Chapter 3: Her Butler, Hired

1633 Words
Grell Allen "Grellen" Burnett's POV THE NEXT MORNING, maaga akong bumalik sa village na tinitirahan nitong si Miss Durless. Bumaba na ako sa kotse habang ang mga gamit ko ay naiwan muna sa back compartment. Nasa gate palang ako pero hindi na maipaliwanag ang kaba ko. Lumunok ako ng laway bago ko pinindot ang doorbell. Mayamaya, isang matandang lalaki na may monocle ang nagbukas niyon. Siya 'yong kausap ni Roland kahapon. "Magandang umaga. Anong sadya mo?" tanong sa 'kin ng matanda. "Good morning po. Ako po 'yong kaibigan ng nag-inquire kahapon about sa vacant position. Dala ko po lahat ng requirements ko. Puwede niyo po ba akong ma-entertain ngayong araw?" magalang kong saad sa kanya. Ngumiti ito. "Of course. No problem. I'm Frank, one of the servants. It's a pleasure to meet you." "It's nice to meet you, too." I smiled. "Please come in." Umatras nang kaunti si Sir Frank na tila binibigyan ako ng daan papasok ng mansyon. "Thank you," sagot ko. In-escort-an ako ni Sir Frank sa loob ng mansyon. Busog na busog ang mga mata ko sa nakikita ko ngayon. May swimming pool sila na pagkalaki-laki, garden at may gazebo pa. Sa gitnang bahagi, merong ga-higanteng mga chess piece na nasa ibabaw ng damo na tila nagsisilbing chessboard. Finally, nakatungtong din ako sa mismong mansyon. This reminds me of the old manor in an animated film I've watched recently. Makaluma ang structure, pang-19th century, pero napakalinis at walang makikitang kalat o patay na halaman sa paligid. I wonder kung anong bubungad sa 'kin sa loob. "This house was built sixty years ago, it is inspired by a 19th-century English country house in London," paliwanag ni Sir Frank. Binuksan nito ang arkong pintuan. Malawak na space ang bumulaga sa 'kin sa intrada at gawa sa marmol ang sahig nito. Nakakabit ang malaking chandelier sa kisame, at ang taas ng stairway nila na nasa gitna. "Please wait here; I'll inform Madam Durless about your arrival. If you excuse me," the old man told me as he walked upstairs. Habang hinihintay ko ang pagbaba ng babae, inaliw ko muna ang sarili sa pags-sight-seeing sa buong mansyon. Kapansin-pansin ang iba't-ibang painting na nakadikit sa bawat sulok ng bahay. However, one particular portrait caught my attention. The one in the middle. For some reason, uminit ang pisngi ko habang nakatitig sa magandang portrait na iyon. This is her, the one that I saw outside the theater yesterday... "Ang ganda niya talaga..." wala sa sariling naibulong ko iyon. Speaking of which, bigla tuloy sumagi sa isipan ko ang tungkol sa aking plano. Sakaling malusutan ko ang interview na 'to, isa lang ang primary goal ko: Ang makuha ko ang loob ng babaeng 'yon hanggang sa mapaibig ko siya at may mangyari sa 'min. Pananagutan ko ang bata sakaling magbunga ang aming ginawa at bilang pagtatapos ay ihaharap ko siya kay Dad upang mapag-usapan na ang tungkol sa kasal. Labag man sa kalooban kong gawin ito, wala akong pagpipilian dahil ito lang ang natatanging paraan upang hindi mawala sa akin ang apilyedong Burnett at mabawi ko lahat ng yaman pati na ang makukuha kong pamana kay Dad. Mabuti nang magtiis kaysa magsisi kaya pasensyahan na lang tayo, Miss Durless. __ NAPUTOL ang malalim kong iniisip nang nakarinig ako ng mga yabag mula sa hagdanan kung saan pababa si Miss Durless. Habang pinapanood ko ang dahan-dahan niyang pagbaba na akala mo nasa music video siya ay hindi ko maiwasang magkamot at magtaka. Bakit siya nakasuot ng red gown na hanggang talampakan? Saang party ba pupunta ang babaeng 'to at nakuha pang mag-gown? 'Di na lang nag-daster, baka sakaling ma-gets ko pa. Nagtama ang paningin naming dalawa paglapit niya sa 'kin. Bahagya pang nanlaki ang mga mata niya na tila ba hindi makapaniwala. I wonder why. "Good morning, a-ako nga pala 'yong bagong aplikante," sabi ko na may alanganing ngiti sa aking mga labi. Agad ding naglaho ang pagkagulat sa mukha niya. "Nasabi na sa 'kin ni Frank na may isang apilikante na naman akong ie-entertain. Uh, I'm so sick of dealing with people like you every single day. Anyway, I'm Barbara Durless, the head of this house. You better be prepared because this interview wouldn't be easy," she said in the most rudest way possible. Is that how she greets her guests? May pa-irap-irap pang nalalaman. My goodness. I have underestimated this woman. Ibang-iba siya sa Barbara Durless na nakita ko sa theater kahapon. Sa huli, pinili ko na lang ang magtimpi at hindi na lang pinansin ang pagtataray niya. "Follow me," she commanded. Sumunod ako sa kanya hanggang sa living room. Naupo kami sa magkabilang couch so magkatapat lang kami. I placed the folder above the table. Agad namang binuklat ng babae ang folder at binasa ang mga nakasulat doon. I can't help myself from staring at her while she's reading my papers. Her face is so lovely, and her red lips are sparkling, which adds to her incorruptible beauty. Ang cute din ng mga mata niya, ha. Para siyang manika with a twist. Manikang demonyita! "Grell Allen Burnett," she called me. Taranta kong inayos ang sarili ko. "Yes, Miss Durless?" "Call me Madam," she insisted. Medyo na-weirdohan ako dahil hindi naman siya mukhang gurang para tawaging gano'n. "Y-Yes, Madam," sabi ko na lang. "According to your papers, ano pa'ng kaya mong gawin maliban sa pagliligpit ng higaan, pag-init ng tubig at pagtitimpla ng black coffee?" tanong niya. "A-Ano..." I'm running out of words. Damn it! "What do you know about table setting?" "Mada─" "Housekeeping?" "Wait─" "Cooking? Multitasking? Flexibility? Marunong ka bang mag-escort ng bisita? Mag-prepare ng tea? Gumising nang maaga? Maglaba? Mag-drive?" Iminostra ko ang dalawa kong kamay na pa-ekis, indikasyon na tumigil siya sa pagsasalita. "Madam! Konting preno naman, oh!" pakiusap ko. Jusko! H-highblood-in ako sa pinaggagawa sa 'kin ng babaeng 'to! "So you're giving me orders? Seriously, why are you here? What makes you think you deserve to be my butler? Because all the information you provided in your résumé is nothing but junk. It doesn't prove na karapat-dapat ka sa posisyong ito," she said with a challenging look in her eyes. At this point, hindi na ako makatingin sa kanya. Gustuhin ko mang magsalita ay hindi ko magawa dahil wala na rin akong masasabi pa gayong nilamon na 'ko ng hiya. Ilang sandali pa, biglang sumingit ang isang maid na galing 'ata sa kusina. Amoy sunog, e. Nagpasabog ba ng LPG 'to o ano? May dala-dala siyang juice at tinapay na matigas pa 'ata sa bato. Sakto, nauuhaw pa naman ako. Akma kong kukunin ang isang baso ng orange juice nang biglang kumibo 'tong si Barbara sungit. "Stop him, Angelique. My applicant has not yet answered my questions. You may take these away," mariing utos nito sa maid. "Masusunod po," tugon ni Angelique. Umalis ang kasambahay dala ang food and drinks na nasa tray. Taas-kilay na tumingin sa 'kin si Barbara. "Uulitin ko ang tanong ko. Bakit ka nandito? Kilala kita, e. Ikaw ang nag-iisang anak ni Gregoire Burnett. Anong nagtulak sa 'yo para mag-apply bilang butler ko gayong galing ka sa maimpluwensyang pamilya, huh?" Sa lahat ng tinanong sa akin ni Barbara, ito yata ang pinakamahirap sagutin. Ito 'yong klase ng tanong na bawal ang tamang sagot dahil kapag sinabi ko ang totoo, masisira ang plano ko 'pagkat may iba nang nakakaalam niyon. Hindi ko ugali ang magsinungaling pero sa pagkakataong ito, wala akong pagpipiliian kundi gawin iyon. "Well, my dad is still mad at me for losing all the money he invested in my business, so he kicked me out. Dad took everything, even my job; that's why I'm here, hoping to get hired, but it seems like you don't see any potential in me so, I'll just apply somewhere else," malungkot kong sabi. Mula sa pagkakaupo ay tumayo na ako. "It's nice seeing you, Madam. Thanks for the time," dagdag ko pa. Nagdire-diretso ang lakad ko palabas subalit hindi pa man ako nakakalayo ay bigla akong tinawag ni Barbara. "I didn't ask you to leave," she said. Humarap ako uli sa kanya at kinunutan siya ng noo. "Oh? Really?" Barbara stepped towards me with her arms crossed. "Yeah. Considering na kailangan mo ng trabaho ngayon and I badly need a butler, I might as well give you a chance. However, babantayan ko ang bawat kilos mo. "Just make sure na aayusin mo ang trabaho mo at hindi ka gagawa ng bagay na ikasisira ko. Ayoko sa lahat 'yong palpak. If there's anything you don't know about your job, you can ask Angelique or Frank. They can help you. Basta oras na tawagin kita, ano man ang iu-utos ko, susundin mo ng walang pero. Kuha mo?" aniya. Nabura ang lungkot sa mukha ko at napalitan iyon ng galak. "Yes, Madam. This is gonna change my life. Thank you so much," nakangiting sagot ko. "Frank," tawag niya saka pumasok sa eksena ang matandang servant na um-assist sa 'kin kanina. "Take this guy to his quarters, then tour him around nang malaman niya ang pasikot-sikot ng mansyon. I'm not in the mood to deal with this so I'm counting on you." "As you wish, Madam," magalang na sagot ni Sir Frank. Tumalikod na si Barbara at naglakad paakyat sa upper floor. Meanwhile, sinamahan naman ako ni Sir Frank sa magiging kwarto ko bago niya ako nilibot sa buong kabahayan na labis kong kinasabikan. If I had to be honest, wala na talaga akong balak magpatuloy sa misyon ko rito kay Barbara sa pag-aakalang liligwak ako sa job interview. Hindi ko inakalang last minute ay magbabago ang isip niya at pagbibigyan akong makapagtrabaho rito. I guess everything happens for a reason. Walang nakakaalam ng mga mangyayari. Who knows? Baka sa mga susunod na araw, bigla siyang bumait at makuha ko rin ang loob niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD