Chapter 1 - 2

3394 Words
PANAUHIN ng mommy ko ang mommy ni Kenzo. Noong dumating ako sa bahay galing sa isang photoshoot. "Hi, Mom." Humalik ako sa pisngi ni mommy. "Hello po, tita." Tapos ay humalok din ako sa pisngi ni tita Amelia. "Kumusta po, tita?" pangangamusta ko dito. "Mabuti naman, iha. You look gorgeous as always." "Nako kayo talaga tita palagi mong pinapataba ang puso ko," nakangiti kong turan. "I'm just telling the truth." "Ikaw din po tita. Ang ganda-ganda niyo parin po. Para ngang mas bumabata kayong tingnan eh." "Binola mo pa ako. Pero salamat!” nakangiti nitong wika. “Saan ka pala galing at mukhang pagod ka yata?" tanong nito. "Ay nako saan pa ba kundi sa model model na 'yan," sabat ni mommy ko. Halata sa boses nito na ayaw nito sa klase ng trabahong pinasok ko. "Si Mommy talaga. Hanggang ngayon parin ba ay may issue parin tayo sa career ko?" nilapitan ko ito at malambing na niyakap. "Paanong hindi e ilang beses na akong sinasabon ng daddy mo dahil hindi mo parin tinatapos ang pag-aaral mo," simangot nito.  "Hayaan mo na 'yang anak mo, Silvia. Babae naman 'yan. Bubuhayin 'yan ng kung sino man ang mapapangasawa niya," pagkampi sa akin ni tita Amelia. "Thanks, tita. The best ka talaga," turan ko sabay kindat dito. "Si Kenzo nga po pala?" tanong ko dito. "Nako, alam mo naman 'yun laging busy. Kundi trabaho e pambabae naman ang inaatupag halos hindi ko na nga nakikita sa bahay e. Buti nga sana kung bibigyan tuloy ako ng apo." Bakit ko pa ngaba itinanong e nasaktan lang tuloy ako sa naging sagot ni tita Amelia. "Apo? Asa ka pa, Mare. Ako nga na tatlo ang anak hindi ko alam kung kailan mabibigyan ng apo. Iyong dalawa kong anak na lalaki parehong wala pang balak mag-asawa. Ito namang si Pamela hindi ko alam kung anong balak nito sa buhay..." may engos pa sa akin na sabi ni Mommy. "Bakit iha, may kasintahan ka na ba?" tanong sa akin ni tita Amelia. "Nako tita, wala po," agad kong sagot. "Mabuti naman. Alam mo naman na ikaw ang napipisil kong mapangasawa ni Kenzo, diba?" Ang lakas ng naging kabog ng puso ko.Iba pala ang dating kapag mismong sa harap mo sasabihin ng nanay ng lalaking mahal mo na ikaw ang gusto nitong maging manugang. "Bakit iha, ayaw mo ba sa anak ko?" "Nako hindi naman po sa ganoon---" "Anong ayaw e bata palang 'yang si Pamela, may gusto na 'yan kay Kenzo," pangbubuking sa akin ni Mommy. And I thought ako lang ang nakakaalam sa nararamdaman ko para kay Kenzo. Hindi ko pala 'yon naitago sa mommy ko. Parang gusto ko tuloy bumuka ang lupa at lamunin ako. Nahihiya kasi ako kay tita Amelia at baka kung anong isipin niya. "O e ganun naman pala. Hayaan mo at ako ang bahala sayo. Kakausapin ko si Kenzo. Magiging masaya talaga kami ng Mommy mo kung kayo ni Kenzo ang magkakatuluyan. Lalo na at mula bata kayo ay magkasundo naman kayo," nakangiting turan ni tita Amelia. "Mabuti pa nga at nang tumino narin itong si Pamela kapag may asawa nang aalagaan." "Mommy naman. Matino po ako..." pagtatanggol ko sa sarili ko. Pero grabe parang nakikinikinita ko na ang sarili ko na bumabangon sa umaga para ipaghanda ng breakfast niya si Kenzo. Kahit hindi ako marunong magluto ay mag-aaral ako para sa kanya. Baka making masterchef pa ako kung nagkataon dahil aaralin ko talaga lahat ng klase ng pagkain na paborito niya.  Kaya kong gawin ang kahit na ano basta para sa kanya. "By the way diba't malapit na nga pala ang kaarawan ni Kenzo?" paalala ni mommy. "Oo kaso ayaw naman magpaparty ng batang 'yun. Masyado daw siyang busy ngayon. Kaya baka family dinner nalang," sagot ni tita Amelia. Malapit na nga pala ang kaarawan ni Kenzo my loves. Ano kayang regalo ang bibilhin ko? Iwan basta kailangan kong paghandaan 'yon. Ano kaya kung magtapat narin ako sa kanya ng nararamdaman ko? Iba na ang panahon ngayon kung mahal mo e kahit babae ka pa ikaw nang manligaw. ---   NAGING sobrang excited ako sa pagpaplano kung paano akong magtatapat ng nararamdaman ko para kay Kenzo. Nakalimutan ko na nililigawan nga pala nito ang bestfriend ko. Patay! Ano na ang gagawin ko ngayon? Ipagtapat ko na kaya kay Chantal ang totoo. Tama, sasabihin ko na sa kanyang matagal ko nang mahal si Kenzo. Total hindi pa naman sila e. Hindi niya pa naman ito sinasagot. Ngunit isang araw bago ang kaarawan ni Kenzo. Tinawagan ako ni Chantal at nakipagkita sa coffee shop na paborito naming tambayan. Tamang-tama. Buo na ang desisyon ko na sabihin sa kanya ang nararamdaman ko para kay Kenzo. Mabuti na yung alam niya nahihirapan narin kasi akong itago sa kanila.  Pagdating ko sa coffee shop ay nandoon na si Chantal at Kristen. Kinakabahan ako. Pero kailangan ko na talagang sabihin sa kanya. Ngunit naghahanap palang ako ng tamang timing ng biglang magsalita si Chantal. "Sasagutin ko na si Kenzo. I love him." Parang sumabog ang puso ko sa ipinagtapat niya. NO!!! HINDI!!! Para akong nawalan ng lakas. Paano ko pang sasabihin sa kanya ngayon? "Are you sure about this? Si Kenzo ba talaga ang mahal mo at wala na talagang pag-asa ang pinsan ko?" si Kristen iyon. Malungkot ang boses niya. Tingin ko ay nalulungkot siya para sa kasawian sa pag-ibig ng pinsan nitong si Arthur. Pinilit kong magpaka hinahon. "Arthur is the right guy for you, friend! Masasaktan ka lang kay Kenzo!" kausap ko sa kanya. Kahit anong pigil ko sa nararamdaman ko may pait parin sa boses ko. "I love Kenzo, guys! You both know how much I tried na hindi ko siya mahalin pero mahal ko talaga siya. And I want to take my chance na iparamdam sa kanya kung gaano ko siya kamahal." Wala na game over na talaga! Mukhang buo na ang desisyon ni Chantal. Mahal nga talaga nito si Kenzo. "Paano kung masaktan ka lang niya?" nag-aalalang tanong ni Kristen. "Then at least sinubukan ko. I know mahal ako ni Kenzo! And I also want to show him my feelings, kung gaano ko siya kamahal!" Nagdudugo ang puso ko. Hindi ko na masabi sa kanya ang gusto ko sanang sabihin. "I-I still don't think that he's the right guy for you! But okay if you really like him, anong karapatan ko na hadlangan ka." Tama magpaparaya nalang ako. Kung nagmamahalan sila e di ako nalang ang magpapaubaya. Pero promise, sobrang sakit. Parang sasabog na ang puso ko. Gusto ko na ngang umiyak at magluksa. But I'm Pamela Hailey Lopez. Kaya ko 'to. Hindi ako iiyak! "So what's the plan? Bakit mo kami tinawagan at pinapunta rito?" tanong ni Kristen. "I want to surprise him! Tonight at midnight pupuntahan ko siya sa condo niya. Gusto kong ako ang pinaka unang maggreet sa kanya. At tutulongan niyo akong pumili ng regalo ko sa kanya!" Puta! Ang laking torture nito sa akin. Pero sige para sa kaibigan ko. Titiisin ko nalang ang sakit. Sumabay ako sa agos. Ikot-ikot kami sa mall. Ngunit walang mahanap na pang regalo si Chantal kay Kenzo. "Ano ba 'yan pagod na ako. Wala ka parin ba talagang mapili?" reklamo ko. Sumasakit na rin kasi ang paa ko. Ikaw ba naman mag high heels habang nagmo-malling hindi sumakit at magpaltos ang paa mo kahit mamahaling high heels pa ang suot mo. Hindi ko naman kasi alam na balak palang ikotin ni Chantal ang buong mall.  "Salon nalang muna tayo. Pagod narin ako eh," si Kristen. Makikita rin sa mukha nito ang pagod.  Pumayag naman si Chantal. Pumasok kami sa isang mamahaling beauty salon. Nagpaganda nalang kami. "Sarili mo nalang kaya iregalo mo kay Kenzo," biro ni Kristen kay Chantal. Hindi sumagot si Chantal ngunit ngumiti ito na parang may ideya na pumasok sa isip nito. Natameme ako. Biglang pumasok sa isip ko ang eksena habang nakapatong si Chantal sa hubad na katawan ni Kenzo. Shit naman oh! Wala naman masyadong kailangan gawin sa aming tatlo dahil syempre regular naman kami sa salon kaya hindi kami masyadong nagtagal. Maliban sa nail art ay nagpatrim lang si Chantal ng buhok tapos lumabas na din kami sa salon.  "So ano na ang plano mo? Wala ka parin bang maisip na regalo sa future boyfriend mo?" tanong ni Kristen maya-maya na may kasamang panunudyo. "Sarili ko," kinikilig na anunsyo ni Chantal. “Really? Wow, atapang a babae. Talagang isusuko na ang Bataan,” nakatawang tudyo ni Kristen.  Hindi ko na kinakaya 'to. Sobrang sakit na talaga eh. Nagpaalam na ako sa kanilang dalawa at nagkunwari na mayroon pa akong pupuntahan.  "Sorry girls but I really have to go now. May importante pa pala akong gagawin," paalam ko sa kanila. "Ay ang daya naman," reklamo ni Chantal. "Oo nga!" segunda ni Kristen. "Sorry talaga. Babawi nalang ako next time," turan ko at umalis na. Iniwan ko na sila. --- ILANG minuto akong nakaupo lang sa puti kong porsche. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Tinext ko ang kaibigan kong si Novah. Kasamahan ko siyang modelo. "Where are you guys?" tanong ko dito. "Condo with the girls. Nag-iinuman," reply nito. "I'm coming!" reply ko pabalik at pinaandar na ang sasakyan ko Tamang-tama. Kailangan ko ng alak ngayon. Kailangan kong lunurin ang sarili ko sa alak para makalimot. Pagdating ko sa condo ni Novah ay naabutan ko nga silang nag-iinuman kasama ng tatlo pa naming kaibigan. Siya nga pala sila ang complete opposite nina Chantal at Kristen. Sila ang wild friends ko. Novah, Sam, Elona and Danna. "Hey Pam. Halika join ka sa amin," si Elona. Inaalok nito sa akin ang isang baso ng alak. Lumapit ako dito at kinuha ang baso sabay inom sa laman niyong alak. "Wow. Ganyan ang gusto namin sayo Pam eh. Game ka at walang pakipot," si Sam. Hindi ko siya pinansin. Kinuha ko ang bote ng alak at naglagay sa baso sabay inom ulit. "Anong ginagawa niyong dalawa diyan?" puna ko kina Novah at Danna. May hinihithit sila na parang sigarilyo pero mabaho ang amoy. "Halika Pam, try mo din 'to. Promise makakalimutan mo problema mo," si Danna. Iningosan ko lang siya. Putik, tumutuma sila ng damo! Alam kong hindi ako Anghel pero hanggang alak lang talaga ako. Hindi pa ako tumitikim ng mga ganyan.  "Ikaw ano naman yang hawak mo?" tanong ko kay Elona. May hawak siyang parang bote ng gamot. "Hahaha. Dimo alam 'to?" tanong pa nito. "Gagi. Magtatanong ba ako kung alam ko?" "Hehehe. Ito pinapainom ko sa boyfriend ko kapag nakakondisyon ako," sagot ni Elona. "Huh?" naguguluhan ako hindi ko naiintindihan. "Ano ka ba. Virgin ka ba?" si Sam iyon. Gusto ko sanang sabihin na oo Virgin nga ako. Kaso alam kong pagtatawanan nila ako kaya nanahimik nalang ako. "Pampainit 'yan sa katawan. Pampalibog kung baga. Kapag pinainom mo 'yan sa boyfriend mo siguradong hindi ka niyan bibiguin. Wala pang thirty minutes magliliyab 'yon sa init," sabay pang tawa ni Sam at Elona at naghigh five. Gusto kong manlaki ng mata. Shit! Mga sira ulo talaga 'tong grupo na 'to. Tinungga ko na ang bote ng alak. Tama bang sa kanila ako tumakbo para makalimot? Parang puro lang naman kalokohan ang alam ng mga 'to. Pero sige na nga pagtatiyagaan ko na. Wala din naman akong maisip puntahan. "Subukan mo 'to, Pam. Sinasabi ko sayo ihi lang pahinga mo diyan," tumatawang turan ni Elona at inilagay sa kamay ko ang bote ng gamot. Tinitigan ko lang ang bote ng gamot sa palad ko. Kinuha iyon ni Elona at inilagay sa bag ko. "Sayo na 'yan may bote pa ako niyan." Anong gagawin ko doon e wala nga  akong boyfriend ngayon. Mula ng bumalik ng bansa si Kenzo ay hindi na muna ako nag boyfriend. Irereserba ko na ang sarili ko para sa kanya. Napakuyom ako ng maalala ko si Kenzo. s**t! Wala na. Wala na talaga akong pag-asa sa kanya. Simula ngayong gabi ay magiging boyfriend na siya ni Chantal. Syempre pa ay hindi ko na siya dapat pangarapin pa. "Halika na, Pam. Subukan mo na 'to," pangungulit sa akin ni Novah at pilit inilalagay sa kamay ko ang hinihithit nito. "Alam ko may problema ka. Kilala na kita eh. Kapag ganyan ang hitsura mo may pinoproblema ka. Sige na subukan mo na 'to. Promise, makakalimutan mo ang lahat maski pangalan ng problema mo," tumawa pa ito na sinabayan pa nila Elona. "Sige na. Mabisa talaga 'yan kapag may problema ka," udyok din ni Danna. Noong una ay nag-alangan pa ako pero sa panunukso nila ay nakihithit narin ako. Hanggang sa parang nawili narin ako. Puta! As in puta talaga! Hindi ko na conttol ang tumatakbo sa isip ko. Parang may demonyong bumubulong sa akin na puntahan ko si Kenzo hanggang hindi pa huli ang lahat. "Akin lang siya!" sigaw pa ng siraulong bahagi ng utak ko. Namalayan ko nalang iniwan ko na ang grupo at natagpuan ko ang sarili ko sa Condo unit ni Kenzo. "What are you doing here?" si Kenzo nang buksan nito ang pinto. Mukhang nagising siya sa walang tigil kong pag-doorbell. Magulo kasi ang buhok niya at mukhang galing sa pagtulog. Nakasuot lang siya ng puting T-shirt at boxer shorts. Ang hot niya parin talaga kahit magulo ang buhok niya. Pero bakit iba ang itsura niya? "May sakit ka ba?" tanong ko. Nakita ko kasing minamasahe niya ng kamay ang ulo niya. "Ah masakit lang ang ulo ko. Naulanan kasi ako kahapon sa construction site," sagot nito at naglakad papapasok. Naupo ito sa couch habang minamasahe ang sariling ulo. Pumasok ako at sinundan ko siya. Hindi ko na masyadong inintindi kong naisara ko ba ang pinto. Nag-aalala kasi ako kay Kenzo kaya mabilis ko itong sinundan.  Wrong timing nanaman ako. Hindi ko nalang muna sinabi sa kanya kung ano talaga ang pinunta ko.  "Uminom ka na ba ng gamot?" concern kong tanong. "Hindi. Okay lang ako. Mawawala din 'to. Pahinga lang ang katapat nito," turan nito at sumandig sa couch. "Ikukuha kita ng gamot," turan ko at naglakad papunta sa kusina ng Condo nito. Kumuha ako ng baso ng tubig. "Nasaan ang medicine kit mo?" tanong ko. "Wala akong gamot dito," sagot nito. "Ganoon ba." Naalala kong may gamot nga pala ako lagi sa bag ko para sa sakit ng ulo. "May aspirin pala ako sa bag ko," turan ko at kumuha ng gamot sa bag ko. Ibinigay ko yon sa kanya at ang baso ng tubig nang hindi manlang tinitingnan. Kinuha naman nito iyon at ininom. Halos nakapikit pa ito at mukha talagang masama ang pakiramdam.  Nang balikan ko ang bote ng gamot na pinagkunan ko ng tableta na ibinigay ko kay Kenzo ay nanlaki ang mga mata ko. Shit!!!! Mali ang gamot na nabigay ko sa kanya. Galing iyon sa bote ng gamot na ibinigay sa akin ni Elona kanina. Promise it was an honest mistake! Medyo lasing parin kasi ako kaya hindi ko masyado tiningnan ang bote ng gamot. Huwag nang isali na bangag ako sa pinahithit nila sa akin kanina. Pero ano pa ang gagawin ko? Napainom ko na siya ng gamot na yon. Para akong sira ulo na nagpalakad-lakad. Nag-iisip kung ano na ang gagawin ko. Baka naman nagbibiro lang sila Elona tungkol sa gamot na binigay nila sa akin. Nilapitan ko si Kenzo at dinama ang noo niya. Sobrang init niya. "Sandali ikukuha kita ng pamunas sa katawan. Ang taas ng lagnat mo." Hindi na ako naghintay na sumagot siya at mabilis na akong kumilos. Kumuha ako ng maliit na palanggana at maliit na bimpo. Nilagyan ko ang palanggana ng maligamgam na tubig at alcohol. Binalikan ko na si Kenzo. Nakatulog na ito. Masama talaga ang pakiramdam niya. Sinimulan ko na siyang punasan kahit tulog siya. Hinubad ko ang suot niyang T-shirt para mapunasan ko ng bimpo ang katawan niya. Nagmulat siya ng mata. Nagising yata. Namumungay ang mga mata niyang titig na titig sa akin. "I love you," he murmured. Tumigil yata ang pag-ikot ng mundo ko ng marinig ko ang mga katagang iyon na matagal ko nang pinapangarap marinig mula sa bibig niya. Sobrang saya ko. Ikinulong ko sa aking mga palad ang gwapo niyang mukha. Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. Ito na ang tamang panahon para malaman niya ang nararamdaman ko para sa kanya. "Mahal din kita, Ken. Mahal na mahal! Mula pa noong mga bata tayo ay mahal na kita." Kinabig niya ako at hinalikan. Promise! Siya talaga ang kumabig sa akin at unang humalik. Gumanti nalang ako. Paanong hindi, e sobrang sarap niyang humalik. Ang sarap ng mga labi niya. Nakipagsabayan ako sa bawat galaw niyon. "I love you so much, Chantal..." Parang nagunaw yata ang mundo ko. Akala niya ay ako si Chantal. Hinahalikan niya ako dahil akala niya ako si Chantal? Ilang sandali akong hindi nakagalaw at hindi tumutugon sa mga halik niya. Naging agrisibo na ang mga galaw niya. Ayon na. Umepekto na yata ang gamot na aksidente kong napainom sa kanya. Mali pero nandito na ako e. Hinubad ko ang suot kong damit at pantalon. Wala akong pakialam kung maging si Chantal man ako sa paningin niya ngayon. Mahal ko siya at handa akong ibigay sa kanya ang lahat. Nawala narin ang hiya ko sa katawan. Hindi ko na rin naiisip kung ano ang tama at mali. Basta ang alam ko lang ngayon ay magiging akin siya. Umibabaw ako sa kanya habang ang maninipis ko nalang na panloob ang aking suot. Sinabayan ko ang mga halik niya. Bahala na bukas. Basta akin siya ngayon! Nasa ganoon kaming posisyon ng marinig ko ang pagbukas ng pinto at pagbagsak ng kung ano man. Sabay kaming natauhan ni Kenzo at napalingon sa pinto. Kitang-kita ko ang shock na mukha ni Chantal. May luha din sa mga mata niya habang nakatingin sa amin. Para itong nabato sa kinatatayuan. Anong ginawa ko? Hindi ko alam. Pero nangyari na eh. Nasaktan ko na ang matalik kong kaibigan. Natawa ako sa sarili kong kagagahan. "f**k!!!" malakas na mura ni Kenzo. Sabay tulak sa akin paalis sa ibabaw niya. Para siyang nagising sa isang masamang  panaginip at nagpalipat-lipat ang tingin niya sa aming dalawa ni Chantal. Tapos ay tumakbo siya sa pinto kung nasaan si Chantal. "Chantal..." tawag niya. Ngunit nakatakbo na palayo si Chantal at hindi na niya ito naabutan. Nagugulohan akong napahilamos sa mukha ko habang naka tungo. Hindi ako makatingin ng diretso kay Kenzo. "Pamela what have you done?" galit na galit akong hinarap ni Kenzo. "What's this?" napasabunot ito sa sariling buhok na animo gulong-gulo at hindi maintindihan ang nangyayari. Hindi ako nakasagot. Nakayuko lang ako. Naiiyak narin ako sa harap niya. Kinuha nito ang damit at pantalon ko sa sahig at galit na ibinato sa akin. "Magbihis ka. Sasama ka sa akin at ipapaliwanag mo ang nangyari ito  kay Chantal." Nakakatakot ang boses ni Kenzo. Ngayon ko lang siya nakitang galit na galit na kulang nalang ay pilipitin ang leeg ko. "I love you, Ken. Mahal kita!" mahina kong pagtatapat sa kanya. "What a f**k, Pamela! Kaibigan lang ang tingin ko sayo. Si Chantal ang mahal ko at hindi ikaw. Naiintindihan mo?" Sunod-sunod akong umiling. "Bakit siya? Bakit hindi ako? Ano bang mayroon siya na wala ako?" "Because you're not her, Pamela. You're not Chantal! And I love Chantal so much!" sigaw nito sa akin. Bawat kataga ay parang patalim na sumusugat sa puso ko. "Now, leave!!! Ayaw kong makita ang pagmumukha mo. Nandidiri ako sayo! Daig mo pa ang isang puta! Sinamantala mong wala ako sa sarili ko! Umalis ka na at baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at pilipitin ko ang leeg mo," bulyaw nito sabay turo sa pinto. Masisisi ko ba siya kung bakit siya galit na galit? Ako nga ay nagagalit na rin sa sarili ko eh. Bakit ako nagpadalos-dalos? Hindi ako 'to. Iniwan niya ako at pumunta ng kwarto. Siguro ay kukuha ng bihisan at susundan si Chantal. Ang sakit-sakit ng mga salitang binitawan ni Kenzo. Ang sakit-sakit marinig na hindi niya ako mahal. Ang sakit-sakit ipagtabuyan ng lalaking mahal ko. At para bang wala akong kahit katiting na halaga sa kanya. Ang sakit-sakit dahil parang masahol pa sa isang puta ang nandidiri niyang tingin sa akin. Nanginginig ang kamay ko na nagbihis. Tao lang ako. Marunong din akong makaramdam ng hiya. Kinuha ko ang susi ng kotse ko at nagtatakbo ako palabas ng Condo niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD