rin ako sa ginawa niya. Anong akala niya okay na ako dahil pinatira niya ako at pinakain sa condo niya? Hindi ako nakakalimot lalo na sa sama ng loob. “What do you mean?” kunot-noong tanong niya. “Really, Nikolai? You ghosted me, right? Biglang hindi ka na nagparamdam sa `kin,” hindi makapaniwalang sambit ko. Tumahimik siya saglit na para bang iniisip kung ano `yung pinupunto ko. Maya maya pa ay nagsalita na siya. “Oh, that... I was busy.” Busy pala siya? Nahiya tuloy ako sa mga pinagsasabi ko baka isipin niyang pumapapel ako sa buhay niya. Crush ko lang naman siya at hanggang doon na lang `yon... sana. “I was out for Sicily for a week. I had some business there,” dugtong pa niya. “Okay lang, hindi mo na kailangan na mag-explain. Hindi naman kita jowa,” pabulong sa sabi ko. “Jowa? What`s that?” takang tanong niya. “Wala! Narinig mo pala `yung sinabi ko kanina. Kalimutan mo na lang `yon!” gulat na giit ko at awkward na tumawa. Nakakahiya! Ang talas pala ng pandinig niya. “You`re weird,” he mumbled while eating. “Alam ko kaya `wag mong seryosohin ang lahat ng lumalabas sa bibig ko,” sumbat ko naman. “Like the things you said to me last night?” nakangising saad niya. Nanlaki tuloy ang mga mata ko. “Ano bang sinabi ko?! Gagi, hindi ko maalala!” Dumodoble ang kadaldalan ko kapag lasing ako kaya nag-pa-panic ako baka kung anu-ano na ang sinabi ko kay Nikolai. Hindi ko pa naman maalala ang mga ginawa ko kagabi dahil sa kalasingan. “You spilled things including your secrets. You were also broadcasting how you like me. I thought you were out looking for a new crush?" pigil-ngiting giit niya na halata namang inaasar ako. ”Ano?! Kalimutan mo na lang `yung mga sinabi ko, okay? Hindi ako `yung kausap mo kagabi,“ palusot ko pa. I saw him shrugged. ”Hmm... Fine,“ he replied shortly. ”Kumusta naman ang naki-overnight sa condo ni Nikolai?“ bungad ni Ivy sa `kin nang pumasok ako sa condo ko at nakita silang kumakain sa kitchen. ”Ano na, Cora? Malaki ba `yung ano ni Nikolai? Nagkasya ba?“ walang-prenong tanong ni Amara. Makakas ko siyang hinampas gamit ang paperbag na hawak ko. ”Masyadong pasmado `yang bibig mo, Amara! Walang nangyaring gano`n!“ ”Pero bakit namumula ka? Suot mo pa `yung hoodie niya,“ pang-aasar naman ni Shana. ”Hindi ako nag-b-blush! Tigilan niyo ako sa karumihan ng utak niyo. Kaninang umaga pa sana ako nakauwi kung hindi lang bumagyo,“ pagpapaliwanag ko. ”Magpasalamat ka na lang sa bagyo. Kunyari ka pa kahit alam naman naming ginusto mo rin lang na mag-stay doon,“ panunukso rin ni Ivy. ”Syempre ginusto ko pero walang nangyari tulad ng iniisip niyo!“ dipensa ko naman. ”Okay, okay. Magpalit ka na lang dahil mukhang nag-e-enjoy ka sa pagsuot ng hoodie ni Nikolai,“ ani Shana sabay kurot sa beywang ko. ”Mamaya kayo sa `kin. Babalik ako!“ sabi ko bago pumasok sa kwarto para mag-shower at makapagpalit na rin. Nakapagpalit na ako at kinuha rin ang cellphone sa loob ng pouch kong nilapag nila sa study table ko. Naiwan ko kasi kagabi sa club, buti na lang at inuwi nila. Mag-o-online sana ako para makapag-reply sa mga messages nang makatanggap ako ng text galing kay Nikolai. Nikolai: I just came back from Sicily last night and went straight to the club to find you. I saw you dancing with other men. Kagat-labi kong binasa `yung text niya dahil ang lakas ng pintig ng puso ko. Hindi pa ako naka-reply nang mag-text ulit siya. Nikolai: I was mad, thought you should know. What are you doing to me, Cora? Nikolai: I thought not seeing you for days would clear my mind up but I was thinking of you every f*****g time. Tell me, what did you do to me? Natahimik ako dahil sa mga text ni Nikolai. Bigla akong natuod sa kinatatayuan ko habang nakatitig sa mesages niya. Hindi siya nagsasalita kanina nang ihatid niya ako kaya hindi ko rin siya kinausap tapos mag-te-text siya ng ganito? Napahawak na lang ako sa dibdib ko dahil ang lakas ng pintig ng puso ko. Parang mahuhulog na yata. Nikolai: C'mon, say something. You have to take responsibility of what you did to me. Mabilis kong pinaypayan ang sarili ko dahil nag-iinit `yung mukha ko. Kinikilig na naman ako! Effective nga `yung paglalandi ko kay Nikolai, s**t! Partida, hindi ko pa siya ginayuma niyan! Nikolai: Talk to me. I`m going insane. Hindi ko na napigilang sumigaw dahil sa kilig at dahil do`n, nagsitakbuhan `yung tatlo papasok sa kwarto ko. ”Anong nangyari?! Bakit ka sumigaw?!“ nag-aalalang tanong ni Amara. ”Kinikilig ako!“ masayang giit ko habang sumusuntok sa hangin. Malakas akong binatukan ni Shana at si Ivy naman ay hinampas ako sa braso. Kumalma muna ako at humarap sa kanila nang nakangiti. Ito na, sasabihin ko na sa kanila. ”Guys, I think makaka-jowa na ako!“
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD