Chapter 5: Her Butler's Discovery

1191 Words
Grell Allen "Grellen" Burnett's POV NANG matapos kong isilid sa maleta ang ilang mga damit ko, nagpasya na akong lumabas ng kwarto. I heaved a sigh as I made my way to the front door. It's my first day on the job, and I can't believe it will also be my last, but can anyone blame me? That woman is a real b***h, and there's no way I can keep working for this type of person! Binigyan lamang ako ni Dad ng tatlong buwan para makahanap ng magiging nanay ng kanyang apo. Ayokong sayangin ang maikling panahon na 'yon para lang umasa na makukuha ko pa ang puso at tiwala ng babaeng 'yon para sipingan ako. With her attitude, I don't think I can stand a chance. Niloloko ko lang ang sarili ko. Bagama't masama ang loob sa 'kin ni Barbara dahil sa mga kapalpakan ko, mas mabuti sigurong personal akong makapagpaalam sa kanya bago ako umalis. Inilagak ko ang aking maleta sa harap ng pintuan. Paakyat na sana ako ng hagdan nang mamataan ko ang pagbaba ni Angelique mula sa second floor. Nagmamadali siyang bumaba nang makita ako. "Grellen, saan ka pupunta at bakit dala mo ang lahat ng gamit mo?" tanong niya nang mapansin niya ang maleta ko na nasa front door. My shoulders fell. "I'm leaving, Angelique. Hindi ko na kaya ang ginagawang pagtrato sa 'kin ni Madam. Sumusobra na ang kamalditahan niya. Alam kong may pagkakamali ako pero sana maintindihan niya na ngayon pa lang ako natututo ng mga bagay-bagay. It's not easy to learn everything overnight, you know?" Muli akong napabuntong-hininga. "Hindi ko alam kung anong nasa utak niya at kinuha pa akong butler gayong halos tumagilid ako sa job interview kahapon." "Alam mo, hindi kita masisisi kung bakit gusto mo nang umalis. You see, bago ka dumating ay marami nang nangahas na magtrabaho para kay Madam pero kami lang ni Sir Frank ang tumagal ng ilang taon. Lahat ng naging butler at tagasilbi niya sa bahay, iniwan siya tulad ng ginawa sa kanya ng pamilya niya noon." "Huh? Why would her family do such a terrible thing?" Hindi ko napigilang itanong sa kanya 'yon. "Hindi ko masasagot 'yan dahil nangako ako kay Madam na wala akong pagsasabihan ng mga nangyari sa kanyang nakaraan. Tungkol pala sa tanong mo, kahit ako'y hindi rin alam ang totoong dahilan ng pagkuha niya sa 'yo. Ang natitiyak ko lang ay may tiwala siya sa 'yo na mananatili ka sa tabi niya ano man ang mangyari." Marahang hinaplos ni Angelique ang isa kong braso. "Nakikiusap ako, Grellen. Huwag ka munang umalis. Bigyan mo siya kahit ilang linggo lang. Kailangan ka niya," pagsusumamo niya pa. Hindi ko matagalan ang pagtitig sa mukha ni Angelique at napayuko na lamang ako. I don't even know how to react. I was planning to tell Barbara I'm leaving today but Angelique desperately begged me to stay. What should I do? "U-Uhm... I—" We got interrupted by a phone call before I could say anything. It must be from Angelique's. She took the phone from her pocket as she answered the call. "Hello? Oo, ako nga ito... Ha? Oh, sige po sige po. Papunta na po ako riyan." The call ended. "Is there a problem?" I asked when I noticed the sudden changes in her facial expression. Punong-puno iyon ng pag-aalala. "Sinugod sa ospital ang kapatid ko at walang mag-aasikaso ng admission niya kaya kailangan kong pumunta roon. Baka puwedeng ikaw na muna ang mag-asikaso kay Madam. Nasa banyo siya ngayon sa taas, naliligo." "O-Okay?" alanganing sagot ko sa sinabi niya. Mukhang ayaw niya na akong paalisin! Ultimo trabaho niya, sa akin ipinasa! "Bago ka umakyat, dumaan ka muna sa laundry room at kumuha ka ng malinis na twalya. Dalhin mo sa taas. Ikaw na rin ang bahalang pumili ng isusuot niya," dagdag niya pang bilin sa akin. "Pasensya ka na, ha? May emergency lang talaga. Ipagpaalam mo na lang ako kay Madam. Mauna na ako." Tumango-tango ako. "Sige, walang problema. Mag-iingat ka." Tumalikod na siya matapos n'on at nagdire-diretso ng lakad papunta sa intrada subalit bago niya mabuksan ang kalahati ng pinto ay may sinabi pa siya sa 'kin. "Alalayan mong mabuti si Madam, ha?" pahabol niya pa, bagay na nag-iwan ng katanungan sa isip ko. 'Yong totoo. Meron ba akong hindi nalalaman? Bigo na akong makasagot pa dahil halos takbuhin na ni Angelique ang daan palabas. Naiwan akong nakatayo sa harap ng pintuan at hinayaang makapasok ang sariwang hangin na humampas sa aking balat. Isinara ko agad ang pinto at gaya ng ibinilin sa akin ni Angelique ay dumaan muna ako sa laundry room na kalapit ng kusina. Bitbit ko ang puting twalya paakyat sa taas. Sumilip muna ako sa pinto bago ako nagpasyang pumasok sa loob. No one's around, so I bet she's still in the bathroom. Nilapag ko sa ibabaw ng kama ang twalya. Mamaya ko na lang ia-abot sa kanya 'pag hiningi na niya. Habang naghihintay ako ay naisipan kong buksan ang malaking wardrobe na pinaglalagyan niya ng mga damit at medyo naloka ako sa mga nakita ko roon. Halos lahat ng damit niya sa loob ng aparador ay puro mahahaba na hanggang talampakan, bagay na katakataka. Ginala ko ang paningin sa paligid. Wala nang ibang aparador dito maliban sa isang 'to at puros undergarments lang naman ang nakasilid sa ilalim. Sa madaling salita, lahat ng damit na nakahanger sa taas ay posibleng sinusuot niya araw-araw. Ang tanong, bakit? 'Di kaya tadtad siya ng peklat sa hita kaya nahihiya siyang magsuot ng maikli? I held my chin, thinking. "That's odd. I haven't seen her wearing dresses or anything below the knee ever since. Also, the way she walks, it's kinda weird, like she's having trouble with it. At panghuli, 'yong bilin sa 'kin ni Angelique bago siya umalis kanina... teka, hindi kaya—" Agad naputol ang pag-iisip ko nang makarinig ako ng kalabog at daing mula sa banyo. Dumagundong ang kaba ang dibdib ko noong mga sandaling iyon. Si Barbara! Dali-dali kong tinungo ang direksyon ng palikuran at sa labis na pagkataranta ay hindi na sumagi pa sa isip ko ang kumatok. Pumasok ako. "Madam, anong mangyari? Ayos ka lang—hah!" Nanlaki ang mata ko sa aking nasaksihan. I spotted her naked body on the floor after she fell from the tub! Nagtama ang paningin namin. Maski siya'y hindi maipinta ang mukha sa labis na pagkagulat. Akmang lalapitan ko siya para tulungan na makatayo nang mapansin ko ang kanang hita ni Barbara. Dito'y nasagot ang mga katanungang bumabagabag sa isip ko kanina lang. It all makes sense now! Kaya naman pala sinabihan ako ni Angelique na alalayan si Barbara sa pagligo ay dahil wala itong kapasidad na umakyat-baba sa bathtub nang mag-isa. Kaya pala panay ang pagsusuot niya ng mahahabang damit kahit nasa bahay, at kaya may kakaiba sa paraan ng paglalakad niya ay dahil sa suot nitong prosthetic leg na kasalukuyang nakabi sa sulok ng palikuran. On my first day as Barbara Durless' butler, I discovered one thing about her: she has a locomotor disability and she managed to hide it from me for 24 hours!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD