Chapter Twenty-three

838 Words
“Ghad, how I miss this! It`s so nostalgic!” manghang sabi ni Shana saka huminga ng malalim. “I love Cherry blossoms!” dagdag pa niya. “Ang daming tao. Hanap tayo ng pogi,” suhestyon agad ni Amara. “Wala ako sa mood na lumandi,” bored na saad ko. Medyo masakit pa ang ulo ko kaya wala pa akong energy. “Nasusuka pa ako ng konti,” mahinang pahayag din ni Ivy. “Nawala na `yung hangover ko,” ngiting sabi ni Selene. “Tinanggal kasi yata ng asawa mo.” Ngumisi pa si Amara kay Selene. Sinuklian din ni Selene ang ngisi ni Amara. “Syempre naman. We1re still on our honeymoon stage.” “So, extension ng honeymoon niyo itong bakasyon natin dito?” Nanliit ang mga mata kong tumingin sa kanya. “Araw-araw naman yata `yang honeymoon niyo. Hindi na matapos-tapos,” sabi rin ni Ivy. “We want a second baby, okay? And I`m hoping to have a baby girl this time,” sagot naman ni Selene. A baby girl would be nice. Dalawang taon na rin kasi si Phoenix at panahon na rin siguro para bigyan siya ng mga magulang niya ng kapatid. “A baby girl? That would be so nice! You have to do it everyday para makabuo agad kayo. Omg! This is exciting!” Tumalotalon pa si Shana habang pumapalakpak. “Gosh, Shana! You don`t have to say that out loud!” Sinita na siya ni Selene dahil may mga tumingin sa amin. “Oops, sorry.” Bumungisngis pa si Shana at nag-peace sign. “Mag-asawa ka na rin kaya? Gumawa ka ng sarili mong baby,” ani Amara. “You`re so mean, Amara! Mag-aasawa ako but not now,” sagot na lang ni Shana. “Baka si Cora ang susunod na mabubuntis,” barumbadong sabi ni Ivy. I gasped and hit her shoulder. “My god, Ivy Rose! Masyadong pasmado `yang bibig mo!” “Bakit? Ayaw mo ba? Akala ko ba gusto mo nang mag-settle down?” taas-kilay na tanong sa akin ni Selene. “Ha? Kailan ko ba sinabi sa inyo na guto kong mag-settle down?” mataray na tanong ko. Wala akong maalala na may sinabi akong gano`n sa kanila. “Gumawaga na naman kayo ng sarili niyong kwento,” sabi ko pa. “Excuse me.” Nagtaas ng kamay si Shana. “Sinabi mo `yon last week sa club a day after Selene`s wedding,” aniya. Nanlaki ang mga mata ko. “Sinabi ko `yon? May sinabi akong gano`n?!” “Hindi kami sinungaling,” pabalang na sagot ni Amara. “E, bakit alam ni Selene? Sinundo siya ni Knox noon bago tayo nalasing, `di ba?” Dapat hindi `yon alam ni Selene kasi umuwi an siya bago pa ako malasing no`n unless… “I told her,” ani Shana tapos tinuro pa si Selene gamit ang hinlalaki. Marahan akong pumikit. “Isa ka rin, e, `no? Pasmado rin `yang bibig mo.” “I told her accidentally,” palusot pa ni Shana. “Ano namang mali kapag sinabi niya `yn kay Selene? Totoo naman kasing sinabi mo `yon,” sabat naman ni Amara. “Guys, I was drunk that time. Hindi `yon counted!” dipensa ko sa sarili. “Sige, i-gaslight mo pa `yang sarili mo,” komento ni Ivy. “Ah, basta! Hindi pa ako mag-aasawa! End of discussion!” Wala talaga akong maalala sa sinasabi nila. “Fine, kunyare wala na lang kaming alam. Mag-picture na lang muna tayo bago pumuntsa sa Gyeongbokgung Palace,” ani Selene. Doon dapat kami pupunta kahapon pero dahil tinamad kami, ngayon na lang kami pupunta. May Cherry blossom festival kasi ngayon kaya naisipan muna naming maglibot at kumuha ng mga litrato bago pumunta sa pupuntahan namin. “You look Korean na hindi,” komento ni Amara nang makita akong nakasuot ng hanbok. “Because she`s half-Korean and half-Filipino, duh!” mataray na saad ni Shana habang inaayos ang suot niyang hanbok. “Ang dami mong sinasabi,” pagtataray din ni Amara kay Shana. First time ko kasing magsuot ng Hanbok. We decided to try wearing it since it looked nice. Everytime na bumibisita kami rito sa Gyeongbokgung Palce, may mga nakikita kaming nakasuot ng hanbok kaya naisipan din anming gayahin sila. “Nakakasilaw talaga `yang kaputian mo, Cora,” ani Selene. “Nagbababad kasi `yan ng Tide gabi-gabi,” pigil-tawang sabi ni Ivy. “Pwede ka nang tumagis sa pinto kapag nagsuot ka ng puti,” biro naman ni Amara. “How about going blonde? I think it will suit you,” Shana suggested. “E, `di lalo pang lilitaw ang kaputian ko.” Isa pa, ayokong ipagalaw `tong buhok ko. “Ang dami mo talagang ala, kulot,” pang-aasar ko kay Shana. She rolled her eyes and hissed. “People love my hair, duh!” Tama si Shana. Ang ganda ng buhok niyang curly kaya maingat siya sap ag-aalaga rito. It`s one of her assets aside sa kulay hazel na mata niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD