Chapter 2: Her Butler, Captivated

1697 Words
Grell Allen "Grellen" Burnett's POV IT'S BEEN three days since I left the house at sa tatlong araw na iyon, ang tanging naging sandalan ko ay ang dalawa kong kasamahan sa trabaho na sina Roland at Ethan. Matalik na kaibigan ko ang dalawang 'yan. Nagkakilala kaming tatlo sa isang all-boys university kung saan ako nag-aral ng kursong criminology. Magkasama naming hinarap ang madudugong training at exams hanggang sa kami'y makatapos at opisyal na naging parte ng police department. Ngayon, sila ang tumutulong sa 'kin para kahit papa'no, maka-adjust ako sa bagong mundong ginagalawan ko. Kay Ethan ako nakikisiksik pansamantala, habang si Roland ay nagmagandang-loob na ipahiram sa akin ang Honda niya para may magamit ako. Sinimulan ko na ring maghanap ng trabaho ngunit sa kasamaang palad, walang gustong kumuha sa akin. I don't know if Dad has something to do with this, but knowing how powerful he is, he can make someone's life miserable in a heartbeat if he wants to. Kasalukuyan kong binabaybay ang maluwang na kalsada ng West Avenue. Tumawag sina Roland at Ethan para lang magpasundo sa akin. They told me the exact address para 'di ako maligaw. Inabot ako ng kulang kalahating oras sa daan bago ko narating ang lugar na sinasabi nila Roland. Hininto ko ang kotse sa harap ng isa sa pinakamalaking teatro dito sa Vermland—ang R.E.D. Theater. Dito madalas ginaganap ang ilan sa malalaking event gaya ng stage play, broadway musicals, at iba pa. Nanggaling na ako rito kahapon, umaasa na baka puwede akong mag-apply kahit part-time performer lang pero ang sabi ng nakausap ko ay hindi raw sila hiring sa ngayon. Sayang dahil pagkakataon ko na sana 'to na ma-fulfill ang pangarap kong maging parte ng teatro. Baka diyan ko pa nga makilala ang babaeng mabubuntis ko. Haist. Siguro kailangan ko nang yakapin ang katotohanan na hindi para sa akin 'to at marahil paraan din ito ng tadhana para i-lead ako sa tamang direksyon. Hindi pa nga ako tapos sa kadramahan ko ay ginambala na agad ako ng magkakasunod na katok mula sa bintana ng passenger seat. Pinaningkitan ko ng mata ang punyemas na nakasilip doon bago ko binuksan ang bintana. "Hi, Grellen," nakangising tawag ng ungas. "Huwag mo akong ma-hi-hi diyan, bugok! Sakay!" utos ko kay Roland na sinunod niya naman. Sumakay siya sa passenger seat. "You guys are unbelievable! Didn't you know I was in the middle of a job interview when you called several times? The boss got mad at me that he ended up refusing my job application on the spot!" himutok ko pa. "Oh, 'wag kang umiyak. Parang 'yon lang, e. Hayaan mo, pagdaan natin sa McDollibee, ililibre kita ng burger with fries and drinks nang hindi na sumama ang loob mo, kamahalan!" he said sarcastically. Inirapan ko lang si Roland. "Nga pala, 'asan si Ethan?" pag-iiba ko ng usapan nang mapagtanto kong wala ang isa sa mga bugok. "May binalikan lang sa loob pero pasunod na rin 'yon." "Okay. So, what brings you to this place?" pag-iiba ko ng usapan. "Well, naisipan kong yayain si Ethan na manood ng theatrical show. I was supposed to meet the girl I've been seeing lately, but she called the whole thing off because of emergency. Para hindi masayang ang ticket, binigay ko na lang kay Ethan tutal parehas naming day-off ngayon." Nanlulumo kong sinandal ang aking ulo sa upuan. "Ah, I'm so jealous. I wish I could be with you, guys. Mas gugustuhin ko pang manood ng teatro kasama niyo kaysa mag-job hunting at maghanap ng girlalu na ipapakilala ko kay Dad!" inis kong sambit. "Are you talking about finding your ideal babymaker?" Roland asked. "Ano pa ba sa tingin mo?" pambabara ko pa. "I tried to find a girl on every dating app, but nobody suits my taste. Feeling ko lahat ng babae sa iba't ibang panig ng mundo pare-pareho lang." "Kung makapili naman 'to ng chicks parang isasali mo sa Miss Universe. Huwag ka nang mapili par tutal, gagamitin mo lang naman ang matres niyan para mabawi ang kayamanan mo, eh!" aniya with no filter, no holds barred. Binalingan ko siya. "Anong matres ang pinagsasabi mo? Hoy, baka nakakalimutan mo, pakakasalan ko rin 'yan pag nabuntis ko. Ayokong magpakasal sa kung sino lang na walang class! Ang gusto ko 'yong matino, maganda ang lahi at higit sa lahat, easy to get—" Hindi ko na natapos pa ang sinasabi ko dahil saktong pagharap ko sa windshield ay bumulaga sa amin ang magandang view ng babaeng nakatayo malapit sa pwesto namin. That woman... She's a goddess! Her scarlet hair seems so soft and silky. Ang puti niya, boi! 'Yong totoo, naliligo ba 'to ng gluta? Her sweet smile brightens the sky, and her red lips make me wonder if they're kissable, too. Most especially, her curves are to die for! Hapit na hapit ang katawan niya sa suot na red jumpsuit! Roland tapped my shoulder. "That chick is the owner of this place. Si Miss Durless," he said as he pointed his finger at this gorgeous creature. "Balita-balita ng mga taga rito, single daw 'yan at walang anak. Iyon nga lang, mahirap siyang lapitan dahil sa tindi ng trust issues niya." "Is that so?" I asked. "Mm-hmm," Roland agreed. I wasn't able to speak after that. Nakapako lang ang mga mata ko sa babaeng nakapula. 'Langya, sa tinagal-tagal ko rito sa mundo, ngayon lang ako uli na-attract sa isang babae... And to think she's single according to Roland, she also seems classy, easygoing and has good genes; there's no doubt about it now. She's the perfect woman I had in mind! The perfect pawn for my game to be precise. But then suddenly, a car appeared ahead of us. Mukhang 'yon ang service car niya. Pumasok na siya sa loob kasunod ang alalay niyang babae. Agad na lumarga ang kotse pagkasakay nila. Naku po! "I'll go after her," determinado kong sabi. I turned the engine on, but Roland prevented me from driving the car. "What about Ethan?" I scratched my head. "Naknampucha naman 'tong si Ethan! What's taking him so long, anyway?!" Just in time, someone knocked on the window in the backseat. Thank goodness, andito na ang mahal na prinsipe! "Uy, Grellen. Musta?" bungad sa 'kin ni Ethan pagsakay niya sa loob. "Huwag mo akong daanin sa kamustahan! May hinahabol ako!" pambabara ko pa. Hindi na ako nag-aksaya ng oras at pinaharurot ko na ang sasakyan. "Teka, sino bang hinahabol mo at aligaga ka masyado? Suspek?" tanong sa 'kin ni Ethan. Hinayaan kong si Roland ang sumagot. "Yeah, some girl just stole Grellen's heart right in front of my eyes. He wouldn't let her get away like that, so he tried to catch her." "Ohh... nagiging bisexual na naman ba tayo, Grellen?" kantiyaw naman ni Ethan mula sa backseat. "Tigilan niyo nga akong dalawa! Ang mabuti pa, kumapit kayong mabuti. This is gonna be a tough ride." Tinodo ko na ang pagmamaneho. Whoever that lady in red, hinding-hindi ko siya tatantanan hanggang sa huling patak ng gasolina ko! __ THIRTY minutes of driving and the car brought me to a village here in South Avenue. We were able to pass the checkpoint sa guardhouse. Thanks to Ethan and his connections. Panay puno ang nadaraanan namin pero meron ding mga bahay. May maliit sa bungad pero pagdating sa gitna ay puros malalaking mga modern houses at mansyon ang nakatayo. "Wow!" reaksyon ng dalawa kong kasama. Manghang-mangha sina Roland at Ethan sa ganda ng tanawin dito pero kung ako ang tatanungin ay parang ordinaryo lang ito sa aking paningin. Anong nakaka-amaze diyan eh mas mayaman pa nga ako kaysa sa mga taong nakatira rito! Well, hindi nga lang sa ngayon. Balang araw, titira akong muli sa mga bahay na tulad nito at hindi ko na kailangan pang mag-stay sa maliit na apartment space ni Ethan. Patuloy naming binuntutan ang kotse ng babae. Huminto ito sa harap ng isang malaking gate na kulay itim. Mayamaya, bumukas ang gate kasunod ang pagpasok ng service car niya sa loob. Sinundan namin sila hanggang sa labas ng gate nila. Now I know where she lives, hindi na ako mahihirapang hanapin siya. Kaso may isa akong problema. Paano ko siya kakausapin? Ano ang magiging tulay para magkaroon kami ng ugnayan at mabuntis ko siya? "You seem troubled. I know what you're thinking. Iniisip mo kung paano mo siya i-a-approach," Roland guessed. "Yeah. Alangan namang mag-doorbell ako nang walang pakundangan. Ano, close kami?" hirit ko. "If you're looking for answers, this is the place. Look over there," ani Ethan. Tinuro niya ang nakapaskil sa gilid ng pagkalaki-laking gate. Hiring: butler/male servant Please inquire inside. -Durless Household Napamura ako ng wala sa oras. Of all job positions, why does it have to be a f*****g butler s***h servant? How am I gonna survive this job if I can't even lift a finger in the house once? Bumuga muna ako ng hangin bago kumibo. Sa ganitong klase ng sitwasyon, wala na akong pagpipiliian pa. Kailangan ko rin ng trabaho na sasalo sa pang-araw-araw kong gastusin. It's not like I can depend everything on my friends. Kung ito lang ang paraan para mabawasan ang mga problema ko sa buhay, so be it! "Roland, bumaba ka. Humingi ka ng checklist sa loob. Mag-a-apply ako," utos ko. "Are you sure about this? Kaya mo ba?" nag-aalalang tanong sa 'kin ni Roland. "I don't have a choice, do I? Besides, I need a job and a babymaker at the same time. It's like killing two birds with one stone, and if things go well with her, I'll be able to get my money and my old job back lickety split," I said confidently with a grin on my face. "Whatever you say, boss," said Roland as he left the car. Tumayo siya sa harap ng gate at nag-doorbell. Ilang sandali pa ay bumukas ang maliit na parte ng gate. I watched him from the car as Roland talked to the old man in suit about the vacancy. Pagbalik niya, inabutan niya ako ng papel at doon nakasulat ang mga kailangan kong requirements para mag-apply. "This is it. Wala nang atrasan 'to, Grellen," sa isip-isip ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD