Cassandra’s POV Kanina pa ako nakahiga dito sa loob ng ataul at pinapakiramdaman ko kung ano na ang nangyayari sa aking paligid, nakaramdam ako ng konsensya ng malayo pa lang ay narinig ko ng humagulhol ng iyak ang Mommy ko pati ang ate Almira ko. Kasunod noon ay ang nagmamadaling mga yabag papalapit sa aking kinaroroonan. “Cassandra! Ang baby ko, Ahhhh...” palahaw ng aking ina. Ramdam ko ang presensya nila sa aking harapan at dama ko rin ang sakit na kanilang nararamdaman ng mga sandaling ito. Nakonsensya tuloy ako sa aking ginawa. “Don’t worry Mommy kapag malaya na ako kay Mr. Vanderberg ay babawi ako sa inyo, promise magpapakabait na talaga ako.” Nangangakong sabi ko sa aking isipan habang nakapikit at pigil ang aking hininga upang hindi ako mahalata ng mga ito na nagkukunwaring