Chapter 4: Her Butler, Useless

1498 Words
Grell Allen "Grellen" Burnett's POV HUMIHIKAB akong bumangon sa higaan ko. Habang 'di pa ako nasisikatan ng araw ay sinimulan ko na ang aking morning routine—ang magsipilyo. Now is my first day as Barbara Durless' butler. Kahapon, maliban sa house tour ay may binilin din sa 'kin si Mr. Frank. I need to wake up as early as six to prepare breakfast, which reminds me of what Barbara said last night before she retired to bed. She told me not to bring anything. Marahil pag-iisipan niya pa kung anong kakainin niya ngayong umaga kaya naman pagkatapos kong mag-toothbrush ay dumiretso na ako sa kwarto niya. Kumatok ako bago pumasok. Medyo madilim pa sa loob dahil nakababa ang mga kurtina. Nagdahan-dahan ako sa paglalakad hanggang sa tuluyan akong makalapit sa kama. "Madam Durless, wake up. Alas-sais na po." I tried to wake her up but she was sleeping so soundly. Niyugyog ko nang mahina ang braso niya pero walang nangyari. Dapat pala'y nagdala ako ng mag-asawang takip ng kaldero saka ko pinag-umpog malapit sa tainga niya. Charot lang! Baka ma-trigger ang dragona. Bugahan pa ako ng apoy. Lumapit ako nang konti pa. Sarap na sarap siya sa pagtulog na kahit sino'y hindi gugustuhin na gisingin siya dahil ang bait-bait ng mukha nito kapag nakapikit. Also, her long eyelashes complemented her endless beauty. Para siyang prinsesang natutulog at hinihintay na halikan siya ng prinsipe... Sandaling napuno ng pagkamangha ang aking mga mata. Oh, girl. I love seeing her like this. Muling bumabalik sa alaala ko ang unang beses na nakita ko siya sa labas ng teatro. "You look so cute when you're sleeping. Hindi bagay sa 'yo na tawaging Madam. Ang sabi ni Angelique, twenty-five ka lang 'ata. Bet mong tinatawag kang Madam sa ganda mong 'yan? I think Ara suits you better, short for Barbara. Isn't that wonderful?" wala sa sariling naibulong ko kay Barbara. All of a sudden, the realization hit me as I covered my mouth. Ibig kong pagalitan ang sarili. Wala sa mga plano ko ang puriin ang babaeng 'to! "Uhmm..." Nakarinig ako ng mahinang ungol kasunod ng dahan-dahang pagmulat ng mga mata niya. Naalarma ako kaya agad akong lumayo mula sa kanya. Sana lang hindi niya narinig ang mga pinagsasabi ko kanina, or I'll be dead! Barbara did some stretching before she rose from her bed. Sumandal siya sa headboard ng kama at inayos ang kumot na nakabalot sa kalahati ng kanyang katawan. "Good morning, Madam," bati ko sa kanya nang nakangiti. "Bring me a pair of tuna sandwich and a cup of coffee but no sugar. Quick." She didn't respond to my greeting. Instead, she ordered me to make her breakfast. "Tuna sandwich at kape na walang asukal. Got it!" masiglang sambit ko. Tatalikod na sana ako para lumabas nang may nakalimutan akong itanong. "Teka, Madam. Lalagyan pa ba ng creamer?" Kinunutan niya ako ng noo. "Malamang. Mukha ba akong mahilig sa black coffee, hmm?" "Nagtatanong lang naman, Madam, galit ka na agad diyan," sambit ko. "Kung ayaw mong nagagalit ako, ayos-ayusin mo ang pagtatanong, Burnett. Walang babaeng taga-Vermland ang mahilig sa black coffee, alam 'yan ng kahit sino. Nakapagtataka lang na sa tanda mong 'yan, hindi mo alam. Seriously. What kind of a person are you? Hindi ko alam na ganyan ka pala katanga," taas-kilay niyang banat na kahit sinong tao ay hindi 'yon magugustuhan. May kung anong init ang biglang sumiklab sa sistema ko noong mga sandaling 'yon, pero sa halip na ipahalatang naiinis ako, minabuti kong lunukin ang aking pride. "I'm so sorry for asking, Madam. I better get going and prepare your breakfast," sabi ko hangga't may natitira pa akong pasensya sa katawan. Agad ko siyang tinalikuran saka ako naglakad palabas ng kwarto niya na nanginginig sa galit. Hanggang sa kusina ay 'di mawala ang inis ko dahil sa nangyari. Ngayon ko mas nakita ang totoong kulay ng isang Barbara Durless. Wicked, bossy, and straight-forward. Hindi ko lubos maisip kung paano natagalan ng mga servants niya ang kamalditahan niya samantalang ako, halos sumuko na sa unang araw pa lang! Sa kabila ng inis ko ay pinilit ko ang sarili na maging productive at gawin ang aking trabaho. As soon as I'm done preparing everything, I immediately return to Barbara's room. I pushed the trolley closer to her bed. "What are you, a turtle or something? 6:25 na, ah? Gaano ba kahirap magtimpla ng kape at gumawa ng sandwich para abutin ka ng siyam-siyam sa kusina?" pagtataray ni Barbara'ng buwisit. "Sorry naman, Madam," sabi ko. Pinili kong huwag patulan ang sinabi niya kahit sa kaloob-looban ko ay gusto ko na siyang sabunutan. Mula sa trolley ay maingat kong ipinatong ang tinapay at kape sa ibabaw ng kanyang bed tray. "Enjoy your mea—" "Wait. What the hell is this? I told you to make a sandwich, hindi ko sinabing ihawin mo!" singhal niya hawak tinapay na 'di maitatangging maitim pa sa batok ng hindi naghilod ng isang taon. "My bad, I thought you like to have it toast, so I left it in the oven toaster for about ten minutes," I said nervously, my index fingers pointing at each other. "You should've asked me first, have you thought about that? And who idiot would leave a pair of bread in the oven toaster for such a long time? Kaya naman pala ang tagal mo bago nakabalik, e! Pambihira ka!" nanggagalaiti niyang sambit na halos mabingi ako sa lakas ng sigaw niya. "I'm sorry, okay? What do you want me to do? I was born and raised in a wealthy family, and my mom didn't let me do household chores ever since I was a kid! You can't blame me for messing up!" I said, scratching my head. "Oh please, give me a break! It's not my fault that your mother babysits you all the time instead of teaching you to be responsible at home!" aniya sabay ikot ng kanyang mga mata. "Kung ako sa 'yo tigil-tigilan mo ang kaka-irap mo baka hindi mo na maibalik 'yang mata mo," pabulong kong sabi. Binalingan niya 'ko. "May sinasabi ka?" "W-Wala naman, Madam," pambawi ko na may alanganing ngiti. "Akin na 'yang tinapay mo. Igagawa na lang kita ng panibago—" Inilayo niya sa 'kin ang tinapay bago ko pa makuha. "Hindi na, nawalan na ako ng gana!" aniya at padabog na nilapag ang tinapay sa tray. Pumalatak ako nang mahina at hindi na bumanat pa. Maingat niyang kinuha ang tasa at dahan-dahan 'yong nilapit sa kanyang bibig. Nagulat ako sa mga sumunod na nangyari nang bigla siyang nasamid ng iniinom na kape at halos tumapon iyon sa kumot niya. "Akala ko ba marunong ka magtimpla ng kape? Ba't sobrang tapang naman nito?!" reklamo niya. "Oh my gosh, I'm so sorry. I didn't mean to—" "Oh, save it! I've had enough of you today! First, you served me a burnt sandwich, and now you're trying to give me a heart attack?!" Halos mapahiyaw ako nang sabuyan niya ako ng kape sa chest part ng suot kong t-shirt. "Ouch!" daing ko. Ramdam ko ang init na nagbibigay-hapdi sa balat ko nang mga oras na 'yon. On the other hand, I can see the anger in her eyes; she's like a wild tiger who got escaped from her cage at kahit sino'y maaari niyang atakihin ano mang oras. "Ang laki mong bobo! Wala kang silbi! Lumayo-layo ka nga sa 'kin at baka hindi kita matantiya! Get out!" she screamed at the top of her lungs. Hindi ko na natagalan ang hapdi at agad akong lumabas. Nagmamadali akong bumaba ng hagdan papunta sa pinakamalapit na palikuran upang mag-shower. Napawi ang hapding pumaso sa dibdib ko nang bumagsak ang tubig sa aking kahubaran. Sa kabila n'on, hindi ko pa rin makalimutan ang ginawang pang-aalipusta sa akin ng babaeng 'yon. "Ang laki mong bobo!" Those words rewinded in my head like a broken record. A boiling fury swelled inside me as I slammed the wall in front of me. Sa tagal-tagal ko rito sa mundo, ngayon lang ako tintrato na parang hindi tao, at ang isang bagay na nakakainis ay hinayaan kong mangyari iyon! Hindi ako pinalaki ng magulang ko para lang insultuhin ng isang Barbara Durless na kung makaasta'y akala mo pag-aari niya ang mundo! Mapapalampas ko pa sana 'yong pagtataray niya kanina. Ang hindi katanggap-tanggap sa 'kin ay ang tawagin akong bobo at walang silbi! Napasabunot ako sa inis. Sa lahat ng pagkakamaling nagawa ko, ito ang pinaka-pinagsisisihan ko: ang maging butler ng babaeng iyon. Masyado akong nagpabulag sa panlabas niyang anyo nang hindi man lang inaalam ang totoo niyang ugali. At ngayong nakita ko na, wala nang rason para manatili pa ako rito. Pagkatapos kong mag-shower, dumiretso na ako sa aking silid. Pagpasok ko ay agad nahagip ng mata ko ang cellphone na nakapatong sa bedside table. Kinuha ko 'yon at nag-type ng text message. "I QUIT." Matagal-tagal ko ring tinitigan ang maikling mensahe bago ko iyon ipinadala kay Roland.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD