Chapter 6

1404 Words
Kennedy These past two days,  sobrang napaka busy. Naging abala ako sa pagpili ng wedding dress, at kung ano-ano pa para sa kasal tapos ang process pa ng transferee ng mga kapatid ko. Pero nagpapasalamat naman ako kasi nawawala ang kaba ko kapag iniisip ko na magiging asawa ko ang isang Blair Villamor. Pero parang lumipad lang ng isang iglap ang inipon kong lakas ng loob dahil kabadong-kabado parin ako ngayong mismong araw na ng kasal namin. Naiihi ako sa sobrang kaba. "Ate."lumingon ako sa pinto, ngumiti naman ako ng makita ko ang mga kapatid ko. "Ate, sobrang ganda mo sa wedding dress."nakangiting komento ni Kate. "Hindi kaya, ang sabihin mo maganda lang ang wedding dress, hindi 'yung nakasuot."sabi naman ni Kent. "Kent, itigil mo nga yan."banta ni Kevin kay Kent. Ngumiti lang si Kent. "Ang ganda mo ate."bawi rin niya sa akin. "Hay nako, 'di tatalab sakin 'yang pambobola mo Kent."sagot ko naman. "No joke, Ate. Ang ganda mo."sumilay ang boyish smile ni Kent. "Oo nga ate, siguradong maiinlove agad si kuya Blair sayo."sabi naman ni Kate. "Kaya lang mukhang may hindi masaya diyan sa tabi-tabi." pagpapatuloy ni Kate kaya tumingin na ako kay Kevin. "Ate, pwede--"pinutol ko si Kevin. "Kevin, naka-suot na ako ng wedding dress. Huwag mong sabihin na aatras pa ako."bumuntong hininga siya. May sumilip naman sa pinto kaya tumigil narin kami at humarap dito. "Bride, get ready."instruct sakin ng coordinator ng kasal. "Let's go."sabi ni Kevin. Sila ni Kent ang mag-eescort sakin papuntang altar. Maid of honor ko naman si Kate. She's too young to become a maid of honor, but this is my wedding. Ang sabi ni Mama, she will follow whatever I want for my wedding. Tumayo na ako at inalalayan naman nila ako. Humarap muna ako sa full-length mirror. Hindi revealing and wedding dress pero hapit na hapit siya sa katawan ko. Hindi ko na aalamin kung magkano ito baka mahimatay pa ako. It is made of lace with scattered flowers together with my veil, and my hair is just a messy bun with a few loose hair strands. Humugot ako ng malalim na hininga at agad ko rin itong pinakawalan. This is it Kennedy. Lumabas na ako sa suite ng isang hotel dahil dito nila ako inayusan. Sa mismong banquet hall ng hotel idadaos ang kasal namin kasama na dito ang reception. Actually, it is a night wedding and private. Cose family and friends lang ang imbitado. Walang dapat makaalam kung sino ako dahil baka malaman ng pangalawang pamilya ng lolo ko na ikakasal ako sa isang Villamor. Hindi nila dapat ito malaman. Piniga-piga ko na ang mga daliri ko ng makarating na kami sa harapan ng malaking pintuan ng banquet hall. Tatakasan na yata ako ng ulirat. The coordinator instructed me to look in front. Tinulungan naman nila akong ayusin ang posisyon at ang wedding dress ko. Jusko!gulay!prutas! Pwedeng tumakbo? Parang ayoko na. Ngayong nandito na ako parang hindi ko rin kaya. "Ready?"tanong sakin ng coordinator. "Ate."tawag sakin ni Kate. "Oh? Yes, I'm ready, ready."nagpakawala ako ng hangin. Nasa magkabilang gilid ko naman si Kevin at Kent habang nasa harapan ko naman si Kate. Kabang-kaba na ako ng unti-unting bumukas ang pinto. Ikinubli ko ang pagkagulat ko dahil nagawa nilang maging engrande ang buong banquet hall sa loob lamang ng dalawang araw. At sa inaasahan ko, konti lang ang nakadalo. "Ate, tumingin ka sa harapan."bulong sa akin ni Kent. "Oh? Sorry." Tumigil kami sa kalagitnaan ng aisle. Tinignan ko naman si Kevin, ngumiti siya sa akin. "It's time to open the new chapter of your life, Ate."nakangiting sabi sakin ni Kevin. "Good luck Ate, break a leg."si Kent ang nagsalita kaya tumawa ako kahit nanunubig na ang pareho kong mga mata. "We love you, Ate."rinig ko namang sabi ni Kate kaya unti-unting nalaglag ang mga luha ko. Bumitaw na ako sa pagkapit kina Kevin at Kent. At tinanggap ko ang bouquet na inabot sa akin ni Kate. Kaya ko ito. Nagsimula na akong maglakad mag-isa papunta sa harapan.Tumitig na rin ako sa lalakeng nasa altar. He is really dashing with his wedding suit. Habang papalapit ako sa altar, papalakas rin ang tambol ng puso ko, parang tatalbog na ang puso ko anumang oras dahil sa kaba. Lalo na at nakakatunaw ang titig ng mapapangasawa ko. Nakarating narin ako sa harap niya. He extends his hand to me, which I accept. Iginaya niya ako sa harap ng altar. Nakakaloka! First time naming magkita tapos ikakasal na kami. Na-alarma ako dahil bigla siyang bumulong saken. At napasinghap ako dahil sa boses niya pero nawala rin iyon nang napagtanto ko ang sinabi niya. "Regretting it?"tumingin ako sa kanya. "Not at all."ngumiti pa ako sa kanya, bumulong ulit siya sa akin. "You will regret it."his cold voice makes me shiver. Mali yata ang napasukan ko?  Tama man o Mali. There is no turning back. "Groom, do you consider your bride to be your wife, your heart's companion, and your best friend? To stand together in the face of hardship and to rejoice together in good fortune? Do you want to marry your bride and join your life with her with these words spoken and all those still unspoken?" "I do." napatingin ako sa kanya. Muntik ko ng iniwas ang mga mata ko dahil nakatingin pala siya sa akin. Pero dahil hindi ko talaga kaya, binalik ko ang mga mata ko sa harapan. "Bride, do you consider your groom to be your husband, your heart's companion, and your best friend? To stand together in the face of hardship and to rejoice together in good fortune? Do you want to marry your groom and join your life with her with these words spoken and all those still unspoken?" Sorry Father, but his side will be my danger zone. Takbo na kaya ako? Runaway bride? Paano ang mga kapatid ko? "Bride?"napatingin ako kay Father. "Yes, Father?"tinignan ako ng pari na parang nagdududa sa kinikilos ko. "Ah...I do...I DO."lumunok ako pagkatapos kong sabihin ito. Jusko, eto na talaga, wala na talaga, magiging asawa ko na itong nakakatakot na lalake.   Hindi ko na pinagtuunan ng pansin ang takbo ng kasal dahil pinapakiramdaman ko na lang ang lalakeng nasa tabi ko. Nakakatakot ang enerhiyang nararamdaman ko mula sa kanya. "I'm going to start calling you my wife. Well, I'm looking forward to the days ahead with you. Wife, I will not make promises, but I will do everything in my ability to make you happy, to make you laugh, and to make you cry with joy. I will make sure that every second of your life with me is one to remember." Gulay, kung normal lang siguro na kasal ito, tataba ang puso ko pero hindi kaya mas lalo lang akong kinabahan sa kanya. "Please accept this ring as a symbol of my---unending love for you, wife."lumaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Kinuha niya ang kamay ko at isinuot ang singsing. "Blair, as far as we know, we started this relationship for no good reason, with no love." Tinignan ako ni Father, ayoko sanang magsinungaling sa harap ng altar pero ngumiti na lang ako. "But, we love each other, now. I will also try my best to be a good and loving wife to you. Please accept this ring as a symbol of my love and commitment to you."isinuot ko na rin sa kanya ang isa pang singsing. "I now pronounce you husband and wife, you may kiss the bride." Napa-ubo ako sa sinabi ni Father. Dinaluhan naman ako ni Blair. "Wife, ok ka lang?"dumistansya ako sa kanya. "I'm ok." "Groom, you can now kiss the bride."pag-uulit ni Father sa sinabi niya kanina. "Wife, lapit."umiling ako. Pero nagbubulungan na ang mga relatives ni Blair. "Pwede mo naman akong halikan ng ganito, aknakahiya." "Wife, sorry, but I don't do smack kiss. Alam mo naman siguro iyon. Now, come here." napakagat ako sa labi at tinignan siya. Pero bigla-bigla niya na lang hinapit ang bewang ko kaya sobrang napalapit ako sa kanya. "You really want me to kiss you in a very passionate way." "Ano--"bago ako makapagprotesta, dumapo na ang mainit niyang labi sa akin. Bigla niyang kinagat ang ibabang labi ko. Then, his tongue made its way into my lips. Napahawak ako sa batok niya, dahil sa magkahalong gulat at kaba na nararamdaman ko ngayon. Narinig ko na lang ang hiyawan ng lahat. Nice show para sa mga bisita ng kasal namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD