Chapter 1 - 3

1791 Words
SA isang club ako dinala ng mga paa ko. Naupo ako sa may bartender. Sobrang ingay ng paligid. Ang likot ng iba't ibang kulay ng ilaw. Marami narin ang mga tao sa paligid na nagkakasayahan at nag-iinuman. May mga nagsasayawan din. Syempre Saturday night kaya naman puno-puno ang lugar. Um-order ako ng alak. "Kuya, bigyan mo ako ng pinakamatapang niyong alak," turan ko sa bartender. "Alin ang gusto mo, Madam? We have Sunset rum, Balkan vodka, Bacardi---" "Anything,"  I answered, cutting the bartender off. "Right away, Madam." Binigyan naman ako nito ng Bacardi. Pagkatapos ko sa isang baso ay isa pa. Hanggang sa hindi ko na mabilang kung nakakailang baso na ako. Nakailang shot narin ako at alam kong lasing na ako. Umiikot na ang paningin ko. Pero tuloy tuloy lang ako sa  pag-inom. "One more, kuya. Make it double, please!" order ko. Kailangan kong lunurin ang sarili ko sa alak. Baka sakali ay hindi na ako makaramdam ng sakit. "Ma'am, sigurado po kayo? Mukhang lasing na po kayo eh," concern na tanong ng bartender.  "What is it to you? Give me my order..." pagtataray ko sa bartender. Nakakainis kasi pakialamero.  "Ma'am, lasing ka na po kasi. May kasama man lang po ba kayo?" "No, I'm not drunk. Give me my order now!  Kilala ko ang may-ari dito, ipapasisante kita..." banta ko sa bartender. Ang totoo ay ngayon lang naman ako napunta sa club na ito. Lalong hindi ko kilala kung sino man ang may-ari nito. Sinabi ko lang iyong para hindi ako pakialaman ng bartender at ibigay niya ang order ko. Natakot yata ito at ibinigay ang order ko. Agad kong tinungga ang basong may laman na alak na animo tubig lang iyon. Tapos ay muli nanaman akong um-order. "Ma'am, lasing ka na po talaga e..." muling saway ng bartender. "Pati ba naman alak hindi ko parin pwedeng gustuhin? Gusto ko lang naman makalimot dahil ang sakit sakit na eh... Sobrang sakit na dito oh..." turo ko sa dibdib ko. Lasing na nga yata ako dahil nagdadrama na ako sa harap ng mga taong hindi ko naman kilala.  Naiiling na binigyan nalang ulit ako ng bartender ng alak na order ko. "Hahaha. Thank you, kuya..." tumawa ako na parang baliw. Wala lang gusto ko lng tumawa. Ang saya-saya lang. Nawala na nga ang lalaking mahal ko ay siguradong pati best friend ko ay mawawala na rin dahil sa ginawa ko.  Hawak ang baso ng alak ay tumayo ako sa inuupuan ko at nag-umpisang umindak sa tugtog. Ang saya-saya. Para akong nasa alapaap. Para na akong baliw na tumatawa at sumasayaw. Walang pakialam sa paligid at iginigiling ang katawan ko sa saliw ng tugtog. Animo pag-aari ko ang mundo. The next thing I know ay nagising nalang ako sa ibabaw ng isang estrangherong kama at sa isang estrangherong kwarto. Agad akong napabalikwas ng upo sa kama.  "Oh, s**t!" malutong kong mura ng makita ko ang hubad kong katawan sa ilalim ng puting kumot. Inikot ko ang paningin ko sa paligid. Mag-isa lang ako. "Awww," hiyaw ko dahil sobrang sakit ng ulo ko na parang mabibiyak. Sobrang sakit din ng katawan ko na para bang nag gym ako ng buong araw.  What happened? What did I do? How did I get here? Where am I? Who brought me here? Mga katanungan na hindi ko mabigyan ng kasagutan. Ang huli kong naaalala ay nasa isang club ako. Nilulunod ang sarili sa alak at sumasayaw mag-isa. Lalo akong nahindik ng makita ang marka ng pulang dugo sa kumot na na nakabalot sa katawan ko. "Oh dear God. Was I raped?" tanong ko habang pinapakiramdaman ang sarili ko. Ang sakit ng katawan ko ay hindi normal. Lalo na ang bahaging iyon sa pagitan ng mga hita ko. Sigurado akong wala na ang virginity ko na iningatan ko ng ilang taon. Virginity na nilalaan ko sana para kay Kenzo.  “f**k!” mura ko ng maalala si Kenzo at ang luhaang mukha ni Chantal habang nakatingin sa halos walang saplot na mga katawan namin ni Kenzo.  Ipinilig ko ang ulo ko. Pinipilit alalahanin kung ano ang nangyari pagkatapos niyon. But I was so damn drunk that I can't even remember what happened.  Inis na inis ako sa sarili ko. Ang gaga ko, promise! Ang sarap iuntog ng ulo ko sa pader sa kagagahan na pinaggagawa ko kagabi.  "Was I drugged?" I asked myself. Jeez. Stupid question. I was not drugged! Bangag ako sa pinahithit sa akin ng mababait kong barkada. Tapos lasing na lasing pa ako sa alak. “Ang gaga mo, Pamela!” Inis na sinabunutan ko ang may kahabaan kong buhok. "s**t. I was f*****g wasted. What the hell you're doing to yourself Pamela? Baliw ka na!" Naiyak ako. Kanino ko kaya ibinigay ang virginity ko? Sana ‘yun man lang ay maalala ko. Tsk. Ang saklap naman, iningatan ko ng pagkatagal-tagal tapos sa ganito lang pala mawawala.  Pero wala, nangyari na. Hindi na 'yon maibabalik kung magngangawa man ako maghapon magdamag. Move on. Yes. I have to move on. Iinot-inot akong bumaba ng kama. "What a f**k!" mura ko sa sobrang hapdi ng pekpek ko. Gaano ba kalaki ang pumasok dito at pakiramdam ko ay nawarak ito sa sobrang hapdi? Sino ba ang lalaking 'yon at sobrang laki naman yata ng armas niya? Maalala ko lang kung sino siya at puputulan ko siya ng kaligayahan.  “Wait. What if he's a serial killer?” Nahindik ako sa takot. "What if he has a contagious disease?" Oh em gee! I hope not! Huwag naman sana akong mahawaan ng sakit. Nakarma na ba agad ako sa ginawa ko kay Kenzo at Chantal? Ang bilis naman. Totoo nga talagang karma has no menu. You get served what you deserve. Well, I really get served and it's even on a golden platter.  Kahit masakit ang katawan ko ay binilisan ko ang pagpaligo para makaalis na kung saang lugar man ito. At least mamahalin naman ang hotel suites na pinagdalhan sa akin ng kung sino mang nagnakaw sa virginity ko. Sobrang laki kasi ng kwarto at halatang mamahalin. Diyos ko, huwag naman sana matandang mayaman na mayakis ang nakagalaw sa akin. Sa naisip ko ay sinabon ko ng sinabon ang buong katawan ko na animo mawawala niyon ang anumang bakas na pwedeng naiwan nito sa katawan ko.  Nang matapos akong maligo ay hinanap ko ang mga damit ko. Nakita ko ang pantalon ko na nakatupi sa ibabaw ng upuan. Kasama din niyon ang manipis kong bikini. Sa tabi niyon ay may naka hunger na puting polo na panlalaki. Napakunot ang noo ko. Nasaan ang bra at pantaas ko? Inikot ko ang kwarto para hanapin ang bra at pantaas ko. Nakita ko iyon sa basurahan at puno ng suka. "Yuck!" agad ko iyong binitawan. Kaya naman pala iniwanan ako ng puting polo dahil hindi na mapapakinabangan ang bra at pantaas ko. Ganoon ako nalasing kagabi? Infairness, kung sino man ang lalaking iyon na may malaking armas, ay mukha namang mabait at naisip niya pang iwanan  akong ng bihisan kahit papano.  Jeez! Ang bango ng amoy ng polo niya. Amoy mamahalin ang pabangong gamit niya. Ang sarap sa ilong. Hindi ko tuloy maiwasan isipin na magandang lalaki ang may-ari ng amoy na iyon.  ----   PAGDATING ko sa bahay ay sinalubong ako ng bunganga ni mommy. "Saan ka nanaman ba natulog kagabi, Pamela? Bakit ganyan ang ayos mo? Ikaw bata ka kailan ka ba talaga titino? Alam mo bang hindi ako halos nakatulog sa pag-aalala sayo? Hindi ka man lang tumawag para ipaalam na hindi ka makakauwi. Para kang hindi babae… Daig mo pa ang mga kuya mo ah!" putak ni Mommy habang nakasunod sa akin. "Mommy, please not today. Ang sakit ng ulo ko," pakiusap ko sa kanya. "Nanggaling dito si Kenzo at galit na galit. Hinahanap ka. Ano nanaman ba ang ginawa mong kalokohan?" nakasunod parin sa akin si mommy at mukhang wala itong balak na tantanan ako. Kinabahan ako ng sabihin niya na nagpunta si Kenzo. Baka kung ano nang isinumbong niyon kay Mommy. Patay ako. Hindi lang kurot sa singit ang aabutin ko. "Bakit? Ano po bang sinabi?" tanong ko. "Tinanong ko nga... abay hindi naman nagsabi basta hinahanap ka lang. Ikaw bata ka umayos ka ha. Nakakahiya kayla tita Amelia mo." Hay salamat buti at hindi ako isinumbong. "Eh wala naman palang sinabi e. Baka may itatanong lang." "Kung may itatanong lang e bakit galit na galit? Tsaka bakit nasa kanya itong bag mo at cellphone mo?" "Abay iwan ko po sa inyo. Kayo 'tong nakausap e," pagkukunwari kong walang alam. "Sana tinanong mo kung bakit nasa kanya 'tong bag ko." Kunwari ay relax lang ako pero ang totoo ay tinatambol ang puso ko. Hindi ko alam kung paano ko lulutasin ang problemang ginawa ko. "Mommy kung ikaw ang tatanungin ko. Kung sakali lang naman..." Medyo nag-alangan pa ako. "Nang ano?" tanong nito. "Kung sakali lang ha..." paalala ko. "Gusto niyo ba si Kenzo para sa akin?" Biglang lumambot ang mukha ni Mommy sa tanong ko. "Aba e syempre! Sino bang nanay ang hindi gugustuhin na maging manugang si Kenzo. Aba e napakabait na bata at masunurin sa magulang. Matalino at successful sa buhay. Isa pa para ko na ring anak ang batang 'yon. Kung siya ang mapapangsawa mo, iyon na ang nag-iisang magandang nagawa mo sa buhay mo bata ka." "Grabe ka naman, Mommy." "Abay totoo naman. Pero bakit mo naitanong? Nililigawan ka na ba niya?" "Ako po ang manliligaw sa kanya," may pagbibirong totoo kong sagot dito. "Ano? Ikaw talagang bata ka puro ka kalokohan. Umayos ka nga. Para kang hindi babae. Daig mo pa ang mga kuya mo kung magpasaway ah. Mula ng magdalaga ka e lalong pumuti ang mga buhok ko sa stress sayo." "Mommy... awat na muna po. Magbibihis pa po ako. May importante pa po akong pupuntahan." putol ko sa pagtatalak nito. Kung papabayaan ko lang siya sa kakatalak baka mahalungkat pa iyong mga kasalanan at kalokohan ko mula ng bata ako. Ganoon kasi si Mommy kapag nag-umpisa sa kakatalak sa akin nagsisilabasan iyong mga kasalanan kong matagal nang nakalibing. "E saan ka nanaman pupunta? Kauuwi mo lang tapos aalis ka nanaman?" Marahan ko siyang hinawakan sa magkabilang balikat mula sa likod at dahan-dahan na itinutulak palabas sa pinto ng kwarto ko. "Pupunta ng giyera at ipaglalaban ang mamanugangin niyo," sagot ko dito. "Ano kamo?" marahas na lingon nito sa akin. "Wala po. Sabi ko malapit nang mag-umpisa iyong noontime show na pinapanood niyo." "Ayusin mo lang. Kapag ikaw sumabit nanaman sa gulo hindi na kita tutulongan sa daddy mo." Hindi ko na siya sinagot at pumasok na ako ulit sa kwarto ko at nagbihis. Pupuntahan ko si Chantal. Kung ano ang sasabihin ko ay hindi ko pa alam.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD