Cassandra’s POV “Congratulations, Iha!” Bati sa akin ni Mommy. “Thank you Mom!” Masaya kong sagot, bago tinanggap ang regalong inabot nito sa akin. Kumpleto kaming lahat para I celebrate ang katatapos lang na graduation. Graduated na ako ng high school at sa next pasukan ay first year college na ako. Nakangiting niyakap ako ni Ate at tulad ni Mommy ay may regalo din ito sa akin, pagkatapos kong tanggapin iyon ay kaagad ko namang ipinasa kay Mr. Vanderberg ang regalo dahil nakatayo lang ito sa aking tabi. Siya kasi ang taga hawak ng mga regalo ko kaya mukha tuloy itong alalay ko. “Hoy, Cassandra! Sino iyang kasama mo? Grabe ang gwapo!” Kinikilig na tanong sa akin ng kaklase ko, maging ang mga kasama nito ay halatang may gusto kay Mr. Vanderberg. “Bodyguard ko.” Mayabang kong sagot