Prologue

399 Words
“I don't know him,” sabi ko habang nakatitig ng masama sa lalaking kaharap ko. “I know her. Leave us for a moment,” sagot naman ng gago tsaka ako tinapunan ng tingin. Nanggigigil ako sa inis at galit kanina pa nang malaman kong siya pala ang nag-utos sa mga armadong lalaki na kidnapin ako. Bakit bigla siyang nagpakita pagkatapos niya akong gaguhin? Dalawang taon na ang lumipas pero `yung galit ko, buhay na buhay pa rin kahit binaon ko na sa limot ang pagmamahal ko sa kanya noon. Nang iwan kami ng mga goons niya, umismid ako at inikutan siya ng mata. “Anong plano mo sa buhay? Bakit ako nandito? Hello? May trabaho akong dapat tapusin,” pigil inis kong sambit. “You`re here because I said so,” he replied with a cold tone as his eyes met mine. Umiwas ako ng tingin dahil hindi ko gusto ang pagtitig niya sa akin. Ang lamig ng mga mata niya pero may kakaibang emosyon doon na pilit niyang itinatago sa mga malalamig niyang tingin. “Ah, gano`n ba? Hindi naman pala valid ang rason kung bakit mo ako pinakidnap sa mga tauhan mo. Excuse me, uuwi na ako.” Tumayo na ako mula sa couch at handang umalis ngunit hinawakan niya ako sa braso. “Why? I don`t have other business here, Mr. Disraeli,” pormal na giit ko. Tumingin siya sa `kin at hinigpitan ang paghawak sa braso ko. “You can't leave, Cora...” paos na sambit niya sa mababang boses. “It`s Architect Park for you, Mr. Disraeli. Let`s not be too casual,” ani ko na may diin sa bawat salitang binitawan. Rinig ko ang pagbuntong-hininga niya bago ako tinitigan ng matagal. “I need you here... with me.” He sounded desperate and his eyes were pleading but no, I can't let him fool me again. I met his gaze with a stoic expression on my face. He looked like he forgot what he did to me and sounded like everything was fine... Like he didn't break every part of me. As if he didn't fool me. “Let me go,” I said with my coldest tone and moved away from him. Kung alam ko lang kung sino talaga siya at kung ano siya, hindi sana ako nagpakatanga at nasaktan ng sobra. I won`t let him fool me, never again...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD