Chapter 4 - 2

1554 Words
MAY nakita akong batang lalaki sa may gilid ng nasirang bakod sa tabi ng stage. Agad ko itong tinakbo at nilapitan. Umiiyak ito habang natatabunan ang bahagi ng maliit na braso ng piraso ng nasirang bakod na bakal. Agad kong inalis ang nakadagan ditong bakal. "Where is this child's mother? Where is this child's mother?" paulit-ulit ko na sigaw sa nagkakagulong mga tao. Nang walang lumapit ay agad kong binuhat ang bata. "f**k! He's bleeding," mura ko. Mukhang nasugatan siya mula sa isang matulis na bagay mula sa nasirang bahagi ng stage. Si Milissa ay agad akong nilapitan para tumulong. "Sir Gab." "Call the driver," utos ko dito. Mabilis niyang tinawagan ang driver ko na nakastand by lang sa parking lot. "Excuse me! Excuse me... Make some way! Make some way!" sigaw ni Melissa habang hinahawi ang mga nagkakagulong mga tao kasama na ang mga press na nadadaanan namin. Pagparada ng kotse ko sa harap namin ay mabilis na binuksan ni Melissa ang pinto para makapasok ako. "Start the car. We will bring him to the hospital," utos ko sa driver. "Yes, Sir Gab," nagmamadaling pinaandar ng driver ang kotse. Linuwagan ko ang suot kong necktie habang sa isang kamay ay hawak ang batang lalaki na kandong ko. "Mommy... Mommy... Ang sakit. Sobrang sakit," daing ng bata. Parang kinuyumos ang puso ko sa daing niya. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Para akong nasasaktan din sa daing niya gayong hindi ko naman siya kilala. "Huwag kang mag-alala. Malapit na tayo sa hospital," kausap ko sa bata habang marahan itong hinihimas sa buhok. "Sobrang sakit po eh..." daing ulit nito. "I know but you're a big boy, right? And big boys don't cry. Don't worry, we're almost there." Pinilit ng bata na kontrolin ang pag-iyak. "Huwag niyo po akong iiwan habang wala si Mommy ha... Takot po ako eh." "Where's your Mommy?" kinakausap ko siya para mabaling ang attention niya sa akin at hindi sa sakit na nararamdaman. "Work." "Where is she working?" "Office po." "Which office?" "Daddy's office." Kinausap ko pa siya ng kinausap. Hindi ko alam pero ang gaan ng loob ko sa kanya kahit ngayon ko palang siya nakikilala. Naisip ko na siguro sadyang magaan lang talaga ang loob ko sa mga bata. Nasanay kasi ako sa anak ni Ysabel na si Bea noon.    ---   - PAMELA - ABALA ako sa mga tinatapos kong papeles sa opisina ko. Nagtatrabaho kasi ako bilang head ng finance sa kompanya ng kaibigan kong si Kenzo Salameda. Tinanggap ko ang offer niya noon na sumama sa kanya sa Amerika at magsimula ng bagong buhay. Doon ay tinulungan niya akong magsimula muli ng bagong buhay.  Hindi man natupad ang pangarap ko mapangasawa siya. Masaya na ako dahil tinanggap niya parin ako bilang kaibigan.Sa kabila ng mga nagawa ko sa kanyang kasalanan ay siya pa talaga ang tumulong sa akin sa pagkakalugmok ko sa buhay. Utang ko sa kanya kung ano man ako ngayon at mga achievements ko sa buhay. Sa Amerika ay tinulungan niya ako makapag-umpisa. Binigyan niya ako ng trabaho sa isa sa negosyo ng pamilya niya doon para masuportahan ko ang sarili ko at ang ipinagbubuntis ko. Tinulungan din niya akong matapos ko ang pag-aaral ko. At ngayon nga ay isa na ako sa head ng accounting sa isa sa mga negosyo niya dito sa Pilipinas. Nang bumalik siya dito sa Pilipinas ay nagdesisyon na din akong bumalik. Masarap at mas masaya parin talaga manirahan sa sarili mong bayan. At gusto ko rin lumaki ang anak ko na kilala ang bansang sinilangan ko.  Masasabi ko na napakalaki na ng pinagbago ko lalo na noong ipanganak ko si Finn Jasper Lopez. Maglilimang taon gulang na siya ngayong taon. Siya ang nagbigay sa buhay ko ng direction at inspirasyon. Lahat ng ginagawa kong pagsisikap sa buhay ay para sa kanya. Wala na ang selfish na Pamela na ang tanging mahalaga lang ay ang sarili niya. Ngayon ay naka focus nalang ako sa kapakanan ng anak ko at ng kinabukasan niya.  Ang magkaroon ng anak ay mahirap na masarap. Mahirap dahil isa akong single mother. Kailangan kong maging ina at ama sa kanya. Masarap dahil makita ko palang ang masayang ngiti ng anak ko ay napapawi na ang lahat ng pagod ko.  Kinuha ko ang picture frame sa ibabaw ng mesa ko kung saan ay naroon ang larawan naming dalawa ni Finn. Kuha iyong noong ikaapat na taong kaarawan niya. Nakangiti ako habang hinahalikan ni Finn sa pisngi matapos nitong sabihin na ako ang best mama in whole world.  Naalala kong dumaan mamaya sa grocery at bumili ng paborito nitong flavor ng ice cream. Siguradong matutuwa ‘yon.  Ibinalik ko ang picture frame sa ibabaw ng mesa ko at tumayo sa swivel chair ko ng makaramdam ako ng antok at pagbigat ng mga talukap. Jeez. Inaantok na ako sa mga numerong nasa mga papeles na ilang oras ko nang tinatrabaho. Naglakad ako papunta sa kitchen office para ipagtimpla ang sarili ko ng kape. Nagbabakasakali na makatulong ang ang kape na gisingin ang diwa ko.  "Are you okay, Miss Pamela?" tanong ni Jean, secretary ko. "Yes, thanks. I just need a cup of coffee," sagot ko dito. "Ako na po ang magtitimpla," alok nito. "No, no. It's okay. Kaya ko na 'to. Ituloy mo nalang ang ginagawa mo. Isa pa kailangan din ng mata ko ng pahinga mula sa screen ng computer kaya tumayo muna ako sandali." "Ah, sige po." Nagbubuhos ako ng mainit na tubig sa tasa na may asukal at powdered coffee ng tumunog ang cellphone sa bulsa ko. Sinagot ko iyon at inipit sa pagitan ng balikat at isang tainga ko.  "Hello?" "H-Hello M-Ma’am..." Narinig ko ang boses ni Mira. Ang yaya ng anak ko. "Oh, Mira... Napatawag ka?" "K-Kasi Ma’am si---si Finn po kasi n-nawawala..." "Awww," hiyaw ko ng sa kamay ko na pala nabuhos ang maiinit na tubig na para sana sa kape ko. Inilapag ko na lang iyon at hinawakan ang phone ko. "A-Anong ibig mong sabihin na nawawala? Paanong nawawala? Hindi ba't ikaw ang kasama niya?" "Oo nga po, Ma’am. Katatapos lang po namin mag Jollibee. Palabas na po kami ng bigla niya akong takbuhan. E sobra pong daming tao, hindi ko na siya mahanap," Maiiyak na ang boses ni Mira sa kabilang linya habang nagsasalaysay sa nangyari. “Ano?” pakiramdam ko ay parang nakabitin ang paghinga. Animo nawawalan din ng lakas ang mga tuhod ko. Napahawak ako sa kitchen table para umamot ng lakas. "Sige,sige papunta na ako," putol ko sa usapan namin ni Mira. Parang wala ako sa sarili at hindi ko alam kung ano ang uunahin kong gawin. Muling tumunog ang phone ko. Not registered. Agad ko iyong sinagot. "H-Hello?" "Hello. Is this Finn Jasper Lopez guardian? We found your contact information on him." "Y-Yes. I'm his mother. Nasaan ang anak ko?" "I'm sorry to inform you Mrs. Lopez but your son is injured and he's here in the St. Anthony Hospital." Nang marinig ang sinabi ng nasa kabilang linya ay agad na nanginig ang katawan ko sa takot para sa anak ko. Muntik ko pang mabitawan ang cellphone ko. "Miss Pamela, ano po ang nangyari?" tanong ni Jean sa akin ng makita ang reaksyon at pamumutla ko. "Ang anak ko. Naaksidente ang anak ko," tangi kong naturan at agad na kinuha ang bag at susi ng kotse. Kahit nanginginig yata ang buong katawan ko ay pinilit kong magdrive papunta ng nasabing hospital. Hindi ko nga alam kung paano akong mabilis na nakarating sa ospital ng hindi naaksidente.  Agad kong sinuyod ang emergency room ng hospital para hanapin ang anak ko. Takot na takot ako. Hindi ko alam kung ano na ang nangyari sa anak ko. Hindi ko na masyadong naintindihan ang mga sinabi pa ng tumawag na nurse kanina. Ang tanging rumehistro lang sa isip ko ay naaksidente ang anak ko at kailangan ko itong puntahan. Matapos kong mapag-alaman sa information desk na nasa emergency room pa rin si Finn ay kaagad ko na itong pinuntahan doon.  "Finn!" tawag ko sabay hawi ng bawat kurtina na madaanan ko sa emergency room. "Finn, anak ko!" sigaw ko  ulit sa nanginginig na boses. Nakita ko sa isang side si Finn at nakahiga sa hospital bed. Agad ko siyang tinakbo sa nanginginig na tuhod at niyakap. "Finn!" sambit ko sa pangalan nito. "W-What happened to my son?" basa ng luha ang mga mata kong tanong. "Your son is fine now, Pamela. Natutulog lang siya pero maliban sa bali niya sa kamay at mga konting gasgas ay wala naman kaming nakikitang iba pang fracture sa katawan niya. Hindi malalim ang sugat niya sa binti kaya wala naman dapat ipag alala," sagot ng doctor na nakatayo sa kabilang side ng hospital bed ni Finn. Nang tingalain ko ito ay nakilala ko ang kaibigan kong doctor. "R-Robert," sambit ko sa pangalan nito.  Ngumiti ito sa akin. Na para bang sinasabi na wala akong dapat ipag-alala at ligtas ang anak ko. "Thank you so much Robert. I owe you this," pasalamat ko ulit dito. "No worries, Pamela. It's our job," turan ni Robert tapos ay nilingon nito ang lalaking katabi. "The person you should be thankful with is Mr. Anderson here. Siya ang nagligtas sa anak mo at nagdala dito. It just happened that I was also here."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD