Vince (POV) continuation
Maaga akong nagising at agad na naligo. Pagkatapos kong naligo ay lumabas na ako sa aking kwarto. Dumeretso ako sa kwarto ng aking anak, pinihit ang ang sendura at bukas ito kaya dahan-dahan ko itong binuksan. Bumungad sa akin ang aking anak na nakayakap kay Nathalie at halos kalahati ng katawan niya ay nakadagan sa kanyang boyfriend.
Lumapit ako at kinumutan silang dalawa dahil siguradong lalamigin sila sa kanilang itsura. Hubad man akong natutulog pero nagigising ako na may kumot parin. Ang dalawa na ito ay naka panty at manipis na sando lang. Napailing nalang ako dahil si Nathalie ay nakatihaya habang ang anak ko ay naka dantay ang isang hita niya sa tiyan ni Nathalie at nakayakap ito malapit sa baba ng didbdib ni Nathalie. Kitang kita tuloy ang halos kalahati ng malaking dibdib ng boyfriend niya, dahil nahila pa baba ang sando nito.
Lumabas na ako sa kwarto nila at bumaba na sa papuntang hapag kainan. Nadatnan ko ang mga kasambahay na nag-aalmusal. Nakita nila ako at nag sitayuan sila bitbit ang kanilang mga plato.
"Eat, I just need my coffee." Sabi ko at pumunta na sa sala.
Pag upo ko ay agad na kinuha ko ang diaryo, nasa front page ang mga larawan ng mga nagtangkang kumidnap sa anak ko. Maaga akong nagising ngayon dahil kailangan kong pumunta sa prisinto. Gusto kong tutukan ang mga progress sa mga taong gustong kumidnap sa aking anak. Ilang saglit ay dumating na ang aking kape at si Magdalena ang nagdala.
"Ang aga mo ngayon Vince." Sabi niya at inilagay niya ang aking kape sa center table.
"Pupunta ako sa prisinto ngayon, kayo na muna ang bahala sa dalawa. Pagkatapos kong pumunta doon ay dederertso ako sa kompanya baka gabihin na akong uuwi." Sabi ko at humigop sa kape.
"O sige pero mag-ingat ka." Sabi niya at tumango lang ako.
Pagkatapos kong nagkape ay lumabas na ako sa bahay at nakaabang na ang driver ko sa labas ng bahay. Sumakay ako at sinabi ko sa kanya na sa police station na muna ako pupunta.
Pagdating ko sa police station ay nagpakilala ako at agad nila akong inasikaso. Nag dagdag ako ng tag-isang milyon ulit na pabuya at paalis na sana ako ng nagsaidatingan ang mga ibang pulis. Narinig ko na may nakita silang limang bangkay na naanud sa ilog, lumapit ako sa kanila at nakita ko ang mga larawan na inilapag ng isa sa mesa. Napamura ako at napatingin sila sa akin.
"Sir, may problema ba?"Tanong ng isang pulis at kinausap sila ng iasang pulis na kausap ko kanina.
"Saan morge ninyo sila dinala?" Tanong ko at sinabi nila.
Sinamahan ako ng dalwang pulis papunta sa morge at pagdating namin doon ay isa-isa kong tinignan ang mga bangkay. Narinig ko ang pagtikhim ng pulis na nag imbistiga mula sa likuran ko.
"Paano na patay na sila?" Tanong ko sa pulis.
"Malinis po ang pagkapatay ng lima Sir, back to zero kami. Ang pag-asa nalang ay makilala at mahuli ang driver ng kanilang sasakyan Sir." Sagot niya at napahinga na lang ako ng malalim.
Umalis na kami sa morge at dumeretso na ako sa aking kumpanya. Hindi maganda ang aking mood pagdating ko sa kumpanya, akala ko ay may uumpisahan na kami para mabigyan na rin ang katarungan ng pagkamatay ng asawa ko pero nawala lahat at mag-umpisa muli sa wala. May mga nakasalubong ko at binati nila ako pero hindi ko pinansin.
Pagdating ko sa aking opisina ay agad kong binuksan ang aking computer. Ilang saglit at may kumatok at bumukas ang pinto.
Nagsalubong ang aking kilay dahil hindi ko kilala ang babae. Nag pakilala siya na siya ang bago kong secretarya. Kinuha ko ang envelope sa aking drawer at ibinigay ko sa kanya. Alam ko na walang nag briefing sa kanya dahil pinaalis ko na agad ang dati kong secretarya.
"Read this." Seryosong sabi ko sabay abot sa envelope.
Napailing ako dahil sa harapan ko mismo binasa ang mga rules ko.
"What's your name again?" Tanong ko sa kanya.
"Madel po Sir, in short Mad or you can call me Del." Sagot niya na ikinailing ko.
"Basahin mo yan sa desk mo, huwag sa harapan ko." I need my schedule after lunch at huwag kang mag papasok ng sino. Kung may tatawag sabihin mo na wala ko." Seryosong sabi ko.
"Sir, ibig ninyong sabihin mag sisinungaling ako? Sabi po ng agency ay huwag na huwag akong magsinungaling."
Tinignan ko siya ng masama at tumahimik siya.
"Oo Sir, magsinungaling na po ako." Sambit niya.
"Get out!" Galit na bulyaw ko.
Mas lalo tuloy na sira ang araw ko, ang problema ko noon sa mga dating secretarya ko ay ang pananamit nila. Eto naman ay ang pagka makulit niya sa unang araw palang.
Natapos ang buong maghapon ko na puro bulyaw ako sa aking secretarya dahil isa-isa ay tinanung ang dahilan sa mga rules na ibinigay ko. I want to fire her pero, sawa na ako katatawag sa agency.
"Excuse Sir, uwi na po ako." Paalam niya at tinignan ko siya ng masama dahil bakit kailangan pa niyang magpa-alam.
"Go, bakit kailangan mo pang mag paalam?"
"Eh, Sir wala naman po sa rules ninyo na bawal mag pa-alam. Buti nga nag papaalam ako para hindi na ninyo ako hahanapin?"
"Common sense Ms. Madel, oras na ng uwian ng mga empliyado syempre alam ko na umalis kana." Inis na sagot ko at ngumiti siya ng tipid at tuluyan ng umalis sa harapan ko.
Huminga ako ng malalim para mabawasan ang inis ko. Napagpasyahan ko nalang na umuwi na rin dahil kailangan kong bumalik sa Cebu bukas. Hindi ko na kailangan si Madel sa Cebu dahil may pirmahan lang naman ako na nakaharap ang aking abogado at mga investor.
Padilim na nang umuwi ako, sana ako nalang ang harapin ng taong gustong kumidnap sa anak ko. Hindi ko na kakayanin pa na may mangyari pa sa anak ko na nag-iisa. Pagdating ko sa bahay ay kinausap ko si Magdalena.
"Kumusta ang dalawa?" Agad na tanong ko.
"Nasa kwarto lang sila at doon na rin kumain, medyo okay na din ang mga pasa ni Nathalie." Sagot niya kaya umakyat na ako.
Pagdating ko sa harapan ng kwarto ng anak ko ay nag aalangan ako kung kakatok o hindi. Huminga ako ng malalim at kumatok, nakailang katok na ako at nagbukas ang pinto.
"Sorry Daddy, nasa banyo ako." Sagot niya, basa pa ang kanyang buhok.
"It's okay anak, gusto lang kitang kumustahin." Sagot ko at napatingin sa banyo dahil bumukas ito.
Nagulat ako dahil naka panty lang na lumabas si Nathalie at ang anak ko ay mabilis na itinakip ang towel na hawak niya pero huli na ang lahat dahil nakita ko na ang mabilog at mamula-mulang n*pples ng boyfriend niya. Tumalikod na nalang ako at habang nakatalikod ay inalis ko ang towel sa aking mukha at inabot sa aking anak.
Napa mura ako dahil mabilis na nagising ang alaga ko. Pagpasok ko sa aking kwarto ay agad akong pumunta sa aking banyo at naligo ng malamig na tubig.
Melissa (POV)
Pagkalabas ng Doctor na tumingin sa baby ko ay nakatulog na siya. Bata pa lang kami ay best of friend na kami. Hanggang sa nag high school kami ay totally nag bago na siya ng anyo. Laking-laki na siya at maraming mga babae ang nag papansin sa kanya lalo na at isa siyang Sandoval. Bago naging kami ay marami siyang naging girlfriends at nag papasalamat ako dahil mula nang naging kami ay naging loyal na siya.
Ilang beses ko siyang tinukso at naging gentleman siya sa akin. I can't wait for sa kaarawan niya, I am willing to give to whatever she wants dahil napatunayan ko kung gaano niya ako kamahal kanina. Until now ay hindi parin ako makapaniwala na kaya niyang makipag laban na isang kamay lang ang gamit at mga paa.
Yumayakap ako sa kanya habang nakikipag laban siya kung may gustong bumaril sa kanya. Yumakap ako sa kanya at ipinikit ang aking mga mata.
Kinabukasan ay chill lang kami sa aking kwarto, naglagay ako ng cream sa kanyang mukha at ibang bahagi sa kanyang katawan. Maganda ang katawan ng boyfriend ko, minsan nga iniisip ko na lesbian din ako dahil sobrang attracted ako sa katawan niya.
"Babe, matunaw ako." Nakangiting sabi niya.
"Ang gwapo mo kasi." Sagot ko naman at kiniliti niya ako.
Eto ang gusto ko sa kanya, very sweet at nakaka in love kung lumambing. Na nuod kami ng movie mag hapon at nag nap na din. Padilim na nang napagpasyahan naming maligo ako na muna ang nauna at sumunod siya pagkatapos ko. Paglabas ko sa shower ay nasa loob na siya at nakangiting nakatitig sa akin.
"I been watching you." Sabi niya at kinilig ako sa pagkasabi niya.
"Panuorin din kitang maligo." Nakangiting sabi ko at hinalikan ko sa siya labi.
"Sure babe, sana sumabay na ako."
Sasagutin ko sana pero na rinig ko na may nagdoorbell, kaya nagpaalam lang ako saglit. Lumabas ako sa banyo at binuksan ang pintuan. Ang Daddy ko na ngaumgumusta. Sabay kaming napatingin sa pintuan ng banyo at nagulat ako dahil naka panty lang ang boyfriend ko.
"Oh my God!" Sambit ko at mabilis na tinakpan ang mukha ni Daddy ng towel na hawak ko. Pagkatapos ay tumalikod si Daddy at lumabas na ng tuluyan.
"Sino yun Babe? I need your help mahapdi ang mga sugat ko na malagyan ng sabon." Sabi niya.
"Babe, si Daddy yun."
"What! nakita ba niya ako?" Sagot niya na bumalik sa banyo at sinundan ko siya.
"I think no Babe, dahil mabilis kong tinakpan ang mukha ni Daddy." Sagot ko.
Balewalang inalis niya ang kanyang huling saplot at napatingin ako. Shave siya at sobrang kinis niya. Pinanunod ko siya at pinalitan ng mild soup ang kanyang sabon. Pagkatapos niyang naligo ay hindi ko napigilan ang sarili ko na halikan ang labi niya. Naging mainit ang halikan namin at nakagat ko ang pang ibabang labi niya na may sugat kaya napa aray siya.
"Sorry, Babe." Sabi ko at agad na kumuha ng tissue dahil dumugo ang kanyang labi na kinagat ko.
"Vampire pala ang girlfriend ko." Natatawang sambit niya kaya natawa na rin ako.
Lumabas na kami sa banyo at pinatuyo ko lang ang aking buhok pagkatapos ay bumaba na kami. Pababa pa lang kami sa hagdanan ay dinig na namin na may kausap si Daddy sa sala.
"Si Daddy." Bulong niya sa akin habang siya ay naka-akbay.
"Dad" Sambit niya nang nakababa na kami at sinalubong pa siya ni Tito na nakangiti.
"I am so proud of you, napanuod ko ang Video Son." Masayang sambit pa ni Tito at niyakap ang boyfriend ko.
"Paano si Mommy Dad?"
"Don't worry, I won't tell her pero. Uuwi ka sa bahay na walang pasa."
Pareho kaming nakahinga ng maluwag dahil ang akala namin ay iuuwi na ni Tito ang Boyfriend ko. Nag-usap sila ni Daddy at nakinig lang kami hanggang sa hapunan na. Hindi kumain si Tito sa bahay dahil nag hihintay na daw si Tita sa kanya. Masaya ako dahil mukhang magkasundo na ang mag balae.
Habang kumakain kami ay na kwento ni Daddy ang nangyari sa mga taong nagtangkang kidnapin ako.
"Be very careful anak, ayokong matulad ka sa Mommy mo." madamdamin na sambit ni Daddy.
"I will Dad." Sagot ko dahil noon ay ayokong may mga bodyguards akong kasama, minsan pa ay tinataguan ko sila pero sa nangyari kahapon ay mag-iingat na talaga ako at makikinig sa aking ama at kasintahan ko.
Pagkatapos naming kumain ay kinausap ni Daddy si Nathalie.
"Daddy, bakit sa guestroom siya martutulog!" Reklamo ko akala ko ay okay na ang lahat.
"Hindi pa kayo kasal." Sagot lang ni Daddy.
"Daddy naman, kagabi sa kwarto ko siya natulog."
"Hinayaan ko dahil kailangan na may mag-aalaga sa kanya but now she's okay then she will go back to the guest room." Maotoridad na sabi ni Daddy.
Sumimangot ako sa sinabi ni Daddy at ang kasintahan ko ay hindi naman maka pagreklamo kaya wala kaming nagawa kundi matulog siya sa guest room.