Chapter 4 - 3

1739 Words
SA sinabi ni Robert ay noon ko lang napagtuunan ng pansin ang gwapong nilalang na katabi nito. Madilim ang tingin nito sa akin. Hindi ko alam kung bakit parang galit yata siya sa akin gayong ngayon ko palang naman siya nakita.  "H-Hi, I'm Pamela Lopez, Finn's mother," pagpapakilala ko at inabot ang kamay ko sa kanya. "Thank you, for saving my son!" taos puso kong pasasalamat dito. Tiningnan niya lang ang kamay ko at hindi tinanggap.  "How irresponsible of a parent are you... Letting your child wander around the mall without a guardian? Magpasalamat ka at pilay lang ang tinamo ng anak mo.” Natameme ako sa tinuran niya at the same time I feel guilty to Finn. Paano nga kung hindi lang pilay ang tinamo nito? Siguradong hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung nagkataon. Hindi ako nakasagot at napayuko nalang ako sa pagkapahiya.  "Maiwan na muna namin kayo," paalam ni Robert. Humarap ito sa lalaking tinawag nitong Mr. Anderson at nakipagkamay. "See you around, buddy. And take it easy with her..." bilin nito.   “Thank you again, Samaniego. Call me when you have time maybe we can hang out…” sagot dito ng lalaki. Mukhang magkakilala rin silang dalawa base na rin sa pag-uusap nila.  "Thank you again, Robert. I will call you later," pasasalamat ko ulit kay Robert. "No worries, Pamela. I’m glad I was here and personally attended your son,” nakangiti nitong saad. “Pwede mo na nga pala siyang iuwi paggising niya at sa bahay niyo nalang magpagaling. Bumalik nalang kayo dito after a week para macheck natin ang pilay niya," bilin pa nito tapos ay marahan nitong pinisil ang braso ko na para bang sinasabi na huwag na akong mag-alala at maayos na ang lagay ni Finn. Kaibigan ng pamilya ko ang pamilya ni Robert kaya naman kahit papano ay medyo close kami. Ilang sandali ay umalis na ito kasama ang nurse na nag assist dito.  Nang muli akong tumingin sa lalaki na nagligtas kay Finn ay nag-iisang linya na naman  ang mga kilay nito. Tsk. Anong problema ng kwago na ‘to? Kung makatingin at makapag react ay parang siya ang ama ni Finn at ako ang pabayang ina gayong hindi naman namin siya kaanu-ano.  "Hindi mo dapat pinapabayaan ang anak mo lalo na kung walang kasama. Paano kung higit pa dito ang nangyari sa kanya? Sabagay mukha namang madali lang sayo ang gumawa ulit ng panibago---" Pinanlisikan ko siya ng mga mata. "How dare you!" Hindi ko na napigilan mapikon sa kanya. Oo at siya ang nagligtas sa anak ko pero wala siyang karapatan pagsalitaan ako ng masakit. "Huwag mo akong akusahan na masamang ina dahil lang sa isang pagkakamali. You don't know me at all. You don't know what I went through for my son." "Is that so? Kaya pala mag-isa ang anak mo ng maaksidente siya," nang-uuyam ang boses na turan nito. "He was with someone... I-I just did not know what really happened and why he was alone in the accident," pagtatanggol ko sa sarili ko.  "M-Mommy..." tawag sa akin ni Finn. Nagising na ito sa pagkakatulog. Lumambot ang mukha ko ng marinig ang boses ni Finn. Kaagad ko itong nilapitan at hinawakan ang isang kamay niya na hindi injured. "Yes, baby. It's Mommy... How are you feeling?" "What happened to your hand Mommy? Are you hurt?" nag-aalalang tanong ni Finn ng makita ang pulang-pula kong kamay. Ngayon ko lang naalala na nabuhusan pala ako ng mainit na tubig kanina. Pulang-pula iyon. "Mommy is fine, baby. Medyo mainit lang yong araw. Na-sunburn si Mommy," pagsisinungaling ko. "How about you? May masakit pa ba sayo?" Marahan itong umiling. "I'm okay Mommy. Hindi naman masakit e. Ginamot na ako ni tito Robert kanina. Huwag ka na iiyak, Mommy." Kinapa ko ang mata ko. Umiiyak pala ako hindi ko napansin. "Hindi umiiyak si Mommy. Napuwing lang ako. Bigla kasing humangin eh," pagdadahilan ko ulit. Papahirin ko sana ang luha ko gamit ang kamay ko ng mag-abot ng panyo ang masungit na poging mama na tumulong sa anak ko. "You shouldn't teach your son how to lie," poker face na wika nito at inilagay sa kamay ko ang panyo ng hindi ko iyon tanggapin. Pasimple ko siyang inirapan. Kahit pogi siya nakakapikot parin siya. Ang sakit kaya niyang magsalita.  "Tito pogi, thank you po for not leaving me," kausap ng anak ko sa lalaki. Akala mo talaga ay matanda na ang anak ko kung magsalita at makipag-usap. "No need to thank me. I just did what I should do..." anito at sumilay ang ngiti sa labi noong anak ko na  ang kausap niya. "Next time you should be careful, okay?" Hindi ko maiwasan magtaas ng kilay. Marunong naman palang ngumiti. Bakit sa akin ay parang nakakain ng mapait na ampalaya? Tumango si Finn. "Opo, tito pogi. Salamat po ulit!" Ginulo ng lalaki ang buhok ng anak ko na akala mo ay dati na nitong ginagawa iyon kay Finn. "Anaway, I have to go," tumingin ito sa akin. Umiwas ako ng tingin. Nakakalunod kasi ang hazel na kulay ng mga mata niya. Para akong hihigupin. "Will we see each other again, tito pogi?" tanong ni Finn dito. Mukhang gusto nito ang lalaki samantalang kahit anong suhol dito ng mga manliligaw ko ay wa-epek.  "Maybe. Let's see what tomorrow brings. Sometimes the world is really amazingly small and we meet the same person accidentally multiple times in our lives." Wow. Lalim noon ah. Mukhang may pinaghuhugutan ang isang ito. . "Bye po," paalam ng anak ko dito. "Bye," sagot naman nito kay Finn. Tumingin ito ulit sa akin. "You should let your hand checked too," nakitaan ko ng concern sa mga mata niya habang tinitingnan ang kamay kong namumula dahil sa pagkapaso. Tapos ay naglakad na ito at iniwan na kami ni Finn.  Sinundan ko nalang siya ng tingin. "Hmp. Gwapo sana kaso suplado naman," bulong ko. "Did you say something, Mommy?" tanong ni Finn. "Huh? Wala... Sabi ko mas gwapo ka doon." "I like him, Mommy. He's nice," komento ng anak ko. Sabi ko na eh. Gusto niya ang supladong lalaking 'yon.  "Better than your Daddy Ninong Ken?" I teased. "Hmmm." Nag-isip ito. "I like them both," sagot nito maya-maya. "Don't ask me who I like better because I cannot choose," nakalabi na dagdag pa nito na nagpataas ng kilay ko. Walang kahit na sino sa mga kaibigan kong lalaki ang pumantay sa posisyon ng Daddy ninong Kenzo sa paningin nito. Noong una nga ay akala nito na si Kenzo talaga ang totoong daddy nito dahil iyon na ang palagi niyang nakikita at nakakasama mula ng ipinanganak ko siya. Pero unti-unti ko namang pinapaliwanag sa kanya na ninong niya lang ito at hindi talaga ito ang totoong Daddy niya. Noong una ay umiiyak pa ito. Kasi kung hindi daw ang ninong Kenzo niya ang Daddy niya ay nasaan daw at bakit hindi niya kilala. "Your Daddy ninong will surely get jealous if he found out about this," I teased him. "Mommy, it's our secret. Don't tell Daddy ninong, okay? Maybe he will not like me anymore." Natawa ako sa tinuran nito. "Fine. I will not tell Daddy ninong but you also have to promise me something... You should not run from your yaya anymore. See what just  happened to you? You almost gave Mommy a heart attack." "I'm sorry, Mommy. I will not do it again," agad nitong paghingi ng tawad. "Good." --- - GABRIEL - HABANG daan ay tahimik lang ako. Ngayon nakita ko siya ng personal ay sigurado na akong siya nga ang babaeng iyon noon sa club. Siya ang nakatalik ko ng gabing iyon. Siya ang babaeng paminsan-minsan ay dumadalaw sa mga panaginip ko. Mas nagmature lang ang itsura niya ng kaunti pero sobrang ganda parin niya. Pero bakit parang hindi niya ako kilala? Sabagay may mga tao talaga na kapag nalalasing ay hindi na alam ang mga nangyari ng nakaraang araw. May-anak na pala siya. Siguro ay nag-asawa narin siya matapos ang gabing nangyari sa amin base narin sa edad ng anak niya.  Parang may nararamdaman akong panghihinayang. Kung hinintay ko bang magising siya noong araw na iyon, posible kaya na kami ang nagkatuluyan? Siguro ay may anak na rin kami ngayon na kasing cute ni Finn.  Ipinilig ko ang ulo ko. “f**k, Gabriel! You should seriously forget her now! What happened that night was just a simple one night stand,” paalala ko sa sarili ko.   "Sir Gab, diba't si Pamela Lopez po ang nakita natin kanina? Iyong nanay noong batang iniligtas mo," basag sa katahimikan ni Melissa. "Siya rin diba yung gusto mo sanang gawin model ng bagong campaign-ad ng Paradise Valley Mall?" Hindi ako sumagot. Pinabayaan ko  lang siya magsalita. "Nag-asawa na pala 'yon, noh? Kaya siguro tumigil na sa pagmomodelo. Pero infairness ang sexy at ang ganda niya parin. Mukha ngang mas maganda pa siya sa personal kaysa doon sa mga posters at commercials sa tv na nakikita ko noon. Parang hindi man nagkaanak. Sabagay mayaman naman siya eh. Hindi talaga siya malulusyang lalo kung alaga siya ng napangasawa niya." Tumikhim ako. Para iparating kay Melissa na tumahimik na ito. Parang sumakit kasi bigla ang ulo ko. Ngunit nakalimutan ko na may pagkamanhid nga pala ito at medyo mahina rin ang common sense. Patuloy parin ito sa pagsasalita. "Ang cute din ng anak niya noh? Siguro ang gwapo din ng tatay. Sabagay kung ganoon ako ka ganda at ka sexy, hindi ako pipili ng basta-basta lang na mapapangasawa. Ang mga ganoong kagandahan ay nakapila ang choices ng lalaking mapapangasawa. Pipili nalang siya kung alin sa mga manliligaw niya ang gusto niya." "Paano ka naman nakakasigurong may-asawa? Nakita mo ba? Hindi mo ba alam na uso na sa panahon ngayon ang dalagang ina lalo na sa mga mayayaman?" sabat naman ng driver ko na isa rin chismosa, parang hindi lalaki.  "Porket ba hindi ko nakita ay wala na ring asawa? Ikaw talaga..." sagot ni Melissa dito. "Nakita mo ba kung gaano 'yon kaganda? Tingin mo ba ay basta-basta lang 'yon magpapabuntis? Sigurado akong nakapila ang mga lalaking gugustohin siyang mapangasawa noh." "Melissa, aren't you tired talking?" tanong ko na sa kanya. Hindi ba sumasakit ang bunganga niya kakasalita? Ako kasi ang tainga ko ay kulang nalang maglabasan na ang mga tutuli. "S-Sorry po, Sir Gab," agad nitong hingi ng paumanhin at nanahimik na sa inuupuan. Mabuti naman. Nakaintindi rin sa wakas! 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD