Chapter 5

1667 Words
Kennedy "Wag kang magsisinungaling dahil malalaman ko rin ang totoo pero gusto kong marinig ang katotohanan sa mismong labi ng magiging asawa ng anak ko."napahigpit ang hawak ko sa pantalon kong suot. "Kabilang po kami sa mga Lacuesta na tinutukoy niyo, Mama."tinignan niya ako. "Kung ganun bakit kayo namumuhay ng ganito. Bakit kayo naghihirap kung mayaman ang angkan niyong magkakapatid?"hindi ako makasagot dahil hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag ang sitwasyon naming magkakapatid. "Anak sa labas?"umiling ako. "Nababasa ko naman sa mga dyaryo ang mga anak ni Johnny. At kung hindi kayo anak sa labas, huwag mong sabihing, anak ka ng namayapang anak ni Don Ramon." "Opo Ma, anak ako ni Ronne Lacuesta. Pagkatapos ng pagkamatay ng mga magulang namin, nagsimulang magbago ang buhay namin." "Hawak-hawak ng pangalawang pamilya ng lolo ko ang mansyon namin. Linason nila ang utak ni Lolo kaya sa huli pinalayas kami ni Lolo sa mansyon."tumingin ako kay Mama, hindi maipinta ang mukha niya sa gulat sa nalaman niya sa akin. "Hindi totoong anak ni Lolo si Uncle Johnny. Si Daddy lang po ang nag-iisa at legal na anak ni Lolo."  "Kung ganon, bakit hindi niyo nilaban ito?"mapait akong ngumiti.  "Wala pong nakakakilala sa amin kaya wala rin pong maniniwala. Ayaw po ni Daddy na magulo ang buhay naming magkakapatid kaya hindi po kami nagpapakita sa publiko noon. Baka raw po lagi kaming masusundan na kung sino-sino pong tao. Gusto po ng mga magulang namin na magkaroon kami ng normal na buhay at walang nakukuhang atensyon  mula po sa mga tao."mahaba kong pahayag, nagpakawala naman ng malalim na hininga si Mama. "Ngayon lang ako magtitiwala sa isang taong ilang beses ko pa lang nakita pero dahil ikaw si Kennedy na nakilala ko anim na buwan na ang nakakaraan, pagkakatiwalaan kita."ngumiti ako at bakas sa mata ko ang pagpapasalamat kay Mama. Napakabuti niya talaga. "Tutulungan kitang makuha ang nararapat para sa inyo. Kayamanan, mansyon at kumpanya ng Lacuesta pero it takes time dahil makapangyarihan ang humahawak sa pangalang Lacuesta. Hindi basta-bastang mababawi natin ang para sa inyo talaga." "Opo, naiintindihan ko po Mama."huminga ng malalim si Mama pero kitang-kita ko sa mga mata niya ang pangamba. "Ipinapangako ko pong hindi ko hihiwalayan ang anak niyo kahit ano pong mangyari."naglaho agad ang pangamba sa mga mata ni Mama at ngumiti na siya sa akin. "Aasahan ko yan, iha."tumango ako at ngumiti. "Mas mabuti siguro kung wag nating sabihin sa anak ko na kabilang ka sa mga Lacuesta."tinignan ko si Mama. "Basta pera ang pag-uusapan, magaling ang anak ko diyan. Tsaka gusto kong maging natural ang pagsasama nyo, hindi pilit." Bakit ba sobrang bait ng Ginang na ito? Hindi ko talaga hihiwalayan ang anak niya, ang swerte ko na magkakaroon ako ng ganitong mother in law. "Opo." "Pero babalaan na kita., sobrang bossy ang anak ko. Ayaw niyang nadidiktahan siya lalo na sa lovelife niya. That is why it's up to you, how will you handle it. I'll give you the privilege to do what you want to him." "Dito sa pamamahay nyo pwede mong gawin lahat. Pwede mong sagutin ang anak ko, pantay kayo sa loob ng bahay na ito, hindi mo kailangang sundin ang lahat ng gusto niya." Gumaan ang pakiramdam ko nang sinabi ni mama ang mga salitang ito. Hindi ko maikakaila na medyo natatakot ako para sa kasalang ito. Lalo na at hindi ko kilala si Blair Villamor. "After the next two days, be prepared. It will be the day of your wedding."pero bumangon ulit ang kaba sa dibdib ko nang marinig ko ito kay Mama. "Pupunta na lang ako ng maaga dito bukas, Kennedy."pagpapaalam ni Mama sa amin nang maihatid namin siya sa labas ng gate. "Opo Mama."humarap si Mama sa mga kapatid ko. "Bago kayo matulog, pumili na kayo ng eskwelahang papasukan niyo at ng makapasok na ulit kayo." "Opo, Tita."sabay-sabay nilang sagot, sumakay naman na si Mama sa kotse. "Mag-ingat po kayo."saad ko. Lumingon naman sa akin si Mama at ngumiti. "Good night, kids"sabay tingin sa mga kapatid ko.  "Good night po."sagot naman nila. "And good night my future daughter in law."ngumiti ako. "Good night po." Kumaway si Kate hanggang sa tuluyan ng makaalis ang kotse. "Pasok na tayo."wika ko, pumasok naman ang mga kapatid ko tsaka ako sumunod ako. "Saan kaya ang magandang private school na malapit sa mansyon nila Tita? Miss ko na rin ang mag-aral dito."agad na sabi ni Kent habang papasok kami sa  bahay. At ramdam kong may halong excitement sa boses niya. "Kuya, namiss?"tanong ni Kate kay Kent.  "Huh? Wala, sabi ko miss ko na ang mga classmate kong mga babae."binatukan ko si Kent. Sa private school kami nag-aaral noon bago namatay ang mga magulang ko, but Kate doesn't remember anything, she was still young that time. "Kahit kailan talaga Kent." "Kuya Kent, ano pala gagamitin natin sa paghahanap ng school? Wala naman tayong laptop." "Meron, nasa salas." "Talaga, yes!"pumasok agad sila sa bahay. Sumama rin si Kevin sa kanila. Habang nagpa-iwan ako sa labas dahil napansin ko ang hardin na natatakpan ng bermuda grass, may swing rin dito. Nawiwili ako sa scenery na ibinibigay nito lalo na at gabi. Umupo ako sa swing tsaka ako tumingala sa langit. Isang linggo naring tahimik ang gabi ko,  walang problema, walang iisipin, at hindi nababalot ng hiya dahil sa utang. "Ate, bakit 'di ka pa pumapasok?"lumingon ako kay Kevin. "Nagpapahangin."nag-squat siya sa bermuda grass. "Ate." "Hmmmm..." "Hindi ka ba naninibago?" "Ang alin?"tumingin ako kay Kevin na nakatingin na sa akin ngayon. Pero agad niya ring hinarap ang mga mata niya. "Ito. Noong nakaraang linggo, namomoblema tayo sa renta ng bahay." "Kevin, ganito na yata talaga ang buhay natin, full of surprises." "Ilang oras pa lang ang nakakaraan nang lumipat tayo sa bahay na ito pero pakiramdam ko katumbas na ng isang taon."malalim ang pagkakatitig ni Kevin sa rehas ng gate. "Ano ka ba, parang hindi mo naranasan tumira sa ganitong buhay."nakatingin ako sa kanya habang sinasabi ko ang mga salitang ito. Umismid siya. "Yun na nga ate, naranasan ko na ang ganitong buhay at natatakot ako na baka paggising ko isang umaga nahihirapan na ulit tayo. Namomoblema ka na naman ng pera."nabigla ako sa mga sinabi ni Kevin.   Ang bilis ng panahon, hindi ko namalayan na ganitong klaseng lalake lumaki ang kapatid ko. Lagi niyang iniisip ang mga paghihirap ko, kaya kahit nag-aaral siya, tumutulong parin siya sa akin sa pamamagitan ng pag part-time niya rin. "Wala namang problema, Kevin, kung babalik tayo sa ganoong pamumuhay. Nagiging masaya parin naman tayo kahit paminsan-minsan. Pero sa ngayon, magpasalamat na lang tayo sa kung anong meron tayo ngayon." "Pero tama ba itong ginagawa natin Ate? Para mong binebenta ang sarili mo at ayoko ito." "Kevin, hindi ko binebenta ang sarili ko. It's a chance."nagpakawala siya ng malalim na hininga. "This is also a chance for us to take back what's ours."bumaling sa akin si Kevin. "Mali man pero gagamitin ko ang pagkakataon na ito para hulihin ang pumatay sa magulang natin." Matagal na katahimikan ang bumalot sa amin. "Pero Ate, kapag sasaktan ka ng mapapangasawa mo, umalis ka agad. Tulad ng sinabi mo, ayos lang na bitawan ang buhay na ito. Kaya kong maging mahirap ulit." "Oo, 'yun talaga ang gagawin ko. Siyempre,hindi ko hahayaan na mangyari sakin yun." "Pero alam mo ate, hindi ko alam kung tama itong nararamdaman ko pero ang saya ko. No offense."tumawa ako. "Hindi dahil sa pera kundi dahil kay Tita, it feels like a love of a mother for me."nagulat ako sa sinabi niya, napatingin pa nga ako sa kanya. "Napakabuti niyang tao. Sa tuwing ngumingiti siya sa akin, para niyang hinahaplos ang puso ko. Anim na taon na ang nakakaraan mula nang naramdaman ko ang huling pagmamahal ng isang ina."pagpapatuloy ni Kevin, nakangiti siya at alam kong nanggagaling ito sa puso niya. "Kaya nga maswerte parin tayo dahil nakilala natin ang isang Margareth Villamor."nagpakawala ulit siya ng mabibigat na hininga. "Hindi ko na alam kung anong dapat maramdaman sa gabing ito."tumawa ako, ngayon ko lang nakitang magsalita ng ganito si Kevin. Mailap siya sa ganitong usapan, ang cute talaga ng kapatid ko.Tumingin siya sa akin. "Ate, paano kung darating ang panahon na pagsisihan mo ang naging desisyon mo ngayon?" "Pagsisisihan ko ang desisyon ko ngayon kung mahuhulog ako sa mapapangasawa ko. at hindi niya ito kayang suklian"tinignan niya ako ng deretso. Magiging mali ang desisyon ko ngayon kung mamahalin ko si Blair Villamor ng nasasaktan.   Blair "Mom, saan ka na naman nanggaling? Ilang araw ka ng alis ng alis sa bahay."bungad ko kay mommy pagpasok niya sa mansyon. Inalalayan ko siyang umupo sa sofa sa salas tapos kinuhanan ko siya ng maiinom na tubig.  "Oh, how sweet of you son. Gawin mo rin sana ito sa mapapangasawa mo."tanggap ni mommy sa baso. Nag-init naman ang ulo ko kaya umiwas ako ng tingin. "Mom, hindi ba pwedeng pag-usapan na lang natin ito." "Blair, gusto mo bang pabalikin ko ang babaeng hitad dito sa Pilipinas at ipakasal ka sa kanya."tinignan ko si mommy. "Nasa ibang bansa na ang babae, nilalasap ang mala-prinsesang buhay niya. Don't worry, malinis ako magtrabaho." "Mom, ok na pala, then hindi ko na kailangang--" "I told you, this is an opportunity for me son. Itatama ko ang baluktot na prinsipyo mo."tumayo na si mommy. "Mom!" "Blair Villamor, ang lakas ng loob mong pagtaasan ng boses ang mommy mo."mabilis akong humarap sa hagdan namin. "Dad, kailan pa po kayo bumalik?" "Importante pa ba 'yan."seryosong sagot sakin ni Dad. "I'm sorry, Mom."baling ko kaagad kay mommy, umismid lang naman siya sa akin. "So, you're getting married tomorrow. That's good news, son."nagtataka naman akong tumingin kay  mommy. "Oh sorry anak, nakalimutan kong sabihin sayo." "Please, Dad, don't make me marry an unknown woman."mas mabuting si Dad na lang ang kakausapin ko. "I don't like the idea, but it's better than to hear indecent news about you."hindi na ako umalma dahil kitang-kita kong desidido na ang mga magulang ko. Yeah! I'm lost for words. I'll be a married man, f*ck the idea!  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD