Cassandra’s POV “Ate, si Mr. Vanderberg?” Tanong ko sa isang katulong na naghahanda ng aking almusal. “Maagang umalis kaya hindi mo na siya naabutan.” Nakangiti nitong sagot sa akin. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko. Isang linggo na ang lumipas simula ng ginawa ko ang kalokohan na yon, at isang linggo na rin akong hindi kinakausap ni Mr. Vanderberg. Ramdam ko na sinasadya nito na umalis ng maaga at umuwi ng late upang iwasan ako. Ngayon ako nakakaramdam ng lungkot at labis na pagsisisi sa mga kalokohang ginawa ko. Sa totoo lang ay sobrang namimiss ko na ito, hindi ko na namalayan na lumuluha na pala ako kaya pinunasan ko ang aking pisngi gamit ang likod ng palad ko. Wala akong pakialam kung nakikita man ng mga katulong ang aking pag-iyak at hindi rin ako naglakas