Chapter 2 - 3

2639 Words
TITIG NA TITIG ako sa itsura ko sa  salamin. Napakaganda ko sa suot kong trahe de boda. Ngayon kasi ang araw ng kasal namin ni Kenzo. Bongga ang magaganap na kasalan. Syempre ay anak ng dalawang business tycoon ang ikakasal. Sa ilang sandali matutupad ko na ang matagal ko nang pangarap. Ang pangarap na mapangasawa ang lalaking pinakamamahal ko. Sa ilang sandali ay matatawag ko na ang sarili kong Mrs. Kenzo Fontivilla Salameda. Pero bakit hindi ako masaya? Naiiyak pa nga ako sa bigat ng nararamdaman ko. "Ay ano ka ba, bruha. Huwag kang umiyak masisira ang makeup mo!" tili ng baklang sikat na make-up artist na siyang nag-ayos sa akin. "I-I'm sorry," sinubukan kong pahirin ang mga luha ko ngunit tuloy-tuloy ang pag-agos niyon. "Ano ka ba? Mahihirapan akong i-retouch ka," reklamo ng makeup artist habang inaabot sa akin ang box ng tissue paper. Hindi ko siya pinansin. Patuloy lang ako sa pag-iyak. Ilang sandali ay bumukas ang pinto ng hotel room kung saan kami naroroon. Sa isang sikat at mamahaling hotel kasi gaganapin ang garden wedding. Syempre ay imbitado ang mga kilalang tao sa lipunan na ginagalawan namin, mga tao sa alta sociedad. May mga politiko, Artista at syempre ay malalaking negosyante sa bansa.  "Why are you crying? Hindi ba't dapat hanggang tainga ang ngiti mo ngayon?" nang-uuyam ang  boses na iyon. Kahit hindi ko lingunin ay alam kong si Kenzo iyon. Hindi ako sumagot lalo lang akong umiyak. "Iwan niyo muna kami," kausap niya sa makeup artist at assistant nito. "Sure, Mr. Salameda. Sa labas lang muna kami." Ilang sandali ay kaming dalawa nalang ni Kenzo sa loob ng kwarto. "I want to make myself clear, Pamela. I'm marrying you not because this is what I want to do but because of the child in your womb. Sa papel lang kita magiging asawa but not the real meaning of it. Huwag kang umasa na mamahalin kita at ituturing na asawa dahil ang totoo ay nandidiri ako sayo! Hindi ko nga maalala kung paanong nabuo ang bata sa sinapupunan mo gayong maski ang hawakan ka ay nangingilabot na ako sa pandidiri sayo. Sabagay bakit pa nga ba ako magtataka e sanay ka naman talaga gamitan ako ng kung anong klaseng gamot makuha mo lang ang gusto mo," bawat salitang lumalabas sa bibig ni Kenzo ay animo asido sa puso ko. Ang sakit-sakit pero alam kong deserve ko ito. Kaya hinayaan ko lang siya hindi ako nagsasalita o sumasagot.  "You're a fuckin' and dirty b***h, Pamela! Ngayon ko pinagsisisihan na itinurin kitang kaibigan. Ikaw lang pala ang sisira sa buhay ko. Pero ito ang tatandaan mo… I will make sure to make your life a living hell!" punong-puno ng pagkamuhi sa akin ang mga mata at boses nito. "Kenzo!!!" ang naeeskandalong saway ng mommy niya. Kapapasok lang nito ng kwarto at narinig ang huling sinabi ni Kenzo sa akin. Sa likod nito ay shocked din ang mukha ng mommy ko. "Anong nangyayari dito? Bakit ganyan ka magsalita sa anak ko?" harap ni mommy kay Kenzo. Galit ito. Syempre sino ba naman ang inang matutuwa kung maririnig mo ang mga binitawang salita ng mamanugangin mo para sa anak mo at sa mismong araw pa ng kasal namin. Mabunganga lang naman si mommy sa akin pero syempre ay ito ang palagi kong kakampi at tagapagtanggol sa akin. Kahit na nga minsan ay alam niyang mali ako.  "Kenzo, humingi ka ng paumanhin," utos ni tita Amelia. "Ano bang nangyayari sayong bata ka? Lasing ka nanaman ba? Hindi na kita maintindihan bata ka. Bakit ba bigla ka nalang nagbago ng ganyan? At nagiging bastos ka na rin. Hindi kita pinalaking ganyan. Nakakahiya kay Pamela at sa mga magulang niya!" "Tsk tsk. Bakit hindi niyo tanungin sa b***h niyong mamanugangin kung bakit ako nagkakaganito?" Napapikit ako. Nadudurog ang puso ko. Hindi ko akalain na lalaki ng ganito ang kasinungalingan na ginawa ko. Natatakot din ako para kay Kenzo. Ibang-iba na ang ugali niya. Lalo lang naging parang wala nang direction ang buhay niya. At lahat ng mga nangyayaring ito ay dahil sa kagagawan ko. Ako ang sumira sa buhay niya.  "Pamela, ano bang ibig sabihin ni Kenzo?" tanong sa akin ng mommy ko na naguguluhan sa nangyayari. "I-I'm sorry. Hindi na ako magpapakasal kay Kenzo," umiiyak kong turan. Tama! Ito ang tama kong gawin. Ang palayain siya. Mahal ko siya pero hindi ko pala kayang ikulong siya sa isang kasal. Isang kasal na dahil lang sa aking malaking kasinungalingan. Hindi ko kayang tuluyan niyang wasakin ang buhay niya ng dahil sa kagagawan ko. "Anong hindi ka magpapakasal kay Kenzo?" ang malakas na boses ni daddy mula sa pinto. Natatakot ako. Pero buo na ang desisyon ko. "H-Hindi si Kenzo ang ama ng batang dinadala ko." "Ano?" si mommy. "Pamela?" shocked na tanging naturan ni tita Amelia. "I knew it!" galit na wika ni Kenzo. "Kahit gaano ako ka lasing hindi pwede hindi ko maalala kung may namagitan man sa ating dalawa." "Ano? Ulitin mo nga ang sinabi mo!" si daddy na parang hindi sigurado sa narinig. "H-Hindi po si Kenzo ang ama ng ipinagbubuntis ko," humihikbi kong ulit. "Paanong nangyari 'yun? I saw it with my own eyes," si tita Amelia. Sunod-sunod akong umiling. "Wala pong nangyayari sa amin ni Kenzo. Mali po ang nakita niyo. Tinulungan ko lang siya noon kasi sobrang lasing siya. Nasukahan niya ako kaya nagpalit ako ng t-shirt niya. Pero wala po talagang nangyari sa amin. I'm so sorry. Nagsinungaling ako." "f**k!!!" galit na galit na sinipa ni Kenzo ang center table. Bumagsak ang flower vase doon at nabasag. Tapos ay galit na hinubad nito ang coat ng suot na tuxedo at galit na inihampas sa lamesa. “Why I’m not surprised!” mapait na wika nito sabay walked out.  Napaigtad ako na parang ako ang inihampas nito.  "Kenzo..." habol ng mommy nito dito. "Anak ano bang pinagsasabi mo? Sigurado ka ba dito?" nakita ko ang umiiyak na pag-aalala ni mommy. “Bakit mo nagawa ito sa amin?”  "Kung hindi si Kenzo ang ama ng dinadala mo e sino? Sino ang ama ng bata sa tiyan mo?" dumadagong-dong ang boses ni daddy sa bawat sulok ng kwarto. "H-Hindi ko po alam..." "Ano? Paanong hindi mo alam? Nagpabuntis ka tapos hindi mo alam kung sinong nakagalaw sayo? Ano ka hayop?" Hindi ako makasagot. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag ang nangyari. Lalo ko lang silang sasaktan kapag sinabi kong nakahithit ako ng m*******a at lasing na lasing kaya hindi ko alam kung sino ang nakagalaw sa akin. Hinaklit ako ni daddy sa braso at anyong sasaktan. Mabuti nalang at maagap si Mommy at inawat ito. "Rylan, ano ka ba. Buntis ang anak mo! Baka anong mangyari sa bata!" Binitawan naman ako ni daddy. Pero hindi nabawasan ang galit nito. "Ano na ang gagawin natin sa mga bisita? Anong sasabihin ko sa kanila? Na hindi natuloy ang kasal dahil hindi pala si Kenzo ang ama ng ipinagbubuntis ng magaling mong anak?" "I'm so sorry Mommy, Daddy..." umiiyak kong paghingi ng tawad. "Sorry? Alam mo ba kung gaano kalaking kahihiyan ang ginawa mo?” sigaw ulit ni daddy sa akin. “Pag-uusapan ang pamilya natin. Anong mukha ang ihaharap ko sa mga tao? Sa mga business associates ko? Ano sa tingin mo ang magiging tingin nila sa akin? Na hindi ko magawang disiplinahin ang sarili kong anak kaya naging babaeng pakawala? Mula pa sa simula ay hindi ka na talaga marunong makinig sa mga pangaral namin ng Mommy mo sayo. Pero hindi ko akalain na aabot ka sa ganito. Isa kang malaking kahihiyan sa pamilya natin!" "I'm so sorry Daddy... Sorry po..." wala akong ibang masabi kundi ang humingi ng tawad. Kasalanan ko naman talaga ang lahat. "Hindi ka tutungtong sa pamamahay ko hanggat hindi mo naihaharap sa amin ang ama ng ipinagbubuntis mo, Pamela!" "Rylan!" shocked si mommy. "Ano? Kakampihan mo nanaman 'yang anak mo? Kaya hindi iyan nagtitino dahil lagi mong pinagtatakpan ang mga maling ginagawa. Nakita mo na ang nangyari? Paano akong haharap ngayon sa pamilya nila Kenzo na ginago ng magaling mong anak? Sige nga? Sabihin mo nga sa akin kung paano akong hihingi ng paumanhin sa mga bisita natin dahil sa hindi na matutuloy na kasal?" "Pero hindi naman tama na palayasin at itakwil mo ang anak natin!" apila ni mommy. “Maawa ka naman sa anak natin. Buntis siya…” "At ano ang tama? Ang pabayaan ang anak mo sa mga maling ginagawa niya?" dinuro ako ni daddy. "Hanggat hindi ka  nagtitino at inihaharap sa amin ang ama ng anak mo... Huwag mo akong tatawaging daddy dahil ikinahihiya ko na maging anak ka!" iyon lang at tumalikod na ito. "Silvia!" sigaw nito kay mommy para sumunod dito noong malapit na ito sa pinto. Napaigtad si mommy sa sigaw ni daddy. Maski ito ay natakot na rin kay daddy.  "Mommy..." hawak ko sa kamay ni mommy, nagmamakaawa na tulungan ako nito sa gulong napasok ko.  Umiiyak na nagpalipat-lipat ang tingin ni mommy sa aming dalawa ni daddy. Animo nahahati ang puso sa aming dalawa.  Ilang sandali ay marahan itong umiling sa akin habang luhaan ang mga mata. Tapos ay iniwan ako at sumunod na kay daddy palabas ng pinto. Naiwan akong mag-isa at hindi alam ang gagawin. Paano ko ngang ihaharap sa kanila ang ama ng anak ko kung maski ako ay hindi ko naman kilala o maalala manlang ang mukha nito? --- TOTOO sa binitiwang salita ay itinakwil nga ako ng pamilya ko. Walang magawa si mommy at mga kapatid ko. Batas ang salita ni daddy sa pamamahay namin. Kapag sinabi nito iyon ang nasusunod. Takot si mommy at mga kuya ko na sumuway dito dahil takot silang madamay sa galit ni daddy. Hindi ko alam ang gagawin ko. Sirang-sira na ang career ko dahil sa eskandalo na nangyari sa kasal ko. Masama ang tingin sa akin ng lahat na para bang ako na ang pinakamasamang babae sa balat ng lupa. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Wala akong malaking ipon na sariling pera dahil ang kinikita ko noon sa pagiging modelo ay nawawaldas lang din naman sa mga luho ko. Kailan man ay hindi ko naisip mag-ipon. Malaki ang tiwala ko na kailanman ay hindi ako maghihirap sa pera dahil nandiyan ang mayaman kong pamilya. Ngunit ngayong itinakwil na nila ako. Ngayon ko naisip kung bakit naging matigas ang ulo ko at hindi nakikinig sa pangaral ng mga magulang ko noon. Hindi rin ako makahanap ng mapapasukan na trabaho dahil buntis ako at isa pa hindi ko naman natapos ang pag-aaral ko. Pangalawang taon ko palang sa kolehiyo ng huminto ako sa pag-aaral at nagtrabaho bilang modelo. Galit na galit ang daddy ko noon. Pero dahil matigas ang ulo ko at ginagawa ko kung ano ang maisipan kong gawin.  Walang nagawa si daddy at mommy na pilitin akong bumalik sa pag-aaral. Kaya ngayon ay ito ako, walang mapuntahan at hindi alam ang gagawin sa buhay ko. Tinitikis ako ng pamilya ko. Kaya kung pamilya ko nga ay ayaw akong tulungan. Ibang tao pa kaya? Natagpuan ko ang sarili ko sa Condo ni Kenzo. Galit parin ito sa akin ngunit nakita ko ang awa sa mukha niya ng mapagmasdan niya ako. Ilang Linggo palang pero malaki na ang naging pagbabago sa akin. Biglang nawala ang glamorous na si Pamela. Para nalang ako ngayong simpleng tao. Hindi magtatagal at pupulutin na rin  ako sa kalsada dahil wala na akong pambayad sa tirahan ko. Galing ako sa paghahanap ng trabaho. Nag-commute ngalang ako kasi wala na akong kotse. Pati iyon ay kinuha ni daddy sa akin. Seryoso talaga siyang tiisin ako. Magulo ang buhok ko at medyo pawis pa ang mukha ko. Madungis ang suot kong damit dahil sa buong araw ko na pag-iikot sa paghahanap ng trabaho. Pinapasok ako ni Kenzo at binigyan ng tubig na maiinom.  "I'm so sorry!" umiiyak kong paghingi ng tawad. "Pinagsisisihan ko na ang nagawa ko. Pero alam kong huli na ang lahat at hindi na maibabalik ang nasira ko," wika ko dito noong papasukin niya ako.  "So, totoo ngang itinakwil ka na ng pamilya mo?" malamig ang boses na tanong nito. Mapait akong napangiti. "I deserve this, right? Hindi ko naman sila masisi dahil malaki ang kasalanang nagawa ko." "Nasaan ba ang totoong ama ng pinagbubuntis mo?" Sunod-sunod akong umiling. "Hindi ko alam. Karma hits me big time noong gabing naabutan tayo ni Chantal dito sa Condo mo." Sinabi ko sa kanya kung paanong nagising nalang ako kinaumagahan na may nakagalaw na pala sa akin at hindi ko matandaan. Napahilamos ito sa mukha. Tapos ay muling tinungga ang hawak nitong bote ng alak. Umiinom nanaman siya. Magulo ang buhok at halatang ilang araw nang hindi inaayos ang sarili. Lalo lang akong kinakain ng konsensya ko kapag nakikita ko siyang ganito. "Aalis na ako. Dumaan lang ako para kamustahin ka at humingi ulit ng tawad. I am sorry, Ken. Hindi ko sinasadyang umabot sa ganito ang lahat. Alam kong kahit ano pa ang gawin ko ay hindi ko na maibabalik sa dati ang lahat. Pero gusto ko parin malaman mo na pinagsisisihan ko ang lahat ng nagawa kong kasalanan sayo at hindi ko hihingin na mapatawad mo..." Tumayo na ako at naglakad papunta sa pinto. Hindi ko kayang makita siyang sinisira ang buhay niya. "I'm leaving for the US the day after tomorrow," narinig ko siyang nagsalita noong nakatalikod na ako.  Nahinto ako at nilingon siya. "Mabuti naman. Makakatulong sayo iyon kung lalayo ka lang muna para makalimot," turan ko sa kanya. “Goodbye, Ken. I really wish you all the best,” totoo sa puso ko ang sinabi ko. Kahit kailan ay hindi ako naghangad ng kahit na anong makakasama sa kanya. Malungkot ko siyang nginitian tapos ay muli na akong tumalikod at naglakad papunta sa pinto.  "Pwede kang sumama kung gusto mo..." mahina lang iyon pero umabot sa pandinig ko kaya mabilis akong napalingon sa kanya.  “W-What did you say?”  Nasalubong ko ang mga mata ni Kenzo. Wala na ang galit doon pero maaninag parin ang lungkot at  pait.  "Sinubukan kong maging malapit sayo sa udyok na rin ng Mommy ko. She likes you-- Gustong-gusto ka niyang maging manugang," umpisa nito. "I love my Mom so much at gusto ko siyang mapasaya. Kaya pinaunlakan ko ang mga date na sinet-up niya sa atin. Hindi ka naman mahirap magustuhan e-- Kaya nag-enjoy na rin akong kasama ka."  I knew it! Alam kong nag-uumpisa natin siyang magustuhan ako noon. Hindi ako sumagot at hinayaan ko siyang magpatuloy sa pagsasalita.  "I really did try to love you back, but---" "B-But Chantal came..." malungkot kong turan. Tumango ito. "At minahal mo siya ng sobra at naging etsapwera nalang ako sa buhay mo," hindi ko napigilan na lumabas ang pait sa boses ko. "I'm sorry. Hindi ko sinasadyang paasahin ka. Pero hanggang kaibigan lang talaga ang kaya kong ibigay sayo." "Alam ko iyon at tanggap ko na," naiiyak kong sagot.  "Kung gusto mo ay pwede kang sumama sa akin. Tutulungan kitang mag-umpisa ng bagong buhay. Pero  bilang kaibigan lang dahil iyon lang talaga ang kaya kong ibigay sayo." "Why are you doing this?" tanong ko sa kanya.  Sa kabila ng mga kasalann ko sa kanya ay bakit siya pa ang nag-alok ng tumulong sa akin? "Dahil alam kong may kasalanan din ako kung bakit nasisira ang buhay mo ngayon. Umasa ka dahil pinaasa kita. Let's just forget it and move on. Let's be friends like we used to be." Hindi ko alam kung paano ako magsisimula ulit. Naisip ko rin ang bata sa sinapupunan ko kaya kinapalan ko ang mukha ko at tinanggap ang tulong na inalok ni Kenzo. Sumama ako sa kanya sa Amerika para magsimula ng bagong buhay. At doon ay nagsimula kami ulit ng bagong buhay at bilang magkaibigan.  --END OF FLASHBACK--- 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD