Chapter 3

1210 Words
Kennedy "Ikakasal na ako."wala akong narinig na kahit na anong reaction o gumalaw man sa mga kapatid ko. Nagmulat ako, nakatingin sila sa akin na para akong nagbibiro. "No Joke, seryoso ako. Ikakasal na ako." "Huwag mo kaming pinagloloko Kennedy." nakatingin ng seryoso sa aken si Kevin. Ngumiwi naman ako dahil ganito ito  kapag galit,parang siya ang panganay. "Natanggap ko na ang pera." "Ibalik mo!"pasigaw na sabi sa akin ni Kevin. "Sa tingin mo Kevin, mababawi ko pa ang naging deal namin." "Sino 'yung kina-deal mo ate?"kami lang ni Kevin ang nag-uusap. Hindi talaga nakikisali ang dalawa naming kapatid. Respetuhin ang nakakatanda, ika nga. "Margareth Villamor." "Villamor!"sabay-sabay na naman ang pagsigaw nila sa akin. "Hindi niyo rin kilala?" tanong ko. "Anong hindi kilala! Napakayaman--"tinakpan ko ang bunganga ni Kate. "Sssshhhh..."saway ko kay Kate. "Hindi ako papayag." seryosong pahiwatig ni Kevin. "Kuya, may plano ka ba?"tanong ni Kent, na parang sinusubok niya si Kevin. "Ate, naman kasi, bat ka nagpadalus-dalos ng desisyon." pagpipigil ni Kevin na sumigaw. Kaya kong kausapin si Tita Margareth pero nakapagdesisyon na ako. Ito ang makakabuti sa mga kapatid ko. "Pareho ng nakapag asawa ang panganay at ang ikalawang anak ng mga Villamor. Ibig sabihin nito, si Blair Villamor ang mapapangasawa mo, ate?"tanong ni Kent. "Oo, parang ganun na nga."sagot ko. "Ate, nanaginip ka na--"sagot sa akin ni Kate. "Totoo ang sinasabi ko." "Blair Villamor, a playboy."napangiwi ulit ako sa sinabi ni Kevin. "Don't worry hindi ako basta-basta magpapahulog. Hindi ako mahuhulog." huminga ng malalim si Kevin. Ngumiti ako sa kanya upang pagaanin ang loob niya. "Ewan ko."sagot ni Kevin sa akin. Nag-iwas siya ng tingin. Bumalik ang tingin niya rin sa akin tsaka siya bumuntong-hininga. Senyales na ipinapaubaya na niya sa akin ang desisyon. Blair "Sir, dumating na po ang mommy niyo." tumayo ako sa pagkaka-upo ko sa single sofa na nasa sala at kinuha ang bouquet sa mini table. Naglakad ako at pumwesto sa harapan ng pintuan ng bahay namin. And I plastered my boyish grin. Lumaki ang mata ni mommy nang makita ako at bumaba ang tingin niya sa bulaklak na hawak ko. "Oh, mukhang nag-iba ang hangin ngayong araw. Napadalaw ka anak?"inabot ko kay Mom ang bouquet. "Mom, san ka nanggaling at ginabi ka?"pag-iiba ko sa usapan. "It’s quite important. I visited two people, a b***h and an angel." "Really?sino?kilala ko?" Naglakad si mommy papunta sa mahabang sofa sa sala at umupo dito. Binigay ko naman sa kanya ang nakahanda ng isang baso ng tubig. "Bakit ka pala nandito?"tanggap niya pero hindi niya pinansin ang tanong ko. At sigurado akong nakarating na sa kanya ang balita. "May I guess, marami na namang reporters sa harap ng condo mo." "It's only a rumor."depensa ko. "Wow, you and that girl making out like mad dogs in a video and you call it a rumor?"tumaas ang kaliwang kilay ni mommy. "Ang daming babaeng nasa paligid 'yung pang kilalang babae ang natipuhan mo."pagpapatuloy ni mommy. Napapikit ako, not again. "Makinig ka sakin Blair."banta ni mommy sakin kaya dumilat rin ako. "She was the one who approached me, Mom." "At kinagat mo naman." "It's a big fish, I couldn't ignore it." "Right, it's a big fish then marry her." "No way."mariin kong saad. Kasal?No thanks! "She was the second person I visited, the b***h one."napa-upo naman ako sa tabi ni mommy. "Hawak niyo siya?saan?at pupuntahan ko." "She demands a marriage. She will ruin you if you do not agree." I smirk.  "Hindi ako natatakot." "No, I will make you marry her."napatayo na ako. "Mom!" "Tapos na ang laro Blair Villamor." "Papayag kayo na ikakasal ko siya!?" "Then what do you want?" "Mom, you know that I hate marriage."mahinahon ko ng sagot. "Sorry, but I am not informed son." "So, gusto niyong maging daughter in law ang babaeng yun?"I ask Mom with disbelief in my eyes. "Absolutely not. As a reason, the first person I'd visited is the one you'll marry."napatigil ako sa sinabi ni mommy. "No." "Yes, anak." "No."matigas ko paring tutol. "The decision is yours. Marry your fling or a decent woman."tumayo na si mommy. "You're taking advantage of my situation." "Definitely, son. I love it, its opportunity for me para matuwid ang baluktot mong prinsipyo." "You're controlling my life."pangongonsensya ko pa. "No son. I am helping you. Huwag mo ng hintayin ang daddy mo na kaladkarin ka sa harap ng altar." "Mom!masyado na akong malaki para pangunahin niyo ang buhay ko. I am thirty-two, now!" Humarap sa akin si mommy pero nanindig parin ako sa harapan niya. "Sa bibig mo narin lumabas,malaki ka na. Alam mo kung anong makakabuti sayo anak."pagkatapos sabihin ito ni mommy, tumalikod na siya. Nahilamos ko ang kamay ko sa mukha ko. F*ck! Kennedy "Guys."tumigil ang mga kapatid ko sa pagnguya ng kanilang kinakain, kasalukuyan kase kaming kumakain ng hapunan. "Bakit, ate?"tanong sakin ni Kent. "Ah, wala. Pagkatapos nalang natin kumain."agad ko ring bawi. "Sabihin mo na,  ate."matabang na sabi ni Kevin saken sabay tingin saken. "Nakatanggap ako ng text kay Mama--I mean Tita Margareth."binawi ko, 'yung tingin nila parang pinagkakamalan nila akong assumera. Walang umimik sa kanila. "Ready na daw ang bahay na lilipatan natin." Nag-apir pa sina Kent at Kate kaya nakatanggap sila ng masamang tingin mula kay Kevin. "Lilipatan namin."baling na sa akin ni Kevin. "Don't expect ate na kasama ka namin sa iisang bubong, malamang sa mansyon ka nila titira."napatigil ako pero agad ko ring pinalitan ng ngiti. "Alam ko." "Tapusin na ang pagkain para makapag-empake na tayo. Ngayon na rin tayo aalis para hindi tayo mapag-usapan."pag-iiba ko sa usapan. Pagkatapos ng hapunan kanya-kanya na kaming kuha ng mga maleta namin at nag-impake ng mga damit namin. Ako na ang nagligpit ng mga gamit sa kusina. Wala kaming kahit na anong furniture o kahit T.V. man lang kaya madali naming naayos ang buong bahay. "Na-empake na ba natin lahat?" "Oo, ate."sagot ni Kent. "Good."tumunog ang cellphone ko. Tinignan ko ito at nakita kong si Tita ang nagtext. "Nandun na daw sila sa labasan."saad ko sa mga kapatid ko habang nireplyan ko si Tita. "Let's go."bumuntong hininga si Kevin sa akin. "Kevin, wala ng atrasan. Nakapagdesisyon na tayo."tinignan ko siya ng deretso at iniwas niya lang ang kanyang tingin. Nagbuhat na kami ng mga gamit namin at inilabas. Nagpatay na rin kami ng mga ilaw at isinabit ko yung susi sa likod ng pintuan. Lumingon ako sa madilim na salas ng bahay. Saksi ang bahay na ito sa hirap na naranasan namin. Tuluyan ko ng isinara ang pinto at naglakad papalayo sa kalye. Nasa labasan na kami ng may sumagi sa isip ko. Si Tony, lumingon ako sa kalye. Nakalimutan kong sabihin sa kanya. Salamat Tony, sa konting panahon naging kaibigan kita. Salamat at paalam kaibigan. "Iha."humarap na ako. Ngumiti naman ako kay Tita Margareth nang makita ko siya "Pasok na kayo sa kotse, mag-usap na lang tayo sa bago niyong bahay." Linagay na namin ang mga gamit namin sa compartment. Sa isang sasakyan sumakay si Kevin at Kent habang kami ni Kate, sumakay kami sa kotse kung saan nakasakay si Tita Margareth. Dalawang oras ang biyahe namin papunta sa bagong bahay namin. Hanggang sa nakarating kami sa isang magandang bahay. Pero nalula ako sa laki at taas nito. Ito ang magiging bahay ng mga kapatid ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD