Grell Allen "Grellen" Burnett's POV
"WHAT are you doing here?" gulat na wika ni Barbara. Nanlalaki ang mga mata niyang tumitig sa akin na akala mo nakakita ng multo dahil sa pagsugod ko sa loob ng banyo nang walang pakundangan.
"Angelique had an emergency so she asked me to check up on you. I heard odd sounds from outside; I was so worried, so I rushed into the bathroom without knocking. I'm so sorry," sinsero kong sabi. "Here, let me help you—"
Tinangka kong lumapit at hawakan siya sa braso pero mabilis niyang hinagit ang kamay ko.
"Get away from me, you pervert!" Barbara yelled as she placed her hands over her breasts.
"Me, a pervert, really? Oh, please. I don't mind seeing you naked. I'm just trying to help. Wala akong masamang balak sa 'yo, I swear," sabi ko ngunit sa halip na magpatulong ay ito pa ang naging sagot niya.
"Oh, yeah? Well, I hate to break it to you, but I don't need your help. So why don't you just leave me alone and mind your own business? Useless butler!"
Doon na nasagad ang pasensya ko kay Barbara. I was just doing my job and this is how she treats me? There must be something wrong with this woman!
"Leave you alone? Are you completely out of your mind? Look at yourself! You can't even stand on your own! Anong gusto mo, hayaan lang kitang gumapang palabas ng banyo? Sa tingin mo ba hahayaan kong gawin mo 'yon sa sarili mo, huh?"
"Grellen..." usal niya, tila hindi makapaniwala sa mga pinagsasabi ko.
"No! I'm your butler, for crying out loud! As long as I live in your household, it is my duty to take care of you! Hindi kasama sa trabaho ko ang pabayaan ka!"
Kung ako ang tatanungin ay hindi ko rin alam kung saan nanggagaling ang mga salitang lumalabas sa bibig ko. All I know, galit ako, hindi kay Barbara, kundi sa ginagawa niyang pagtrato sa akin na para bang wala akong pakinabang sa mansyon.
"Angelique isn't here with us, so it's just me and you. You have no choice," giit ko. "Unless gusto mong tawagin ko si Sir Frank para siya ang bumuhat sa 'yo, bahala ka," dagdag ko na may halong pagbibiro.
Pinanlisikan niya 'ko ng mata sa sinabi kong iyon. "Ugh. Fine! Whatever! Help me up!"
Hindi na siya nakaangal pa at hinayaan na akong buhatin siya palabas ng banyo. Ibinaba ko siya sa kama at binigyan ng twalya para punasan ang sarili. Kumuha na rin ako ng damit sa aparador. Inilabas ko ang isang maxi dress na kulay lila at nilapag 'yon sa tabi niya.
Habang nagbibihis siya, sinamantala ko na ang pagkakataong iyon para gumamit ng banyo. Lumabas ako dala-dala 'yong prosthetic leg niyang naiwan doon.
"Umihi lang ako saglit, nakabihis ka na? Ang bilis naman," gulat kong reaksyon ngunit wala siyang naging tugon.
Hawak ang artipisyal niyang paa, lumuhod ako sa gilid ng kama kung saan siya nakaupo. She carefully lifted her dress, permitting me to see her right leg.
I still couldn't believe she hid this from me. But why?
"Madam, if you don't mind me asking, what happened to your leg?" I asked as I began attaching her prosthetic.
Saglit akong natigilan nang wala akong makuhang sagot sa kanya. Tumingala ako upang malaman ang reaksyon ni Barbara. Halos malukot ang noo niya sa sobrang pangungunot nito. Halata sa hitsura ng bruha na hindi niya nagustuhan ang tanong kong iyon.
"Sorry, I was just curious," paglilinaw ko. "Pero kung 'di ka pa handang mag-open-up, ayos lang. Hindi kita pipilitin."
"That's alright," Barbara answered. Her shoulders fell as she avoided my gaze. "I had an accident a long time ago. I was brought to the hospital, nearly dead from blood loss and injuries. According to the doctor, my right leg was so badly injured that they had to amputate it. I've been wearing a fake limb ever since I was recovered."
"Oh, I'm so sorry to hear that," malungkot kong sabi. That was terrible. Naalala ko tuloy 'yong nangyari sa yumao kong ina...
"Sa dami ng nagtangkang magtrabaho sa 'kin, tanging sina Angelique at Mister Frank lang ang tumagal. The rest, they ended up leaving me. Kesyo hindi ako kumpleto, kesyo masama raw ang ugali ko," dagdag niya.
Pagak siyang tumawa at napatuloy. "Para silang pamilya ko na 'di nagdalawang-isip na abandonahin ako sa pag-aakalang hindi na 'ko makakatayo pa sa sarili kong mga paa. Pare-pareho silang mga walang kwenta."
May kung anong kumirot sa puso ko nang marinig ko ang lahat ng sinabi ni Barbara. I feel so bad. I was about to leave her if it wasn't for Angelique's request!
If I did, then Barbara would think that I'm not different from those people. Magiging miserable na naman siya at hindi kaya ng konsiyensiya ko 'yon.
"Kaya ba hindi mo muna sinabi sa akin ang tungkol sa kapansanan mo ay dahil natatakot ka na baka iwan kita?" hula ko tuloy.
Wala akong nakuhang sagot kaya kinuha ko ang kamay ni Barbara at ipinagpatuloy ang pagsasalita. "Pwes, hindi mangyayari 'yon. Now that I've heard your story, you gave me enough reason to stay. Ngayon pa ba ako aalis kung kelan kailangan mo ako? I don't think my heart could take it," naiiling kong sabi.
Itinuloy ko ang pagkakabit sa prosthetic leg ni Barbara at nang matapos ako ay dahan-dahan akong umalis sa pagkakaluhod. I approached her and lifted her chin with my fingers. Diretso akong tumingin sa mga mata niyang puno ng galit at pighati.
"Hindi man kita mapagsilbihan sa paraang gusto mo, pero bilang butler mo, gagawin ko ang lahat, maiparamdam lang sa 'yo na hindi ka nag-iisa. Mananatili ako sa tabi mo kahit anong mangyari, Madam Durless. Pangako 'yan," I said with a tender smile.
Ang tila apoy sa mga mata ni Barbara'y unti-unting lumalamig at nawawalan ng emosyon. Medyo unexpected 'yon dahil ang akala ko'y napapaamo ko na siya, pero sa nakikita ko ngayon ay mukhang hindi siya kumbinsido sa binitiwan kong pangako.
"You really mean it, huh. We'll see about that," aniya na naghatid ng kilabot sa aking katawan.
__
HINDI na ako nagtagal pa sa loob at naisipan ko nang lumabas ng silid ni Barbara. Bumaba ako sa ground floor para kunin ang maletang naiwan ko sa harap ng main door. Hila-hila ko 'yon pabalik sa quarters ko ngunit nasa salas pa lang ako ay biglang mag-vibrate ang cellphone ko mula sa aking bulsa, dahilan para huminto ako sa paglalakad.
Dinukot ko iyon at nang matukoy ko kung sino ang caller ay sinagot ko ang tawag.
"Roland parecakes, napatawag ka?" bungad ko sa kaibigan kong ilang araw ko ring hindi nakausap. Naupo muna ako sa couch nang sa gano'n ay hindi ako mangawit katatayo.
"Nabasa ko 'yong text mo. Ano bang nangyari at nagbabalak ka nang umalis diyan?" usisa ni Roland.
"Well, that was the plan at first, since her entitled attitude is unbearable," wika ko na tumutukoy kay Barbara. "Magpapaalam na sana ako kanina nang may mangyari sa kanya sa banyo. Ako ang sumaklolo sa kanya at doon ko nadiskubre na may kapansanan siya at prosthetic lang pala 'yong kanang binti niya."
"Woah. That was surprising. I didn't know she's wearing a fake leg behind her jumpsuits," Roland said, acting surprised.
"Magaling siyang magtago ng lihim na ultimo mga kasamahan ko rito, tikom ang bibig. Isipin mo. Kung hindi pa siya nadisgrasya sa banyo, hindi ko pa malalaman?"
Pagak akong natawa na nasundan ng pag-iling.
"Sa totoo lang, naaawa ako sa babaeng 'yon. She's going through a lot, I can see it in her eyes. Iniwan siya ng pamilya niya, wala ring nagtatagal na maids and servants sa kanya dahil sa ugali niya. Tas ngayon, wala siyang kaalam-alam na kaya ako naninilbihan sa kanya ay para gamitin siyang kasangkapan sa mga plano ko."
"Anong plano?"
Napapitlag ako nang may magsalita mula sa likod ng inuupuan kong sofa. Dahan-dahan akong lumingon at nag-angat ng tingin kung saan naabutan kong nakatayo si Sir Frank, at bakas ang pagtataka sa kanyang mukha.
Lagot! Hindi kaya narinig niya ang mga pinagsasabi ko tungkol kay Barbara?
__
"S-SIR FRANK..." Taranta kong inalis ang cellphone mula sa tainga ko at itinago sa aking likuran.
"Hijo," tawag niya sa 'kin. Kumakalabog ang puso ko na parang gustong kumawala. Paanong hindi ako kakabahan? Eh, kung titigan niya 'ko sa mata, daig niya pa ang nangunguha ng kidney!
"K-Kanina pa ho kayo riyan?" lakas-loob kong tanong sa matandang servant ni Barbara.
"Hindi naman. Lalabas sana ako para pumunta sa garahe nang matanaw kitang nakaupo rito sa salas." Pinagkrus ni Sir Frank ang kanyang mga braso saka muling nagsalita. "Maaari ko bang malaman kung sino ang kausap mo, at anong plano ang pinag-uusapan niyo sa telepono?"
Sandaling tumigil ang mundo ko pagkarinig ko n'on. Nagpakashunga ako sa pagkakataong ito. Nasanay ako kina Dad na kapag nasa salas ako ay wala akong pakialam kung may makarinig sa akin! Ngayon, paano ko ipapaliwanag kay Sir Frank lahat ng narinig niya? I'm f*****g doomed!
"I-I was talking to my friend, asking for help. Pinagpaplanuhan ko ho kasing ipagluto ng Italian dish si Madam kaya nagtanong ako kung ano-anong mga sangkap ang gagamitin," palusot ko na ewan ko lang kung paniniwalaan niya. Alam kong walang kwentang excuse 'yon pero mabuti nang meron kaysa wala.
Tumango naman ang matanda. "Ah, gano'n ba? Akala ko'y kung ano na. Humihina na talaga ang pandinig ko. Pasensiya na at naki-usyoso pa ako sa inyo ng kaibigan mo," aniya.
"It's okay, Sir. I understand," tugon ko na may alanganing ngiti pero sa kaloob-looban ko ay nakahinga ako nang naluwang. Phew. That was way too close!
"O siya, maiwan muna kita. Maglilinis muna ako sa garahe," pagpapaalam ni Sir Frank.
"Are you sure you don't need my help?" alok ko gayong matanda na siya't baka mahirapan pa kung mag-isa niyang gagawin iyon.
"Ayos lang, hijo. Malakas pa ako sa kalabaw. Kayang-kaya ko pa 'to!" masiglang aniya kung kaya't wala na akong nagawa kundi hayaan siya.
Naiwan ako sa salas na bagsak ang balikat. Grabe, muntik na ako roon, ah! Knowing that geezer, he's always been loyal to Barbara. Kung nagkataong narinig niya talaga ang pinagsasabi ko, tiyak na makakarating 'yon kay Bruhilda.
Hindi muna ako umalis at nagpasya muna akong tumambay sa salas ng mga ilang minuto pa. Mayamaya, isang kakaibang text message ang natanggap ko mula kay Roland.
"Naputol ang tawag at hindi na ako maka-call pa. Tungkol nga pala kay Miss Durless, anong naramdaman mo no'ng makita mo 'yon?"
"Makita ang alin?" tanong ko pabalik.
"Don't act like you don't know. You saw her in the bathroom with nothing on. Huwag mo sabihing kahit isang segundo hindi ka nangamatis?"
Kasabay ng pag-init ng aking mukha ay ang pakiramdam na tila umakyat lahat ng dugo ko sa ulo dahil sa pinagsasabi ng lokong 'to.
"Alam mo, kung andito ka lang sa harap ko, pinukpok na kita sa ulo mong kingina ka. Alalang-alala na ako nang maabutan ko siyang nakasalampak sa tiles. Tingin mo ba maiisip ko pa 'yon? Manyakol ka talaga! Tantanan mo nga si Barbara!"
Nanginginig ang mga daliri ko nang i-tap ko ang send button at sa sobrang inis ko ay muntik ko pang maibato ang hawak kong gadget sa sahig.
Shortly after, my phone beeped again. Hindi ko na lang sana papansinin 'yon pero tila may kung anong nagtulak sa 'kin para silipin pa ang mensaheng pinadala ng bugok.
From: Roland
'Someone is being overprotective. LOL.'
"No, I'm not!" I muttered, as if he could hear what I was saying. Minabuti ko na lang na hindi siya reply-an pa. Sayang lang ang oras ko kung gagawin ko 'yon.
Like... Ako? Overprotective kay Barbara? Hindi, ah. Kalokohan.