Grell Allen "Grellen" Burnett's POV
TIME FLIES, 'ika nga. Dalawang linggo na pala ako rito sa mansyon? Hindi ko namalayan ang pagtakbo ng mga araw. I've been so busy working 24/7, ni paglanghap ng sariwang hangin sa labas ng subdivision ni Barbara ay hindi ko na magawa.
Dahil two weeks nang naka-leave ang nag-iisang maid ng Durless household, automatic na sa akin ipinasa ni Barbara ang mga naiwang trabaho ni Angelique tulad ng paglilinis, paglalaba, pagtapon ng mga basura, at ang pinaka-iniiwasan ko sa lahat na hindi ko pinangarap gawin sa buong buhay ko bilang anak ng bilyonaryo: ang maglinis ng kubeta.
"That b***h! I didn't sign up for this!" himutok ko habang matiyagang kinukuskos ng brush ang palibot ng toilet bowl.
Saglit akong huminto para punasan ang tumatagaktak kong pawis gamit ang isang braso ko. I sighed and looked up at the wall, thinking about how hard my job can be.
Wala pa mang alas-singko ng hapon pero para na 'kong kandilang nauupos. Buong araw akong nagpakakuba sa pagtratrabaho, at hindi man lang ako makahirit kahit meryenda!
I'm hungry and exhausted. Para akong hihimatayin na sa labis na kapaguran...
"Ehem." Napalingon ako nang may tumikhim mula sa likod ko.
"M-Madam, andiyan ka pala," ang sabi ko kay Bruha. Nakatayo siya sa pinto ng banyo at nakatingin sa 'kin nang masama. Ano na naman ba'ng ginawa ko?!
"Hindi kita binabayaran para tumunganga lang diyan sa harap ng inidoro, Burnett," sermon sa 'kin ng punyaterang Barbara habang nakahalukipkip.
"Pasensya ka na. Nagpahinga lang ako saglit. Medyo napagod kasi ako sa dami ng pinagawa mo sa 'kin maghapon," sabi ko na may halong pagrereklamo.
Tumaas ang isa niyang kilay. "Did I hear you complaining? Baka nakakalimutan mong bayad ka, at hindi kasama sa trabaho mo ang magreklamo. Kung gusto mong magpahinga, hintayin mo akong matulog, naiintindihan mo?" nakapamaywang niyang bulyaw sa akin.
"Yes, Madam," tugon ko kahit labag sa kalooban ko. Nakalimutan kong may pagka-amazona pala 'tong si Barbara. Sana pala hindi na lang ako nagsalita.
Nangingibabaw man ang gutom at pagod, sinikap kong tumayo at ipinagpatuloy ang paglilinis. Matapos kong kuskusin ang inidoro ay sinunod ko namang linisan ang sahig.
Mayamaya'y narinig ko ang alingawngaw ng cellphone ni Barbara, senyales na may tumatawag sa kanya. Gayunpaman, hindi ako tumigil sa ginagawa pero nanatiling alerto ang tainga ko sa tsismis na posible kong masagap.
"Hello, Jack. Anong balita?" bungad ni Barbara sa caller na nasa kabilang linya. Lalo akong na-curious gayong lalaki ang kausap niya sa telepono kaya patuloy akong naki-usyoso. "Is that so? Okay, I'll be there as soon as possible. Bye."
"What is going on?" tanong ko pagkababa niya ng telepono.
"Put that scrubber away. May pupuntahan tayo," biglang utos niya sabay talikod.
"Wait, what?" Awtomatiko kong nabitawan ang hawak ko na scrub at sinundan siya hanggang sa master's bedroom. "Teka, Madam. Saan ba tayo pupunta?" tanong ko.
Nilingon niya 'ko dahilan upang kusang pumreno ang aking mga paa. "Sa R.E.D. Theater. My employee just called. I need to be there as soon as possible."
"Huh? Pero, Madam, wala na akong sapat na lakas para—"
"I don't want to hear any excuses, Burnett! Sasama ka sa 'kin sa ayaw at sa gusto mo, entiendes? Now, go to your room and fix yourself. I don't have all day!"
Napabuntong-hininga na lang ako kasabay ng pagbagsak ng aking mga balikat. Sa huli ay wala akong nagawa kundi lumabas at dali-daling dumiretso sa kuwarto ko para magpalit ng damit.
__
PALUBOG na ang araw nang marating namin ang pulang teatro. Agad kong pinarada ang service car sa exclusive parking space ni Barbara na matatagpuan sa lower ground floor ng gusali.
Una akong bumaba para buksan ang pinto ng kanyang sasakyan. Hindi niya kinuha ang kamay ko nang ilahad ko iyon at basta lang niya akong nilampasan. Uminit ang ulo ko dahil sa kanyang inasta kung kaya't nakapagbitiw ako ng salita na hindi ko dapat sinabi.
"Bruhildang buwisit!" usal ko.
Lumingon si Barbara with her signature deadly expression. "Minumura mo ba ako, huh, Burnett?"
"Ha? H-Hindi, ah. Ba't naman kita mumurahin eh amo kita? Baka guni-guni mo lang 'yon. Nananahimik ako rito, eh," patay-malisya kong sabi pero mukhang hindi 'yon umubra sa kanya.
"Huwag mo akong gawing bingi, Grell Allen Burnett! Narinig kitang nagmura!" singhal niya. Lumapit siya sa 'kin at dinuro ako. "You better not cross my line this time. Do it again, and I'm gonna make sure you wish you were never born!" banta niya saka ito dire-diretsong naglakad papasok sa loob ng building na mistulang supervillain sa isang pelikula.
Oh my gulay! I'm so scared, for real! Sa sobrang takot ko, parang gusto kong magpaparty! Charot! Huwag na. Wala akong chaching pambili ng drinks!
Sinundan ko na lang siya nang walang reklamo hanggang sa makapasok kami sa loob ng building. Sinalubong kami ng maraming tao sa hallway na dinaraanan namin. May ilan pa ngang huminto para lang batiin si Barbara pero as usual, hindi niya 'yon pinansin at tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad.
Sinubukan kong habulin si Barbara pero sa dami ng taong nakakasalubong namin ay bigla na lang siya nawala sa paningin ko. Kung saan-saan ako dinala ng paa ko hanggang makaabot ako sa lobby ng ground floor ngunit sa kasamaang palad ay bigo kong mahanap ang magaling kong amo. Where did she go?
"Grellen?" Naramdaman kong may tumapik ng balikat ko mula sa likod kaya agad akong lumingon upang malaman kung sino 'yon.
Nasurpresa ako sa aking nakita. "Ethan?"
"Anong ginagawa mo rito, par?" he asked me.
"I'm with Barbara, but I lost her in the crowd. How about you? What are you doing here? Hindi ba dapat naka-duty ka ngayon?" naguguluhan kong tanong.
"Yeah, that's why I'm here. I came to investigate."
"Investigate? What are you talking about?"
"Hindi ba nabanggit ni Miss Durless sa 'yo ang nangyari rito?" Umiling ako bilang pagtugon. "Then, let me fill you in. Kanina, may natanggap na report ang team tungkol sa biglaang pagkawala ng dalawang performer dito at hindi na nakita pa magmula noong nakaraang gabi.
"Pumunta ako rito para mangalap ng impormasyon sa posibleng kinalalagyan ng dalawa. Nagtanong-tanong ako sa ilang mga empleyado ng teater, pati na rin 'yong mga malalapit na kaibigan ng mga nawawala pero mukhang pati sila'y wala ring nalalaman," mahabang pahayag ni Ethan.
"That's unfortunate," opinyon ko. "By the way, you're not alone, are you?"
"Nope, I'm with someone. Siya ang nakatoka na kumausap kay Miss Durless. As a matter of fact, he was waiting in her office. I believe inaasahan din ng boss mo ang pagdating niya ngayong hapon," ani Ethan na nagpakunot ng aking noo.
Dahil sa mga sinabi ni Ethan ay nagka-ideya ako kung nasaan si Barbara. Gayunpaman, hindi lang 'yon ang bumabagabag sa isip ko. Sino 'yong tinutukoy ni Ethan na kasama niyang pumunta rito?
"Wait a sec. Don't tell me you brought Roland with you?" hula ko na sana'y hindi totoo dahil malaki ang atraso sa 'kin ng bugok na 'yan at baka masapak ko 'yan nang 'di oras.
"Haha, gagsti. Busy sa headquarters si Roland kaya malabong siya ang kasama ko ngayon."
"Oh, if it wasn't that jerk, then who?" I asked in a sharp tone as irritation pricked at my system.
His mouth curved into a malicious grin. "Sabihin na lang nating espesyal sa 'yo ang taong iyon," aniya na nasundan ng nakakalokong tawa.
"Ba't 'di mo pa pangalanan kung sino 'yan kukutusan na kita diyan, e!" napipikon kong sabi.
"If I told you, it wouldn't be a surprise," sambit niya. Nagulat ako nang bigla niya 'kong inakbayan na akala mo mga teenager kami. "Tara sa opisina ni Miss Durless nang maipakilala ko sa 'yo ang taong tinutukoy ko."
Pahakbang na sana ito nang pinigilan ko siya. "Hold on. Alam mo ba kung saan ang opisina ni Barbara?" tanong ko.
Ethan shook his head. "Hindi. 'Di pa ako nakapunta roon, eh," maagap niyang sagot at sa galit ko'y hindi ko napigilang kutusan siya. "Aray ko!"
"Ang lakas ng loob mong magyaya, hindi mo naman pala alam!" galit kong sermon kay Bugok na ngayon ay nakahawak sa parte ng kanyang ulo.
"Kailangan mo ba talaga akong kutusan, par?"
"Oo nang maalog 'yang utak mo. Kulang sa mekus-mekus, eh!" pabalang kong sagot. "Tara na nga, bago ko pa ma-tornado 'yang ulo mong walang laman!"
Tinulak ko si Ethan at naglakad na ako palayo. Gaya ng inaasahan, sumunod sa 'kin ang loko. Sinimulan kong magtanong-tanong sa mga staff na nasa lobby. Agad naman nilang itinuro ang opisina ni Barbara na matatagpuan sa pinakadulo ng ikatlong palapag.
Hindi na kami nag-aksaya ng oras at dali-dali kaming pumasok sa elevator bago pa ito tuluyang magsara. It only took us a few seconds before we reached the third floor.
Kasunod ng pagbukas ng elevator ay lumabas na kami. Dire-diretso lang ang lakad namin sa hallway hanggang sa marating namin ang opisina ni Barbara.
"Mauna ka nang pumasok," utos sa 'kin ni Ethan, bagay na tintulan ko.
"Anong ako ang mauna? Ikaw 'tong nagyaya sa 'kin dito, e. Ikaw na!" Galit ko siyang siniko kaya wala na itong nagawa kundi ang sumunod.
Kumatok muna si Ethan sa pinto saka niya dahan-dahang pinihit ang doorknob at itinulak iyon.
Pakiramdam ko'y bumagal ang ikot ng mundo nang mga sandaling makapasok ako sa loob. Unti-unti kong natagpuan ang sarili kong gulat na gulat habang nakapukol ang tingin ko sa lalaking nakaupo sa harap ng office table ni Barbara.
Grabe. Ilang linggo ko ring hindi nakita ang pagmumukha ng gagong 'to matapos niya akong Indian-in sa mismong birthday ko.