Chapter 2

3017 Words
Vince (POV) Habang nasa sala ako ay may nag doorbell, agad na tumakbo ang isa kong kasambahay at binuksan ang pinto. Napatayo ako dahil puno ng pasa ang kaibigan ng anak ko na girlfriend? Boyfriend? Hell, I don't know how to call them. My daughter is 18 years old kaya hayaan ko na lang, I know this kid anyway. Mag sasawa din sila siguro pagdating ng panahon. Nagpaalam siya na matulog sa bahay,pumayag naman ako. Pero sa ibang kwarto siya, she wants to be treated like a real man then so be it. Ok, lang naman sana na magtabi sila dahil pareho naman silang babae at isa pa dose plang si Nathalie ay halos dito na rin siya tumira sa bahay. Halata ko sa mukha niya na may takot sa akin at mabilis na umakyat sa hagdanan. Napailing na lang akong umupo ulit sa sofa, hindi naman ako galit sa kanya bakit siya natatakot sa akin. Napatingin ako sa aking telepono at may miss call ang aking kapatid. Huminga na muna ako ng malalim bago ito tinawagan. Regina: Ano itong ginawa mo Vince? Bakit pinatalsik mo ang pamangkin mo sa negosyo ng Pamilya natin? Tanong ng aking nakatatantang kapatid na nag-iisa. Me: Ate, I found out na marami siyang nadispalkong pera. Sagot ko na pinipigilan na magalit. Regina: So What! He is only getting part of my share sa kumpanya. Me: Ate, you know that every month ay may natatanggap ka. Mahinahon parin na sagot. Regina: Kulang pa iyon Vince, porke na saiyo iniwan ang negosyo ng ating mga magulang dahil lalake ka? Napahawak na ako ng mahigpit sa aking telepono, mula ng nawala ang aking asawa ay madali na akong nagagalit. Me: Isang negosyo lang ang pinahawak sa akin ng ating mga magulang, mas marami pa din saiyo dahil panganay ka. Pero anong ginawa ninyong mag-asawa? Ang negosyong iniwan sa akin ng ating mga magulang ay pinalago ko kasama ng aking asawa. Regina: Patay na ang asawa mo Vince kaya huwag mo siyang isasali sa pinag-uusapan natin. Me:Alam mong malaki ang naitulong ng asawa ko sa akin Ate, mas malayong mayaman siya sa pamilya natin. Regina: Kaya nga, bkit hindi mo na lang ibigay sa akin ang shipping lines na binigay saiyo ni Daddy. Marami namang negosyo ang asawa mo na naiwan niya, kahit hindi ka magtrabaho ay maging hari ka parin. Me: No, I can't give you, sorry Ate pero itong negosyo na lang ang naiwan na ala-ala ng ating mga magulang. Regina: Isa kang sakim na kapatid Vince. Me: Hindi ako sakim Ate, kapag magbagong buhay na kayong mag-asawa ay baka may posibilidad na ibibigay ko saiyo. Regina: What do you mean na mag bagong buhay? Huminga ako ng malalim, kaya nalugi ang limang negosyo na ibinigay sa kanya ng mga magulang ko dahil pati siya ay nalululong ng Casino at ngayon ay pati na ang pamangkin kong si Rowan. kaya ko naman na bawiin ang mga iyon pero kapag malaman ng kapatid ko ay siguradong kukulitin niya ako. Me: I know that your family got addicted to the Casino Ate. Regina: Libangan lang namin iyon. Me: Libangan? Libangan pa ba ang tawag ninyo na matalo kayo ng sampung million kada gabi? Regina: Pinaiimbistigahan mo ba kami? Bulyaw niya sa akin. Me: No Ate, may nakapagsabi lang na kasosyo ko. Regina: Tumawag ako dahil gusto kong ibalik mo si Rowan sa kompanya. Me: Kung ibalik ni ang 200 million na nadispalko niya ay pag-isipan ko. Maraming mura ang pinakawalan ng kapatid ko kaya, hininaan ko ang volume ng aking telepono sabay lagay sa center table. Inalis ko ang aking salamin sabay napahahilot sa aking sintido. "Excuse me po Sir, 10 minutes handa na po ang mesa. " Sabi ng aking kasambahay na mahina ang boses. "Okay, tawagan mo yung dalawa at sabay na kami." Utos ko. "Sige po Sir." Sagot niya at umakyat na siya sa taas. Napatingin ako sa aking telepono, nasa linya parin ang kapatid ko kaya hinayaan ko ito sa mesa. Sa lalim ng aking iniisip ay hindi ko namamalayan na handa na ang mesa. Kinuha ko ang aking telepono dahil wala na sa linya ang kapatid ko at pumunta na ako sa hapag kainan. Tahimik ang aking mga kasambahay, hindi tulad noong buhay ang asawa ko na masaya siyang nakikipag-usap sa kanila. Lalo na kung tumutulong siyang mag-luto. I miss my wife so much, bukod sa napakaganda niya ay nasa kanya na ang lahat na mayroon ng isang mabuting may bahay. Dumating ang dalawa at tahimik kaming kumain, hanggang sa natapos akong kumain at pinaalala ko kay Nathalie na sa guest room siya matulog. Pag-alis ko ay narinig ko ang tawa nila kaya napailing nalang ako. Pagdating ko sa aking kwarto ay agad na napatingin ako sa larawan naming mag-asawa noong ikinasal kami. Parang nanghina at napahiga na lang ako sa aming kama. I did everything para hindi lang siya patayin ng mga kumidnap sa kanya. I give them 1 billion pesos in cash at hindi ako lumapit sa mga pulis pero pinatay parin siya. Ang masakit ay namatay siya sa sakal dahil sa lubid na nakatali sa kanyang leeg. Pinahirapan nila ang aking asawa bago pinatay at ang masakit pa ay hindi ko pa alam kung sino ang mga may kagagawan ng pagkawala niya. Lalo na at hindi ko agad naisuplong sa alagad ng batas. Dumating na lang sila na yakap ko ang aking asawa na wala nang buhay at malinis na ang paligid. Ngayon ay ang kaligtasan ng aking anak ang iniisip ko may mga bodyguards siya pero hindi parin mapanatag ang aking loob dahil may mga bodyguards din ang asawa ko noon ay namatay din. Ang alam ko ay pinagplanuhan ng mabuti ang pagkidnap nila sa asawa ko. Dahil nagkataon na hindi kami kasama na mag-ama, death anniversary noon ng aking mga magulang kaya naiwan na muna kaming mag-ama at nauna na siyang umuwi dahil may dalaw siya at sobrang sumasakit ang kanyang puson. Kapag pinapalitan nila ang aking bedsheet ay inuutos ko sa kanila na laging sprehan ang bed sheet ng pabango ng asawa ko, pakiramdam ko ay nasa tabi ko lang siya na nakahiga sa aming kama dahil nanunuot parin ang kanyang amoy. Kung medyo nawawala na ay ako na mismo ang nag spray ng pabango niya. Huminga ako ng malalim at pumunta na sa banyo para maligo. Mabilis lang ako naligo at nag suot na roba. Naisip ko si Nathalie kaya pumunta ako sa guest room para masigurado na doon siya matutulog. Nakailang katok na ako, aalis na sana ako dahil baka sa kwarto siya ng anak ko na natulog pero nag bukas ang pinto. Halos hindi ako makatingin sa kanya dahil sa kanyang itsura, normal akong lalaki kaya naramdaman ko ang bahagyang pagkagising ng alaga ko. Sa mukha niya ako napatingin, halata parin ang mga pasa niya. Seryosong pinagbilin ko sa kanya ang aking anak, lalo na at pupunta ako sa Cebu bukas. Pero bago ako umalis ay pinansin ko ang kanyang suot, manipis na sando lang kasi ito at kitang-kita ang makinis at manipis niyang tiyan. Ang malaki niyang dibdib at ang ut*ng niya na buhay na buhay na ngayon ko lang napansin dahil puro malalaking damit at pantalon ang suot niya. The hell she is wearing underwear na pambabae, akala ko ay boxer din ang sinusuot niya gaya naming mga lalake. Kung hindi lang siguro maiksi ang buhok niya ay walang binatbat ang mga sexy star sa kanya. Sinabihan ko siya na kung gusto niyang ituring ko siyang lalake ay dapat hindi siya magdamit ng ganun at lumabas na ako sa kwarto. Dumeretso ako sa bar para kumuha ng alak, ginagawa ko na ito lagi mula ng nawala ang asawa ko para mabilis akong makatulog. Dinala ko ito sa sala at umupo na walang ilaw. Habang umiinom ako ay napakita ko ang pagbaba ni Nathalie. Hindi din niya binuksan ang ilaw kaya hindi niya ako napansin na nasa sala lang. Hindi ko alam kong bakit ko siya sinundan sa kusina at pinanuod ko ang pagbukas niya sa fridge. Mag iksi ang roba na suot niya at tama lang ang pag kahapit nito sa kanyang katawan. Halata tuloy ang malaki niyang pang-upo at ang hugis ng kanyang katawan. Napalapit ako sa kanya at tumikhim. Nagulat siya ng makita ako. Hindi ko pinahalata na kahit ako ay nagulat sa biglaan niyang pag harap sa akin. Nagsalita siya habang nasa harap ko siya kaya langhap ko ang mabango niyang hininga. Pagkatapos ay mabilis na umalis sa aking harapan. Napailing na lang akong bumalik sa sofa at ipinag patuloy ang aking pag-inom. Nang maramdaman ko na ang tama ng alak ay umakyat na ako para matulog. Pagpasok ko sa aking kwarto ay nakaramdam ulit ako ng kalungkutan. Inalis ko ang aking roba at hubo't hubad na natulog. I always sleep naked na gustong-gusto ng asawa ko dahil gaya ko ay mainit din siya sa kama. Habang nakapikit ako ay ngayon ko lang naisip na mahigit tatlong taon na din akong walang nakatalik at kahit mag kamay ay hindi ko ginawa. Iniwaksi ko ang bagay na hindi maganda na pumapasok sa isipan ko at ipinikit ko na ang aking mga mata at tuluyan nang nakatulog. Nagising ako sa aking alarm at mabilis na bumangon. Agad akong naligo at nag suot ng pormal na damit. Pagbaba ko ay agad na gumawa ng kape ko si Magdalena na matagal na ding kasama namin dito sa bahay. Siya ang kauna-unahang kasama naming mag-asawa at siya na na rin ang tumulong sa pag-aalaga kay Melissa. "Hay naku Vince ang aga-aga naka salubong ang mga kilay mo. Aba ang mga kasama mo dito sa bahay ay natatakot na saiyo." Sabi nito na inilagay sa harap ko ang aking kape. "Aalis ako Ya, ikaw na muna ang bahala kay Melissa." Sabi ko at humigop sa mainit na kape. "Mabait naman yang anak mo at dito lang yan sila sa bahay lalo na kung si Nathalie ang kasama. Mamaya ang mga yan ay baba na at manunuod lang ng movie mag hapon dito sa sala." Sagot ni Yaya. Hindi na ako nagsalita at kumain na. Pagkatapos ay pumunta na ako sa rooftop ng aking bahay dahil nandun ang chopper ko. Nasa taas na din ang aking Piloto na naghihintay. Hindi na ako nagpa-alam pa sa aking anak dahil sobrang aga pa baka magising ko lang siya. Halos tatlong oras din ang tinagal bago kami nakarating sa Cebu. Mag papatayo ako ng bagong branch namin dito sa Cebu. Ang the main branch ng aming banko na JVB ( Janet Vergara Bank) ay nasa manila. Napatingin ako sa building, malapit na itong matapos. Ang secretarya ko na pang labing isa ay lumapit sa akin. Baka last day na rin niya ngayon dahil hindi siya mukhang secretarya sa itsura niya. Parang pupunta siya sa Club. Pinauna ko na siya dito kahapon pa at sumakay sa domestic flight. "Sir, Good morning!" malambing na pagbati niya pero hindi ko siya pinansin. "Your fired." Sabi ko lang at iniwan ko siyang nakatunganga. Tumawag ako sa agency para bigyan nila ako ulit ng maging secretarya ko, hindi naman sila maka hindi na sa akin dahil malaki ang binabayad ko sa kanila. Sinigurado nila na okay na ang susunod na ibigay nila kung hindi ay lilipat na ako sa ibang agency na kumuha ng maging secretarya ko. Ayokong mag lagay sa mga ads dahil wala akong oras at pasensiya sa pag interview lalo na at busy ako. Hapon na nang may tumawag sa aking telepono. Agad kong sinagot ito dahil si Magdalena, alam kong importante ang sasabihin niya dahil ngayon lang siya ulit tumawag sa akin. Magdalena: Umuwi ka Vince may nangyari. Me: Anong nangyari, si Melissa? Agad na tanong ko. Magdalena: Okay naman siya pero si Nathalie ay maraming pasa at ang limang bodyguards ay nasa hospital lahat sila ay nabaril at isa ang namatay. Sabi niya na nanginginig pa ang boses. Napamura ako at agad na tinawagan ang piloto ko na nasa hotel. Kailangang bumalik na kami sa bahay. Gabi na nang makarating kami at nagulat ako sa itsura ni Nathalie. Napakarami niyang pasa at bitak ang gilid ng kanyang labi at sa may bandang kilay niya habang nakahiga sa kama ng anak ko na tulog. "What happened agad na tanong ko dahil katabi niya ang aking anak na nakayakap sa kanya." Nagulat ang aking anak sa biglaan kong pagdating, umalis siya sa kama at agad sumalubong ng yakap. Niyakap ko siya pabalik dahil ramdam ko ang panginginig ng kanyang katawan. Pinakalma ko na muna siya bago ko inalalayan na umupo sa kama niya. "Pumunta lang naman kami bumili ng snack namin ni Nat Nat diyan lang sa labas ng Village. Paglabas namin sa store ay agad na pinag babaril sina Kuya. Hindi nila kami binaril, narinig namin na sigaw ng isa sa mga bumaril kina kuya na dapat buhay nila akong makuha. Nagulat ako ng mabilis pinusasan ni Nat ang aking kamay at sa kanya naman ang isa. Sabi niya mamatay na muna siya bago nila ako makuha. Kaya yun Daddy nakipaglaban siya na isa lang ang kamay ang gamit niya pero kahit na ganun ay napatumba niya ang mga lalaki. Hanggang sa dumating ang mga pulis at tumakas sila." Salaysay ng anak ko. "Bakit hindi ninyo dinala si Nathalie sa hospital?" tanong ko sabay tingin sa batang nakahiga. "Ayaw niya Daddy, baka magalit daw si Tito at mag-alala si Tita." "May Doctor na bang tumingin sa kanya?" "Oo Daddy, kaaalis lang niya." Sagot ng anak ko sabay uminom siya ng tubig at tumabi ulit kay Nathalie. "Have a rest anak, pupuntahan ko lang ang mini grocery na pinuntahan ninyo." Sabi ko at umalis na ako. Agad akong sumakay sa aking sasakyan at pinaandar ito. Ilang saglit lang ay nakarating na ako sa store at may nga warning signs nakalagay sa harap. Bumaba ako sa aking sasakyan at mabilis na lumapit. "Sir, bawal kayo dito." Sabi ng isang pulis. "Anak ko ang muntik nang makidnap." Seryosong sambit ko. "Sorry Sir, nakuha na po namin ang copy ng CCTV at kita po ang mga mukha ng mga lalaking gustong kumidnap sa anak ninyo. " "Ilan sila?" "Isang nasa sasakyan at lima po. Bali anim po sila Sir pero unidentified yung nasa sasakyan dahil tinted po ang sasakyan at ang plate number na gamit po ay bogus po. Pero huwag po kayong mag-alala Sir, madali na lang mahuli yung mga lalaki na kita ang mukha." "I want to have a copy sa kuha ng CCTV now." Sabi ko. "No problem Sir." Sagot niya at nag paalam siya na pupunta siya sa kanyang sasakyan. Sinundan ko ito at nakita ko ang laman ng loob ng kanilang sasakyan. Kompleto sila sa lagamitan at maraming computer sa loob. Ilang saglit lang ay ibinigay na nila ang copy sa akin. Habang nasa sasakyan ako ay kinumusta ko ang mga bodyguards ng anak ko na nasa Hospital. Dalawang kasambahay ko ang nag nag babantay sa kanila. Malungkot ako sa isang namatay kaya nag bigay ako agad ng tulong sa pamilya niya at isinama ko ang kaniyang mga anak na maging schoolar ko. Pagdating ko sa bahay ay agad akong pumunta sa aking library. Inilagay ko sa aking computer ang USB na ibinigay ng pulis sa akin at mataman ko itong pinanunuod. Kitang-kita ko ang aking Anak at Nathalie na masayang pumipili ng mga chichiria, ang pagbayad nila at nang lumabas na sila ay may sasakayan na Van na pumarada sabay pinagbabaril ang mga bodyguards ng anak ko na nasa labas lang sa grocery na nakatayo. Habang si Nathalie ay mabilis na pinadapa ang aking anak at pumaibabaw pa siya. Hanggang sa lumabas ang limang lalaki na may hawak na baril at tinutukan si Nathalie. Mabilis ang kamay ni Nathalie na kinuha nag posas sa bulsa niya at pinosas sa kamay nilang dalawa ng anak ko. Mahigpit na yumakap ang aking anak kay Nathalie kaya hindi nila ito binaril lalo na at gumagalaw sila. Walang nagawa ang lima kundi sugurin si Nathalie at napabilid niya ako sa kanyang pakikipag-laban. Talo pa niya ang mga tunay na lalaki, kung anak ko siya at mapanuod ko ito ay maging proud pa ako sa kanya. I am so impressed sa ginawa niya, itinaya niya ang kanyang buhay para sa aking anak, and that makes me think na mahal na mahal nga niya talaga ang nag-iisa kong anak. Napahinga ako ng malalim, paano na ang pangarap ko na mag karoon ng maraming apo. Napahilot tuloy ako sa aking sintudo may paraan naman siguro at may mga makabago nang technolohiya. Tinitigan kong mabuti ang I zoomed all the guys na gustong kumidnap sa aking anak. Ni isa ay wala akong kilala sa kanila. Kaninang pag-alis ko ay kinuha ko ang numero ng pulis agad akong tumawag sa kanya at nagbigay ng tag-iisang milyon sa bawat ulo ng mga lalaking gustong kumidnap sa aking anak. Malakas ang kutob ko na sila din ang kumidnap noon sa asawa ko. Pwede pa akong magdagdag sa patong nila mahanap lang sila agad. Lumabas na ako sa aking opisina at tinignan ang dalawa. Pareho silang tulog kaya dahan-dahan ang aking pagsara ng pintuan. Pag baba ko ay nadatnan ko ang mga katulong na nag kwekwentuhan. Tumikhim ako kaya agad silang naghiwalay, napailing ako dahil may isa na mabilis na pumunta sa lababo para mag hugas, ang isa naman ay kumuha ng walis kahit malinis nag sahig. Ang dalawa ay kumuha ng basahan at pinunasan ang mesa na malinis dahil hindi pa kami kumain. "Si Magdalena?" Tanong ko sa kanila. "Nasa kwarto niya Sir nag papahinga dahil kanina ay nawalan siya ng malay, dalawang beses pa Sir." Tumango lang ako at pumunta na muna sa labas ng bahay. I have to make sure na safe ang aming bahay at walang pwedeng makapasok. Ang mga guards ay alerto na nag babantay, pinag suot ko sila ng bulletproof vest dahil ayokong may mawala na naman dahil sa pagtatanggol nila sa pamilya ko. May mga pulis din sa labas ng Village pero mas maganda na may proteksiyon sila kahit paano.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD