Chapter Two

2725 Words
“Ano `to? Inuman kahit tambak sa plates?” bungad na tanong ko kay Shana nang naabutan ko silang umiinom nila Ivy. Nag-aya kasi sila na uminom daw kahit Wednesday pa lang ngayon. Ayaw ko rin namang tumanggi dahil stressed na akong gumawa ng design sa bahay ni Nikolai. Isang araw ko na rin siyang hindi nilalandi dahil naka-focus ako sa pinapagawa niya sa `kin. “Ngayon lang naman `to. Stressed ako sa ginagawa kong design kaya iinom muna ako,” sagot naman ni Shana. “Nasa`n si Amara?” tanong ko nang umupo ako sa tabi nilang dalawa. Tinuro ni Ivy ang maingay na dance floor kung saan sumasayaw si Amara kasama ang lalaking hindi ko kilala. “Ayan, oh. Lumalandi na naman,” ani Ivy. “Bakit parang pinagbagsakan ng langit at lupa `yang itsura mo?” tanong ni Shana. Napansin siguro niya na kulang ako sa energy ngayon. “Mangiyak-ngiyak na ako sa ginagawa kong design. Hindi ko alam kung pa`no simulan,” matamlay na sambit ko. “Ano raw? Ngayon ko lang narinig `yan sa `yo, Cora,” hindi makapaniwalang sabi ni Ivy. “Sinabi ko sa inyo na crush ko yung magpapagawa ng bahay `di ba? Syempre kailangan kong gandahan ang gawa ko para sana kahit `yung design ko manlang ang piliin niya. No`ng isang araw pa ako papalit-palit ng design,” stressed na giit ko. Nakiinom na lang ako hanggang sa naramdaman kong umiikot na ang paningin ko. May pasok pa ako bukas kaya hindi na ako maglalasing. Ang hirap ma-hangover baka magalit si Nikolai sa `kin at ibagsak ako sa evaluation. Ang sungit pa naman no`n at halatang walang awa. “Hey, cr muna ako. Balik din ako mamaya,” paalam ko tsaka iniwan sila sa table namin. “Why the f**k are you here?!” Muntik na akong sumigaw sa gulat nang makasalubong ko si Nikolai na galit habang nakatingin sa akin. Kumunot ang noo ko. “Bakit? Bawal ba ako rito? Tsaka, ba`t galit ka? Hindi naman kita nilalandi, ah?” nagtatakang tanong ko. Umigting ang kanyang panga at pumikit bago nagpakawala ng buntong-hininga. Saglit siyang tumingin sa relong suot niya at malakas na nagmura. “f**k! Let`s get you out of here!” Mabilis niya akong hinila paalis pero hindi pa kami nakakalayo sa cr nang makarinig ako ng malakas na pagsabog. Malakas akong sumigaw at nag-panic dahil nagkakagulo na ang buong paligid. Walang nang ilaw at nagsisigawan ang mga tao habang tumatakbo palabas ng club. “Alis na tayo rito,” sabi ni Nikolai at hinila ulit ako pero pinigilan ko siya. “I have to see my friends!” Kailangan kong puntahan sila Ivy lalo na`t lasing si Amara at Shana. “No. You have to get the f**k out of here, Cora!” galit na sabi niya pero umiling ako at tinulak siya palayo. “Ayoko! Kailangan kong puntahan `yung mga kaibigan ko! Hindi ko sila iiwan!” naiiyak na saad ko at luminga-linga sa paligid para hanapin sila. Aalis sana ako para hanapin sila nang may sumabog ulit kaya napaupo ako dahil sa takot. Nanginginig na ang buong katawan ko hanggang sa naramdaman ko ang pag-alalay ni Nikolai sa `kin para tumayo. “Nikolai, `yung mga kaibigan ko...” umiiyak na sambit ko dahil sa sobrang takot at pag-aalala. Paano sila makakalabas kung lasing na sila? Hindi sila pwedeng maiwan dito. “Look at me, Cora. Look at me in the eye,” he said and caressed my cheek. My eyes met his pale blue orbs and somehow, I felt safe. “I will get your friends out of here,” he assured and I believed him. “Where`s your table?” tanong niya. “Number 12,” nanginginig na sagot ko. “Alright, let`s get out now. You will meet your friends outside,” he said with the most promising tone and I believed him again. I just gave him a nod. “Okay.” Mahigpit ang hawak ni Nikolai sa kamay ko habang tumatakbo kami palabas ng club. Sa fire exit kami dumaan kaya mabilis kaming nakalabas. Isa pang malakas na pagsabog ang narinig ko mula sa labas na siyang nagpakaba sa `kin ng husto. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa loob ng club at kung bakit may bomba. Sino ang may gawa no`n? Ang dami kong tanong pero alam kong hindi `yon masasagot hanggang sa imbestigahan ng mga pulis ang pangyayari. “Your friends are safe. Saan sila ihahatid?” tanong ni Nikolai habang inaalalayan ako. Hanggang ngayon kasi ay nanginginig pa rin ang mga tuhod ko. “Sa Lux Condominium, Room 809. Kahit doon muna sila, pupuntahan ko na lang mamaya,” mahinang sagot ko. “Fine. I`ll tell my friend to drop them there, he`s the owner of the building so don`t worry about them anymore,” he assured. Tango lang ang sinagot ko bago kami sumakay sa kotse niya. “Pwedeng magpahatid? Sa Lux din ako,” pakiusap ko sa kanya. “Fine,” maikling tugon niya. “What happened? Nawala ang kalasingan ko dahil sa nangyari sa club!” malakas na saad ni Shana nang puntahan ko sila sa condo ni Ivy. Naabutan ko silang tatlo na tahimik at halatang lutang habang nakatitig sa kawalan. Sigurado akong pati sila ay natakot din sa nangyari. “Sinong naghatid sa `yo?” tanong ni Ivy sa `kin. Maging sila Shana at Amara ay tumingin din at naghihintay ng sagot. “Nagkita kami ni Nikolai before the incident. Siya rin ang naghatid sa `kin dito. I was so scared when I heard the bomb and I couldn't find you,” mangiyak-ngiyak na giit ko. Naalala ko na naman `yung takot ko noong mga sandaling `yon. Lumapit naman sa akin si Amara at niyakap ako ng mahigpit. “We`re safe now. Hindi na tayo babalik sa club na `yon,” sambit ni Amara. Lumapit din sila Ivy at Shana at niyakap kami ng mahigpit. Siguradong napahamak kami kung walang tumulong sa amin palabas ng club. Mabuti na lang at nakita ko si Nikolai at tumulong pa `yung kaibigan niyang may-ari ng building na `to. “Kilala niyo ba `yung tumulong sa inyo palabas sa club?” tanong ko sa kanila nang umayos na kami ng upo. Nanlaki ang mga mata ni Amara. “Kilala mo ba, Cora?! Ang gwapo niya! Lalandiin ko sana pero next time na lang kapag nagkita ulit kami,” pilyang saad niya. Malakas naman siyang hinampas ni Ivy sa braso. “Malandi ka talaga! Muntikan na nga tayong mamatay, paglalandi pa ang iniisip mo!” “Akala mo hindi ko napansin `yung pagdikit-dikit mo sa braso niya kanina?” dagdag din ni Shana. Umikot ang mga mata ni Amara at sinamaan sila ng tingin. “Bakit ba? Gustong-gusto ko kasi `yung aura niya na cold tapos `yung muscles niya sa braso, ang sarap pisilin kasi ang tigas!” malanding sabi ni Amara habang tumatawa. “Umalis na kayo sa condo ko, pakiusap. Gusto ko nang matulog, alis na!” pagtataboy ni Ivy sa `min kaya nagsibalikan na rin kami sa kanya-kanya naming condo para na rin magpahinga. Friday na ngayon at mukha akong zombie na naglalakad papasok sa Disraeli Empire. Hindi ako natulog buong gabi dahil sinusubukan kong tapusin `yung design na ginagawa ko. Umiyak pa ako dahil paiba-iba ako ng design hanggang sa inumaga na ako sa study table ko. “Good morning, Mrs. Rosario. Pumasok na po ba si Mr. Disraeli?” tanong ko nang makita ko si Mrs. Rosario na nag-aayos ng mga papel sa kanyang desk. “Bakit ganyan ang itsura mo, hija? Natulog ka ba?” nag-aalalang tanong ni Mrs. Rosario. Matamlay ko siyang nginitian. “Hindi po ako nakatulog dahil tinatapos ko `yung design ng bagong project ni boss pero okay naman po ako,” sagot ko naman. “Wala pa si Mr. Disraeli. Papasok na siguro siya ngayon dahil absent siya kahapon,” aniya. “Ah, gano`n po ba? Pakisabi na lang po sa kanya na pupuntahan ko `yung site sa Batangas. Babalik po ako rito before 5 PM para ipasa ang final output ko,” paalam ko sa kanya. “Sige. Sabihan ko na lang si sir kapag pumasok siya,” sagot naman ni Mrs. Rosario. Nagpaalam na rin ako sa head ng university na nag-mo-monitor sa amin bago umalis papuntang Batangas pero huminto muna ako sa Jollibee at nag-takeout ng pagkain. Sa site na lang ako kakain ng breakfast dahil nagmamadali ako. Kailangan kong magpasa kay Nikolai dahil ngayon ang deadline na binigay niya sa `kin. “Ano bang design ang gusto niya?” tanong ko habang nakatingin sa tatayuan ni Nikolai ng bahay. Nakapag-set up na ako ng stable na pwesto rito sa ilalim ng puno na medyo may kalayuan sa site. Kitang-kita ko ang buong area kaya nilabas ko na ang mga kailangan ko at nagsimulang gumawa ng design. Kahit ilang oras ako rito basta matapos ko `to before 3 PM at nang makabalik na ako sa kompanya before 5 PM dahil `yun ang sinabi ko kay Mrs. Rosario. “And..... I`m done!” masayang sigaw ko habang pumapalakpak dahil sa sobrang tuwa. Ilang oras din ang ginugol ko para lang tapusin ito ng maaga. I took a quick shot of it para naman may remembrance ako. Ilang gabi ko na ring iniyakan ang project na `to bago ako nakagawa ng final output. Sana magustuhan ni Nikolai dahil pinaghirapan ko talaga `to para lang purihin niya ako. Sinend ko sa GC naming magkakaibigan ang picture ng gawa ko dahil alam nila kung ilang gabi ako umiyak dahil dito. Amara: Ang ganda! Girl, `yan ang pinakamaganda sa mga ginawa mo so far. Ivy: Iba talaga kapag may inspiration. BTW, the design is so detailed. I`m sure magugustuhan ng boss mo. Shana: So hindi ka naman siguro iiyak `no? Ginawan mo na ng design ang bahay ng crush mo pero siguraduhin mo na `yung sa `yo ang pipiliin niya. Hindi rin naman ikaw ang kasama niyang titira diyan. Umirap ako sa sinabi ni Shana kaya nag-reply na rin ako sa kanya. Hindi ko gusto ang pagmamaldita ng isang `yon sa `kin. Masyado pang maaga para sabihin niyang hindi ako ang magiging future ni Nikolai, lalandiin ko pa siya ng todo. Cora: Ay hindi mo sure. Lalandiin ko ulit siya mamaya dahil tapos na ang trabaho ko. Siya naman ang next project ko. Natatawa kong binulsa ang phone ko at sinimulang iligpit ang mga gamit ko para bumalik sa kompanya. Ayaw ko namang ma-late dahil strict si Nikolai sa oras. Natatandaan ko pa noong Tuesday, dalawang minuto lang akong na-late tapos pinagalitan agad ako. “Did you even eat?” Gulat akong lumingon sa likod at nakita si Nikolai na nakatayo sa labas ng kotse niya. Bakit siya nandito? Saglit akong napatingin sa wrist watch ko at napagtantong 2:30 na pala. Hindi na ako kumain ng lunch dahil busy ako at wala akong kinuha na ibang pagkain aside sa breakfast ko no`ng umaga na galing sa Jollibee. “Mamaya na. Babalik pa ako sa kompanya mo para magpasa,” ani ko. Lumapit siya sa `kin at nilapag ang hawak na paper bag sa dala kong study table. Kunot-noo ko siyang tinignan at magtatanong sana kung anong laman ng paper bag nang magsalita ulit siya. “Eat. Let`s head back after,” he mumbled. Tahimik siyang naglakad palapit sa pinapatuyo kong layout at tinitigan ito ng mabuti. “Thank you sa pagkain. Kakain na ako, ha? Gutom na kasi ako,” ani ko. Wala talaga akong hiya lalo na`t gutom talaga ako. Tsaka, para naman sa `kin ang dala niya kaya hindi na ako mag-iinarte. “Don`t you dare touch it. Pinapatuyo ko pa kaya `wag mong hawakan,” paalala ko sa kanya habang kumakain. “Dugo`t pawis ko pa naman `yan tapos ilang gabi ko na ring iniyakan,” dagdag ko pa. He frowned at looked at me. “Why would you cry?" he asked. Nagkibit-balikat ako bago sumagot. ”I do it often though. Sanay na ako pero itong project na `to ang pinaka iniyakan ko talaga. Hindi ko kasi alam ang gusto mo kaya ilang beses na akong nagpalit ng design.“ Hindi na siya sumagot kaya mabilis kong tinapos ang pagkain ko at niligpit ang mga kalat. Pinasok ko na sa kotse ko ang mga gamit at babalikan pa sana ang iba pero nakita kong pinasok na ni Nikolai ang mga `yon sa kotse niya. ”I will take your work and your bag, I put it inside the car,“ he said as he motioned me to follow him. ”Bakit? May dala naman akong kotse,“ takang sambit ko. ”I will send someone to pick up your car and bring it to Lux. Sumabay ka na sa `kin pabalik,“ aniya at binuksan ang pinto ng passenger seat. ”Kaya ko pa namang mag-drive.“ Puyat lang ako pero kaya ko pa namang tiisin. Matutulog na lang ako after kong magpasa. ”You look like a zombie,“ he commented. I unconsciously checked myself in the mirror and he was right. May dark circles ako tapos ang laki pa ng eyebags ko. Nakakahiya tuloy kay Nikolai baka na-turn off na siya sa `kin. ”Halla, hindi na ba ako maganda?“ conscious na tanong ko. Ang pangit ng istura ko ngayon! ”Matulog na ka,“ sagot naman niya habang umiiling. ”Ayoko baka pagsamantalahan mo ako,“ pang-aasar ko sa kanya at niyakap pa ang sarili. Bigla siyang nagpreno kaya gulat akong tumingin sa kanya pero nakatitig na pala siya sa `kin ng masama. Galit na naman siya. Inasar ko lang naman, e. ”Can you stop? I don`t do kids,“ he muttered and glared at me one more time. ”Four years lang naman ang gap natin tsaka malapit na ako ma-graduate ng college,“ inis na sagot ko at sinamaan din siya ng tingin. ”Just rest and stop talking.“ It sounded like a command kaya tumahimik na lang ako. ”Fine,“ maikling tugon ko bago humalukipkip at tumingin sa labas. Hindi ba talaga ako maganda sa paningin niya? Nakakababa ng self confidence `yung pang-i-snob niya sa `kin, promise. Hindi ko namalayang nakatulog pala ako sa byahe. Naalimpungatan lang ako nang maramdaman kong ginigising ako ni Nikolai. ”Go and rest,“ utos niya sa `kin. ”Magpapasa pa ako,“ ani ko. Mabilis kong inayos ang bag ko para lumabas sana sa kotse niya nang pigilan niya ako. ”No need. I will take your work with me and check it tomorrow. Just go home for now.“ Tumingin ako sa paligid at napagtantong nasa parking lot pala kami ng Lux at hindi sa Disraeli Empire. ”Kailangan ko pang mag-time out sa DTR namin, Nikolai! Late na ako!“ nag-aalalang sambit ko. ”I`ll fix it. I will talk to your head and tell her you were with me,“ seryosong saad niya kaya tumango na lang ako. ”Talaga? Siguraduhin mong aayusin mo, ha? Babatukan talaga kita kapag may minus points ako sa instructor namin, Nikolai.“ Binigyan ko siya ng mapanuring tingin pero wala pa ring emosyon ang mukha niya. ”I don`t joke around, Cora. Get out and get some sleep,“ may diin ang bawat salitang binitawan niya kaya hindi na ako magmamatigas-ulo pa. ”Paano pala `yung kotse ko?“ tanong ko. I have to make sure it's safe dahil nando`n pa naman ang mga mahahalagang bagay sa buhay ko. ”Kunin mo na lang sa reception area bukas,“ tugon niya. ”Oh, okay. Bye!“ paalam ko bago lumabas. Pinaandar na ni Nikolai ang kotse niya at ako naman ay hinihintay munang umalis siya bago ako tumaas. Akala ko aalis na siya pero huminto siya sa harap ko kaya lumapit ako, baka kasi may sasabihin. ”Bakit?“ takang tanong ko. Saglit siyang tumingin sa `kin pero nag-iwas agad ng tingin. ”Your work, it`s..... beautiful. You did great,“ aniya bago mabilis na pinaharurot paalis ang kanyang sasakyan. Natulala ako dahil sa gulat pero nang ma-realize ko yung sinabi niya, tumalon-talon ako sa saya. ”My work is beautiful daw! I did great daw! s**t! Ang sarap pakinggan!“ sumayaw-sayaw pa ako sa parking lot bago umayos at ngingiti-ngiting tumaas sa condo ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD