Chapter 8: Her Butler, Concerned

1236 Words
Grell Allen "Grellen" Burnett's POV AT THAT MOMENT, ang tanging nagawa ko lang sa kinatatayuan ko ay ang tumitig at iduro ang lalaking iyon. Magmula noong opisyal akong na-suspend sa trabaho ko bilang officer dahil na rin sa kagagawan ng tatay ko, ang akala ko'y pansamantala muna kaming hindi magkikita ngunit nagkamali ako. Hindi pa man natatapos ang kasalukuyang buwan ay nagkrus na naman ang landas namin ng kauna-unahang lalaki na nagbigay sa 'kin ng matinding heartbreak. "William..." halos maibulong ko ang kanyang pangalan. Nanatiling nakaupo si William at inayos ang pagkaka-dekwatros ng kanyang mga paa. "It's Inspector William Fukuyama," he corrected me in the coldest way possible. "My sincerest apologies," I begged. "So, you're the one Ethan was telling me about?" naguguluhan kong tanong. "I don't know what you're trying to say, Mr. Burnett, but Officer Gonzalez here is my new assistant," William said, referring to Ethan. "What? I-I don't understand. How did this happen?" Sinikap kong ilipat ang paningin ko kay Ethan na ngayon ay nakatayo sa tabi ko. "Well, since Officer Grey was assigned to Division 2, the Inspector promoted me as a replacement," Ethan explained, referring to William's right hand-man. "Since when?" "Since last week," Ethan smirked, making me much more irritated. "And you didn't tell me sooner? You ain't a friend," wika ko na may halong pagtatampo. "Ehem!" naagaw ang atensyon namin ni Ethan sa biglang pagtikhim nang malakas ni Barbara. "Kung nagpunta kayo para lang magkuwentahan sa loob ng opisina ko, puwede bang lumabas na lang kayo?" taas-kilay niyang sabi sa amin. "Pasensya na po," halos sabay naming sambit. Agad naman kaming nagkaiwasan ni Ethan at 'di na nagkibuan pa. 'Kakahiya, para kaming mga high school na pinagalitan ng terror na principal! "By the way, I must say, I'm quite surprised to see Mr. Burnett in your office," biglang sabi ni William kay Barbara. "He works as my butler, unfortunately," dismayadong sagot ng gagita. "I hired him since I need a servant and he needs a job. Bagama't medyo palpak ang isang 'to, tumagal naman siya ng 14 days kumpara sa mga kinuha kong tagasilbi na mula sa mga agency kaya okay na rin kaysa wala." I frowned at her, clearly annoyed just by how she expressed her disappointment in hiring me, na tila napilitan lang siya para masabing 'may bago siyang tagasilbi sa mansyon na kayang pagtiisan ang ugali niyang bulok.' Bukod sa inis, pakiramdam ko'y napahiya ako hindi lang kay Ethan na 'di napigilang matawa dahil sa kanyang narinig, kundi pati na rin kay William na dati kong kasamahan sa serbisyo at siya ring nambasted sa akin a couple of weeks ago. Ibig-ibig kong mag-walkout noong mga oras na 'yon ngunit sa huli ay pinili kong manatili na lang gayong naiintriga rin ako sa pinag-uusapan ng bruhilda kong amo at ni William. "Anyway, let's continue the conversation we had earlier," pag-iiba ni Barbara ng usapan. "Kahapon no'ng huling pumasok sa teatro ang dalawang empleyado ko. This morning, they didn't show up, so we thought, nag-awol lang sila pero nitong hapon, tumawag 'yong pamilya at sinabing hindi raw umuwi ang mga ito sa kanilang bahay kagabi. I knew something was wrong, so I quickly reported this to the police, hoping you can help me find them." "I see," William said and he nodded, completely understood everything that he heard. Samantala, nanatili kami ni Ethan sa sulok at nakikinig nang biglang tumingin itong si William sa katabi kong si Ethan. "Gonzalez," tawag niya rito. "Yes, Boss!" Naging alerto naman 'tong si Ethan at agad na lumapit sa mesa ni Barbara. "Nakausap ko kanina ang ilan sa mga katrabaho ng mga nawawala pero maski sila'y blanko rin sa insidente. Wala silang napansin na kakaiba sa dalawa at wala ring nababanggit na kahit anong lugar na maaari nilang puntahan," ang paliwanag ni Ethan base sa kanyang mga nakalap na impormasyon kanina sa baba. "Meaning to say, wala kayong lead kung nasaan ang dalawang empleyado ko?" tanong ni Barbara. "Wala pa sa ngayon pero—" bigla nitong pinutol ang pagsasalita ni William sa pamamagitan ng paghampas niya ng kamay sa mesa na ikinagulat ko naman. "I'm sorry, it's just that I couldn't take it anymore. You see, parang pamilya na ang turing ko sa mga empleyado ko, lalo na ang dalawang 'yon. On top of that, mga performers sila sa teatro ko at lagi kong nakakasama kaya labis ang pag-aalala ko para sa kanila." Gumuhit ang lungkot sa mukha ko nang makita ko kung gaano siya nas-stress. "Madam..." I mumbled. "Ngayong araw ang ikatlong taon ng production company ko na R.E.D. One of them is supposed to be onstage tonight, but now I don't know what to do." Barbara could no longer hold back her tears and let them escape. Damn, I feel sorry for her. If there's any way I can help her, but now, I'm nothing but a lowly servant. Siguro ang tanging magagawa ko lang ngayon ay ipagkatiwala ang kasong ito kina Ethan at William at sana lang, maibalik nila ang mga ito nang buhay at ligtas. "So sorry to hear that," ani William. Nagpakawala ito ng hangin bago tumingin kay Barbara. "Hindi pa man malinaw ang lahat sa ngayon pero hindi kami titigil sa pag-i-imbestiga. Makakaasa kang hindi ko tatantanan ang kasong ito, Miss Durless. We'll get to the bottom of this. "Before we leave, can you please provide us a copy of all the CCTV footages in this vicinity," pagpapaalam pa ni William. "Sure. No problem," Barbara agreed, then she smiled bitterly at him. "Thank you so much, William. I know I can count on you." Biglang nangunot ang noo ko sa aking narinig. Did she just call him by his first name? Ang mas kinabigla ko pa ay nang maagap na ipinatong ni William ang kanyang palad sa kamay ni Barbara. "Anything for you," he said. What the heck is going on between these two? Ibig ko mang makisawsaw ngunit huli na dahil itong si William ay nagpaalam na kay Barbara. Bago sila tuluyang umalis ni Ethan ay huminto pa siya sa harap ko. Tumingin siya sa 'kin na tila pinag-aaralan akong mabuti. On the other hand, hindi ko maipaliwanag ang biglang pagpapawis ko. "Nagtataka lang ako, ex-officer Burnett. Sa lahat ng maaari mong pasukang trabaho, bakit pinili mong maging tagasilbi ng isang Barbara Durless?" tanong niya na halos pabulong na. "Hindi ko pinili ang trabahong 'to dahil tadhana mismo ang nagdala sa 'kin dito," matapang kong sagot. William chuckled, then leaned over and whispered in my ear. "Tadhana nga ba? O baka naman may iba kang pakay sa kanya?" Sinakluban ako ng kaba sa binitiwang salita ni William dahilan para manigas akong muli sa aking kinatatayuan. 'Di rin nagtagal ay nanaig ang tapang ko na itago ang nararamdaman kong nerbyos at taas-noong sinagot ang kanyang katanungan. "If there's anything I need from her, it's my paycheck," paglilinaw ko. Saglit itong nakipagtitigan sa 'kin. "Okay, if you say so, but I'll keep an eye on you," taas-noo niyang sabi bago ito nagpasyang lumabas ng opisina kasunod si Ethan. Naiwan ako sa loob kasama si Barbara, nakapukol ang tingin sa pintuan kung saan lumabas sila William. This guy is giving me anxiety. Ayokong isiping baka may nalalaman siya sa agenda ko kay Barbara pero iba ang dating sa 'kin ng mga pinagsasabi niya. Sana mali ang kutob ko. Sana'y hindi siya maging balakid sa mga plano ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD