Chapter 2 - 1 "Pamela's Version Of The Story 2"

1379 Words
NAPAG-ALAMAN ko na nasa condo unit ni Kristen si Chantal kaya doon ako pumunta. Sinalubong ako ng galit na tingin ni Kristen ng mapagbuksan niya ako ng pinto. Obviously ay alam na niya ang nangyari kaya galit din siya sa akin. "C-Can I talk to Chantal?" medyo nautal kong tanong. Ngayon ko lang nakita ang galit na itsura ni Kristen. Karaniwan na ay mahinahon siya at hindi mabilis magalit.  Nakakapagtampo lang kasi hindi man lang niya muna pakinggan ang side ko. Kaibigan niya kaming dalawa ni chantal pero bakit pakiramdam ko ay outsider ako dito?  "Nagpapahinga siya. Huwag mo nalang munang istorbohin," mahahalata ang galit sa tono nito. "So talagang kampi ka na agad sa kanya? Hindi mo man lang ba muna ako papakinggan? Kaibigan mo din naman ako ah..." hindi ko napigilan na sabihin sa kanya ang nararamdaman ko.  “Umalis ka na Pam bago pa kita kalbuhin sa sobrang inis na nararamdaman ko sayo ngayon!" Mahina ang boses niya ngunit bakas sa bawat katagang binibigkas nito ang galit. "Ganyan ka naman eh... Si Chantal lang ang mahalaga sayo! Kaibigan niyo rin ako pero feeling ko saling pusa lang ako sa inyong dalawa! At ngayon hindi mo man lang papakinggan ang side ko because I was already convicted without a proper trial. Of course ang nararamdaman lang naman ni Chantal ang mahalaga rito. Paano naman ang nararamdaman ko?" Matagal ko nang nararamdaman na mas close silang dalawa palibhasa mas malapit ang mga ugali nila sa isa't isa. Pero kaibigan din nila ako, diba? Dapat pantay lang ang tingin niya sa akin at kay Chantal. Dapat pakinggan niya rin muna ako at wala siya dapat kakampihan kahit na sabihin na may pagkakamali ako sa nangyari.  "Your wrong Pam! We treated you the same like how Chantal and I treat each other. Bulag ka lang siguro at manhid kung hindi mo nararamdaman iyon." Mahinahon parin si Kristen. But I know too well, malapit na masagad ang pasensya niya sa akin. "Hindi niyo man lang ba papakinggan ang paliwanag ko?" tanong ko sa kanya. Nagpunta ako dahil alam kong may mali akong nagawa kay Chantal. Gusto ko sanang ayusin iyon at itama ang maling nagawa ko kagabi pero mukhang hindi manlang nila ako gustong pakinggan. "Some other time Pam. Natutulog si Chantal at maawa ka naman! Magdamag siyang umiiyak dahil sa kagagawan mo, niyo! Sa kahayupan niyong dalawa ni Kenzo!" Inaamin ko nabaliw ako kagabi. I was out of control. Kaya nga ako napahamak diba? Pero hindi niya alam 'yon dahil wala siyang pakialam sa akin. Si Chantal lang ang concern niya. "Let's hear her out, bes. Gusto ko rin marinig kung paano niyang nagawa sa akin ito." Boses iyon ni Chantal. Kung nakakamatay lang ang tingin ay baka bumulagta na ako. Kahit halatang labag sa loob ni Kristen ay pinapasok niya ako. "So?" untag ni Chantal ng pagkatapos ng ilang minuto ay walang nagsasalita sa amin. Hindi ko alam kung paano  mag-uumpisang magpaliwanag. Pero maganda siguro kung malalaman niya ang nararamdaman ko para kay Kenzo. "I-I love him, very much!" mahina kong turan. "I love him since forever! Siya ang lalaking minsan nabanggit ko sa inyo na mahal na mahal ko mula pa yata noong bata ako at nakikita ko siyang pumupunta minsan sa bahay kasama ang Mommy niya," pagpapatuloy ko. Hindi ko napigilan ang pagtulo ng luha ko. Hindi ko alam kung bakit basta tumulo nalang siya. "God knows how much I tried not to love him but I still did and I still do. Before my last birthday medyo napapansin na niya ako. We're actually fine nagdidate na nga rin kami." Totoo naman kasing lumalabas na kami ni Kenzo. Oo friendly date lang iyon pero date parin 'yon. "But when Kenzo mets you Chantal nakuha mo ang attention niya. Siguro dahil sa party mukhang ikaw, kayo lang ni Kristen ang mukhang hindi interesado sa kanya. His friend Kevin was laughing at him when you avoided him and went to Arthur's arm instead." Alam na alam ko 'yon dahil sabi ko nga kung nakay Chantal ang attention  ni Kenzo ng gabing iyon ako naman ang attention ko naman ay nakay Kenzo. Nakasunod ako sa halos lahat ng galaw at kilos niya. "He got pissed. Then they made a bet! A bet worth one of Kenzo's sports’ car. If he won’t get to bed you, Kevin will have his car. The same with Kevin's sports car if you end up on Kenzo's bed." Totoo narinig ko talagang nagpustahan si Kenzo at Kevin noong gabing iyon. Ang mali ko ngalang ay hindi ko sinabi kay Chantal. Medyo nawala narin kasi sa isip ko 'yon. "I-Its a lie...please tell me it's all a lie!" tumutulo ang luha na wika ni Chantal. Nasa boses niya rin ang pagmamakaawa. Pero ewan ko ba. Tuloy-tuloy ang bibig ko. Siguro ay dahil iyon ang nararamdaman ko. "That's the truth Chantal! Masyado kang pa hard to get kaya mas lalong nag concentrate si Kenzo sa panliligaw sayo. He forgot what we have. What we used to have. Puro ikaw nalang ng ikaw! Nakalimutan niya na ako!" Wala na akong pakialam sa nararamdaman niya. Ang iniisip ko lang ngayon ay masabi ko sa kanya lahat ng nilalaman ng puso ko.  Kay tagal ko rin tiniis ang at kinimkip sa loob ko ang sakit. Pero bakit parang ang nararamdaman lang ni Chantal ang mahalaga? Paano naman ako? Hindi lang naman siya ang nagmamahal dito. Nagpatuloy ako, "Then I gave in. Inisip kong curious lang siya talaga sayo. Babalik din siya sa akin pagkatapos ng pustahan nila. Pero hindi ko na kaya ang sakit! Lalo na ang isiping magiging kayo na. Baka tuluyan na niya akong makalimutan dahil sayo. So I'm claiming him back!" Siraulong bibig to walang kaluluwa. Claiming him back talaga Pamela? Kung makapagsalita ako eh parang naging akin talaga si Kenzo. Pero wala nasabi ko na e. Alam ko na rin naman na kahit humingi pa ako ng tawad kay Chantal sa nagawa ko. Wala na ang dalawang bestfriends ko. Mag-isa nalang ako. Kaya sige na. Itudo ko nalang tong kagagahan ko.  "So you see Chantal...hindi ako ang nang-agaw. Ako ang nauna! Binabawi ko lang kung ano ang dating akin! Dapat ka pa nga magpasalamat dahil hindi ko hinayaang mawasak ka niya! I claimed him back before you give yourself to him." Tiningnan ako ni Chantal na parang hindi niya ako kilala. Sabagay maski ako ay hindi ko narin kilala ang sarili ko. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang mga pinagsasabi ko. Ang gusto ko nalang mangyari ngayon. Maging akin si Kenzo para at least man lang may mapala ako sa pagtrydor ko sa kaibigan ko. "Why didn't you tell me? Bakit hinayaan mo akong mahalin siya! Kung sinabi mo nang mas maaga eh di sana iniwasan ko siya! Sana hindi ko siya minahal!" "I love him so very much na hindi ko siya kayang kalabanin. Kung hinadlangan ko siya at sinabi sayo ang totoo, magagalit siya sa akin. Baka hindi na niya ako pansinin." Walang hiya. Pinapanindigan ko na talaga ang pagiging kontrabida. Mamaya ako nalang mismo ang sasabunot sa sarili kong buhok. "How dare you sacrifices our friendship para sa isang lalaki! You should have at least warning Chantal!" Nandito pa pala si Kristen. Mas galit na siya ngayon sa akin kaysa kanina. "I did! Never akong naging boto kay Kenzo para kay Chantal. Palagi ko iyon sinasabi sa inyo!" "Please go! Ayaw ko nang makarinig ng kahit ano na tungkol sa inyong dalawa!" Parang nawalan na ng lakas si Chantal habang itinataboy ako nito. "Please let me have Kenzo back! Sa akin naman talaga siya eh bago ka niya nakilala." Shit humirit pa talaga 'tong bibig ko? I can't believe this. Epekto parin ba to ng hinithit ko kagabi? Bakit sobrang kapal naman yata ng mukha ko ngayon? "I don't have a plan of getting something that is not really mine in the first place. Sayong sayo na siya! Isaksak mo sa baga mo. Magsama kayo! Mas bagay naman kayong dalawa eh. Pareho kayong mga manloloko," turan ni Chantal bago tumayo at naglakad pabalik ng kwarto. "Thanks, Chantal! Panghahawakan ko ang sinabi mo!" Baliw na ako alam ko. Pero nandito na 'to kaya paninindigan ko nalang ang pagiging kontrabida ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD