Kennedy "So, dito tayo titira?" tanong agad ni Blair sa akin nang makababa na kami sa sasakyan niya. Hindi na rin ako naka-wedding gown, nagpalit na ako kanina sa hotel. "My mom really spoiled you, para ka ng nanalo ng lotto."mapang-uyam ang pagkakasabi niya.’ Hindi ko na lang siya pinansin, nauna na akong naglakad papasok sa bahay. Wala ng tao kasi lumipat na ang mga kapatid ko sa mansyon kasama ang mga katulong. Bumaling ako kay Blair at naalala ko ang sinabi ni Mama. Mula ngayon, hindi na ako makikialam. Kayo na ang bahala sa inyong dalawa. Nasa inyo kung anong gusto nyong mangyari sa inyong dalawa. As long as hindi madumihan ang pangalang Villamor, hindi ako makikialam. Pahabain mo sana ang pasensya mo sa anak ko, Kennedy. "Hindi mo ba ako tutulungang magbitbit ng mga gamit ko."