Chapter 2 - 2

1547 Words
MULA ng araw na 'yon ay nawala sa akin ang dalawang bestfriends ko. Hindi ko naman sila masisisi. Kasalanan ko naman talaga at inaamin ko 'yon. Pero kapag nagmamahal ka pala. Wala nang ibang mahalaga sayo kundi ang taong mahal mo. Siya nalang ang importante sayo at siya nalang ang nagiging mundo mo. Nabubulag ka ng kung ano ang tama at kung ano ang mali. Ang masakit lang dahil maski si Kenzo ay kinamumuhian na rin ako ngayon. Hindi na kasi siya pinatawad at tinanggap ni Chantal. At mukhang dahil sa galit ni Chantal kay Kenzo ay tinanggap nito bilang nobyo si Arthur ang pinsan ni Kristen. Kaya naman gabi-gabing naglalasing si Kenzo. Parang nawalan na ito ng gana sa buhay. Sa totoo lang ay naawa na ako sa kanya. At doble ang sakit na nararamdaman ko kapag nakikita ko siyang ganoon. "Leave me alone. I don't want to see you. Get the hell out of here!" sikmat sa akin ni Kenzo. Nandito siya sa isang bar at nilulunod nanaman ang sarili sa alak. "Ken, tama na. Lasing ka na eh," pigil ko sa kanya pero tinabig niya lang ako. "Wala kang pakialam kung anong gusto kong gawin sa buhay ko. Hindi kita kaano-ano. Leave!!!" Muntik nang tumalon ang puso ko ng sigawan niya ako. Ang sakit-sakit pero parang nagiging bato narin ako. Wala na akong pakialam kung pinapahiya, sinisigawan at pinagtatabuyan niya ako. Mahal ko siya. Titiisin ko ang lahat para sa kanya. Dahil lalo siyang nagagalit kapag pinipigilan ko siyang uminom. Pinabayaan ko nalang siya sa gusto niyang gawin. Hanggang sa makatulog na siya sa sobrang kalasingan. "Kuya, tulungan mo naman ako oh," pakiusap ko sa isang waiter. "Sige ho, Ma’am," sagot ng waiter at tinulungan ako nitong mailabas sa bar na iyon si Kenzo. "Ano po ang nangyari kay Sir Ken, Maam?" salubong naman ng driver ni Kenzo sa akin. "Lasing eh," sagot ko. Tumulong na sa amin ang driver dahil hirap na hirap kaming dalawa ng waiter. Sa laki ba naman ng kaha ng katawan nito. Pati sa pagdadala namin kay Kenzo paakyat sa Condo unit nito ay hirap na hirap kami ng driver. Pero sige tiis lang Pamela. Ikaw ang may kagagawan nito, diba? "Sige kuya umuwi ka na. Ako na ang bahala dito," turan ko sa driver ng maihiga namin si Kenzo sa kama nito. "Sigurado ka po, Maam?" medyo nag-aalala na tanong ng driver ni Kenzo. "Oo kuya. Para makapagpahinga ka narin. Kaya ko na 'to." "Sige po," at umalis na ito. Naiiyak ako habang pinagmamasdan ko si Kenzo. Anong ginawa ko? Hindi ko akalain na ganito ang magiging epekto sa kanya ng ginawa ko. "I'm so sorry, Ken!" mahina kong bulong habang nakatingin lang sa kanya. Kumilos ito at anyong tatayo mula sa pagkakahiga. "Saan ka pupunta?" agad ko siyang inalalayan. Ngunit bigla nalang siyang sumuka at sa akin bumagsak lahat ng 'yon. Naligo ako ng suka niya. Great Pamela! Buti nga sa akin. Yes I know. I deserve this. At hindi ako nagrereklamo. Mahinahon ko siyang inalalayan pabalik sa higaan. Kumuha ako ng towel at pinunasan ang sarili ko. Dahil napuno ng suka ang bestida na suot ko wala akong choice kundi kumuha ng bihisan sa kabinet niya. Isang oversized t-shirt. "Pwede na  muna 'to," turan ko at nagbihis. Pagkatapos kong magbihis ay si Kenzo naman ang inasikaso ko. Hinubad ko ang damit at pantalon niya at itinira lang ang boxers niyang suot. Promise, sa pagkakataong ito ay wala talaga akong malisyang iniisip. Ang gusto ko lang ngayon ay mapunasan siya. Hirap na hirap ako dahil ang laki niyang tao. Pero sige lang hindi parin ako nagrereklamo. Hapong-hapo ako ng matapos. Hindi na ako nag abala pang bihisan siya dahil nauubusan na rin ako ng lakas. Kinumutan ko nalang siya tapos ay nilinis ang mga ginamit ko. Nilabhan ko ang bestida kong nasukahan niya para may masuot ako bukas pag-uwi ko. Dito na ako matutulog. Nag-aalala kasi akong iwan siya. Pagkatapos kong maimis ang mga kalat ay hapo akong napaupo sa kama. ---   KINAUMAGAHAN ay naalimpungatan ako ng tamaan ng sinag ng araw ang mukha ko. Bigla akong napabalikwas. Shit. Nakatulog pala ako sa gilid ng kama sa paanan ni Kenzo. Tiningnan ko si Kenzo. Mahimbing parin ang tulog nito. May narinig akong kaloskos sa labas ng kwarto kaya bumangon ako. Naisip ko na baka ang driver ni Kenzo. "Kuya, makikisuyo sana ako---" Naghang ako ng makita ko ang Mommy ni Kenzo may dalang mga grocery stocks at inilalabas sa shopping bags. "Pamela!" gulat na sambit nito sa pangalan ko. Tiningnan niya ang suot ko tapos ang kwartong nilabasan ko. Kung saan kitang kita ang natutulog nitong anak na nakalantad ang hubad na katawan. Siguro noong gumalaw ito ay natanggal ang kumot nito at ngayon ay tanging ibabang bahagi nalang ng katawan ang may kumot. Shit! Hindi mahirap hulaan na iniisip niyang may nangyari sa amin ng anak niya. "Tita, wala pong---" "It's okay, hija. You don't need to explain," nakangiti pa nitong turan. Ghad! Bakit puro nalang ako kapalpakan ngayon? ---   WEEKS later napag-alaman kong buntis ako. Delayed ako ng almost a month  now. Kaya bumili na ako ng tatlong piraso ng pregnancy test na magkakaiba ang brand. Sabay-sabay ko yung ginamit. Pakiramdam ko ay nawalan ng kulay ang mukha ko ng maging dalawa ang pulang guhit sa tatlong set ng pregnancy test na pinatakan ko ng ihi ko paggising ko kinaumagahan. Nagbunga ang nangyari noong gabing iyon. Noong ibigay ko ang sarili ko sa lalaking hindi ko manlang matandaan ang hitsura. "Karma, kailan mo ba ako titigilan?" naiiyak kong tanong sa hangin. Naalala ko tuloy ang minsang dumaan sa news feed ko sa f*******: na ang sinasabi ay "People who create their own drama, deserve their own karma." I know I deserve my own karma pero bakit naman may buhay pa ng isang inosenteng bata ang madadamay? Ako lang dapat. Hindi ko alam ang gagawin ko. Gulong-gulo ang isip ko. Paano ko ito sasabihin sa pamilya ko? Napakalaking kahihiyan ito. Tiyak magwawala ang Daddy ko kapag nalaman niya ang kalagayan ko. Nag-impaki ako ng damit. Hindi ko alam kung saan ako pupunta basta ang alam ko ay gusto kong lumayo muna sa lahat. Para makapag isip-isip. Iniwan ko ang phone ko sa kwarto ko. Gusto kong mag-isip ng walang communication sa kahit sino maski sa pamilya ko. Gusto kong maglahong parang bula kung pwede lang. Napadpad ako sa isla sa Mindoro. Inabot ako doon ng limang araw. Parang ayaw ko na ngang umuwi e. Pero nag-alala din ako sa pamilya ko. Baka hinahanap na nila ako. Kailangan din nilang malaman ang kalagayan ko. Buo na ang desisyon ko. Ipagtatapat ko sa kanila ang totoo at itatama ang lahat ng mga naging pagkakamali ko lalo na kay Kenzo at Chantal. Ngunit pag-uwi ko ng bahay ay kabaliktaran ng inaasahan ko ang nadatnan ko. Sinalubong ako ng yakap ng Mommy ko ng pumasok ako sa pinto ng mansion namin. "Pamela anak. Saan ka ba nagpuntang bata ka? Alalang-alala kami sayo." "I-I'm sorry, Mommy. I just needed some space to think," sagot ko habang sinusuyod ng tingin ang mga tao sa paligid. Hindi ako nagtataka kung bakit maagang nasa bahay si Daddy. Syempre anak niya ako. Mag-aalala siya para sa akin. Pero bakit nandito si Kenzo at ang parents niya? "Pamela, iha. Mabuti naman at naisipan mo nang umuwi," niyakap ako ng Mommy ni Kenzo na nakangiti. May nararamdaman akong kakaiba sa ngiti at yakap nito sa akin ngayon. Nagtataka kong tinapunan ng tingin si Kenzo. Nakasalubong ang kilay nito pero hindi nagsasalita. I know. Galit parin siya sa akin. Ang Daddy ni Kenzo ay niyakap din ako. "Welcome back, iha," anito. Si Daddy ay tahimik lang. "A-Ano pong nangyayari?" tanong ko kay Mommy. "We found this in your room," ipinakita nito sa akin ang tatlong pregnancy test na ginamit ko noong nakaraan. Nakabalot iyon sa plastic. Bigla akong namutla. Paanong na kay Mommy ang mga 'yon e sa pagkakaalam ko ay itinapon ko ang mga 'yon sa basurahan bago ako umalis. "Don't worry, hija. Pananagutan ng anak naming si Kenzo ang magiging anak ninyo," turan ni tita Amelia. "Huh?" Nagulat talaga ako. Iniisip nilang lahat na si Kenzo ang tatay ng ipinagbubuntis ko? "Aayusin natin ang kasal ninyo sa lalong madaling panahon bago pa lumaki ang tiyan mo," ang Daddy ni Kenzo. "K-Kasal po?" "Oo. Magpapakasal kayo ni Kenzo. Iyon naman talaga ang nararapat na gawin habang hindi pa nahahalata ang tiyan mo," maawtoridad nang sabat ni Daddy. "P-Pero hindi naman po---" "Walang pero-pero. Sa lalong madaling panahon gaganapin ang kasal niyo!" putol ni Daddy sa sasabihin ko sana. "Ano pang inaangal mo? Hindi ba't ito naman ang gusto mo? O baka hinihintay mo pang lumuhod ako sa harap mo?" Sa wakas ay nagsalita na si Kenzo. Halata sa boses nito na hindi ito natutuwa sa nangyayari. "Kenzo, huwag kang bastos!" saway dito ng Mommy niya. "Iwan ko sa inyo!" turan nito sabay walked out. Sinundan ko nalang ito ng naaawa na tingin. Gustuhin ko man itama ang mali ko ay hindi ko nagawa. Nakisakay nalang ako sa agos. Magrereklamo pa ba ako e pabor naman sa akin ang sitwasyon? Magkakaroon ng ama  ang batang pinagbubuntis ko at magiging asawa ko pa ang lalaking pinapangarap ko. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD