Chapter 4

1284 Words
Kennedy "I am an amazing person, right Kennedy?" "Sobra po." lumabas na kami at nagbaba kami ng mga gamit namin. "Hayaan niyo na lang na ang mga katulong ang magpasok ng mga gamit niyo." "Naku, ok lang po-"may limang katulong na lumabas at tumulong sa pagbuhat kaya sa huli sila rin ang nagbuhat papasok sa bahay. "Ang ganda ng bahay, Ate."bulong sa aken ni Kate. Ngumiti lang naman ako sa kanya. Pumasok na kami sa loob ng bahay at bumungad ang malaking salas, modern style ang mga sofa, kahit ang mga furniture at tv set. Tumingin siya sa tatlong kapatid ko. "Ah..Ti--Mama."nakatingin sakin ang tatlo, pero wala akong magagawa dahil magiging mother-in-law ko na siya at ito ang hiling niya sa akin. "Naaalala niyo pa po ba si Kevin po, pangalawa ko pong kapatid."tinignan ko si Kevin.  "Siyempre."sagot naman ni Mama. "Nice to meet you again, Ma'am."ngumiti si Tita Margareth. "Gwapo parin"komento ni Tita sa kanya, napakamot naman si Kevin sa batok niya. "At nakita niyo na rin po si Kent, pangatlo kong kapatid."sabay tingin kay Kent. "Pilyo parin." "Pilyong-gwapo, Tita."pinanlakihan ko ng mata si Kent pero ngumiti lang siya kay Tita Margareth. "At ang bunso naming kapatid, Si Kate po." "Ah, siya 'yung nasa operating room noon. Manang-mana ka sa Ate mo."tumango ako at ngumiti naman si Kate. "Salamat po." "Ok!"napatingin kami agad kay Tita. "Kevin, Kent, and Kate, sa mansyon kayo titira."nagkatinginan ang tatlo kong  kapatid. Tahimik lang naman ako sa tabi. Kung hindi dito ang mga kapatid, ibig sabihin- "Sila ang magsisilbi sa inyong tatlo, sasama sila sa inyo kapag pupunta na kayo sa mansyon "sabi ni Mama sabay tingin sa mga katulong. "Hello po sa inyo."bati ni Kate sa mga katulong, ngumiti naman sila Kent at Kevin sa kanila. "Ummm...Mama. Kung hindi para sa mga kapatid ko ang bahay na ito,para kanino po?"maingat kong tanong. "Para sa inyo ni Blair."umawang ang bibig ko. Kami ni Blair dito? At wala kaming kasamang iba? Masyado naman yatang mabilis- "Ok, next!"bumaling ulit ang tingin ko kay Tita. "Akyat tayo sa second floor." umakyat naman kami sa taas. May apat na kwarto dito. "Kennedy, ito ang mga kwarto ng future kids niyo ni Blair."umusok yata ang dalawang tenga ko sa narinig ko. Hindi naman kumikibo ang tatlong kapatid ko. May living room ulit dito sa second floor at katulad sa baba, modern rin ang design. Walang sofa pero naka-carpet may mga pillow tapos may piano sa gilid. For family talaga, at imposibleng gagamitin naman ito ni Blair.  "Ang ganda, sobra."natatawa ako kasi parang lumiliwanag ang mukha ng mga kapatid ko. "Oh don't worry Kate, mas maganda ang mansyon natin."wika naman ni Mama sa kanila. "Talaga Tita, may ganitong kwarto din sa mansyon?"nakasilip si Kent sa pinto ng isang kwarto. "Oo, mas engrande pa diyan."natatawang sagot ni Mama kay Kent. Pagkatapos naming maglibot sa second floor, bumaba na kami sa salas at nagmeryenda. "So, anong kurso ang kinukuha mo Kevin?" ang boses ni Tita ang bumasag sa katahimikan. Tumigil si Kevin at tumingin kay Mama. "Education, Tita."sagot ni Kevin kay Mama. Uminom naman ako ng juice habang tinitignan ko sila. "So you'd like to be a role model for society?"nakangiting sagot ni Mama. Huminga ako ng malalim bago ako nakisali sa kanilang usapan. "Actually Mama, hindi education ang gustong kunin na kurso ni Kevin."pigil-hininga kong sabi. "Ate."ngumiti lang ako kay Kevin nang bumaling siya sa akin. "So, ano ang gusto mo talagang kuning kurso?"napakamot si Kevin sa batok niya. "Business Management po."nahihiyang sagot ni Kevin kay Mama. Walang business management sa kolehiyong malapit sa inuupahan namin kaya education ang kinuha niya at dahil ito ang hindi ko natapos noon. "Kung gusto mo, mag shift ka at kunin mo ang gusto mong kurso."ramdam ko sa boses ni Mama na pinupursige niyang kunin talaga ni Kevin ang Business Management. Ngayon, gusto kong abutin niya ang sarili niyang pangarap. At iyon na rin ang gusto ko. "Ako ang magpapa-aral sayo. Don't worry, I'll continue to support your education, not because your sister will become my daughter-in-law, but because I just want to help you in achieving your dreams."ngumiti si Kevin. "Thank you, Tita. I will not disappoint you." "I trust you. Pumili ka na ng eskwelahang papasukan mon at ako na ang bahala sa lahat." "Opo, Tita."seryosong sagot ni Kevin, tumango si Mama at ngumiti. "Maalala ko pala, ano ang surname niyo? Mga pangalan niyo pa lang ang alam ko."nagkatinginan kami ng mga kapatid ko. Napatigil ako at napalunok. Bakit 'di ko naisip na malalaman pala ni Mama ang last name namin. "Lacuesta, Mama."napatigil siya, uminom siya ng tubig pagkatapos tinignan niya ako. "Lacuesta."wala akong makitang kahit na anong reaksyon sa mukha niya at hindi ko rin alam kung anong iniisip niya. Napakagat ako sa labi ko. "We will held the wedding as soon as possible."napatingin ako kay Mama. Seryoso siya? I mean, nalaman niya ang apilyido ko, isa akong Lacuesta. Kunsabagay, maraming Lacuesta kaya hindi niya maiisip na kabilang kami sa pamilyang 'yon. "Sige po, mama."ngumiti siya. "Kent and Kate, alam niyo naman siguro na kailangan niyo ring mag-transfer ng school."malumanay na wika ni Mama habang nakatingin siya sa dalawa kong kapatid. "Opo, Tita."sabay nilang sagot. "Ako na ang bahala sa school records niyo. Pumili na rin kayo ng eskwelahan na papasukan niyo. I think, may mga private schools na malapit sa mansyon."nagkatinginan sila Kent at Kate. Mukhang nakuha agad ni Mama ang tinginang 'yun. "Hindi kayo mag-aaral sa public school, malayo sa mansyon. Ang gusto malapit lang kayo sa amin."ngumiti ng napakatamis si Mama. "Ah!"napatingin kaming lahat kay Mama.  "Yung third floor! Kennedy, samahan mo ako."tumayo na si Mama at naglakad papunta sa hagdan, sumunod naman ako. "Bakit ko ba nakalimutan 'yun. Naku Margareth, makakalimutin ka talaga."sinasabi ito ni Mama sa kanyang sarili habang paakyat kami. Iisa lang ang kwartong nakita ko nang makarating kami sa third floor. Dumeretso si Mama sa harap ng nag-iisang pinto at binuksan ito, liningon niya ako at ngumiti. "Halika."naglakad naman ako papunta sa pintuan at agad na pumasok ako. Pagpasok ko, isinara na ni Mama ang pinto.  Sa tingin ko, master bedroom ito ng bahay ito. Ayos pa lang, halata na. King size bed ang nakalagay sa dulo ng kanang bahagi ng kwarto tapos malaking vanity table ang nasa harap ng kama. Tapos sa kaliwang bahagi, mini sala set tapos may dalawang kwarto sa gilid. Pinuntahan ko ito, bathroom ang unang kwarto. Sa isang pang kwarto, nakalagay ang wardrobe cabinets, may round table at mini couch sa  gitna nito. Lumabas na ako at nadatnan ko naman si Mama na naka-upo sa sofa. "Do you like it?"nakangiting tanong sa akin ni Mama. "O-opo."nahihiyang sagot ko kay Mama. "Maupo ka."sumunod naman ako. Umupo ako sa single sofa na katapat ng malaking sofa na inuupuan ni Mama. "Ito ang magiging kwarto nyo ng anak ko."hindi ako makasagot. "Alam mong hindi dito titira ang mga kapatid mo. Lilipat sila sa sa amin bago ang kasal niyo ni Blair."napayuko ako, hindi ko yatang mawalay sa mga kapatid ko. "Don't worry, kung gusto mo dumalaw ka sa mansyon every weekend. At dapat kasama mo ang asawa mo ."tumango ako, ayos na rin 'yun. Sabagay dahil sa hirap ng buhay namin, hindi naman kami masyadong nagkikita ng mga kapatid ko kahit nga weekend dahil sa mga part-time ko. Tuwing gabi lang talaga kami nagkikita. Matagal na katahimikan ang namayani sa aming dalawa ni Mama. Sumulyap ako kay Mama, nakatitig siya sa akin at diretso ang mga mata niya sa akin. Kinabahan naman ako. Bumuntong hininga naman si Mama. "Isa kang Lacuesta. Sabihin mo sa akin ang totoo, Kennedy. Ka-apelyido niyo lang ba ang mga Lacuesta o talagang nananalaytay sayo ang dugo ng mga makapangyarihang Lacuesta?"tanong ni Mama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD