Chapter 1

1288 Words
Kennedy "Ilang buwan na kayong hindi nakakabayad!!"napapikit ako sa lakas ng boses ni Aling Tonyang kasama pa ang pagtalsik ng mabaho niyang laway sa mukha ko. Liningon ko yung mga kapatid ko sa loob ng inuupahan namin, ngumiti ako sa kanila at isinara ang pinto. "Aling Tonyang, pasensya na po talaga. Gagawa po ako ng paraan para mabayaran ko kayo ngayong araw."nagmamakaawa kong sabi. "Parating ganyan ang sinasabi mo Kennedy pero hanggang ngayon hindi mo parin ako nababayaran!"pagalit na sagot sa akin ni Aling Tonyang. Tinititigan niya ako at bumuntong hininga siya. "Ineng, alam kong napakahirap ng kalagayan niyo ngayon. Wala na kayong magulang, pinalayas kayo ng mga kamag-anak niyo pero katulad niyo mahirap rin ang kalagayan namin. " "Sana maintindihan mo."tumigil muna si Aling Tonyang tapos nagsalita ulit. "Kung hindi mo pa mababayaran ang renta niyo ngayong araw, mas mabuting umalis na kayo dito sa bahay na ito."umalis na si Aling Tonyang sa harapan ng inuupahan naming bahay habang tulal parin akong nakatayo parin sa labas ng pintuan namin. "Kilos-kilos! Kennedy!"pumasok na ako sa loob,nagulat ako dahil nadatnan kong nag-eempake na ang mga kapatid ko. "Hala...Anong ginagawa niyo? Hindi ba kayo papasok?" "Seryoso ate. Sasabihin mo yan sa amin. Mapapalayas na nga tayo, may gana pa kaming pumasok."sagot ng kapatid kong lalake na si Kevin. Second year college na siya at education ang kurso niya. "Hinde-hinde. Gagawa ako ng paraan."wika ko at ngumiti ako sa kanila. "Tama na, Ate. Titigil muna ako sa pag-aaral para matulungan kita." sagot ulit ni Kevin. "No!"pasigaw na sagot ko sa kanya. Tinignan ko ang dalawa kong kapatid na umupo sa sofa maliban kay Kevin. "Ate!Ayoko na, pagod na ako."linagpasan niya ako at padabog na sinara ang pinto ng bahay. Tinignan ko ang dalawa ko pang kapatid. Graduating narin sa high school si Kent habang ang bunso namin na babae na si Kate, graduating naman ng elementary. Hangga't maaari gusto ko silang makapagtapos ng pag-aaral dahil mahirap maghanap ng trabaho ngayon. Ako nga na nakatuntong ng second year college, nahihirapan parin na makahanap ng trabaho na may mataas na sweldo. "Hindi rin ba kayo papasok?"nagpalitan ng tingin ang dalawa kong kapatid pero hindi sila sumagot. "Sige, huwag muna kayong pumasok. Nagluto na ako ng pananghalian natin, mauna na lang kayong kumain at wag niyo na akong hintayin."saad ko at lumabas na ako sa bahay. Naglakad na ako palabas sa kalye namin pero ang totoo niyan hindi ko alam kung saan ako pupunta. Hindi ko alam kung sinong tao ang pwedeng magpahiram ng pera sa akin ngayon. "Umagang-umaga, namomoblema ka."lumingon ako at tipid naman akong ngumiti kay Tony. Siya ang bago kong kaibigan sa lugar na ito, apat na taon narin kami dito. Tumigil ako sa paglalakad at hinarap na siya. "Ikaw kaya, yung masigawan sa harap ng maraming tao at ang aga-aga pa."pabalang na sagot ko. "Si Aling Tonyang na naman ba ang sumira ng umaga mo?" "Sino pa ba."bumuntong hininga ako. "Pero kasalanan ko naman talaga, delay na naman ang pagbabayad ko sa renta.” Lumapit naman siya sa akin at may inaabot siyang tatlong libong pera sa akin. "Ano ‘yan?" "Bayaran mo na lang kung may pera ka na. Tatanggapin ‘yan ni Aling Tonyang, dadagdagan mo sa susunod na araw ang sabihin mo." "Tony, huwag na. Alam kong pang- tuition mo ‘yan." "Ok lang."sabi niya na may pag-iintindi pa sa kanyang mga mata. "Anong ok lang, ikaw narin ang nagsabing ilang taon ka ng nasa kolehiyo, pero ‘di ka parin nakakapagtapos." "Sige na, tanggapin mo na. Marami naman akong ipon kaya hiramin muna."kinuha niya ang palad ko at linagay ang pera dito- Napa-igik ako ng biglang may sumabunut sa akin. “H*y*p kang babae ka!! Sinasabi ko na nga ba, hinuhuthutan mo ang anak ko!!" "Teka lang po. Ano pong sinasabi niyo--"pilit kong pinipigilan si Aling Senyang kahit ang sakit ng kanyang mga kuko sa buhok ko. "Nay!Bitiwan niyo si Kennedy!"hinatak ni Tony ang nanay niya. At naramdaman ko ng pinagtitinginan na kami ng mga taong nasa kalye. "Pinagtatanggol mo pa ang babaeng yan. Bakit? Naikama mo na ba siya? Masyado ka niya bang pinasarap sa kama."napatigil ako sa sinabi ni Aling Senyang. Talagang ginigising niya ang masama kong ugali. "Teka lang naman po, Aling Senyang. Grabe naman po kayo." "Bakit hindi ba totoo?! Nabubuhay pa ba kayo ng mga kapatid mo ngayon kung hindi ka nagpapakama sa mga lalake!?" "Nay! Tama Na! Naaawa lang ako sa kanya kaya ko siya papahiramin sana ng pera. Tsaka babayaran niya rin!" Naawa? Alam kong hindi yun sinasadyang sabihin ni Tony pero alam kong ‘yun naman talaga ang totoo niyang dahilan. "Huwag ka ng magsinungaling Tony! Alam ko ang likaw ng bituka ng babaeng  ‘yan, Maharot!” Tinignan ko si Tony, pasensya na pero ‘di na ako makapagpigil. "Mawalang galang po Aling Senyang pero pinagtatrabahuan ko ang pinapakain ko sa mga kapatid ko. Ayus-ayusin niyo po sana ‘yang mga salitang lumalabas sa bibig niyo. At huwag niyo po sanang paabutin sa puntong mawalan na ako ng respeto sa inyo." Tumingin ulit ako kay Tony. "Mauuna na ako." Linagpasan ko na sila pero humarap rin ako. "Mas kailangan yata ng nanay mo ‘yang tatlong libo mo, Tony. Mukhang hindi siya nakabili ng gamot para sa bunganga niyang putak ng putak wala namang basehan.”wika ko. Kennedy, bakit ba naging teleserye ang buhay mo? Teleserye na walang katapusan ang problema. Sa buong araw, linapitan ko na lahat ng kakilala ko na pwedeng paghiraman pero gipit din daw sila sa pera. Ano pa bang aasahan ko, sa hirap ng buhay ngayon. "Saan ba ako pwedeng humiram ng pera ngayon. Jusko."napayuko ako. "May problema ka na naman ba iha."umangat ang ulo ko. 6 months ago. Patakbo akong nagtungo sa operating room ng hospital. "Ate." "Anong nangyare?"tanong ko sa kapatid kong si Kent. "Namimilipit ‘yung tiyan ni Kate kanina Ate, kaya itinakbo na namin siya dito sa hospital." "Appendicitis." tinignan ko ang kapatid kong si Kevin. "Kailangan siyang maoperahan, Ate."pagpapatuloy ni Kevin. Gusto ko ng umiyak sa nararanasan ng kapatid ko ngayon pero kailangan kong magpakatatag dahil ako ang panganay sa aming apat. "Saan tayo kukuha ng pera niyan." "Ako na ang magbabayad para sa operation ng kapatid niyo."napalingon ako sa babaeng nagsalita. Sa hitsura niya, mukhang nasa fifties na pero napakaganda niya parin. Hindi ako makapagsalita, dapat ko bang paniwalaan? Dapat ko bang tanggapin? "Sino ang pamilya ng pasyente?"napalingon ako, ‘yung doctor na kakalabas niya lang sa OR. "Kami po, kapatid niya po kami."agad akong lumapit sa doctor. "Nasaan ang magulang niyo?" walang sumagot sa amin. "Ako, mommy nila ako." napatingin ulit ako sa matandang babae. "So, please proceed to my child's operation." hindi sumagot ang doctor bagkus bumalik siya sa loob ng OR. "Salamat po."ngumiti naman siya. At yinaya pa niya kaming kumain sa isang restaurant. Nahihiya man kami, sumama na lang kaming magkakapatid. Accepting an invitation from someone who has helped you is a gesture of gratitude, ika nga. "Anong pangalan mo, iha?" nakangiting tanong niya sa akin. "Kennedy, po. Mga kapatid ko po, si Kevin at  si Kent po." tumango siya, pero ang ngiti niya kanina ay napalitan ng seryosong titig. "Kung gusto mong mailigtas ang buhay mo sa loob ng hospital, huwag mong ipapahalata na mahirap ka. That's how things work in real life." pagkasabi niya ng mga katagang ito, bumalik ulit ang mga ngiti niya sa mga mata niya. May ipinatong siyang sobre sa lamesa. "Gamitin niyo ito sa bills niyo sa hospital."tinignan ko siya. "Sige na, Kennedy, tanggapin muna." Tinanggap ko na lang ito dahil wala naman talaga kaming pagkukuhanan ng pera ngayon. "Salamat po "ngumiti siya. "Mauuna na ako iha, mag-ingat kayo. Kaawaan sana kayo ng diyos."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD