Chapter One

2726 Words
"Bilisan mo, Cora! Kanina pa tayo hinihintay ni Amara sa loob!” malakas na sigaw ni Shana habang hinihintay ako sa entrance ng club. Masama ko siyang tinignan dahil kanina pa ako nabibingi sa pagsigaw-sigaw niya. “Sandali lang, ano ba?! Nagpapaganda pa ako rito, oh!” inis na giit ko bago nilagay sa pouch ang lipstick ko. Lumabas na ako sa kotse at nilapitan si Shana na kanina pa naghihintay sa akin. “Baka kasi nandito na naman `yung crush ko kaya ako nagpapaganda,” natatawang sabi ko pero inikutan niya lang ako ng mata. “Ang ganda natin ngayon, ah!” puri ni Amara sa akin nang makarating kami sa table namin. “Lalandiin daw niya `yung crush niya mamaya. Kanina pa `yan nagpapaganda sa kotse niya,” inis na sambit ni Shana. Tumawa na lang ako at kumuha ng baso na may lamang alak. “Ngayon lang ako lalandi kasi tapos na `yung plates ko. Maghahanap lang ako ng inspirasyon para gawin ang next activity ko.” Deserve ko talagang lumandi ngayon dahil sobra akong stressed nitong nakaraan. Medyo dry na rin ang lips ko, kulang sa halik. Char! “Inom muna tayo, be. Matagal na akong hindi nadiligan ng alak,” ani Shana at basta na lang nag-straight shot sa Black Label na hawak niya. “Uhaw ka talaga sa alak `no? Parang hindi tayo nag-inuman noong isang araw sa condo mo!” singit naman ni Ivy na kararating lang. “Late ka na naman! Shot na!” sagot ni Shana at hindi pinansin ang sinabi ni Ivy. "I have to be tipsy so I can get that man's number or his f*******: account,” natatawang bulong ni Amara sa amin habang tinuturo `yung lalaking naka-white sa kabilang table. “Kanina ko pa siya ninanakawan ng tingin kaya naging crush ko tuloy,” dagdag pa niya. Malakas siyang binatukan ni Ivy. “Akala ko ba si Matthew ang crush mo? Bakit iba na naman?!” “Hindi ko na siya crush. Si Mr. White Shirt na ang gusto ko ngayon,” dipensa naman ni Amara. “Lasing na ako!” sigaw ko kila Amara habang sumasayaw kami sa dance floor. Umiikot na `yung paningin ko at nasusuka na rin dahil napadami ako ng inom kanina. “Upo muna ako,” dagdag ko pa. Umalis na ako sa dance floor para mag-rest muna ng konti pero bigla akong naduwal kaya tumakbo ako papuntang cr para sumuka. Nasa tapat na ako ng cr nang matapilok ako at muntikan ng bumagsak sa floor. Mabuti na lang at sinalo ako nung lalaking nabunggo ko. “Watch it, woman!” galit na saad ng lalaking sumalo sa akin. “Ang gwapo,” wala sa sariling sambit ko habang nakatingin sa kanya. Umiikot ang paningin ko pero nang tumingin ako sa mukha niya, biglang nagliwanag ang mundo ko. “Can you stand straight?” inis na sabi niya. Ang cold ng boses niya pero gwapo naman siya kaya okay lang. Ang bango pa niya, yayamanin! Tumawa na lang ako nang makatayo na ako ng tuwid. “Ay, sorry! Ang init kasi ng yakap mo. Parang gusto ko ulit matapilok at yumakap ng mahigpit sa `yo,” ani ko na may pilyang ngiti sa labi. Kunot-noo niya akong tinignan at halatang hindi nagustuhan ang sinabi ko. “What the f**k?!” “Grabe namang makamura `to! Anong pangalan mo?” tanong ko na lang. Malamig na titig lang ang sinagot niya sa akin, hindi siya nagsalita pero hindi ako susuko. Gusto kong malaman `yung pangalan niya kahit `yon lang pero ang sungit niya. “Ano nga? Hindi mo talaga sasabihin `yung pangalan mo?” pangungulit ko pa sa kanya pero masama pa rin ang titig niya sa `kin. Ano ba `yan! Pangalan lang naman, eh! “Ayaw mo talaga? Sige, babe na lang ang itatawag ko sa `yo. Okay lang?” ani ko bago ngumiti ng malapad. “Shut up and stay away from me,” matigas na saad niya. It sounded like a warning but it did nothing to me. Ang hirap naman niyang landiin! “Ayoko, babe. Sabihin mo muna pangalan mo,” malambing na sambit ko. Hindi talaga ako natitinag sa mga tinginan niya na parang gusto niya akong hambalusin dahil sa pangungulit ko sa kanya. “Stop hitting on me, kid.” I gasped in shock. “Oh my gosh, what?! Did you just call me kid?! May bata bang lumalandi?! Mukha ba talaga akong bata? Twenty-two na ako!” inis na saad ko at pinantayan ang masama niyang tingin. Well, mas matanda siya sa `kin ng ilang taon pero age doesn't matter naman `di ba? “You`re crazy!” Umiiling niya akong iniwan pero hindi pa siya nakakalayo nang tinawag ko siya. “See you soon, mahal!” malanding sigaw ko bago tumakbo papasok sa cr. “Bakit ngayon ka lang? Akala ko nilamon ka na ng inidoro,” sabi sa `kin ni Shana nang bumalik ako sa table namin. I smirked and gave them a wink. They were quick to understand what I was trying to impose so they drifted next to me, waiting for me to speak. Lalong lumapad ang ngiti ko nang makita ko ulit siya sa VIP lounge. Kinindatan ko pa siya noong tumingin siya sa banda namin pero poker face lang ang sinagot niya, hindi manlang nag-react sa paglalandi ko. “Ano na? May nakamomol ka na ba? Kwento ka, dali!” pagmamadali ni Amara sa `kin. Niyugyog pa niya ang braso ko dahil sa tuwa habang sila Shana at Ivy naman ay hinihintay ang sasabihin ko. “Nahanap ko na ang bago kong inspiration! Nagliwanag ang future ko nang sinalo niya ako kanina. Nilandi ko siya pero ang sungit ni babe, hindi tinatablan sa ganda ko,” kwento ko sa kanila. Malakas akong hinampas ni Ivy sa braso. “`Yon na `yon? Wala nang ibang nangyari? Bakit hindi mo hinalikan?!” aniya. “Hahalikan ko sana pero baka ibalibag na ako no`n dahil sa inis. Hahanapin ko ulit siya next time na pumunta tayo rito. Ang importante, nakahanap ako ng bagong crush!” magiliw na sambit ko bago tumagay. “Bukas na ang start ng project natin outide the university at ayokong magmukhang zombie sa first day. Kasama ko pa naman si Chase sa Masson Inc. baka ma-turn off `yon sa `kin kaya umuwi na tayo,” aya ni Shana. Everyone agreed to go home and rest for tomorrow. “Ms. Cora Park from Xavier University. That`s you, correct?” tanong sa `kin ni Mrs. Rosario, ang secretary ng CEO ng Disraeli Empire. “Yes, Mrs. Rosario,” magalang na sagot ko. “I must assume na-orient na kayo ng HR Department kaya ka nandito?” tanong niya habang tinitignan ang folder na hawak niya. “Yes, ma'am. They assigned me here to assist the CEO on his new project,” I replied. Sabi nila sa HR Department, may upcoming project ang CEO ng kompanya at ako ang napili nilang mag-assist since nakita nila ang mga ginawa kong plates. Hindi na ako tumanggi dahil malaking opportunity ang in-offer nila sa `kin. Next semester na ang internship namin kaya kailangan kong maghanda. They saw my potential and I meant to show them more of my skills. “That`s good. Kindly proceed to the CEO's Office and wait for Mr. Disraeli. Ipapaalala ko lang na `wag mong sumbatan si sir ng hindi maganda dahil nakakatakot `yon kapag galit,” paalala sa `kin ni Mrs. Rosario. Tumango ako at nginitian siya. “Noted po, ma'am." Hinatid niya ako sa office ng CEO at iniwan din para asikasuhin ang mga pipirmahan ni Mr. Disraeli para sa five days na pananatili namin dito sa kompanya niya. ”Nikolai Disraeli, Chief Executive Officer,” basa ko sa name plate na nakapatong sa mamahaling desk. Ilang minuto lang ang lumipas nang marinig kong bumukas ang pinto kaya tumayo ako para batiin si Mr. Disraeli. Akala ko matanda ang makikita ko pero hindi, gwapo at makisig ang nakita kong nakatayo sa pintuan. Nakakunot ang kanyang noo habang nakatingin sa akin na para bang tinatanong kung bakit ako nasa loob ng opisina niya. Sumilay agad ang ngiti ko. ”Good morning, mahal!“ natutuwang bati ko sa kanya pero sinamaan lang niya ako ng tingin. ”Ang talim naman ng tinginan mo, mahal. Ang aga-aga beast mode ka agad!“ dagdag ko pa. ”What the f**k are you doing here?“ seryosong giit niya at diretsong umupo sa swivel chair. Siya pala ang CEO ng kompanyang `to. Pati pangalan niya, ang gwapo rin! Nikolai... s**t! Ang ganda talagang pakinggan! ”Magtatrabaho ako rito ng five days. Ayaw mo ba `yon? Araw-araw mo akong makikita,“ ani ko sabay kindat. Lalong dumilim ang itsura niya kaya napaupo ako ng tuwid ng wala sa oras. Bigla akong natakot sa kanya dahil para talaga niya akong papatayin sa sama ng tingin niya sa `kin. Hindi ko naman alam na ganito pala siya kaseryoso sa buhay. ”Sorry na. Mag-be-behave na ako, promise!“ sambit ko at itinaas ang kanang kamay na parang nanunumpa. Mamaya ko na lang ulit siya landiin. ”My secretary told me the HR Department assigned you to assist me on the new project. Prove your worth to me,“ aniya. Medyo nasaktan ako sa sinabi niya, ah. Para kasi niyang sinabi na hindi worth it ang skills ko, nakakainis. ”Check my portfolio and tell me I`m not worth it,“ inis na saad ko at padabog na nilapag sa table niya ang portfolio ko. He silently grabbed my portfolio and started scanning it. Bigla tuloy akong kinabahan baka hindi niya magustuhan ang designs ko kahit madami nang pumuri sa mga gawa ko. I badly want him to praise me for doing a great job. Gaganahan pa akong gumawa ng madaming plates kapag pinuri niya ako! ”Not bad,“ he mumbled right after scanning every page of my works. Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. ”Ha? Not bad? Ganoon na lang `yon?!“ hindi makapaniwalang giit ko sa kanya. Siya ang kauna-unahang nagsabi ng "not bad" lang ang designs ko. ”Listen, Ms. Soon-to-be Architect. I`m the boss here and I make the rules so stop whining before I throw you out the window,“ he threatened me and I got frozen in place. Natakot ako bigla para sa kinabukasan ko. Awkward akong ngumiti at umayos ng upo. ”Ito naman, ang seryoso mo sa buhay. May ipapagawa po ba kayo, boss?“ magalang na tanong ko kahit labag sa loob ko. Nakakainis, bakit kaya hindi siya tinatablan sa paglalandi ko? Hindi ba ako maganda sa paningin niya? ”Let`s go to Batangas,“ aniya bago tumayo at sinara ang laptop na nakapatong sa table niya. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa gulat. ”Ang bilis mo namang mag-aya ng date. Anong gagawin natin do`n? Mag-swimming? Hindi pa ako nag-ready ng bikini,“ nakangising saad ko. Galit siyang tumingin sa `kin at parang nagtitimpi na bulyawan ako ng wala sa oras. ”I told you to stop flirting with me. Isasama kita sa Batangas para tignan mo `yung site ng bagong project.“ ”Hindi mo naman kasi agad sinabi na pupuntahan pala natin `yung site. Nag-assume tuloy ako,“ medyo disappointed na sagot ko. What if ako ang mag-aya sa kanya ng date? Try ko mamaya kapag may chance. ”Silly,“ he hissed and left the room. ”Wow! Ang ganda! Dito itatayo `yung bagong project?“ manghang saad ko. Maganda ang location ng ipapatayong bahay dito dahil tanaw ang buong karagatan at nasa itaas pa ng bundok. Pikit-mata akong huminga ng malalim. Gusto ko rin na magkaroon ng bahay dito sa Batangas. Nang dumilat ako, nakita ko siyang nakatitig sa `kin pero walang emosyon ang kanyang mukha. Hindi ko mabasa kung ano ang iniisip niya dahil magaling siyang magtago ng emosyon, puro galit lang yata ang madaling mabasa sa kanya. ”I want a house here too,“ I murmured with my eyes fixed on the horizon. ”Go find another location. This one`s mine,“ masungit na sambit niya. ”That means bahay mo `yung bagong project?! You want to build your house here?!“ gulat at manghang saad ko. Bakit ang swerte ng lalaking ito? Ang ganda ng tatayuan niya ng bahay, naiinggit ako. ”Yes, why?“ Ngumisi ako nang maisip kong landiin na naman siya. ”Pwede bang bahay na lang nating dalawa? Isama mo naman ako sa plano mo.“ ”Shut up, kid. Just look around so you can start working on the design. You have to show me your final output by Friday,“ he marveled but he sounded like a boss commanding his employee. Inirapan ko siya at umismid. ”Don't worry, boss. Sigurado ako na `yung design ko ang pipiliin mo at hindi `yung gawa ng architect ng kompanya mo,“ pagmamayabang ko. ”Let`s see,“ maikling sagot niya. Ang project namin ay ang makapag-visit ng site at gawan ng design na ipapa-check sa CEO ng kompanya bago ipasa sa professor namin. Five days lang ang binigay sa amin para makagawa ng detailed design kaya ngayon pa lang stressed na ako. Palandi-landi lang ako pero ang totoo, nakaka-pressure gawan ng design ang ipapagawang bahay ni Nikolai. ”Bakit pala m-may dala kang b-baril? Nakita ko kasi kanina sa kotse mo,“ kinakabahang tanong ko. Napansin ko `yung dala niyang baril kanina pero ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na magtanong. Sumeryoso ang mukha niya at walang emosyong tumingin sa `kin. ”What do you think is the reason why I have one?“ Kinakabahan akong tumawa. ”Baka pellet gun lang naman `yon `di ba? Hindi naman siguro totoong baril `no?“ Para akong tangang nagtatanong kahit malakas ang hinala ko na totoong baril ang dala niya. I saw him frown. ”Why would I bring a toy with me? A lot of bastards want to kill me and I just need to pull the trigger before they do,“ he muttered as if pulling the trigger is a normal thing for him. ”Ah, okay.“ Natahimik ako sa sinabi niya dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Iniisip ko na lang na hindi siya seryoso sa sinabi niya kanina. ”Why did you stop talking? Say something,“ pambabasag niya sa katahimikang namayani sa pagitan naming dalawa. ”Ha? Akala ko ba ayaw mong nilalandi kita?“ palusot ko. Aaminin kong medyo natakot ako sa kanya pero slight lang naman, crush ko pa naman siya. ”You`re so different from other women,“ saad niya pero hindi siya nakatingin sa `kin. Malayo ang tingin niya at para bang malalim ang iniisip. Mahina ko siyang hinampas sa balikat bago tumawa. ”Ano ba? Ako lang `to, Nikolai! Si Cora lang `to, ang future mo!“ Saglit niya akong tinapunan ng tingin pero wala pa rin akong makitang emosyon sa mukha niya. Ano ba `yan, pusong bato ba `tong Nikolai na `to? ”You`re really crazy,“ komento niya pero nakita ko ang pagtaas ng kanyang labi bago siya sumimangot. Lumapad ang ngiti ko dahil doon. May progress na ba ang paglalandi ko sa kanya? ”I know right? Feeling ko lalong lalala ang topak ko kapag palagi mo ako ini-snob,“ ani ko habang pinipigilan ang ngiti. Hindi na naman siya sumagot kaya medyo nainis ako. Tahimik lang siyang nakatitig sa malayo kaya naisipan kong gambalain ang buhay niya. ”Nikolai,“ tawag ko sa kanya. Nang hindi niya ako nilingon, hinila ko ang sleeves ng polo niya. Natuwa ako nang nilingon niya ako kaya kinindatan ko siya. ”Tara, date tayo,“ pigil-tawang saad ko. Hindi naman ako seryoso sa sinabi ko pwede rin kapag pumayag siya. Gulat akong nilingon ni Nikolai at halatang hindi niya alam ang sasabihin. Tatawa sana ako dahil sa itsura niya pero hindi ko na itinuloy nang magdikit ang dalawang kilay niya. Oh my gosh! Galit na ba siya? ”The f**k?! What are you saying, Cora?!“ inis na sigaw niya pero kita pa rin ang gulat sa mukha niya. ”Ayaw mo?“ painosenteng tanong ko. Umiling lang siya at bumuntong-hininga. ”Let`s get out of here,“ aniya at naglakad patungo sa kotse niyang nakaparada.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD