Kennedy
At mula nang araw na 'yun, pinangako ko sa sarili ko na babayaran ko siya sa kahit na anong paraan.
"Ma'am, kayo po pala 'yan."sumilay ang matamis na ngiti sa aking pawisang mukha.
"Hindi mo ako kailangang tawagin akong, Ma'am.Tita is fine with me."
"Meryenda tayo."nakangiti niyang sabi sa akin..
Kasalukuyang may pinoproblema ako pero bahala na..nakakahiya kong tanggihan ko siya.
Si Ma'am na ang nag-order ng coffee namin at cookies, tinulungan ko naman siyang magbuhat. Umupo kami sa bakanteng table, kung saan nakikita ko kung paano ka-busy ang mga tao sa labas ng coffee shop.
Buhay nga naman talaga.
Nakatingin ako sa labas ng biglang nagsalita si Ma'am kaya binaling ko ang atensyon ko sa kanya.
"Kumusta na kayo ng mga kapatid mo?"
"Ok lang po Ma'am--I mean Tita."tinignan niya ako.
"Mukhang may problema ka na namang pinagdadaanan."hindi ako umimik at napayuko ako. Ayokong ipakita ang pagiging mahina ko pero ewan ko ba, dala siguro ng pagod ko at hindi ko na maitago.
"Ganyan talaga ang buhay iha, kung mahirap ka, walang katapusang problema. Pera ang nagpapagalaw ng mundo."
Ring...Ring...Ring...
"Wait lang iha, sasagutin ko lang ito."
"Hello? May problema ba?"bungad ni Ma'am sa katawag niya.
"Bakit? Anong nangyari? "kumunot na ang noo ni Ma'am.
"Ano! Hindi pwede."tumingin siya sa akin.
"Keep her, huwag mong hayaang makatakas. Just do it!"
Ikinubli ko ang pagkagulat ko at normal parin akong tumingin kay Ma'am nang ibaba na niya ang kanyang cellphone tsaka niya itinuon ang atensyon niya sa akin.
Hinilot ni Ma'am ang noo niya. Ngayon ko lang nakita siyang nagalit at nakakunot ang mukha niya. Lumunok ako.
"Ok lang po ba kayo?"maingat kong tanong, bumuntong hininga si Ma'am.
"I'm sorry if I sound like a wicked old lady."wika niya.
"Slight po pero ay dahilan naman po ang lahat ng bagay. Tita" tumawa siya ng panandalian pero bumalik ang pangamba sa mga mata niya.
"Gumawa na naman ng gulo ang bunso kong anak."ilang saglit niya akong tinignan.
"Pakasalan mo ang anak ko."bigla niyang sabi na ikinagulat ko.
"Po?"
"Ibibigay ko lahat. Bahay, pag-aaralin ko ang mga kapatid mo, susustentuhan ko kayo hanggang tumanda kayong magkakapatid. Kapag namatay ako, may makukuha akong mana."
"Tita."iyon na lang ang nasabi ko, bumuntong hininga naman siya.
"Do I sound desperate? I'm sorry, may sarili kang buhay at hindi ka pwedeng magpatali dahil lang sa pera."ngumiti siya na may halong hiya ang boses niya.
"Pasensya na iha, desperada na kasi ako. Sooner or later, may makakapikot sa bunso kong anak. Ayokong maikasal siya sa isang babaeng ingrata, sosyal, at walang alam sa buhay. Pagpapaganda lang ang alam. In short, hindi alam magseryoso sa buhay at siguradong maghihiwalay din sila at hindi titino ang anak ko."tuluyan ng tumulo ang mga luha ni Ma'am.
"I’m sorry, iha. Pagdating kasi sa mga anak ko, nagiging emotional ako."
Matagal akong natahimik at nakatitig lang kay Ma'am. Hanggang sa bigla na lang akong nakabitaw ng salita.
"Pumapayag po ako. Magpapakasal po ako sa anak niyo."nakatitig na lang rin sa akin si Ma'am kaya nabahala na ako.
"Jo-joke niyo lang po ba 'yun?"
"Paano ang buhay mo?"seryoso ang pagkakatitig niya sa akin.
"Pabor sakin kung papayag ka pero pano yung pangarap mo na ma-ikasal sa taong mahal mo? Lahat naman ng babae ay nangangarap na maikasal sa taong mahal niya."ngumiti ako ng mapakla.
"I love my siblings more than anyone. Maybe, love is real and existing but not in my world, Tita."
"Paano kita ipapakasal sa anak ko kung ganyan ang pananaw mo sa pag-ibig."napangiwi ako.
"Tita, paano ko iisipin ang pag-ibig kung halos hindi ko na maibigay ang pang-araw-araw na pangangailangan ng mga kapatid ko."
"Kilala mo ba ako?"galit na ba siya sa akin. Napayuko ako.
"Hi-hindi po."nag-aalinlangan kong sagot.
"Margareth Villamor."
"Villamor?"napaangat ako ng ulo.
"Yes, kasama sa top ten elites ng buong pilipinas."lumaki ang pareho kong mata dahil sa pagkabigla ko.
"Jusko, sorry po Ma'am."
"Now, gusto mo parin bang magpakasal sa anak ko?"
"Hindi po, sorry po."tumaas ang kilay niya. Lumunok ako.
"Kilala mo ba si Blair?"
"Blair?Sino po yun?"walang ka-ide-ideya kong tanong.
"Blair Villamor, ang bunso kong anak."deretso ang titig niya sa akin..
"Pasensya na po talaga, hindi ko po siya kilala eh."pinipiga ko yung mga daliri ko sa kanang kamay ko gamit ang kaliwang kamay ko..
"Hindi mo siya kilala?"gulat ang rumehistro sa maaliwalas na mukha n Ma'am Margareth.
"Pasensya na po talaga."nagpakawala siya ng malalim na hininga at tumingin ang mga malamyos niyang mata sa akin.
"Ganun mo ikinulong ang sarili mo sa mundo ng kahirapan."
"Po?"kinuha niya ang isang kamay ko at hinaplos ito.
"Please Iha. Alam kong magiging makasarili ako pero pwede bang pakasalan mo ang anak ko."lumaki ulit ang mga mata ko.
Anong nangyayari?
"Ano po?"hindi ako makapaniwala sa mga salita na lumabas sa kanyang mapupulang labi na kaaya-aya paring tignan.
"Gagawin ko ang lahat kahit anong gusto mo. Ibibigay ko lahat ng luho mo."
"Eh para niyo na rin po akong ginawang sosyalerang palaka."nagawa ko pa ring maisagot kahit gulat na gulat parin ako.
"Ayaw mo ba iha na ikasal sa anak ko? Gwapo ang anak ko at may matipunong pangangatawan. Wait."kinuha niya 'yung cellphone niya at kinalikot tapos ipinakita niya ito sa akin.
"Siya ang anak ko."pinasadahan naman ng mga mata ko ang litrato.
"Ayaw mo?"
"Sorry po Tita, pero mukha pa lang po, playboy na."nakangiwi kong sagot.
"Ayaw mo talaga?"
Tumingin ako kay Tita tapos sa litrato ng anak niya hanggang sa nakapag-desisyon narin ako.
"Pumapayag po ako. Tatanggi pa ba ako Tita." ngumiti siya at pumalakpak. Iyong mga ibang customer, tumingin na sa mesa namin. Kinuha naman niya 'yung sunglass niya at isinuot ito.
"Baka, mamukhaan nila ako."ngumiti ako at tumawa. Natigil lang noong naramdaman kong hindi na siya kumikibo.
"Sorry, Tita. I'm just amused by your personality."
"So do I, Kennedy. Gusto talaga kitang maging manugang."nahihiya naman akong ngumiti sa kanya.
"Hindi po ba kayo nababahala, wala pa naman po kayong alam tungkol sa akin."
"Well iha, I want to know your personal background. About your family, but I think it's not your style. And it's not also my style to become dramatic. Marami ng nagdadrama sa mundong ito, huwag na tayong dumagdag."tumawa naman ako.
"Sang-ayon ako sayo, Tita."
"Please, call me Mama. I'm waiting to hear from you, my future daughter-in-law." nagulat ako sa sobrang bilis ng pangyayari pero ngumiti ako at tumango.
"Saan pala ang bahay niyo? Ihahatid ka na namin."
Pagkarating namin sa itim na sasakyan, sinabi ko na kung saang kalye ang bahay namin.
Pinahinto ni Tita ang sasakyan, tatlong metro ang layo papasok sa kalye namin tapos huminto rin ang nakasunod na kotse. Nakasakay dito ang mga body guard ni Tita. Wala naman sigurong masama kung tatawagin ko na siyang Tita.
"Dito na kita ibababa, ok lang ba sayo na maglakad papasok sa kalye niyo. Kung ipapa-pasok ko itong kotse, siguradong pag-uusapan ka nila at iba't-ibang version na naman ang lalabas sa mga grupo ng mga chismosa diyan sa inyo."tumango ako, may binigay naman siyang sobre sa akin.
"Tita."nag-aalinlangan kong tawag sa kanya.
"I know, you need money right now."nahihiya akong tumingin sa kanya. Labis na ang natatanggap ko mula sa kanya kaya-
Kinuha niya ang kamay ko at nilagay ang sobre dito.
"Salamat po."nakatingin siya sa akin habang lumalaki ang mga mata niya.
"Salamat po..Mama."
"That's even better."nakangiti siya na parang nanalo ng lotto. No joke.
"Ummm..pano po pala yung anak niyo...Ma...mama?"
"Don't worry darling, I'll take care of him. Tatawagan na lang kita kung ok na yung lilipatan niyong bahay."naguguluhan ako sa sinabi niya.
"Siyempre, kailangan niyo ng lumipat ng mas malapit sa amin."tumango naman ako.
"Sige po, salamat po ulit."
Lumabas na ako ng sasakyan at naglakad papunta sa kalye namin.
Nagpakawala ako ng malalim na malalim na hininga. Nasapo ko ang dibdib ko. Tama ba itong ginagawa ko? Jusko, hindi ko na alam pero wala na akong alam na solusyon. Giginhawa ang buhay ng mga kapatid ko. Mapapag-aral ko sila sa gusto nilang kurso.
At gwapo naman ang mapapangasawa ko, sobrang gwapo. Makalaglag puso pero sa litrato niyang 'yun, pakiramdam ko mahilig siya sa larong kama. Mabilis kong ipinilig ang ulo ko. Ang advance ko narin mag-isip.
Pagdating ko, nasa harapan ng bahay ang tatlong kong kapatid at si Aling Tonyang. Kinakausap ang mga kapatid ko pero tiyak kong, sinisigawan niya ang mga kapatid ko.
Kaya tama lang ang naging desisyon ko.
"Aling Tonyang. "tumingin siya sa akin.
"Oh Kennedy. Nasaan na ang renta niyo."binuksan ko ang bag ko at kumuha sa sobre ng sampung libo.
"Eto po."nagtataka ang mga tingin sa akin ni Aling Tonyang at alam kong pati rin ang mga kapatid ko. Kinuha naman agad ni Aling Tonyang ang sampung libo at binilang ito tapos inilagay sa mahaba niya pitaka.
"Salamat po Aling Tonyang sa pagpapatira niyo sa amin dito at sa mahaba niyong pasensya kung hindi kami nakakapagbayad. Kaya po napagpasyahan ko pong umalis na lang po kami dito sa bahay niyo."tiningnan ako ni Aling Tonyang at tumango.
"Ikaw ang bahala, ineng. Isabit mo na lang sa likod ng pintuan ang duplicate key."tumalikod na si Aling Tonyang at umalis.
"Ate, saan ka kumuha ng ganung kalaking pera?"tanong sa akin ni Kevin. Ganito ang kapatid ko, papalimigin niya lang ang ulo niya tapos ok na lahat parang walang nangyari sagutan sa pagitan namin.
"Pasok muna tayo."sunud-sunod naman silang pumasok sa loob ng bahay, sumunod ako at isinara ang pintuan.
"Ate, saan mo kinuha ang pera?"pag uulit na tanong ni Kevin.
Paano ko ipapaliwanag ito sa mga kapatid lalo na kay Kevin. Alam kong hindi siya papayag.
"Upo muna tayo."umupo naman sila, kasunod ako.
"Ate, saan mo kinuha ang pera?"
"Hinga muna ng malalim."
"Ate!!"sabay-sabay nilang sigaw sa akin.
"Ok-ok. Hihinga muna ako ng malalim."huminga ako ng malalim at agad ko rin itong pinakawalan. Pumikit ako.
"Ikakasal na ako."